Chapter 6 - CHAPTER 5

Keira's POV

[I didn't know that I was starving 'til I tasted you

Don't need no butterflies when you give me the whole damn zoo

By the way, right away you do things to my body

I didn't know that I was starving 'til I tasted you]

Nakikinig lang ako ng music dito sa auto ko habang nagdadrive pauwi ng bahay. Sinasabayan ko pa ng pagkanta yung Starving.

[I didn't know that I... I didn't know that I... 'til I tasted you

I didn't know that I... I didn't know that I... 'til I tasted you]

May pagsayaw pa akong nalalaman habang nagdadrive. Hahaha.

[By the way, right away you do things to my body

I didn't know that I was starving 'til I tasted you]

Pinatay ko na yung kanta nung nasa tapat na ako ng bahay. Bumusina pa ako para pagbuksan ako ng gate ng katulong.

Matapos kong makapasok ay ipinark ko na sa garage yung kotse ko.

"Hey Mom, I'm home!" malakas na sigaw ko ng makapasok ako ng bahay.

Nadatnan ko si Mom na nakaupo sa couch habang nanunuod ng TV. I don't know kung anong pinapanuod nya. I'm not interested at all.

"Hello Sweetie! Good mood ka yata ngayon ah?" sabi ni Mom.

Sabagay kahit ako nalilito rin sa sarili ko, masyado lang talaga sigurong maganda ang araw ko ngayon. Kasing ganda ko.

Pero mas maganda ako...

Biruin mo yun binati ko si Mom pagkadating ko na unusual ko namang ginagawa. Dati rati kase pagkating ko galing sa school papasok lang ako ng bahay at aakyat na sa kwarto ko.

"Yeah, I guess. Where is Dad?" sagot ko tsaka tinanong si Mom.

"He's in his office room, paper works thingy" sabi naman ni Mom.

"Ah, by the way I have something to tell both of you" sabi ko tsaka ngumiti.

"What is it? I guess its a good news right?" sagot naman ni Mom.

"Yeah, but I will tell it after kong magbihis. So I got to go!" sabi ko tsaka nagtatakbo paakyat ng kwarto ko. Di'ba nga galing akong school kaya magpapalit muna ako ng damit.

Pagkapasok ko ng kwarto ay nagpahinga lang ako ng konti tapos ay naligo ako. Pagkatapos ay blinower ko yung buhok ko at nang matuyo ay inipit ko ng pa-bun shape.

Naglagay ng kaunting pulbos sa mukha at tsaka humarap sa salamin.

Ang ganda ko talaga, partida pulbos lang yan at walang make-up!

Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin ay napansin kong biglang nag-iba ang kulay ng mata ko.

My natural eyes color is brown pero sa nakikita ko ngayon ay biglang naging ocean blue.

Agad kong pinikit ang mata ko tsaka muling iminulat ito.

Nakahinga ako ng maluwag dahil bumalik ito sa dating kulay.

Namamalik mata lang siguro ako, tama ganun nga... Iiwas iwasan ko na nga ang pagpupuyat.

Matapos nun ay bumaba na ako.

Nasa couch parin si Mom at wala parin si Dad. Nasa office room nya parin siguro.

"Mom, dun nalang tayo mag-usap ni Dad sa office room nya" sagot ko.

"Okay" tipid na sagot ni Mom tsaka ngumiti at pinatay ang TV bago tumayo.

Naglakad na ako papunta sa office room ni Dad, malapit lang yun sa kusina. Si Mom naman ay kasunod ko lang.

I knocked the door 3 times.

"Yes, come in!" rinig kong sabi ni Dad sa loob ng office room nya.

Binuksan ko na yung pinto tsaka kami pumasok ni Mom.

I saw Dad busy doing his paper works, well he is the CEO of our company (Cantrell Incorporation) kaya di na ako nagtaka. Magulo, nagkalat ang mga papeles at busy sa pagtatype sa laptop nya.

"Our daughter have something to tell us and I think that is a good news" sabi ni Mom tsaka umupo sa upuan sa harap ng table ni Dad.

Naupo rin ako sa nasa tapat na upuan ni Mom. Nang marinig niya ang sinabi ni Mom ay napatigil sya sa pagtatype at humarap samin.

"What is it Sweetie? Spill it, I'm here to listen" sabi ni Dad.

"Mom, Dad, hindi na po ako nag-iisa" masayang sabi ko sa kanila.

"Huh? What do you mean?" takhang tanong ni Dad. Si Mommy naman ay nakatingin din sakin at nakakunot ang noo.

"I mean, hindi na ako nag-iisa. May katulad na ako na may special powers. She called me as a charmer. Yun daw ang tawag saming may mga kapangyarihan" paliwanag ko.

Nakikita kong bakas sa mukha nila ang kasiyahan. Alam kong mapagkakatiwalaan sila. I really trust them a lot.

"Nice sweetie, basta ang tandaan mo ay nandidito lang kami ng Daddy mo to support you because we love you so much na kahit na hindi ka mismo nang galing samin ay mahal na mahal ka namin, always remember that huh?" sabi ni Mommy tsaka sya tumayo at binigyan ako ng isang masarap na yakap ng ina. No doubt, mahal na mahal talaga nila ako simula nung bata pa ako. Namatayan kasi sila Mom and Dad ng anak bago pa nila ako napulot sa gubat.

"Meron pa akong gustong sabihin dad and mom" dugtong ko pa ng maalis na ni Mom ang yakap nya sakin. Napatingin sila at hindi nila inalis ang tingin nila sakin.

"Sa Omegus World nandun ang mga katulad ko. Hindi nyo paniniwalaan pero merong mundo kung saan namumuhay ang mga katulad ko at marami sila at yun ang Omegus World" sabi ko.

Nagkatinginan silang dalawa at parang gulat na gulat. I don't know what they are thinking right now.

"And dad, mom please allow me to go there. I want to go there. I really want" pagpapatuloy ko sa sinasabi ko.

Iyon kase ang napag-usapan naming dalawa kanina ni Becca.

[Flashback]

Kaming dalawa lang ni Becca ang natira dito sa loob ng hideout dahil si Ella, MM at Stacey ay bumibili ng pagkain dahil nagutom daw sila sa pakikipag kwentuhan.

"Nga pala hindi lang ako nag-iisa para gawin yung mission na sinasabi ko sayo kanina. May mga kasama rin akong apat pang charmers dito sa Mortal World." sabi ni Becca ng makaalis sila Stacey.

"Oh? Nasaan sila kung ganon?" sagot ko.

"Nasa ibang school sila para maghanap rin. Kung ako dito napunta sa CIS sila sa ibang school naman. They also a charmer at kapag nakahanap na kami ng ilang charmers ay babalik na kami sa Omegus World kasama ang mga nahanap na charmers" mahabang paliwanag nya.

"Keira, gusto ko lang sabihin sayo na nais kitang isama sa Omegus World, doon lalakas ka pa at makakapagsanay ng maayos" sambit ni Becca.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita sya.

"Hindi ko pa sigurado kung makakasama ako. Hindi ko pwedeng iwanan ang mga magulang ko dito. They are ordinary, mortal sila dahil adopted daughter lang ako. Di ko sila kayang iwan" sagot ko. Sa totoo lang di ko talaga kayang iwan sila lalo na't nabubuhay kami sa mundo ng mga Mafia at Gangster. Ako lang ang makakapagligtas sa kanila. Hindi ko sila kayang mapahamak. Gusto ko silang protektahan gamit ang kapangyarihan ko na kahit papaano ay makabawi man lang ako sa kanilang pagmamahal at pagaalaga sakin sa ganoong paraan.

"Think of it Keira, mas kailangan ka ng Omegus World dahil sa oras na manaig ang kadiliman at masakop nila ang Omegus World ay masisira ang balanse ng dalawang mundo. Pati ang mga mortal na tao ay madadamay" dagdag nya pa.

"Sa ngayon apat na kayong nahanap ko dito sa CIS at sa tingin ko ay wala na dahil wala na akong nararamdamang aura ng isang charmer and also nakausap ko narin sila at willing silang sumama sa Omegus World" sambit nya ulit.

Apat na kami? Ibig sabihin sa tagal ko nang nag-aaral dito sa CIS ay matagal na akong may nakakasamang charmers nang hindi ko man lang nalalaman?

"Sino sino naman yung tatlo?" curious kong tanong.

"Makikilala mo rin sila bukas na bukas. Dahil kumpleto na kayong nahanap ko dito. So oras na para magkakilala kayong apat. At ang sa pagkakaalam ko yung apat na kasama kong charmers dito sa Mortal World ay nakahanap narin sila base sa contacts ko sa kanila. Si Hared ay may nahanap na dalawang charmers, si Ashley at Maika ay may nahanap na daw na tig-tatlong charmers at si Keyster ay may nakahanap ng apat kagaya ko na apat rin. At sa tingin nila ay wala narin daw silang maramdamang aura ng charmers katulad ko." mahabang lintanya nya.

"So suma total ay may nahanap na kaming 16 na charmers. Sapat na siguro yun para sa Mission namin" dagdag nya pa.

"Makikilala ko din ba yung ibang charmers?" tanong ko.

"Yeah, bukas ay magkikita kita tayong lahat so be ready." sabi nya pa.

"Sige, naeexcite na akong makilala sila. Akala ko talaga nag-iisa lang ako sa mundong may ganto uri ng kapangyarihan" sabi ko. Yeah, naeexcite talaga ako.

Ngumiti lang sya at nagsalitang muli. "At lahat sila willing daw pumunta sa Omegus World, ikaw nalang ang hindi pa. So please Keira, think of it. Kailangan ka namin" seryosong sabi nya.

Ang hirap naman ng sitwasyong ito.

"Sige pag-iisipan kong mabuti" yun na lamang ang naisagot ko. Ang hirap magdesisyon. Mas mahirap pa sa quiz ng Algebra. Hayys.

Gusto kong pumunta ng Omegus World dahil tiyak kong maganda doon at makakasama ko ang mga katulad kong charmers at dahil doon ako nabibilang sa mundong iyon. Pero sa kabilang banda naman ayaw kong iwanan sila Mommy and Daddy.

Natigil na ang usapan namin dahil dumating na sila Stacey dala ang mga pagkaing binili nila kaya ayon nakikain narin kami ni Becca.

[End of Flashback]

--

Bianca's POV

(Keira's Mommy)

"Sweetie pwedeng mag-usap muna kami ng Daddy mo, nang kaming dalawa lang?" sabi ko sa anak kong si Keira.

"Sige Mom, no problem" sabi ni Keira tsaka tumayo at lumabas ng pinto.

Nang nakaalis na sya ay nagsimula na kaming mag-usap ni David, ang asawa ko.

"Hon, unti unti na nyang nalalaman ang tungkol sa pagkatao nya. Alam narin nya ang tungkol sa Omegus World" nababahala kong sabi kay David.

"Nababahala na rin ako Hon, ito na kaya ang tamang oras para malaman nya ang totoo?" sabi ni David. Hindi ko alam kung ito na nga ang tamang oras para malaman ni Keira ang totoo.

Kaming dalawa ni David ay charmer rin sa Omegus World. Oo, charmer rin si David... dati.

[Flashback]

Ang panahon ngayon ay puno ng digmaan sa Omegus World. Hindi kami ligtas dito dahil sa digmaan pati narin ay nagdadalang tao ako.

Naisipan naming tumakas ni David.

"David, hindi na tayo ligtas dito" sambit ko dahil sa digmaang nagaganap.

"Alam ko Bianca, isa lamang ang naiisip kong paraan" nag-aalalang sagot ni David.

Hindi naman kami ganoong kalakas ni David. Isa lamang caster si David samantalang isa naman akong mage.

I'm a lightning mage to be exact!

Dahil mas inisip namin ang kaligtasan ng anak namin sa sinapupunan ko ay naisipan naming tumawid sa mortal world. Ngunit hindi ganoon kadali iyon.

Nangangailangan ng malakas na mojo para gumawa ng portal palabas sa mortal na mundo.

Si David ang may kakayahan saming dalawa na gumawa ng portal sapagkat isa syang caster. He can casts magic spells. Pero kapalit nuon ay ang pagkawala ng kapangyarihan nya. Magiging isang mortal na tao lang sya.

Naghanda na kami para sa pagtakas namin patungo sa mortal world. Tumawag sya ng isang pegasus upang duon sumakay papuntang Enchanted Forest kung saan maaring gumawa ng portal palabas ng Portal Forest sa mortal world.

Nang makarating kami sa Enchanted Forest ay nag-cast na si David ng portal.

"Magiging maayos din ang lahat pag nakarating na tayo ng mortal world. Magsisimula tayong muli ng bagong buhay" sabi ni David tsaka ako binigyan ng isang mahigpit na yakap.

"krachtige portal kunt u aangeven boven" malakas na cast ng spell ni David.

Isang malaking portal ng cinast nya. Halatang nahihirapan sya dahil sa malakas na mojo na ginagamit nya sa pag-cast ng spell. Nang makagawa na sya ng portal ay nanghina sya. Nawala ang marka nya sa leeg ng pagiging caster. Isa na lamang syang mortal na tao samantalang isa parin akong mage. Ang marka ko ng pagiging mage ay nasa likod ko kaya hindi ito mahahalata ng kung sino. Tsaka oras na pumasok kami sa portal ay magiging invisible ito.

Pumasok na kami sa portal at nagpaikot ikot sa madilim na bahagi ng loob nito. Nakakahilo. Hawak ko ang malaki ko nang tiyan upang maprotektahan ito.

Bumagsak kami sa isang damuhan ng Portal Forest. Tinatawag namin itong Portal Forest dahil ito lamang ang tanging daan papuntang Omegus World. Hindi ko lamang alam kung ano ang tawag dito ng mortal na tao. Siguro ay isa lamang itong ordinaryong gubat.

Mabuti na lamang ay sa damuhan kami bumagsak.

Nang makarating kami sa mortal world ay nagsimula kami ng bagong buhay. Ang dyamanteng dala namin ang tutulong saming magsimula muli.

Ibinenta namin ang dyamante sa halagang 200 bilyong piso at ginamit ito sa pangunahin naming pangangailangan.

Makalipas ang isang linggo ay nanganak ako ngunit sa kasamaang palad ay patay ang anak namin. Nanlumo at sobrang masaktan kami. Ibinuwis ni David ang kapangyarihan nya para lamang mailigtas kami.

Nabuhay kami sa karangyaan dahil sa dyamanteng aming pinangalagaan nuon. Nakapagpatayo ng kami ng sariling kumpanya at iba pang negosyo. Di nagtagal ay pinasok namin ang mundo ng mafia dahil sa malakas na ang aming impluwensya.

Nagkaroon ng labanan sa Mafia World. Hindi naman kami ganon pa kalakas kayat tumakas kaming muli sa labanan ng mafia.

Sugatan kaming dalawa ni David. Hindi naman namin maaaring gamitin ang kapangyarihan ko dahil nasa mortal na mundo ako.

May tama ng baril sa braso si David. Sa pagtakas namin ay nakarating kami sa Portal Forest.

Nang makarating kami sa Portal Forest ay narinig namin ang isang malakas na iyak ng sanggol.

Hinanap namin ang umiiyak na boses ng sanggol hanggang sa natagpuan namin ang isang napakagandang sanggol sa isang damuhan. Ang damuhan kung saan kami bumagsak nung umalis kami sa Omegus World.

Nakakapagtaka lamang kung bakit iniwan ang isang napakagandang sanggol. Ngunit ramdam ko ang malakas na aura ng sanggol. Isa syang charmer kaya nakakasiguro kaming galing sya sa Omegus World.

Sa balabal na suot ng sanggol ay may nakaburdang pangalan.

Keira Bria Hartwell

Napakagandang pangalan. Ngunit nanlaki ang mata ko dahil sa kanyang apelyido.

Hartwell

Pangalan ng isang may dugong bughaw at maharlika.

"David, ang sanggol na ito ay isang Hartwell." sambit ko.

"Hartwell? Hindi ba't isa iyong pangalan ng maharlika sa Omegus World?" tanong ni David. Tumango lamang ako bilang pagsang ayon.

Dahil nangungulila kami sa namatay naming anak ay kinupkop namin ang sanggol. Tsaka hindi namin sya pwedeng pabayaan dahil isa syang charmer. Hindi sya mortal na tao.

Inaalagaan namin sya at itinuring na tunay na anak.

[End of Flashback]

"Siguro nga ay oras na para malaman ng anak natin ang totoo kaya sasabihin na natin ang totoo" sagot ni David.

"Sige, tatawagin ko na sya para makausap natin" sagot ko tsaka tumayo upang puntahan si Keira.

Nakita ko syang nakaupo sa couch. Her face is so angelic. Napakagandang bata.

***