"ARE you hungry?" tanong sa kanya ni Hildegarde, ang kanyang Mama. Sunday, pauwi sila noon sa bayan ng Mercedes para sa paghahanda ng kasal nito at ng isang Raphael Dela Merced Jr. o Ralph. Ayon sa Mama niya iyon raw ang nickname ng katipan nito.
"No" sagot niyang pinanatili ang paningin sa labas ng bintana ng kulay itim na Mitsubishi Strada na minamaneho ng ina.
Narinig niya ang malalim na buntong hiningang pinakawalan ni Hilde. Hindi niya maikakailang may hatid iyong kurot sa kanyang dibdib saka nagbalik sa isip niya ang namagitang usapan sa kanila ng ina isang linggo na ang nakalipas.
"You're getting married? K-kanino? Saka paano na si Papa?" gulat na gulat na tanong ni Louise sa ina.
"Yes, and we will be leaving soon. Ikakasal na kami ni Ralph in two weeks time. Infact effective na ang resignation ko sa office next week" ang tinutukoy na office ng kanyang ina ay ang malaking electric company kung saan isa itong executive assistant.
Tinitigan niya ng matagal ang ina. Tinitiyak kung seryoso ito sa sinabi pero wala siyang mabasang biro sa mukha nito. "Hindi ninyo pwedeng gawin ito ng basta-basta nalang Mama" matigas ang tinig niyang tanggi.
"I'm sorry, hindi ko nasabi ng maaga sayo. Alam ko kasing hindi ka papayag."
"Pero ginawa ninyo at nagawa pa ninyong ilihim sa akin ang pakikipagrelasyon ninyo sa Ralph na iyon for two years!" sinikap ni Louise huwag haluan ng panunumbat ang tinig pero nabigo ito.
"Louise, hindi kita pinuntahan dito sa kwarto mo para makipagtalo sayo. And besides hindi rin ako nagpapaalam sayo anak, sinasabi ko lang sayo ang naging pasya ko" paliwanag ni Hilde sa mababa paring tinig.
Naiiling siyang natawa. "Really? So that means kahit anong gawin ko matutuloy at matutuloy parin ang plano ninyo?"Kibit lang ng balikat ang nakuha niyang tugon mula sa ina. "I can't believe this."
Noon nagbaba ng tingin si Hilde. "I really am sorry hunnie, natakot akong ipagtapat sayo ang lahat.Pero believe me, mabuting tao si Ralph" naramdaman niya ang tunay na kaligayahang nasa tinig ng ina kaya muli niya itong pagmasdan ng matagal.
"Hindi ko maintindihan Ma, paano kayo magpapakasal sa iba? Paano kung bumalik ang Papa?" naiintindihan naman niya ito. Pero ang kanya lang, mas pipiliin parin niyang sa sariling ama makasal ang Mama niya. At least mabibigyan na ng katuparan ang pangarap niyang isang masaya at buong pamilya.
Noon siya nilapitan ni Hilde saka ginagap ang isang kamay. "Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag ang lahat sayo. Mahirap, lalo na't napakabata mo pa. Pero in time, alam kong maiintindihan mo rin ako, sana lang hayaan mo akong maging masaya sa piling ng lalaking mahal ko at mahal din ako" anitong tumitig ng tuwid sa kanyang mga mata.
"Hindi na ba ninyo kayang maghintay kay Papa, Ma?" hindi niya napigilan ang pagkawala ng ilang butil ng luha. "remember, ten years ago he promised na babalikan niya tayo" totoo iyon. At ang pangakong iyon lang ang tanging pinanghahawakan niyang babalikan sila ni Arthur , ang kaniyang Papa.
Mabilis na pinahid ni Hilde ang kanyang mga luha. "Ginawa na natin ang lahat hindi ba? Hinanap na natin siya sa Facebook. Don't you think oras na para sa bagong chapter ng buhay natin at isara ang parteng iyon? Masyado ng matagal ang sampung taon anak. Ni hindi natin alam kung nasaan siya ngayon?"
Wala sa loob siyang napahikbi. "I-I'm sorry Mama" aniyang umiiyak na yumakap sa ina.
Napapikit siya nang maramdaman ang marahang paghaplos ni Hilde sa kanyang likuran. Hindi niya alam kung para saan ang mga luhang iyon. Pero siguro para iyon sa katotohanang alam niyang nabigyang linaw na. Hindi na babalik si Arthur.
"Hush, hindi ba noong maliit ka madalas mong sabihin sa akin na sana may kuya ka? You know what, magkakaroon kana ng kuya? Mabait siya at sigurado akong aalagaan ka niya kapag nasa SJU kana" sa huling tinuran ng ina'y napatitig siya rito.
"SJU? Saka what do you mean kuya? Aampunin ba ako ni Ralph?" salubong ang mga kilay niyang tanong.
"St. Joseph University, doon ka magka-college. Actually doon ako graduate, bago kami lumipat ng Lolo at Lola mo dito sa Maynila" kwento ng kanyang ina. "and for your second question, nope. Hindi ka aampunin ni Ralph, I just want you to know na may anak siyang lalaki, mabait siya and tiyak na magkakasundo kayo."
Tumango si Louise saka nagpahid ng mga luha."Paano itong bahay?"
Nakangiting hinaplos ni Hilde ang kulot niyang buhok. "Don't worry, kukuha ako ng caretaker. Alam ko namang mahalaga ito sayo dahil iniwan ito sa atin ng Lolo at Lola mo."
Naramdaman niya ang mainit na palad ni Hildegarde ilang sandali pagkatapos. Noon niya nakangiting nilinga ang ina. "Thank you."
"Thank you?" aniya.
"For being a wonderful daughter."
"Kanino ba naman ako magmamana?" pabiro niyang tanong-sagot saka natawa pagkuwan.
Tumawa rin si Hilde. At sa loob ng ilang sandali nanatili siyang nakatitig sa ina. Anim na taon siya nang magpaalam sa kanila si Arthur para ayusin ang ilang importanteng bagay. Kung saan at ano hindi nito sinabi. Ang pangako nito sa kanya ay babalikan siya.
Tandang-tanda pa niya, bago ito umalis ay iniwanan siya ng Papa niya ng isang notebook. Ang sabi nito isulat raw niya doon ang lahat ng gusto niyang ikwento rito. Nang sa gayon ay maging updated ito sa lahat ng na-missed nitong pangyayari sa buhay niya oras na magkita silang muli at mabasa iyon.
May ilang pahina na ng notebook na iyon ang nasulatan na niya. At iyon ay sa mga espesyal na pangyayari ng buhay niya gaya nalang ng nagdaang high school graduation kung saan siya ang Valedictorian ng kanilang batch sa eskwelahan kung saan siya nag-aral mula Primary hanggang Secondary.
"Here we are" si Hilde nang itinigil nito sa tapat ng isang malaking masyon ang sasakyan.
Pinilit niya ang ngumiti sa kabila ng mabilis sa pagdamba ng kaba sa dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ang buhay na naghihintay sa kanya sa mansyong iyon pero hindi niya maikakailang magaan ang pakiramdam niya sa kabila ng kabang nararamdaman niya. Kahit pa sa puso at isip niya naroon ang matinding kirot at pagkahabag na nararamdaman para sa ama.
"Gusto kitang makita Papa, gusto kitang hanapin."