Keira's POV
"I'm a lightning charmer, I know gising na rin ang mojo mo" paliwanag ni Becca sa sarili nyang charm. Nakangiti sya habang sinasabi.
"Now show me your charm Keira!" excited nyang sabi.
Napangiti ako sa ginawa nya. Akala ko ako lang ang may magic powers pero may katulad rin pala ako. May kasagutan na sa isa sa mga tanong ko tungkol sa pagkatao ko. Hindi na ako nag-iisa.
Inilahad ko ang kanang kamay ko tsaka ibinuka ang mga palad ko.
Isang iceball ang ipinakita ko sa kanya. Sapat na iyon para ipaalam sa kanya na may kapangyarihan din ako.
"Whooa! Isa ka palang ice charmer!" tuwang tuwa nyang sabi at may pag palakpak pa.
"Yeah, I guess?" sagot ko sa kanya.
Kaya siguro feeling ko kaninang umaga ay may magandang mangyayari ngayon araw. Ito na siguro yun.
"Pero mag-iingat ka, hindi pwedeng malaman ng mga mortal na tao ang tungkol sa kapangyarihan mo dahil hindi nila tayo katulad" babala nya sakin.
"Yeah I know, sayo ko palang ito ipinakita bukod sa mga magulang ko" sagot ko tsaka ngumiti.
"How come na nandidito ka sa mortal world?" tanong nya. Anong ibig nyang sabihin?
"What do you mean?" sagot ko sa kanya habang naglalakad kami paalis sa likod ng campus.
Nawala na rin yung naiihi kong pakiramdam kanina.
"Bakit nandidito kayo sa mortal world at wala sa Omegus World?" tanong nya. Mas lalo akong naguluhan.
"Anong Omegus World?" takang tanong ko kaya napatigil ako at humarap sa kanya.
"Omegus World kung saan nakatira ang mga maraming charmers na katulad natin. Dun din ako galing, binigyan lang ako ng isang mission ni Head Master na humanap pa ng mga charmers dito sa Mortal World at magaling dahil isa ka sa nahanap ko" mahaba nyang paliwanag.
"So ibig sabihin marami pa ang katulad nating charmers na nandidito sa Mortal World?" tanong ko. Ibig sabihin may mundo pala kung saan nakatira ang mga katulad kong may magic powers. And take note, madami. Hindi lang ako.
"Oo, kaya nga ako nandidito dahil kailangan kong humanap ng mga katulad natin dahil unti unti nang nagpaparamdam ang mga Dark Sorcerers sa Omegus World" mahabang paliwanag nya.
"Ano naman ang Dark Sorcerers?" tanong ko ulit. "Sorry pero madami pa akong hindi alam." dagdag ko pa. Siguro unti unti nang masasagot ang mga katanungan ko. Si Becca ang makakatulong sakin para sagutin ang mga tanong sa isipan ko.
"Ang Dark Sorcerers ay ang masasamang charmers. Kung tayong charmers ay mabubuti sila naman ay panig sa kadiliman at masasama" sagot nya.
"Pero matanong ko lang paano mo nalamang isa akong charmer? I mean katulad ng sabi mo kanina na naaamoy mo ako, eh bat ako hindi ko nalalamang charmer ka?" tanong ko pa.
"Kase nanggaling ako sa Omegus World kaya mas malakas ang pakiramdam ko. Ikaw kase ay dito nanirahan sa Mortal World kaya mas malakas ang pakiramdam ko kesa sa inyo. Kapag nakarating kana rin sa Omegus World lalakas din ang kapangyarihan mo" paliwanag nya kaya napatango tango nalang ako.
"Sige mamaya nalang ulit tayo mag-usap. Madami nang tao" sabi nya nang makarating kami sa hallway.
Naglakad na kami papunta sa room namin.
--
Layla's POV
Una sa lahat ay magpapakilala muna ako, syempre unang POV ko ito. Hahaha.
I am Layla Bretman, mataray, maldita and yeah I'm a bitch. Inaamin ko naman sa sarili kong bitch din ako.
Hindi naman ako sobrang masamang tao, nagiging maldita lang ako kapag kaharap ko ang ibang tao kahit ang mga kaibigan ko. Kumbaga front personality ko lang yung pagiging maldita ko. Pero sa kalooban ko mabait talaga ko.
And Yes, I'm a gangster also pero never akong pumatay ng tao. Kahit kelan ay hindi ko pa binahidan ng dugo ang mga kamay ko. Nakikipagbasag ulo rin ako dahil lumaki ako sa mundo ng mga Gangster at Mafia. Yes, my parents are also a Mafia member.
Nandito ako sa garden ng school at ako lang mag-isa. Hindi ko kasama sila Miya, Fanny at Angel. Mababait din naman ang mga iyon pero mga brat din. Hahaha.
Nakaupo lang ako sa isang bench dito sa garden. Masarap ang simoy ng hangin, fresh. Malayo sa kaingayan ng tao at relaxing. Madalas akong tumambay dito dahil wala namang masyadong pumupunta ditong estudyante.
Pinakiramdaman ko ang paligid kung may tao, wala naman siguro sa tingin ko.
Naglakad ako papunta sa mga nalalanta at nalalagas nang mga bulaklak. Kawawa naman ang mga ito.
Umupo ako sa damuhan at ipinikit ang mga mata ko. Nirelax ko lang ang sarili ko.
Nang imulat ko na ang aking mga mata ay pinagmasdan ko ulit ang mga halaman at bulaklak. Natutuyo na ang mga dahon ng tulips. Di na siguro nadidiligan. Sabagay sino bang magkaka interest na pumunta dito sa school garden? Ako lang yata e?
"Kawawa naman kayong mga halaman, unti unti na kayong namamatay. Wala bang nag-aalaga sa inyo para madiligan man lang kayo?" para kong tangang kinakausap ang mga halaman.
Matapos kong pagmasdan ang mga natutuyong halaman ay ngumiti ako at ikinumpas ko ang mga kamay ko.
Unti unting yumabong ang mga halaman at bulaklak. Nagkakaron na sila ng buhay. Naging mabulaklak ang mga walang buhay na halaman kanina. Gumanda ang mga tulips at naging makulay. Ganun din ang iba pang mga halaman dito.
Kung kanina ay kakaunti lang ang mga bulaklak dito sa garden ngayon ay madami na.
"Ayan, maganda na ulit." masayang sabi ko sa mga halaman. Baliw ko ano kase kinakausap ko ang mga halaman?
And yes, I am Layla Bretman. A charmer and I am a Plant Manipulator. I can control the plants in diffirent ways. Kaya kong buhayin ang mga patay na halaman. Kaya kong magpatubo ng puno at kaya kong gumawa ng mga vines. And my parents are also a plant manipulator. They are charmers too.
*clap* *clap* *clap*
Nagulat ako sa tatlong palakpak na narinig ko. Nanlaki ang mga mata ko. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at sobrang kinakabahan. Hindi pwedeng malaman ng iba ang tungkol sa pagkatao ko.
Unti unti akong napaharap sa taong pumalakpak kanina.
"Magaling, ang ganda ng ginawa mo" sabi ng babaeng nasa harapan ko tsaka ngumiti.
Napataas ang kilay ko. Sya yung babaeng nasa cafeteria kanina kasama ang grupo ni Keira. Di ko nga alam kung bakit nakatitig sakin yun kanina e.
"Wag kang lalapit! Lumayo ka sakin!" babala ko sa kanya. Hindi nya ako kilala at kung anong kaya kong gawin sa kanya.
"Bakit naman?" inosente nyang tanong. Weird nya.
"Hindi ka ba natatakot sakin? Dahil sa nakita mo hindi ako ordinaryong tao!" sabi ko sa kanya.
May nakakaalam na ang sikreto ko. Hindi ito maari.
"Hahaha. Bakit naman ako matatakot sayo? Because you are charmer and your charm is to manipulate the plants?" Nagulat ako sa sinabi nya. How come na alam nya ang tungkol sa charm thingy. Hindi kaya....
"Yes, I know what your thinking. Yeah, I'm also a charmer. My charm is lightning. So don't worry sikreto lang natin ito dahil hindi ito maaaring malaman ng mga mortal." sabi nya tsaka sya ngumiti at naglakad papunta sakin.
Ibig sabihin ay ligtas ang sikreto ko. Akala ko pa naman ay ordinaryong tao lang din sya katulad ng mga mortal.
"By the way, I'm Becca Stiltner. Hehe" pagpapakilala nya sa sarili nya tsaka inilahad nya ang kamay nya sakin.
"I'm Layla Bretman, a plant manipulator" sagot ko sa kanya tsaka inabot ang kamay nya para makipag shake hands.
"Nice to know you Layla, alam mo bang unang kita ko palang sayo kanina sa cafeteria ay naramdaman ko nang charmer ka." sabi nya. How come?
"Paano?" takang tanong ko.
"Malakas talaga ang pakiramdam ko sa kapwa ko charmer dahil galing ako sa Omegus World. Nandito lang naman ako sa mortal world para sa isang mission" sagot nya. So galing pala syang Omegus World.
Yes, I know all about Omegus World dahil palaging kinukwento sakin ni Mom and Dad ang tungkol dun. Nanirahan lang naman kami dito upang maging ligtas daw kami dahil nung mga panahong sanggol palang daw ako ay punong puno ng kaguluhan at digmaan sa Omegus World.
"Ano namang mission mo?" takhang tanong ko.
"I need to find some charmers na nandidito sa Mortal world. And magandang balita dahil dalawa na kayong nahanap ko. Hayss" sagot nya sa tanong ko. Bakit naman nya kailangang maghanap ng charmers?
"So ibig sabihin marami ring charmers dito sa mortal world?" tanong ko.
"Yeah, and kailangan ko silang hanapin pa." Poker face nyang sabi.
"Diba sabi mo dalawa na ang nahanap mo, ako ang isa. Sino naman ang isa pa?" tanong ko ulit.
"Ah, next time ko nalang sya sayo ipapakilala. Hehe" sagot naman nya.
"Okay? Eh bakit nyo naman kami hinahanap?" tanong ko ulit.
"Dahil unti unti na namang nagpaparamdam ang mga Dark Sorcerers. Kelangan ng Omegus World ng maraming charmers para protektahan ang mundo natin laban sa kanila" sagot nya.
Dark Sorcerers. Sila ang dahilan kung bakit kami umalis ng pamilya ko sa Omegus World. Dahil sa kasamaan nila. Kung hindi dahil sa kanila edi sana masaya kaming namumuhay sa Omegus World.
"Sobrang sama talaga nila" yun na lamang ang tanging naisagot ko.
"By the way aalis na ako, magsisimula na ang klase ko." sabi ni Becca habang nakatingin sa relo nya.
Napatingin din ako sa relo ko and yeah, magsisimula na nga rin ang next subject ko.
"Sige sabay na tayo. Nice to meet you again Becca" sabi ko sa kanya tsaka ngumiti.
"Nice too meet you too Layla" masayang sagot nya sakin at sabay na kaming naglakad paalis ng school garden.
--
Keira's POV
"Akin na nga yan!" malakas na sabi ni MM.
"Pasa mo sakin Ella!" sabi naman ni Stacey tsaka ihinagis sa kanya ni Ella ang notebook ni MM.
"Aha! Sino namang itong Drew na ito MM? Ikaw ha! Hahaha" sabi ni Stacey habang binabasa yung notebook ni MM.
"Ikaw ha! May natitipuhan na pala ang MM natin. Nagdadalaga na sya! Hahaha" sabat ko naman.
"Akin na kase yan!" malakas na sabi ni MM at hinablot ang notebook nya kay Stacey.
"Sino naman yang Drew na yan? Manliligaw mo? Hahaha" it's Ella.
Biglang namula si MM, the labanos turned in to kamatis. Hahahaha.
"Huh? W-ala y-un" nauutal na sagot naman ni MM at inilagay sa bag nya yung notebook nya. Lalo syang namula.
"Wala daw pero nauutal! Hahaha" asar sa kanya ni Stacey.
"W-ag nga k-ayo dy-an!" nauutal na sagot nya parin.
"Hayys, nagdadalaga na nga ang MM natin! Hahaha" sabi ni Ella.
"Ano ba natural naman yan sa isang babae. Palibhasa wala kayong boyfrie--" naputol ang sasabihin ni Stacey dahil nasa kanya ang atensyon naming tatlo nila Ella, MM.
Nandito kami ngayon sa hideout namin since tapos na ang klase. Nakatambay lang kami dito.
Si Becca? Ewan ko, bigla nalang nawala e. May pupuntahan yata. Tungkol yata sa mission nya. Diba nga may mission thingy pa sya. Tungkol sa paghahanap nya sa ibang charmers.
"Huli ka balbon!" malakas na sigaw ni Ella.
"Aba! May jowa na pala ang Stacey natin. Lumalandi na rin!" malakas na sambit ko. Nagtawanan naman kami.
"W-ala noh! Ano ba kayo?!" medyo nauutal na sabi ni Stacey.
"Wala daw pero nauutal!" sabi naman ni MM. Nagsimula na ring mamula ang mukha ni Stacey.
"Ikaw ha di ka nagkukwento samin! Naglilihim kana!" si Ella.
"Oo nga, what friends are for kung naglilihim kana samin?" sabi ko. Wow ha? Sakin pa talaga nanggaling yung mga salitang yun. Di hamak na mas malihim ako kesa sa kanila. But I have my valid reasons why.
"Sino namang yang lalaking nauto mo Stacey ha?! Hahaha" Ella again habang natawa sya.
"Wala nga, ano ba kayo!" pagdedeny ni Stacey.
"Wala daw pero nadulas na sya na may boyfriend sya. Duh?!" sabat ni MM.
*tok*
*tok*
*tok*
Natigil ang pagtatawanan namin dahil may kumatok sa pinto. Sino naman ang naglakas ng loob na katukin kami dito sa hideout namin?
Si MM ang nagbukas ng pinto dahil siya ang malapit sa pintuan.
"Oh ikaw pala Becca, halika. Come in!" sabi ni MM nang makita nya si Becca.
Hindi kami basta basta nagpapapasok dito sa hideout namin pwera na lang kung kaibigan namin. And yes, Becca is now our friend.
"Hello Becca, where have you been? Bigla bigla ka nalang nawala kanina after ng klase natin." sabi ni Ella nang makapasok na sa loob.
"Ah e, galing akong principal office. Hehe" sabi nya. Halatang nagsisinungaling sya. Pero ako alam ko ang totoong ginawa nya.
"Ah ganun ba. Hahaha. Halika, join us. Kwentuhan tayo!" sabi naman ni Stacey.
"Infairness, maganda tong place nyo ah. Kayo lang ba lagi dito?" tanong ni Becca.
"Yah, this is our hideout. Pag wala kaming klase or tinatamad kaming pumasok sa subjects dito kami tumatambay." sagot ni MM.
Inilibot ni Becca ang mata nya sa kabuuan ng hideout namin. Nakikita nya ang sink tab, cr, dining table, kitchen at mini library. This is like a mini house. May kwarto rin dito para if ever na inaantok kami meron kaming matutulugan. Isang kwarto lang sya pero may apat na kama. Kanya kanya kaming apat.
"Nice" tanging sagot ni Becca. Halatang namamangha sya sa hideout namin.
Sa nakikita ko sa mga kaibigan ko, kay MM, Ella at Stacey they really like Becca. Maganda kase ang pakikitungo nila at halatang palagay ang loob nila kay Becca. Kase yang mga yan hindi yan basta basta nakikipag kaibigan sa iba. Kahit ako, we don't entertain others.
"Ganito rin sa dating school ko, we have own dorms. Actually 3 kami sa isang dorm. Parang ganto rin katulad ng place nyo" sabi pa ni Becca. I think yung school sa Omegus World ang sinasabi nya.
"San ka ba galing na school at bakit ka nagtransfer dito?" tanong ni Ella.
"Wag mo na tanungin dahil hindi mo rin naman alam yun. Hehe. Nagtransfer ako kase I want new nature and to meet new sets of friends" sagot nya. Napangisi nalang ako, I knew it. Alam ko ang totoo dahil sinabi nya sakin kanina.
"Ayy ganun? Hahaha" sabi ni MM.
Madaldal din pala itong si Becca. Mukhang nakapag adjust na agad sya sa new nature nya.
Madami pa kaming pinagkwentuhan kaya ayun puro tawanan lang kami.
***