Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 76 - KABANATA 5

Chapter 76 - KABANATA 5

"ANONG nangyayari dito?" bungad ni Ralph kasunod si Hilde."Raphael! What are you doing here? At bakit ganyan ang ayos mo?" ani Ralph sa lalaking nakatayo parin sa paanan ng kanyang kama.

Noon umiling-iling si Raphael, ang kanyang stepbrother? "I'm sorry, sa sobrang kalasingan ko hindi ko napansin na maling kwarto pala ang napasok ko" anitong isa-isang pinulot ang nagkalat nitong damit sa sahig.

Nanatili siyang tahimik dahil pakiramdam niya ay parang umatras ang dila niya dahil sa nakikita niyang tila masarap na agahan sa kanyang harapan. Kulang nalang humingi siya ng butter at kape dahil sa mapandesal na pangangatawan ng gwapong lalaking sa tila nagpa-fashion show sa kanyang harapan.

Iyon ang unang pagkakataong nakakita siya ng hubad na katawan ng isang lalaki. Kaya hindi niya napigilan ang matulala nang mapagmasdan ng husto ang perpektong abs ng binata nang umangat ito mula sa pagkakayuko sa pinupulot na mga damit. Sa pagtatama ng kanilang paningin ay nakita niya ang amusement sa mukha nito. Alam niyang nakita nito ang ginawa niyang pagtitig sa abs nito. Noon nag-init ang kanyang mukha kaya mabilis siyang nagbawi ng tingin.

"Sige na lumabas kana, ikaw talagang bata ka. Puro ka kalokohan!" sermon pa ni Ralph dito.

Nagkamot ng ulo nito si Raphael saka siya napapahiyang nginitian. "I'm sorry" anito saka inilahad ang kamay sa kanyang harapan. "by the way, Louise, right? I'm Raphael. Welcome to the family."

Awtomatiko siyang napangiti saka tinanggap ang kamay nito. "T-Thank you" ang tanging nasabi niya saka mabilis na binawi ang sariling kamay nang maramdaman ang kakaibang daloy ng kuryente.

Tumango lang si Raphael. "Matulog kana ulit" anito bago tuluyang lumabas kasunod si Ralph at ang nakangiting si Hilde.

SA loob ng kanyang kwarto, katabi mismo ng kay Louise siya nagtuloy at naligo. Alam niyang kahit anong gawin niya nang mga sandaling iyon ay hindi narin siya muling makakatulog. Dahil okupado na ng dalaga ang kanyang isipan. Makalipas ang kulang isang oras ay bumaba na siya ng komedor. Nagulat pa siya nang makitang walang tao doon maliban sa mayordoma nilang si Manang Doray.

"Bakit walang tao dito Manang?" aniya saka naupo.

Nilapitan siya ni Manang Doray saka nilagyan ng kape ang kanyang tasa. "Ang Lolo mo may maagang meeting raw sa SJU, ang Daddy mo naman at si Ma'am Hilde eh may kakausapin raw na tao. Baka iyong nag-aayos ng kasal nila."

Agad na nabitin sa ere ang hawak niyang tasa sa pagkakakita kay Louise na kapapasok lang ng komedor. Napakaganda, kahit simpleng dilaw na dress lang ang suot. Ang buhok nitong medyo basa pa ay malalaki ang kulot na may habang lampas balikat. Itim na itim iyon kagaya ng kay Hilde at nagkaroon ng magandang contrast sa bestida nito.

Minana rin ni Louise ang mga mata ng ina nito. Berde at bilugan. Parang emerald stone na may makakapal at malalantik ring pilik. Red kissable lips, rosy white skin, magandang ilong. At masasabi niyang ito ang mukhang kailanman ay hindi niya pagsasawaang pagmasdan. Dahil sa kabila ng simplicity nito, hindi niya maunawaan kung bakit para siyang nawawala sa sarili niya nang mga sandaling iyon.

Nang kumilos ang dalaga para maupo ay noon siya tila naalimpungatan. "G-Good morning!"

Ngiti lang ang isinukli nito saka sinimulang lagyan ng pagkain ang sariling plato ng nakayuko. Halatang naiilang ito sa kanya. Sa isiping iyon ay napangiti siya. "G-Good morning."

"How was your sleep?" sinubukan niyang maging tunog kaswal at kahit paano ay nagtagumpay naman siya.

Itinaas ni Louise ang ulo saka ngumiti. "Okay naman."

"I'm sorry ulit kanina, pangako hindi na mauulit" totoo iyon. Pero iyong pinag-sisihan niyang nangyari iyon ay hindi yata mangyayari dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya naranasan niya ang sayang hatid ng simpleng yakap lang.

Namumula ang mukhang umiling ng magkakasunod si Louise. "Kalimutan na natin iyon, tapos na iyon eh. Sorry din kasi naitulak kita, iyon kasi ang unang beses na may yumakap saking lalaki maliban kay Papa kaya…" hindi na itinuloy ni Louise ang ibang nais sabihin na nakuha naman niya ang ibig sabihin.

"Kaya naisip mong minamanyak at balak kitang reypin?" biro niya sa kagustuhang hawiin ang pagkailang sa magandang mukha ng kaharap.

Napalunok doon ang dalaga saka tumawa ng mahina pagkatapos. "Kinda' alam mo na, lumaki akong si Mama ang kasama ko kaya ganoon. And isa pa sa isang exclusive school for girls ako tumanda."

"Okay, pero siguro dapat masanay kana. Kasi hindi ba dito kana titira kapag naikasal na ang mga parents natin?" sinusubukan niyang hulihin ang loob ni Louise sa pamamagitan ng simpleng kwentuhan lang. Well dapat lang siguro iyon dahil hindi magtatagal magiging bahagi na ito ng pamilya nila. Magiging parang kapatid narin niya. Sa huling naisip ay mabilis na umayaw ang puso't isipan niya."are you okay?" aniyang pinakatitigan ang mukha ng dalaga. Pakiwari niya may isang pamilyar na imahe sa isipan niya ang tila nagiging kamukha nito.

"Yeah! Pasensya kana, medyo nag-aadjust pa kasi ako. Inilihim kasi ni Mama sa akin ang relasyon nila ng Daddy mo for two years" prangka nitong sagot saka tuwid na tumitig sa kanyang mga mata.

Nagkibit siya ng balikat. "Ganoon ba, anyway sana lang ay magawa mong tanggapin kami kasi ang totoo I really want you to be a part of this family" pero hindi bilang kapatid ko Louise. Ang gusto pa sana niyang idugtong pero nagpigil siya.

Nagliwanag ang mukha ni Louise sa sinabi niyang iyon. "That's sweet! Anyway aakyat na ako, see you around" anitong tinapos na nga ng tuluyan ang pagkain at nakangiti siyang iniwan.

Sinundan niya ng tingin ang bulto ni Louise. Lihim pa niyang hinangaan ang graceful nitong paglalakad para lang matigilan nang may maalala. Hindi mo na ba ako natatandaan Cinderella? Or should I say Lovely Hair? Ang isip niya saka muling nilinga ang pintuang nilabasan ni Louise. Sa puso niya ay naroon ang kakaibang haplos ng tuwa na ngayon lang niya naramdaman.

SA veranda ng kanyang kwarto naglagi si Louise mag-agahan. Gustuhin man niyang ikutin ang labas ng mansyon ay parang big deal sa kanya ang presensya ni Raphael. Hindi niya maintindihan pero ang kabang nasa puso niya tuwing nasa paligid ang binata ay parang permenente na.

Noon biglang lumitaw sa isipan niya ang gwapong mukha ng binata. Paano nga naman siyang hindi kakabahan kung napaka-artistahin ng lalaking kaharapan niya? Parang feeling nga niya ay walang panama ang kahit sinong local artist sa karisma nito dahil ang totoo pwede mong ihanay sa ilang kilalang Hollywood stars gaya nalang ni Josh Duhamel ang charm ni Raphael. Napaka-gentle ng boses nito na humahaplos sa puso niya. Doon kinikilig siyang napangiti.

"Ang sabi nila dalawa lang daw ang posibleng rason kaya ngumingiti ng mag-isa ang isang tao" marahas siyang napahugot ng hininga saka nilingon si Raphael na nakapamulsang humahakbang palapit sa kanya. Agad siyang kinabahan. "Pwedeng nasisiraan ng ulo o kaya naman eh in love" tinabihan siya saka tinitigan nang may kakaibang ngiti sa mga labi.

Kumurap-kurap siya saka nagbawi ng tingin nang hindi makatagal. "M-may naalala lang ako" aniyang pinilit na ngumiti.

"Sabagay, sa ganda mo ba namang iyan, ayokong isiping nasisiraan ka ng bait. Kaya ia-assume ko nalang na in love ka" pabirong turan ni Raphael.

"Really? Kanino naman?" pinili niyang sakyan ang biro ng binata kahit ang totoo ay nakaramdam siya ng takot na baka buking na nitong crush niya ito.

Sandali muna siyang pinakatitigan ng binata bago nagsalita. "May gusto akong itanong sayo Lovely Hair."

"L-Lovely Hair?" kunot-noo niyang tanong.

Parang naparalisa ang katawan niya nang nakangiting hinaplos ni Raphael ang buhok niyang bahagya ng tinuyo ng malamig na ihip ng hangin.

"I love your hair, bukod sa mga mata mo. Noon pa mang unang beses na nagkita tayo alam kong I found the softest hair my hands would love to touch, and the eyes that I'd die to gaze upon" sa lambing ng tinig ng binata, huwag pang isama ang matamis nitong ngiti at maningning na mga mata ay literal siyang napahugot ng malalim na hininga.

"U-Unang nagkita?" paglilinaw niya pagkuwan saka may kung anong tila eksenang unti-unting nanumbalik sa kanyang gunita.

"Hindi mo na ba talaga naaalala? Ilang beses tayong nagkita na? Ngayon lang talaga tayo nagkakilala. Isn't it magical?" nasisiyahan nitong sabi.

Matagal niyang pinagmasdan si Raphael. At noon tila nagkaroon ng linaw sa kanya ang sinasabi nito nang mula sa maiitim na mga mata ng binata ay parang DVD na nag-playback sa kanyang alaala ang lahat ng nangyari.

"Oh! I-Ikaw iyong sa CR!" bulalas niya.

Nagkamot ng ulo nito ang binata. "Iyon talaga ang naalala mo huh! Anyway I really am glad to see you again. Ang liit lang pala ng mundo nating dalawa. Mukhang kahit aling daan yata ang tahakin ko, it will surely lead me back to you. Nakakatuwa pero kahit kasi hindi tayo maghanapan, nagkikita parin tayo" nag-iinit ang mukha siyang nagbaba ng tingin.

Magsasalita sana siya pero napigil iyon nang tumunog ang telepono ni Raphael. Noon siya nakakita ng chance para iwasan ang binata dahil sa nararamdamang pagkailang nang mga sandaling iyon. Pero hindi pa man siya nakakaupo ay narinig na niya ang tinig nito.

"Bihis kana, aalis tayo" anitong nakadungaw sa pintuan ng kanyang silid.

Nagsalubong ang mga kilay niya. Gusto niya ang idea na iyon, pero hindi siya kumportable dahil nga sa kakaibang damdaming mayroon siya para rito. "S-Saan tayo pupunta?"

Natawa ng mahina ang binata."Tumawag ang Dad, kakain daw tayo ng lunch sa labas. Hihintayin kita sa baba" pagkasabi niyon ay pumasok narin ito sa sarili nitong kwarto