Keira's POV
Ala sais palang ng umaga ay nagising na ako. Ewan ko ba kung bakit ang aga kong nagising ngayon. Feeling ko may magandang mangyayari ngayong araw na ito. Kahit late na ko nakatulog last night maganda parin ang mood ko.
Bumangon na ako sa kama ko at humarap sa salamin ng kwarto ko.
Kahit anong panget ng tulog ko, gumigising parin akong maganda. Tss.
Dahil maaga nga akong nagising ay sinimulan ko na ang morning rituals ko. Naligo, nag toothbrush at pagkatapos ay blinower ko ang buhok ko para matuyo. Matapos ay sinuot ko na ang school uniform ko at lumabas na ng kwarto.
Pagkababa ko ay nakita ko sila Mom and Dad sa dining table. Taking their breakfast.
Napababa ang drayong binabasa ni Dad at humigop ng coffee nya tsaka tumingin sakin.
"What happened sweetie at maaga kang gumising ngayon?" curious na tanong ni Dad at humigop ulit ng kape nya.
"Nothing Dad. Maaga lang talaga akong nagising ngayon." sagot ko tsaka umupo para sumabay sa kanila magbreakfast.
"That's new sweetie" dagdag ni Mom. Parang napaka big deal sa kanilang maaga akong nagising ngayon. Kahit 15 years old na ako ay sweetie parin ang tawag nila sakin. Tss. Di ko nalang pinansin at sinimulan ko nang kumain.
Pagkatapos ay kinuha ko na ang gamit ko para makaalis na at pumasok na sa school.
"I have to go Mom and Dad" paalam ko sa kanila.
"Okay Sweetie, take care!" sabi ni Mommy tsaka ako umalis at pumunta ng garage. Inistart ko na ang auto ko at umalis na.
Pagkadating ko sa school ay pinark ko na ang auto ko, may sarili akong parking lot. Tss.
Pumasok na ako ng gate, nagtitinginan na naman ang mga studyante sakin. Makatingin ang mga ito parang ngayon lang nakakita ng maganda sa buong buhay nila. Di ko sila masisisi dahil biniyayaan ako ng ganda ng maykapal. Hahaha.
Taas noo akong maglakad sa hallway, bawat lalaki ay napapatingin sakin. No wonder, maganda ako. Di ko sila masisisi kaya kahit nakalampas na ako sa kanila ay humahabol parin ang tingin nila sakin.
Nang makarating ako sa classroom ko ay konti palang ang estupidyante. Wala pa ang mga bruha kong kaibigan. Masyado pala talagang maaga. Kahit ako naninibago ako dahil maaga akong pumasok. Naupo ako at ipinikit ko ang mga mata ko.
--
"Aba! Keira anong nakain mo at maaga kang nagising at pumasok?!" napamulat ako dahil sa malakas na sabi ni Ella. Tss. Dumating na pala ang mga bruha.
"Himala Bes! Isa itong himalaaaa!" dagdag pa ni MM. No doubt, may mga saltik nga ang mga ito.
"Magpapaparty na ba tayo? Hahaha" dagdag pa ni Stacey.
"Anong nakain mo at nangyari sayo at maaga kang pumasok?" tanong ulit ni Ella.
"Sigurado akong magugulat ang babaeng Leon mamaya pag pumasok na sya sa klase natin. Hahaha" sabi ni MM. Babaeng Leon ang tawag nya dun sa teacher namin na terror.
"I wonder kung ano ang magiging reaction nya dahil maagang pumasok ang palaging late! Hahaha" si Ella. Di ko nalang pinansin ang sinasabi nila. Mga wala namang kwenta. Masyadong big deal sa kanila ang pagpasok ko ng maaga.
Maya maya ay dumating na ang teacher. Pagkapasok nya palang ay napatingin sya agad sakin. Parang gulat na gulat syang makita ako. Di ko sya masisisi dahil palagi nga akong late pumasok at ngayon naunahan ko pa sya. Hahaha. Minsan pala nakakatuwa ring pumasok ng maaga.
"It's a miracle, you're here Miss Cantrell and you're not late. Good for you." linya nya habang nakatingin sakin. Tinaasan ko lang sya ng kilay. Dahil wala akong pake ay di ko na sya pinansin. Tss.
"By the way class, meron kayong new classmate" sabi ng teacher. "So come in Miss?" dagdag nya pa tsaka tinawag ang new student. Lahat ng atensyon ay nasa bagong student.
"Please introduce yourself Miss" sabi ng teacher nang makarating na ang bagong student sa unahan.
"Hello, I'm Becca Stiltner. Please be good to me." nakangiting pagpapakilala nya sa sarili nya. Sa istura nya, mukha naman syang mabait na hindi makabasag pinggan. Anyways, she's pretty naman. Take note! Ako na nagsabi nyan. Si Keira Bria Cantrell ang nagsabing may bahid sya ng ganda. Minsan lang ako maka appreciate ng ganda ng iba.
"Whaaa, ang ganda naman nya"
"Mukha syang manika"
"Why so pretty?"
"Pre may chicks oh!"
"Taken na kaya yan?"
Rinig kong mga bulungan ng mga tao dito sa room. Bulong ba yun e rinig na rinig ko nga e? Tss.
Nagulat nalang ako dahil she is staring at me kaya tiningnan ko rin sya. Why so weird?
"So Miss Stiltner take your sit beside Miss Cantrell" sabi ng teacher dahil iyon na lamang ang vacant seat.
"Thank you po" sagot naman nya sa teacher kaya naglakad na sya papunta sa tabi ng upuan ko dahil iyon nga lang ang natitirang bakanteng upuan.
Habang naglalakad sya ay nakatingin parin sya sakin. Weird talaga nya. Nang makaupo sya ay tumingin parin sya sakin.
Ganon na ba talaga ako kaganda kaya pati babae napapatingin narin sakin? Tss. Di ko talaga sila masisisi dahil ipinanganak akong Dyosa.
Parang may gustong sabihin sakin yung mga mata nya. Dahil doon ay tinaasan ko sya ng kilay kaya inalis na nya ang tingin nya sakin.
"Sorry" sabi nya tsaka humarap sa unahan. Weird nga talaga sya. Meron din ako nararamdamang kakaiba sa kanya. Weird.
Nagsimula nang magklase ang guro sa unahan. Paliwanag dito, paliwanag doon. Wala akong masyadong naiintindihan kaya bawat sinasabi nya ay pasok sa tenga ko tapos labas naman sa kabila. Naguguluhan parin ako kung bakit sya nakatingin sakin ng ganon kanina.
Dahil ba nagandahan talaga sya sakin? Ngayon lang ba talaga sya nakakita ng Dyosa sa buong tala ng buhay nya? Tss.
Di na nagtagal ay nag-buzzer na kaya natapos na ang klase.
"Mag-review kayo dahil may long quiz ako bukas. Okay class, see you in next meeting!" sabi ng babaeng Leon tsaka inayos ang gamit nya at umalis na ng room.
Tumayo na kaming lahat. Lumapit sakin ang tatlong bruha. Ang iba naman ay lumapit sa bagong estudyante at nakipagkilala.
"Bes! Grabe makatingin sayo yung new student! Haha" sabi ni Ella.
"Oo nga, masyadong nagandahan sayo! Hahaha" sabi naman ni MM.
"Titig na titig sayo kanina Keira" sabi naman ni Stacey. Akala ko ako lang nakapansin nun. Pati rin pala sila.
"Pero mukha naman syang mabait." sabi ulit ni MM.
"Parang syang may hidden agenda sayo Bes! Hahaha." natatawang sabi ni Ella. Sa tingin ko rin. Iba kase sya makatingin and take note dahil hindi naman sya lalaki. Kase kung lalaki yan maiintindihan ko naman kase nga maganda ako pero babae rin sya. Hindi kaya tomboy yan? Weird.
Nakalabas na ng room ang mga estupidyante at kami nalang ang natira. Ako na maganda, si Ella na baliw, si MM na takas sa mental, si Stacey na may nagmamataray na kilay at si Misss? I forgot her name, Bella? Bina? Ugh, Miss Stiltner nalang dahil yun lang ang natatandaan ko.
Tumayo na ako para lumabas narin kami pero humarap samin at nagsalita si Miss Stiltner.
"Hello, pwedeng makipag kaibigan?" sabi nya. Tiningnan lang namin sya. Itong tatlo naman ay parang sinusuri sya.
"Hello again. I'm Becca Stiltner" pakilala nya sa sarili nya. So Becca pala ang name nya. She's good naman, had a long brown hair na hanggang balikat nya. Maputi at makinis ang balat. Mukhang mayaman rin dahil sa kutis nya. Matangkad din sya at medyo payat pero tama lang sa kanya para bumagay sa tangkad nya. May mapulang labi na parang labi ni Snow White, pointed nose and medyo singkit na mata. Enough na para sabihing maganda sya.
Ngumiti naman ang tatlo sa kanya.
"Hi! Hihi, I'm Ella Morgan" pakilala ni Ella sa sarili nya tsaka sya nakipagshake hands.
"Hello Becca, I'm Maria Mercedes Cassandra Chang but you can call me MM. Nickname ko yun. Haha" pakilala naman ni MM tsaka nakipagshake hands din.
"And I'm Stacey Min" sabi ni Stacey. Inilahad ni Becca ang kamay nya para makipag shake hands din sa kanya.
"No, I don't do shake hands. Let me do a beso beso. Come." sabi ni Stacey at nakipag beso beso. Napatawa naman si Becca sa sinabi at ginawa ni Stacey.
Nakikita kong nagustuhan nila si Becca.
It's my turn, nakatingin na naman sya sakin. Weird talaga.
"Keira Bria Cantrell" tipid kong pakilala ng sarili ko sa kanya. Inilahad na nya ulit ang kamay nya to do shake hands. Inabot ko yun para makipagkamay. And I felt something strange. She closed her eyes. Ganon din siguro ang naramdaman niya katulad ko kaya napamulat sya bigla at parang nagulat sya. Really weird. Nae?
"Okay? Tara na sa labas!" sabi ni Ella kaya tinanggal ko na yung kamay ko sa kanya.
"Join us Becca, samin kana sumabay kumain" sabi naman ni Stacey. They really like Becca even she's a kind of weird.
"Sige. Hehe" sagot ni Becca and she smiled.
Lumabas na kami ng room and naglakad na papunta ng cafeteria. Habang naglalakad kami, everybody is looking at us.
"Sino sya?"
"Bagong member ng Malefic Slayers?"
"She's pretty anyways!"
"Yan yata yung bagong transfer na student"
"Ganda Pare!"
"Oo nga Dude!"
"Mas gusto ko parin si Keira!"
"Hahaha"
Rinig kong mga bulungan nila. Mga chismosa talaga. Hanggang sa makarating na kami sa Cafeteria. Pagkapasok palang namin ay agaw atensyon agad kami at usapan nila ang nangyaring underground battle kagabi.
Pagkaupo namin ay nakita namin sa kabilang table sila Layla, Miya, Fanny at Angel. May mga benda sila sa katawan at may mga pasa. Tss. Kasalan din nila yan. Ni hindi man lang sila makatingin samin.
Napatingin ako kay Becca at napansin kong iba rin ang tingin ni Becca kay Layla. Eh? Ano bang meron sa babaeng to at bakit ganto sya makatingin.
Biglang nagsalita si Becca.
"Sino sya?" sabi ni Becca at itinuro si Layla. She's staring at her.
"Ah si Layla at yung mga kasama nya ay kaibigan nya" si MM ang sumagot dahil si Stacey at Ella ang nagprisintang umorder ng pagkain namin.
"Ah, okay. Pero what happened to them? Bakit ganon ang lagay nila?" tanong ulit ni Becca. She's too innocent.
"Uhmm, kami may gawa sa kanila nyan. Nakipaglaban sila samin sa underground battle kagabi. You know, gangster thingy!" paliwanag ni MM. Nagulat naman si Becca sa paliwanag ni MM.
"Huh? Gangsters kayo?" inosente nyang tanong.
"Unfortunately, Yes. Don't worry mababait parin naman kami kahit papaano. Hehe" sabi ni MM.
"Okay" tipid nyang sagot at parang hindi makapaniwala sa nalaman nya. Nakatingin parin sya kay Layla. Talagang kay Layla lang at hindi sa mga alipores nya. Weird.
"Okaay guys! Here's our food! Haha" sabi ni Ella tsaka inilapag nila ni Stacey ang mga pagkain.
Nagsimula na kaming kumain. Napadaan sa harap namin sila Layla at mapansin nyang may bago kaming kasama. Nakatingin parin si Becca kay Layla at napansin iyon ni Layla kaya tinaasan nya ng kilay si Becca tsaka naglakad na palabas ng cafeteria kasama yung mga alipores nya. Bitch! Nagulat naman si Becca kaya inalis na nya ang tingin nya kay Layla. She's so weird. The way she look at me ay ganon din sya makatingin kay Layla. Something is wrong. Ano may hidden agenda rin sya kay Layla? Tss.
Natapos na kami kumain at bumalik na kami sa classroom.
--
"Miss Morgan! Answer the question on the board! Puro ka daldal!" sabi ni Miss Trinidad. She's also a terror teacher, an Algebra terror teacher. Marami ring ilag na estudyante sa kanya but not me. Pwe!
Natatawa nalang na nakatingin kami kay Ella. Hindi maipinta ang mukha nya. Para syang natatae na ewan. Halatang hindi nya alam ang sagot. Ayaw kase makikinig. Yan puro kase daldal. Hahaha.
Isa isa kaming tiningnan ni Ella at binigyan kami ng 'help-me-please' look. Hahaha. Binigyan ko lang sya ng 'yan-magdusa-ka' look tsaka sya tinaasan ng kilay at tinawanan. Hahaha.
"Kriiiiing... kriiiiiiing...." malakas na tunog ng buzzer, hudyat na tapos na ang klase. Dahil don ay umalis na ang terror teacher.
"My ghadd! Saved by the bell!" masayang sabi ni Ella ng makalapit na sya samin. "Di ko na alam ang gagawin ko kanina. Hahaha" dagdag nya pa. Tuwang tuwa sya sa kagagahan nya.
"Di na nga maipinta ang mukha mo kanina e, parang konti nalang iiyak kana! Hahaha" sabi ni Stacey.
"Di nyo man lang ako tinulungan kanina. Anong klaseng mga kaibigan ko ba kayo?!" kunyaring magtatampong sabi ni Ella.
"Puro ka kase daldal, ayan ang napapala mo. Hahaha" it's MM. At si Becca? Nakikitawa nalang sya samin.
"Sa susunod makinig kana. Lesson learned na yan kung ayaw mo pang maulit ulit" sagot ko naman sabay tawa.
"Nakakatakot yung mukha kanina ni Miss Trinidad akala mo kakainin ako ng buhay. Myghadd! Yiiiih!" sabi ni Ella tapos parang kinikilabutan sya.
"Hahahahaha" sabay sabay naming tawa including Becca. Nakaka pagadjust narin naman sya habang kasama namin pero ganun parin sya. Minsan napapansin ko nalang that she's staring at me again at pag nakita nya akong napatingin sa kanya ay bigla nyang aalisin ang tingin nya sakin.
--
Naglalakad akong mag-isa para pumunta sa cr. Wala masyadong estudyante ang pakalat kalat. Nang malapit na ako ay bigla nalang may humawak sakin at kinaladkad ako papunta sa likod ng campus kung saan walang tao.
It was Becca...
"Hey Becca! Let go of me! What are you doing?!" irita kong sabi sa kanya kaya tumigil na kami.
Hello? Sa lahat lahat ng tao sya lang ang may lakas ng loob na kaladkarin ang isang Keira Bria Cantrell. Walang sino man ang gumawa sakin non at tanging siya lang. Talagang weird nga sya.
"Sorry Keira for what I've done but I need to talk to you. Something na important." sabi nya kaya naguluhan ako. Weird. Hello? Kanina palang nga kami nagkakilala tapos ganto agad? Duh!
"What are you talking about?!" inis at naguguluhan parin ako. I don't have any idea about this.
"Listen to me, okay" seryosong sabi nya pero tinaasan ko lang sya kanina.
"Okay, spill it." sagot ko.
"Naamoy kita..." seryoso nyang sabi. What? May lahi ba syang aso or something? Talagang weird sya.
"What are you talking about?" naguguluhan parin ako sa mga ginagawa nya.
"Naaamoy kita, you are a charmer am I right?" seryoso parin nyang sabi. Charmer?
"Charmer? Ano bang mga sinasabi mo?" naguguluhan talaga ako sa kanya.
"Kanina palang I feel that you are a charmer, that's why kanina pa akong tingin ng tingin sayo. Sorry about that pero I feel your aura. Gising na ang mojo mo and I feel it" sabi nya.
"I still don't get it" sagot ko naman sa kanya.
Lumingon lingon sya sa paligid na parang may hinahanap or tinitingnan nya kung may tao man na nandidito malapit samin.
"I guess wala namang tao so I have to do this, I need to show you this para maliwanagan" sabi nya.
Ibinuka nya ang isang palad nya at biglang nagkaron ng electricball. Of course nagulat ako dahil sa ginawa nya. Now I understand kung anong ibig nyang sabihin. Then she close her palm at nawala na ang electricball.
"I'm a lightning charmer, I know gising na rin ang mojo mo" paliwanag nya sa sarili nya. Nakangiti sya.
"Now show me your charm Keira!" excited nyang sabi.
***