Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 75 - KABANATA 4

Chapter 75 - KABANATA 4

"SIGURADO ka ayaw mong kumain?" paniniyak ni Hilde nang samahan siya nito at ni Ralph sa kanyang magiging kwarto.

Nakangiti siyang umiling. "Okay lang ako Ma, pasensya na po kayo Tito. Talagang masama lang ang pakiramdam ko" paumanhin niya kay Ralph na nakangiting nakikinig sa usapan nilang mag-ina. "babawi nalang po ako mamayang dinner."

Matamis siyang nginitian ni Ralph. "No worries hija, magpahinga kana. Magpapaakyat nalang ako ng pagkain at gamot mo mamaya. Kung may kailangan ka sa Mama mo nasa dulong silid ng pasilyong ito ang guestroom na okupado niya."

Sinundan niya ng tingin ang dalawa hanggang makalabas ang mga ito ng silid. Kung ang first impression niya kay Ralph ang pag-uusapan mukha naman itong mabuting tao. Magaan kasi ang pakiramdam niya dito at nakikita niyang mahal na mahal nito ang kanyang Mama. Pero hindi niya maiaalis ang makaramdam ng bahagyang selos para sa Papa niya.

Noon muling nilukob ng lungkot ang puso ni Louise. Kasama narin ang napakaraming tanong na paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan. Kung nasaan na ito? At kung ano na ang lagay nito?

Mabigat ang pakiramdam niyang ibinagsak ang sarili sa malambot na kama saka pagkatapos ay matagal na nakipagtitigan sa kisame ng maganda at napalaki niyang silid. Kahit yata dalawang beses sobra pa kung ipapasok ang iniwan niyang kwarto sa bahay nila ng Mama niya sa Maynila. Hindi tumitinag sa pagkakahiga niyang nilinga ang sliding glass door.

Kanina habang tinatahak ng sasakyan ang driveway, napuna niyang wraparound ang balcony ng mansyon. So malamang palabas ng veranda ang pinto at hindi nga siya nagkamali. Itinodo niya ang bukas niyon, nakita niyang sa kanang bahagi ay may isa pang pinto na kagaya ng sa kwarto niya. Kung kanino kwarto iyon hindi niya alam.

Bumalik siya sa loob ng silid matapos pagsawain ang paningin sa napakagandang tanawin. Panahon ng anihan kaya maraming umpok ng dayami sa mga sakahang nagapasan na. Habang ang mabangong hanging probinsya ang nagdulot sa kanya ng hindi maipaliwanag na damdamin para magustuhan agad ang lugar na iyon. Ilang sandali pa at naramdaman na niya ang tila pamimigat ng talukap ng kanyang mga mata kaya bumalik na siya sa loob ng kanyang silid at nahiga.

"GOOD you're home, ikaw nalang ang hinihintay namin" si Ralph pagpasok niya ng komedor. Nakadulog narin sa mesa ang Lolo niya at maging si Hilde na agad niyang nilapitan at hinalikan sa pisngi bago iniabot rito ang isang bouquet ng assorted flowers na binili niya sa nadaanang flowershop.

"Thank you hijo" ang masayang turan ni Hilde saka iniabot sa katulong ang mga bulaklak. "sayang at hindi natin makakasalo for lunch si Louise. Masama kasi ang pakiramdam niya at nakiusap na magpahinga nalang" paliwanag nito saka nilagyan ng kanin ang kanyang plato. Lihim siyang natuwa, mula ng mamatay ang Lola niya ay wala ng ibang gumawa ng ganoon sa kanya. "I just hope she can make it for dinner."

"Kasama na po ninyo ang anak ninyo Tita?" hindi niya maintindihan pero bigla siyang nakaramdam ng panghihinayang na hindi niya ito nakasalo sa dapat sana'y unang lunch nito sa mansyon.

Sa pagkakaalam niya hindi alam ng anak ni Hilde ang tungkol sa relasyon nito at ni Ralph. Iyon ang dahilan kung bakit wala siyang ideya maliban sa pangalan nito. Bukod pa roon ay iyon pa lamang ang ikalawang pagkakataong nagkita sila ni Hilde. Ang una ay nang mag-set ng dinner date ang Daddy niya kasama ito. At nang may maalalang pangyayari sa gabi ring iyon ay wala sa loob siyang napangiti. Nasa ganoong ayos siya nang marinig ang tunog ng cellphone sa kanyang bulsa.

"Hijo, alam mong ayoko ng cellphone sa hapag kainan" ang Lolo niyang si Paeng na salubong ang mga kilay siyang pinagmasdan.

"I'm sorry, sasagutin ko lang ito. Excuse me" aniyang mabilis na tumayo at lumabas ng komedor nang mapag-alamang si Dave ang tumatawag.

"Sino iyon?" ang Daddy niya.

"Si Dave, nagyayayang lumabas daw kami mamaya. Sa tingin ninyo?" paalam niya sa ama. Hinahayaan naman siyang magdesisyon ng mga ito ng para sa sarili niya. Pero alam naman kasi niyang ang presence ni Hilde at ang anak nito ang importante sa ngayon lalo at iyon ang unang araw ng mag-ina sa mansyon.

"Alam mo namang ito ang unang araw ng Tita mo at ni Louise___" hindi na naituloy ni Ralph ang iba pang gusto nitong sabihin.

"It's okay hijo, may bukas pa naman" anitong sinulyapan ng makahulugan si Ralph. "Para naman makapagluto rin ako ng kahit ilang putahe, para sayo. Ano bang paborito mo?"

Nakangiti siyang sumagot. "Kayo na po ang bahala."

MADALING araw na siyang nakauwi. At dahil naparami ng inom minabuti ng mga kaibigan niyang ipasundo nalang siya kay Mang Lito. Ang kanilang family driver. "Sigurado ka kaya mong umakyat sa kwarto mo hijo?" tanong ng matanda.

Nginitian niya ito. "Oo naman Mang Lito" aniyang sinenyasan lang ang matanda saka na umakyat.

Iyon ang unang pagkakataong naparami siya ng inom. Gaya ng dati silang apat lang ang magkakasama. Bonding, hanggang sa naikwento niya ang nakita niya sa sinehan na naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Jane. Noon siya inulan ng tukso ng tatlo lalo na ni Dave. Kaya raw siguro panay ang tungga niya ng alak ay dahil sa brokenhearted siya at ayaw lang niyang aminin. Ang totoo naman kasi ay naparami lang talaga ang inom niya. Iyon lang, wala ng iba.

Pinihit niya ang knob ng pinto. Hindi na siya nagbukas ng ilaw dahil papatayin rin naman niya ang mga iyon. Naramdaman niya ang lamig na nagmumula sa veranda. Baka naiwan iyong bukas ng katulong kanina. Hinayaan lang niya iyon, pagkatapos ay naghubad ng damit at tanging ang suot na boxer shorts ang iniwang saplot sa katawan. Hindi niya tiyak kung dala ng hangin ang mabangong scent na umaakit sa lahat ng senses niya pero isa lang ang sigurado. Gusto niya ang amoy niyon, lalo tuloy siyang tila nawala sa sarili kaya nang maihiga ang katawan sa malambot na higaan ay mabilis siyang tinangay ng malalim na pagtulog.

KINABUKASAN, naalimpungatan si Louise na tila may kung anong mabigat na bagay ang nakadantay sa mga hita niya at mahigpit na nakapulupot sa baywang niya. Napangiti siya saka wala sa loob na pumihit paharap dito. Mabango ang cologne na gamit nito kaya wala sa loob siyang muling napangiti at saka minabuting isiksik pa ng husto sa malapad nitong dibdib saka gumanti ng mahigpit ring yakap.

Ang malalaki nitong bisig, nanatiling nakayakap rin sa kanya. Noon tila binuhusan ng malamig na tubig siyang napadilat saka inilayo ang sarili sa lalaking mahimbing na mahimbing ang tulog. Kusang kumawala sa kanyang ang isang napakalakas na tili at saka itinulak palayo sa kanya ang lalaki. Sa lakas ng pagkakatulak niya rito ay nahulog pa ito sa kama dahilan kaya ito kumalabog at nagising.

"Maaaa!!!! Mama!!!!" tili niya saka inabot ang isang unan at sunod-sunod na inihampas sa lalaking nakita niyang parang wala parin sa sarili.

"Manyak! Bakit ka nandito sa kwarto ko? Siguro gusto mo akong reypin ano?" magkakasunod niyang paratang habang pandalas ang hampas ng unan sa lalaking tila noon lang natauhan at mabilis na inagaw sa kanya ang unan.

"Hey! Ano bang sinasabi mo? Bakit naman kita rereypin?" sabihin mang bagong gising ang lalaki at salubong ang mga kilay. Magulo man ang layered cut nitong buhok, sa pagkakatitig niya sa mukha nito ay parang tumigil sa pag-inog ang kanyang mundo. Walang dudang ito na ang pinakagwapong lalaking nakita niya. Pero hindi rin niya maunawaan kung bakit parang nakita na niya ito noon. Hindi lang niya matiyak kung saan at kailan pero parang nagkakahugis ang mukha nito sa kanyang alaala.