Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 78 - KABANATA 7

Chapter 78 - KABANATA 7

MASAYA silang sinalubong ng mga trabahador sa farm.

Kaagad siyang ipinakilala ng binata bilang anak ng babaeng pakakasalan ng ama nito. Lihim siyang natuwa roon dahil feeling niya hindi niya ikasisiya kung diretsahang ipakikilala siya ng binata bilang stepsister nito.

"Ikinagagalak kitang makilala hija" ani Mang Nardo, ang matandang katiwala ng buong farm.

"Ikinagagalak ko rin ho kayong makilala" aniyang kinamayan ang matanda.

"Eh saan ba ang punta ninyo?" ang matanda.

"Sa palaisdaan ho, para naman malibang si Louise" anang binatang nakangiti siyang sinulyapan.

"Tamang-tama, napalinisan ko na iyong kubo kanina. Kung sakaling gusto ninyong magpahinga, may susi ka naman niyon hindi ba? Siya sige lumakad na kayo nang mag-enjoy ng husto itong si Louise" pagtataboy pa sa kanila ng matanda.

Kumilos na sila at muling sumakay ng sasakyan, nakangiti pa siyang kinawayan ng mga trabahador kaya kumaway din siya. Why it feels like I'm home? Hindi ko maintindihan. Anang isip niya saka wala sa loob na nilinga ang binatang kasalukuyang imina-maniobra ang sasakyan. Nahuli niyang nakangiti itong sumulyap sa kanya.

"Gusto mo ba dito?" iyon ang unang pagkakataong may nagtanong sa kaniya ng ganoon kaya taka niyang nilinga ang binata.

"W-What?"

"Wala lang, naisip ko lang, kasi kung sasagot ka ng oo…" ang binatang ibinitin pa ang ibang gustong sabihin. "magiging masaya ako, as in masayang-masaya" pagkasabi noon ay malapad ang pagkakangiti pang nagtaas-baba ang makakapal nitong mga kilay.

Hindi niya napigilan ang mapabungisngis sa ginawing iyon ng binata.

"Baliw!" aniyang umiiling na itinuon ang paningin sa labas ng bintana. Mga tanim na mais na ang nakikita niya sa dinaraanan nila.

"Ang lahat ng ito inyo?" hindi makapaniwala niyang naitanong habang tinatanaw ang napakalawak na lupain.

"Sa Lolo at sa Dad, hindi sa akin" ang binatang tumawa ng mahina.

"Bakit ayaw mo ba nito?"

"Hindi naman, nagsasabi lang ako ng totoo" anitong nangingiti.

Tumango-tango siya nang makuha ang ibig nitong sabihin. "Pero maganda dito, ang totoo parang nanghihinayang nga akong hindi ako dito lumaki. Mababait ang mga tao, simple ang buhay, parang pamilya ang lahat. Anyway kung hindi naman lumipat ng Maynila ang pamilya nina Mama baka wala ako, kasi hindi sila magkikita ng Papa."

Nakangiti siyang nilinga ng binata. "So that means you like it here?"

"Koreksyon, I love it here! Magkaiba iyon, mas malalim ang emosyon ng love sa like!" masaya niyang bulalas.

"Ows? O baka naman gusto mo lang akong mapasaya?" anito sa nanunuksong tinig.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para makontrol ang pagbungisngis. "Sira! Kahit sino magugustuhan dito!"

"No, may mga babaeng ayaw ng ganito. Alam mo iyong mas type ang mag-shopping at mag-party. Sa dami na ng babaeng nagdaan sa buhay ko, I should know" anito.

"Bakit ilang babae na ba ang nadala mo dito? Kung iyong nakita kong eksena sa CR two years ago mukhang kilala ko na ang likaw ng bituka mo eh" napuno ng malakas na tawa ng binata ang loob ng sasakyan.

"Kapag sinabi kong ikaw palang, maniniwala ka?" tila nanunubok nitong tanong saka pinatay ang engine ng sasakyan.

Bago pa man siya nakasagot nakababa na ang binata at umikot para pagbuksan siya ng pinto. Tinanggap niya ang kamay nito kasabay ang pamilyar na kuryenteng mabilis na dumaloy sa katawan niya. Aksidenteng nagtama ang mga mata nila ni Raphael, hindi niya alam kung anong klase ng pwersa mayroon ang mga mata nito para mawala siya sa sarili.

Kaya hindi niya namalayan ang pagkawala niya ng balanse. Nahawakan naman nito ang baywang niya, at sa kagustuhang hindi matumba ay mahigpit siyang yumakap sa binata. Pero mukhang hindi handa doon ang binata kaya ang ending ay natagpuan nalang niya ang sariling nakaibabaw kay Raphael nang pareho silang bumagsak sa damuhan.

"Kapag ba nabuntis mo ako eh pakakasalan mo ako?" tukso nito.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "A-Ano?

Umangat ang sulok ng labi ni Raphael saka hinagod ng tingin ang kanyang mukha. "Sa ganda mong iyan, wala na akong hahanapin pa."

Nag-iinit ang mukha siyang umalis mula sa pagkakadapa sa katawan ng binata. Wala sa loob niyang naitukod ang isang kamay sa dibdib ni Raphael. Iglap na nagbalik sa isip niya ang eksena sa loob ng kanyang kwarto nang magising siyang yakap-yakap ng binata. Agad niyang inalis doon ang kamay at nagmamadaling tumayo.

"Come, tulungan mo akong dalhin ang mga gamit natin doon sa kubo. Para makapag-start na tayo" lihim niyang ipinagpasalamat ang ginawang pagliligaw ni Raphael sa usapan.

Kahit paano ay naramdaman niyang nabawasan ang tensyon sa paligid.

"Ibibigay ko sayo ang unang huli ko, kasi ito ang first time kong mamingwit at sinamahan mo ako" masigla niyang sabi saka kinuha sa binata ang plastic basket.

"Talaga? Wala na bang ibang pwedeng dahilan? Iyong mas malalim?" makahulugan nitong tanong pa.

"Huh? Anong sinasabi mo?" naguguluhan niyang tanong-sagot.

Nagkamot ng ulo ito ang binata. "I mean, like, special ako sayo? Or crush mo ako?" sa huling sinabi ng binata ay mabilis siyang pinamulahan.

"Heh! Hindi pwede no! Saka kung sakali, bakit ko naman aaminin sayo?" aniyang umikot ang mga mata pagkuwan.

"Ha! That means meron nga! Oh well!" maluwang ang pagkakangiti nitong nagkibit pa ng balikat.

Napasimangot siya sa narinig. "Oh wala akong sinabing ganon! Huwag kang assuming!" malakas niyang sabi.

"Whoa! For the first time in my life may babaeng tumawag sakin niyan! Assuming!" ang tumatawang bulalas ng binata. "anyway, ano nga iyong sinasabi mong hindi pwede?" nang nasa kubo sila ay pinaupo siya ni Raphael sa upuang kawayan.

Pinatatag niya ang sarili para sagutin ang tanong na iyon ng binata na kasalukuyan binubuksan ang kandado ng pinto. "H-Hindi pwede kasi m-magkapatid na tayo ngayon!"

Itinulak pabukas ng binata ang pinto pagkatapos ay tinabihan siya. "Hindi tayo magkadugo at higit sa lahat hindi ka legal na inampon ni Dad, kaya pwede tayong magkatuluyan" seryoso nitong sabi.

"H-Hindi magandang tingnan na nasa loob tayo ng isang mansyon, k-kung sakali, p-pwede tayong pag-usapan ng mga katulong."

Ngumiti ang binata, napigil niya ang kanyang paghinga nang maramdamang humaplos ang hintuturo nito sa kaliwa niyang pisngi.

"Hindi pa siguro nasasabi ng Dad sayo. Kanya ang condominium tower sa San Jose. Iyong penthouse, iniregalo niya sa akin for my twenty-first birthday. Pwede akong mag-stay doon anytime, kasi akin iyon" napipilan siya.

"Kaya kong gawan ng paraan ang lahat ng balakid, just to be with you" paanas nitong sabi saka bahagyang kinurot ang kanyang baba.

Hindi na siya nagsalita, ayaw na niyang pahabain ang usapan. Worried kasi siyang baka kung saan iyon humantong lalo't mukhang malakas makiramdam si Raphael, o baka kasama iyon sa maraming advantages na mayroon ito hindi bilang lalaki kundi bilang playboy?

Dahil gaya narin ng sinabi nito, sa dinami-rami na ng mga babaeng nagdaan sa buhay nito, malamang hindi na matatawaran ang karanasan nito.