Chapter 3 - CHAPTER 2

Keira's POV

Katulad nga ng napag-usapan ay nagkita kita kaming apat sa parking lot ng underground battle.

"Hay nako Keira, late kana naman. Palagi ka nalang late!" bungad agad sakin ni Ella pagkalabas na pagkalabas ko palang ng auto ko. Duh?

"Tama na yan, tayo nalang ang inaantay. Nasa loob na ang mga kalaban" Stacey. Mukhang inip narin ang isang ito. Parang hindi na sila nasanay sa pagiging late ko.

Nagsimula na kaming maglakad papasok ng stadium, pagkapasok palang namin ay nagsisigawan na ang mga nanunuod sa loob ng stadium.

"Malefic Slayers!"

"Nandyan na sila!"

"Kyaa! Ang gaganda talaga nila!"

"Go Malefic Slayers!"

Sigawan ng mga crowd sa loob ng stadium, as usual marami kaming supporters dahil kami ang nanunguna sa Ranking.

Malefic Slayers ang pangalan ng group namin. Si MM ang nag-isip nyan dahil masyado daw kaming ma-impluwensya.

"Okaaay! The 'Malefic Slayers' is in the house!" malakas na sabi ng emcee. "Konting sandali nalang at magsisimula na ang battle between the Malefic Slayers and Spear Thunders! So maghanda na ang lahat!" dagdag pa ng Emcee.

Since ay handa na ang lahat ay umakyat na kami sa malawak na battle ground.

"Since everything is alright, let us welcome the Rank 1! The Malefic Slayers!" malakas na sigaw ng emcee at sinabayan pa ng sigawan ng mga taong manunuod. Sa mga nakikita ko, nandito ang iba pang Rank ng gangsters group.

Nang tinawag na kami ay pumwesto na kami sa gitna ng battle field.

"And of course our Rank 2, the Spear Thunders!" sigaw ulit ng Emcee kaya pumwesto narin ang kalaban sa harapan namin.

Mahahalata mo ang mga matatalim na tingin nila Layla, Fanny, Miya at Angel. No wonder they really want to get our rank but hell no, di namin yun ibibigay at isusuko. Masasayang lang ang pinaghirapan namin.

"And for the rules! No weapons allowed! Spear Thunders, once you defeat the Malefic Slayers you were steal their title as Rank 1! And for Malefic Slayers once you defeat them once again you were still hold your title!" Malakas na sigaw ng Emcee.

"So ano pang hinihintay nating lahat?! Let's the battle begins!" sigaw ulit ng emcee tsaka umalis. Nagsigawan naman ang mga tao sa stadium.

"Handa na ba kayong matalo?" nakangising sabi ni Layla.

"At ibigay samin ang title?" dagdag pa ni Miya.

Asa naman silang matalo nila kami. Pero alam naming hindi din sila basta basta at ganon kahina. Kaya nga sila nakarating ng Rank 2 diba?

"Tama na ang satsat! Dami nyo pang sinasabi. Simulan na natin!" seryosong sabi ni MM.

Unang sumugod sila Layla. Tumakbo sila papunta sa direksyon namin. Kaya inihanda na namin ang mga sarili namin.

Sakin humarap si Layla, si Ella at Miya, si MM at Angel, at si Stacey at Fanny.

Unang sumugod si Layla sakin. Susuntukin nya sana ako ngunit mabilis akong kumilos kaya nailagan ko sya. Nakakuha ako ng tamang pwesto kaya nahawakan ko ang kamao nya at saka ito pinilipit. Halata kong nasaktan sya ngunit agad din syang nakakilos kaya nasipa nya ang binti ko.

Malakas ang pagkakasipa nya kaya napaluhod ako. Susuntukin nya sana ako pero mabilis akong gumulong para maiwasan ang tira nya. Akala nya ba maiisahan nya ako? Pwes, nagkakamali sya.

Panay sugod sya pero lahat iyon ay naiiwasan ko. Hahanap lang ako ng tamang tyempo para mahuli sya.

Panay ilag lamang ako sa bawat binibitawang mga attack nya. Halata mong napapagod na din sya dahil sa ginagawa nya.

Nang makalapit sya sakin ay nahuli nya ang braso ko pero agad ako umikot papunta sa likod nya hahang hawak nya ang braso ko kaya napasakal sa leeg nya ang mismong braso nya. Agad ko syang tinukod sa likod. Napa-aray sya sa tira ko kaya napaluhod sya.

Pumunta ako sa harap nya, nakikita ko ang pagngiwi nya sa ginawa ko. Susuntukin ko na sana sya sa mukha nya pero nahawakan nya ang kamao ko. Nakakuha sya ng tamang tyempo kaya nasuntok nya ko sa mukha.

Masakit ang isang yon.

Napangisi sya sa ginawa nya dahil natamaan nya ako. Susugod na ulit sya pero hinayaan ko lang. Nang makalapit na sya at akmang sisipain nya ako pero nahuli ko ang paa nya kaya ibinalibag ko sya sa sahig kaya natumba sya. Di na ako nag-aksaya pa ng oras at agad syang siniko sa tiyan nya. Napasigaw sya sa sakit. Sabay nun ay binigyan ko sya ng dalawang malakas na suntok sa magkabilang pisngi nya.

Kung sa iba ay kakaawaan sya sa itsura nya pero ako hindi. May dugo sa labi nya at may pasa na sya sa mukha. Nararapat lang sa kanya.

"See? Sa basurahan na naman kayo pupulutin. Bye Garbage!" sabi ko pa.

Di pa ako nakuntento kaya inapakan ko sya sa dibdib nya kasabay ng pagkawala nya ng malay.

"Sinabi na kasing di nyo kami kaya, paulit ulit lang kayong natatalo. Nakakasawa na. Naghahanap lang kayo ng sakit sa katawan" sabi ko sa harap nya. Di ko alam kung naririnig nya pa ako. Kaya naglakad na ako patalikod sa kanya.

Kawalang kahirap hirap kong napatumba ang isang to.

---

MM's POV

"Ano ba yan ikaw na naman ang makalalaban ko. Di ka pa nagsasawa?" walang ganang sabi ko sa harap ng bruhang si Angel.

"Ako kase sawang sawa na ko sa mukha mo. Di ka naman mukhang Angel, mukha kang demonyo" dagdag ko pa kaya nainis sya sa sinabi ko.

"Ang dami mo pang sinasabi. Simulan na natin!" sagot nya. Bitch.

Sa tuwing makakalaban namin ang grupo nila palagi nalang sya ang nakakalaban ko. Realtalk to, SAWANG SAWA NA KO SA PAGMUMUKHA NYA.

Una syang sumugod sakin. Duh? Ang ganda ko naman para unang sumugod sa kanya. Nakakabawas ng ganda yun noh!

Akmang sisipain nya ko kaya mabilis akong tumakbo para maiwasan yung pagsipa nya.

"Ano tatakbo ka nalang ba? Ganyan ka na ba kaduwag ngayon? Bitch!" sabi ni Angel.

Duh? Ako duwag? Sa kanya? Joke ba yun? Eh ilang beses ko na ngang nilagyan ng pasa yang panget nyang pagmumukha e. Tsaka ako pa talaga ang sinabihan nyang bitch ah. Kapal nya!

"Ako maduduwag sayo? Joke yun? Patawa ka! Hahahaha" sabi ko sa kanya sabay tawa. Halata kong naiinis sya sa pagtawa ko. Wala kong magagawa, natatawa talaga ako e. Hahaha.

Dahil dun ay sumugod ulit sya sakin. Bawat atake nyang binibitawan ay sinasalag o di kaya ay iniiwasan ko lang.

"Ano iiwasan mo nalang ba lahat ng tira ko? How pathetic!" sabi nya pa.

"Gaga! Iniisip ko lang kung paano kita agad mapapatumba ng walang kahirap hirap. Bit--" naputol na sagot ko naman sa kanya.

Di pa ako tapos magsalita pero sinugod na agad ako. Bastos to ah! Di ba sya marunong gumalang sa mas nakakaganda sa kanya? My ghadd!

Susuntukin na nya sana ako pero naiwasan ko ulit. Malakas siguro ang gagawin nyang pag atake kaya nung iniwasan ko ay natumba sya at sahig ang nasuntok nya.

"Hahahaha! Boba ka talaga. Ako ang kalaban hindi yang sahig!" sabi ko sabay tawa pa.

Hindi pa sya nakakatayo kaya alam kong magandang pagkakataon ito para sumugod.

Malapit na sana syang makatayo pero sinipa ko sya sa likod. Napa aray sya sa ginawa ko kaya lalo syang natumba. Muli ko syang sinipa kaya napagulong sya sa sakit. Inapakan ko sya sa tiyan kaya napatigil sya.

Sinampal ko sya sa kanang mukha nya. "Para yan sa pagtawa mo sakin bitch kanina! Kala mo nakakalimutan ko?" At sampal ulit sa kaliwa nyang mukha "Para naman yan sa pagsabi mong duwag ako!" sagot ko sa kanya.

"Sa lagay mong yang sino ang pathetic sa ating dalawa?" sabi ko. "Ayoko nang patagalin pa ito, nai-stress ang ganda ko sayo" sabi ko tsaka ko sya binigyan ng isang uppercut na suntok. Dahil doon ay napapikit na sya.

Nilapit ko ang mukha ko sa tenga nya "Pasalamat ka at naawa pa ako sayo, hindi kita nilagyan ng pasa. Hahaha" mahinang bulong ko sa kanya.

Tumayo na ako tsaka at naglakad papalayo sa kanya.

Ano ba yan? Di man lang ako natamaan kahit isa. Hayyss.

--

Ella's POV

"Hello Miya!" masayang bati ko sa kanya tsaka sya nginitian. Napaka-friendly ko talaga kahit nasa underground battle ako. Hahaha.

"Shut up! Di bagay sayo! Bitch!" Miya. Aba aba!

"Luh sya? Ikaw na nga tong binabati ko ikaw pa tong galit. It hurts ha!" Sabi ko with action pa na humawak ako sa bandang puso ko na parang nasasaktan. Hahaha.

"Ang dami mong alam. Para kang baliw!" sabi nya sabay sugod sakin. Akmang susuntukin nya ako.

"Not so fast dear! Ang init naman agad ng ulo mo" sabi ko sa kanya at sinugod din sya.

Pareho lang kaming nag-iiwasan ng mga attack. Magaling din ang isang ito. Kanina pa kaming nagpapalitan ng atake. Bawat suntok at sipa ko sa kanya naiiwasan nya. Ganun din ako. Naiiwasan ko din bawat atake nya.

Ewan ko ba kung bakit sya ang kalaban ko, first time ko syang kalabanin. Palagi ko kasing nakakaharap ay si Fanny. Sabagay para maiba naman, nagsasawa narin ako sa mukha ng isang iyon.

Bibigyan ko na sana sya ng isang malagatik na suntok ko pero nahuli nya agad ang kamao ko.

"Di mo ko maiisahan" sabi nya habang hawak ang kamao ko. Dahil dun yung isang kamao ko ang ipinangsuntok ko sa kanya. Sapol sya sa ilong.

"Oh ayan, naisahan na kita. Happy? Happy na? Happy na ba?" sarkastiko kong sagot sa kanya.

Halatang nasaktan sya ng sobra. Dumugo ba naman yung ilong nya. Kaliwang kamao ko pa naman yun kaya malakas. Hahaha.

Habang di pa sya nakaka get over sa pagsuntok ko sinipa ko na agad sya ng malakas sa hita. Kahit nga ako nasaktan sa ginawa ko e. Masyadong napalakas kaya masakit ang impact sakin. Natumba sya sa ginawa kong iyon.

Habang may pagkakataon ay inaapakan ko ng malakas ang tiyan nya. Not once, not twice but trice kaya napaubo sya ng dugo. Wag nga syang OA, di sya mamamatay sa ginawa ko. Duh?

Akala nya ba maawa ako? Hello, sila ang naghamon, kahit kating kati na ang mga kamay kong patayin sila. Dito ko nalang ibubuhos.

Mukhang di na nya kayang tumayo pa kaya tumalikod na ako at naglakad wearing a big smile. Ngiting tagumpay ako mga Bes! Akala ko pa naman mahihirapan ako sa isang yon. Di man lang ako nagalusan.

---

Stacey's POV

"Handa ka na bang mabalian ng buto?Hahaha!" masiglang tanong sakin nitong si Fanny. Tinaasan ko lang sya ng kilay. Yung nagmamataray na kilay ko. Nakakainis syang tumawa. Para syang demonyo.

Bakit ba ito ang naging kalaban ko? Siguro di nya matalo talo si Ella kaya ako ang napili nya. As if namang matalo nya ko.

"Parang mali ka yata? Ako dapat nagtatanong nyan sayo e?" kunyaring naguguluhan kong tanong sa kanyan. Syempre para mainis sya. "Tapusin na natin ito, naiinip na ko e" walang gana kong sabi.

Una syang sumugod sakin, tumakbo sya papalapit sakin at sinipa ako. Bilis nya tumakbo ah, natamaan nya ko. Napangiti sya dahil don.

Kung pwede lang ang weapons dito, sigurado patay na ang isang ito kahit magtago pa sya.

Bago pa sya makagawa ng bagong atake ay tumayo na ako. Susugod ulit sya at akmang susuntukin ako pero mabilis akong kumilos at sinipa ko sya sa binti. Bago pa sya matumba ay binigyan ko sya ng malakas na hampas sa likod nya galing sa braso ko. Hinablot ko ang buhok nya at malakas itong hinila. Tuluyan na syang napaluhod nang dahil sa ginawa ko.

Humarap ako sa kanya at tinadyakan sa baba e. Sakit non Bes, alog utak nya. Hahaha.

"Aggckkk" mahinang ungol nya dahil sa ginawa ko. Halatang nauubusan na sya ng lakas.

"Mahina ka rin pala katulad ng mga kagrupo mo" sabi ko sa kanya. Hinawakan ko sya sa buhok at pilit na pinakita ang mga kasamahan nyang nakahiga na sa field at wala nang malay.

Di pa ako nakuntento sa mga ginawa ko kaya hahang hawak ko sya sa buhok ay sinutok ko pa sya sa bandang kaliwang mata. Nagkablack-eye sya.

"Para sa huling atake my dear Fanny" nakahanda na ang kamao ko para sa muling suntok ko sa mukha nya pero...

"Tama na yan Stacey, baka di na yan makakita at makilala bukas! Hahaha" sabi ni MM kaya wala na kong nagawa at binitiwan na sya. Kahit gusto ko pa syang bigyan ng black-eye para pantay. Tss. Tumayo na ako para lumapit sa kanila.

---

Keira's POV

Bago matapos ang laban ay lumapit ako kay Fanny, may malay parin naman sya. Inilapit ko ang mukha ko sa tenga nya.

"Siguro naman di na kayo uulit pa? Magsawa naman kayo kami kase sawang sawa na" mahinang bulong ko sa kanya. Tumayo na ako pagkatapos at sumabay na ako sa kanilang maglakad.

Ni hindi man lang kami nagalusan, mga talunan talaga.

Nang makarating kami sa gitna ay naghiyawan na naman ang mga taong nanunuod dahil panalo na naman kami. Ano pa bang bago? No one can beat us here!

"Malefic Slayers!"

"Wala paring kupas ang galing nyo! Woooh!"

"Idols talaga! Malefic Slayers!"

"Okaaay! Calm down everyone! Let us give them a round of applause! The Malefic Slayers!!!!" malakas na sigaw ng Emcee.

Nag-bow lang kami sa kanila.

"Since sila parin ang nanalo, sila parin ang title holder for being Rank 1!" Sabi ulit ng Emcee. "Talagang wala kayong kupas sa galing Malefic Slayers! Ni hindi man lang kayo nagalusan samantalang ang Spear Thunders... ayan isinasakay na sa strecher! Hahaha. Get well soon, by the way!" malakas na sabi ng emcee kaya pati kaming apat at ang crowd ay napatawa rin.

Pagkatapos nun ay lumabas na kami ng underground battle.

---

"Ni hindi man lang ako nahirapan kanina" nagmamayabang na sabi ni MM.

"Sino ba ang nahirapan? Duh?" sagot naman ni Ella. Isa pa to.

"Magtigil na! Tara na at nagugutom na ako. Gusto ko ng Pizza." sabat naman ni Stacey.

"Yeah! I like pizza too" masiglang sabi ni MM.

Tiningnan ko lang sila, masasaya. Mga nakangiti at parang walang problema. Samantalang ako marami paring iniisip tungkol sa katauhan ko. Tungkol sa pagkatao ko at kung sino ba talaga ako.

Dahil nga panalo na naman kami, we will going to celebrate it.

***