Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 69 - KABANATA 21

Chapter 69 - KABANATA 21

"I LOVE you so much. Careen."

"I lo.." nang muli siyang halikan ni Lemuel ay nabitin ang lahat ng gusto niyang sabihin.

At kagaya ng lagi niyang reaksyon tuwing hinahalikan siya ng binata, mabilis nanaman siyang nawala sa sarili niya kasabay ng pagpapaubaya.

Ilang sandali at mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata saka nilasap ng husto ang maiinit na halik ng binata. At sa tuwing magkakaroon siya ng pagkakataon ay sumasagap siya ng hangin kapag pinakakawalan ni Lemuel ang kanyang mga labi.

"E-Em" nang magsimulang maglikot ang kamay ng binata.

Pero hindi nagsalita ang binata at sa halip ay muling ikulong ang kanyang mga labi. Sinubukan niyang tugunin ang halik na iyon, pero masyadong malalim at mapusok. Para bang ayaw siyang bigyan ng pagkakataong tumugon kaya muli niyang tinanggap pagkatalo.

Masasabi niyang iyon ang pinakamasarap na pagkatalong naranasan niya. Dahil sa bawat ng haplos ng mainit nitong palad sa balat niya. Kasabay ng maalab nitong halik sa mga labi niya, totoong nakalimutan na niya ang lahat dahil hindi niya namalayang nagawa na palang itaas ng binata ang laylayang ng suot niyang bestida kaya malaya nitong nahahaplos ang likuran at maging ang baywang niya.

Tatlong magkakasunod na katok. Agad siyang nakaramdam ng takot kaya nagmamadali niyang inayos ang sarili.

"Magtago ka sa banyo, bilis" bulong sa kanya ni Lemuel na natatawa.

Napangiti narin siya. "Ayusin mo ang buhok mo, magulo" sa nobyo na sumunod naman sa sinabi niya habang siya ay nagmamadaling pumasok ng CR. Hindi nagtagal at narinig narin niya ang katok sa dahon ng pinto. "sino iyon?."

"Si Mommy, hinahanap ka. Sabi ko baka nagpapahinga ka."

Nakahinga siya ng maluwag. "Sige na lalabas na ako, teka baka naman makita ako ng Tita diyan sa pasilyo?"

"Hindi, pumasok na sa kwarto nila. Sige na kumain ka na, alam ko hindi ka pa naghahapunan."

Tumango siya. "Ikaw, kumain ka na ba?"

Malisyoso ang ngiting sumilay sa mga labi ng binata. "Hindi ba katatapos lang?" nang makuha niya ang ibig nitong sabihin ay agad siyang pinamulahan.

"Pilyo ka talaga" natatawa niyang hinampas ang braso ng nobyo.

"Sige na, maaga pa tayo bukas. O baka gusto mong dito na matulog katabi ko?" kasabay ng pagtaas-baba ng makakapal na kilay ng binata.

"Heh! Sige na, I love you" aniyang pinihit ang knob.

"I love you more" si Lemuel na humalik pa sa kanyang noo.

BIYERNES nang hapon, kaaalis lang ni Lemuel para pumasok sa pabrika at siya naman ay tamang nakapagbihis na nang makatanggap siya ng tawag mula kay Ruby, nagkamalay na si Bianca. Pinalitan na raw ng doctor ng oxygen mask ang ventilator nito.

Sa simula ay natuwa siya, pero nang sabihin ng ginang na in a week or less ay kailangang maoperahan ang kaibigan niya'y mabilis na naglaho ang tuwang nararamdaman niya. Nasa waiting list na si Bianca ng mga nangangailangan ng heart donor. Sinubukan niyang dalawin ang kaibigan pero sinabihan siya ni Ruby na babalitaan nalang siya nito sa anumang development ng kundisyon ni Bianca.

Lunes ng tanghali, papunta siya nang canteen. Tinext niya si Lemuel na doon na sila magkita. Papasok na siya ng kainan nang makatanggap ng tawag.

"Tita Ruby?" ang pamilyar na kaba sa dibdib niya ay naroon nanaman.

"H-Hija…" humahaguhol na iyak ng nasa kabilang linya.

Sa narinig ay agad siyang kinabahan. Alam niyang critical na ang lagay ng kaibigan niya, pero ang marinig ang ganitong klase ng pag-iyak mula sa ina nito? Noon siya napaluha at parang wala sa sariling halos takbuhin niya ang driveway ng SJU.

"Sa St. Joseph Medical Center Manong! Pakibilisan!" aniyasa driver ng traysikel na pinara niya.

Pinatakbo ng matulin ng driver ang sasakyan. Habang siya ay tuluyan na ngang nakalimutang tawagan ang nobyo.

"Manong! Baka hindi ko na abutang buhay iyong kaibigan ko!" umiiyak niyang sigaw nang makitang huminto ang traysikel kasama ang iba pang sasakyan.

"Ma'am beating the red light po tayo, baka mahuli po ako" anitong nakikisimpatya siyang tinitigan.

Nang umusad ang mga sasakyan naramdaman niya ang mas pagbilis ng kanilang takbo. Nasa highway na sila noon. Sa bilis ng pangyayari hindi na napuna ng driver ang papalapit na kotse sa kanilang likuran na mas matulin ang takbo.

Naiwasan man ng driver ang pagtumbok ng kotse sa likuran ng kinalulunan niyang sasakyan pero hindi ang pagsulpot ng isa pang kotse na nagmula naman sa kanto ng kalye ring iyon. Kasabay ng malakas niyang pagtili ay mabilis na nilamon ng kadiliman ang kanyang paligid nang banggain ng naturang kotse ang kinalululanan niyang traysikel.

PAHIRAPAN ang pagpasok sa entrance ng ospital nang mga sandaling iyon. Nagkakagulo ang lahat dahil sa aksidenteng nangyari kanina lang sa kahabaan ng highway malapit sa naturang ospital. Nang makatanggap ng tawag galing kay Ruby agad niyang pinuntahan si Careen sa canteen.

Doon kasi nila napag-usapang magkita for lunch. Pero nang makitang wala roon ang dalaga agad siyang kinabahan. Tinatawagan niya ito, pero hindi nito sinagot isa man sa marami niyang calls kaya naisip niyang baka nauna na sa ospital nobya at dahil sa panic ay nakalimutan na nitong tawagan o sabihan siya.

"Wala ba silang kahit anong ID?" anang isang attendant.

"Teka! Ito iyong kaibigan nung nasa ICU na nasa waiting list for heart transplant! Girfriend ito ni Lemuel Policarpio III!"

Sa narinig ay walang anumang salita niyang hinabol ang stretcher. Pinanlamigan siya nang makumpirmang si Careen nga ang lulan niyon.

"Wait! Sandali lang!" aniya kasabay ng pagpipilit niyang makalapit sa duguang nobya.

Hindi niya napigil ang emosyon nang mapagmasdan ang ayos ni Careen.

"C-Careen? S-Sweetheart? Wake up" aniya sa isang nanghihinang tinig.

Nakita niya ang paghihirap ni Careen nang magdilat ito nang mga mata, at gayun din nang magsalita ito sa napakahinang tinig.

"E-Em, ang p-puso ko, ibigay ninyo kay B-Bianca" nang ipikit ni Careen ang mga mata nito ay noon nagmamadaling tuluyang ipinasok na ang stretcher sa loob ng emergency room.

"Clear!" mula sa kwartong katabi mismo ng pinagpasukan kay Careen. "Time of death 01:22 PM."

"EM! Akala ko hindi mo ako dadalawin ngayon," nakalabi niyang bungad sa nobyo na nakangiting yumuko sa kanya para sa isang simpleng halik sa labi.

"Inayos ko lang iyong lahat ng kailangang ayusin para dun sa traysikel driver na kasama mong naaksidente. Okay na siya, maswerte kayong pareho at hindi kayo napuruhan" iyon ang ikaapat na araw na pananatili niya sa ospital mula nang maaksidente siya.