Chapter 2 - 002

Kabanata 02

HINDI KAMI nakalangoy kahapon dahil buong araw ang buhos ng malakas na ulan to GD's dismay kasi excited na excited siya tapos hindi natuloy, maghapon tuloy siyang nakasimangot, asar na asar siya sa ulan na parehas naming hindi inaasahan.

Kaya naman kanina pagkagising naming tatlo at maganda ang sikat ng araw ay agad siyang bumangon at nagpaluto ng agahan sa'kin. We only wake up Kaele when we finished cooking our breakfast, magkatulong kami ng anak ko. Siya ang taga-kalat at nangungulit sa'kin habang nagluluto ako, iyon lang daw ang ambag niya kasi hindi siya marunong magcook, which I think very funny that why I laugh hard and playfully messed more his messy hair.

After naming kumaing tatlo ng agahan sa terasa ng silid ko'y agad na nagbihis ang aking mag-ina dahil narin nagmamadali si GD na maglaro sa tubig.

"Mommy dali na kasi ang bagal-bagal eh!" Kinalampag niya ulit ang nanay niya sa banyo.

"Teka sandalee! Atat tong batang to. Matuto ka sa tatay mo na matagal akong sinuyo at hinintay." She shouted back, clearly teasing my son again.

"Wala akong paki! Labas kana kasi diyan, kanina pa kaya kami nagaantay sa'yo dito, ang tagal-tagal mo talaga Mommy eh!"

I heard Kaele's laughter, inaasar niya talaga. "Pikon ka na niyan?!"

"Hindi kaya labas ka na diyan." GD pouted at malakas na kinalampag ang pinto ng banyo, ang ingay talaga nila sa umaga.

"Kaele huwag mo ng asarin ang batang to, kahapon pa to excited eh. Halikana baby!" Ako na ang kumatok at ngisi-ngising nakatingin sa anak kong nakabusangot na naman.

"Ayaw niya lang lumabas kasi di siya marunong mag-swim Daddy!"

Ang ngisi ko'y nauwi na sa malakas na tawa, yamot na yamot na talaga siya sa kakahintay sa topakin niyang Nanay.

"Alam ko, anak. Kaya hayaan mo na ang Mommy at lalabas na rin to. Kaele labas na diyan, sa pool lang tayo pupunta hindi sa beach." Pangasar ko din kaya nagapir kaming mag-ama at napahagikhik nong sabay kaming minura ng Nanay niyang mabait.

Matapos ang tagal naming paghihintay at pamimilit kay Kaele ay sa wakas ay bumukas na din ang pinto at lumabas na siyang naka two piece.

I saw how her cheeks turns red as she waited for my reaction, I smirked at her.

Nilapitan ko siya at binulungan. "Sexy and seductive...as always babe."

Agad akong naktanggap ng sapok galing sa kanya. "Heh! Inuto mo! Hoy bata halikana kanina ka pa nagmamadali, may lakad ka, may lakad?"

"May takbo lang po, Mom." Asar na pabalang na sagot ni GD pero hinawakan niya ang kamay ni Kaele at sinabay na palabas ng kwarto. "Ang tagal kasi Mommy baka umulan na naman tapos hindi na naman ako makaswim, ikaw talaga ang may kasalanan non."

"So sinisisi mo ako, ganon?" Nakataas ang kilay na tanong ni Kaele.

"No Mommy, sinasabi ko lang ang possibilities na umulan." GD smile cutely. "Daddy sabay ka sa'min, come."

Nilakihan ko ang hakbang ko para makasabay na sa kanilang dalawa, kinarga ko si GD nong pababa na kami ng hagdanan at ako naman ang humawak sa kamay ni Kaele, hhww kami at kinikilig na naman ako.

"I love you, baby." I softly planted a kiss on her forehead.

"Love you too, Marc baby." She said then playfully winked at me.

Nakasalubong ko si Yaya Lupe habang papalabas kami ng bahay kaya binilinan ko siyang magdala ng snacks doon sa pool.

"Yay doon po sa pool ha, maliligo kami ng asawa at anak ko." Inulit ko ang utos ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad habang akay-akay ang mag-ina ko. 

Agad na nagbaba si GD nong nakita na niya ang infinity pool, he jumps and run around. Sinuotan ko siya ng kiddie lifevest and floaters para hindi siya malunod. Sabay pa kaming tumalon sa pool nong maayos ko na ang vest niya.

"1.2..3...JUMP DADDY!" GD screams as we both jump into the water, making a big splash.

Nagkakawag-kawag agad siya pataas, I saw his wide boyish grin, same as mine. Sumisid siya at lumangoy pero hindi naman siya umaalis sa kanyang puwesto kaya natawa kami ni Kaele.

"Ang galing-galing mo nak." Nangaasar na naman ang nanay niya. "Pangolympics ang levelan."

GD just gave her a lopsided grin, kita ulit ang bungi niya. "Atleast naliligo Mommy." He replied smugly.

"Ikaw din Mom, kuha ka don ng tabo sa banyo tapos diyan ka sa gilid sumalok para makaligo ka naman Mie!" Sinabayan niya ng hagikhik.

Binelatan niya pa ang Nanay niyang nasaling na naman ang kanyang mapangasar na katauhan. Umangat ang gilid nag kanyang labi at minasdan ang magina niyang nagsasabuyan na ng tubig.

"Hoy ching, lapit ka dito ilulublob kitang bata ka!" Nagbibirong banta ni Kaele at sinabuyan na naman ng tubig si GD na nasa kabilang side ng pool.

"MOMMMY HINDI NGA AKO TABACHING-CHING O TABACHOY! HEALHTY PO AKO, HEALTHY!" nanggagalaiti na namang sigaw ng anak ko laban sa pangasar sa ina.

"Ah talaga ba?" Then she abnoxiously laugh aloud kaya nahawa narin kami ni GD, palak-palak. "Love you baby boy GD kahit ang taba-taba ching-ching mo."

"Love din kita Mommy kahit nakakaasar ka! Love you Dad, your the best!" He swim towards my side to give me a kiss on my cheek, sweet. "Mas love ko si Daddy Marc, Mommy hindi siya bully!"

She give us her resting bitch face. "Asan ang paki ko, aber? Magsama pa kayong mag-ama, huh! Mas mahal naman ako ng tatay mo!" She banters childishly.

Napangisi ako habang naiiling kaya hindi ako nabobore pag sila ang kasama ko eh, puro kalukohan at asaran ang nagyayari sa'ming tatlo pero madalas ako ang referee sa dalawang parehas mainitin ang ulo at pikonin, mana-mana talaga.

"NYE-NYE—NYE! AKIN SI DADDY! WALANG SA'YO MOMMY, WALANG SA'YO!" GD possessively screams tapos mahigpit na niyakap ako sa leeg.

Tawang-tawa naman si Kaele habang nakamasid sa'min, I watch her face glows so bright, bringing sunshine in my life, my light in my darkest hours.

"Love you!" Usal ko pero walang tunog.

She gave me a flying kiss and replied 'I LOVE YOU TOO, BABY!' with finger-heart kaya ginaya ko din that earns a laughter coming from her, kinilig na naman ako.

NAKAHIGA na kami ni Kaele sa beachbed, nagsu-sunbathing kami parehas. I wore my sunglasses, para hindi masyadong masakit sa mata ang liwanag ng araw, ganoon din si Kaele na katabi ko. Hinayaan na namin don si GD sa pool dahil ayaw niya paring umahon, after kasi naming magrace at maghabulan ay hindi parin siya napagod. Mas lalo pa nga yata siyang naha-hyper every passing minutes, nakaligo narin si Kaele and true to her son's word don lang talaga siya sa gilid ng pool nagtampisaw, kaya naman I join her and cage her inside my arms para makaligo siya ang maayos, sobrang kapit niya pa sa'kin kanina.

"Sinasabi ko sa'yo Marc, huwag na huwag kang magkakamaling bitiwan ako kasi ikaw talaga ang ilulob ko dito." She warns ahead after ko siyang dinala sa gitna ng pool.

"I won't baby, I won't let go of you." I gave her a peck on her lips. "Hinding-hindi kita bibitiwan kahit anong mangyari, I will hold on to you."

"Ang corny talaga Pops, look oh she looks like a shrimp again."

Sabay nalang naming naikot ni Kaele ang aming mata nong sinira na naman ng magaling naming anak ang aming moment, sinabuyan ko siya ng tubig.

"Hala siya Daddy, istap!"

Binaling ko ang aking mata sa gawi ni Kaele, she's probably napping. Kinuha ko ang kanan niyang kamay at hinawakan ng mahigpit bago ko dinampian ng magaang halik, I stared at our wedding bonds, our ring that symbolizes our unending love.

"Mahal na maha kita, baby." I whispered to her ear and lightly brush a peck on her temple.

I just held her hand and feel her warmth that succumbs my being, this is contentment. This is pure bliss, being with her again, with them. Seeing her smiles that turns into laughters, hearing their loud voices and feeling their overflowing love, indeed I am blessed to have Kaele and GD in my life, my priceless treasures.

---

NAISIPAN naming pumunta sa entertainment room para magmovie-marathon parehas pa kasi kaming hindi inaantok ni Kaele dahil siguro lumaklak pa kami ng kape kanina after maghapunan. Si GD kasi payapa na ang tulog marahil napagod sa kakatakbo kanina sa arcade, namasyal kaming tatlo kanina, naglaro at naggala para maaliw si GD at makalabas naman siya ng bahay.

It's like our family day, bonding and playing around with GD, we let him have fun. Ride all the cars and play all the toy machines.

Then nagclaw-game pa kami hindi namin tinigilan hanggang hindi nakuha ang gusto stufftoy ni GD, na sa huli ay ibinigay niya naman sa batang babae na nakalaro niya kanina.

We all have fun and we took alot of photos kanina, souvenirs.

Natapos ang pagiisip ko sa naganap kanina nong matapos kong i-setup ang screen, I turn it on.

Parehas pa kaming napapikit ng mata ni Kaele dahil sa pagkasilaw dala ng widescreen, hindi na kasi namin in-on ang switch ng mga ilaw dito, sa e-room.

"Ayan na, dali na Daddy tabi kana sa'kin." Si Kaele ay tumili pa nong nakapili na siya ng papanoorin namin.

Napailing nalang ako at tumabi na sa kanya, jailing her body inside my arms, hinilig ko siya sa balikat ko and I rested my cheeks on her head, inayos ko din ang unan at kumot na bitbit ko, palagi kasi tong nilalamig eh kaya niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.

She giggled. "Wow, miss na miss mo, Marc?" She tease.

I chuckled and kissed her hair. "Sobra!"

"Shhh...let's watch na baby, magsta-start na siya, I'm so excited." She said in a singsong kaya natawa ako.

Natahimik kami parehas habang nakatutok ang mata sa palabas, una nakakatawa pa iyong kwento, parang winawarm up ka nila sa next scenes, maganda ang settings and dala ng mga artista ang kanilang character pero nong bandang kalagitnaan na nakarinig na ako ng mahihinang hikbi galing sa katabi ko, may sinok pa.

Pabiro kong ginulo ang kanyang buhok. "Ala siya iyak na naman."

She sobs. "Heh tahimik Marc, naiiyak ako lalo."

Napailing nalang ako, ang babaw talaga ng luha niya. Katulad nong unang beses ko siya nakilala, she was also crying that time, yung palahaw talaga. Tila binabalik ako sa'king nakaraan habang naririnig ko ang kanyang atungal ngayon.

Flashback...

Marami na ang tao sa loob ng sinehan kaya medyo umingay na dito, kanina kasi ako ang pinakaunang nakapasok after nong naunang palabas. I took my seat at hindi na gumalaw pa, naiinip kakahintay. Ilang beses ko pang nacheck ang pambisig ko na relo at napalinga-linga sa paligid pero, kadiliman lang ang nakikita ko. 

Napuno at isa-isa ng na-occupy ang mga upuan naka reserve pero ang nasa kaliwang side ko ay hindi parin, wala na talaga yatang pag-asang dumating ang kadate ko. Huli na kasi siya nagsabi na hindi siya makapunta o baka malate siya sa lakad namin, pero mukhang alaws talaga. Nagsimula na kasi ang intro ng movie, siya ang may gusto nito pero siya ang hindi sumipot, paasa!

Pinapak ko nalang ang popcorn na binili ko, habang nanonood kahit medyo asar ako naiintindihan ko naman ang flow ng story, hanggang umabot na kami sa twist ng plot.

Oh, this is a sad story. I concluded base narin sa scenes na sumunod.

Hindi nagtagal ay naririnig ko na ang paghikbi ng katabi ko, iyong babae sa kanan ko. Napansin ko siya kanina kasi nakikihati siya sa popcorn ko, eh nasa kabilang side naman ng upuan niya iyong sa kanya, hinayaan ko nalang mukha kasing engross na engross siya kakatawa sa umpisa nong storya.

Pasimple ko siyang binalingan ng tingin. I assumed also na hindi rin siya sinipot ng kadate niya kasi unoccupied ang seat next to her. Oh so we have the same unlucky day huh?!

Napangisi nalang ako sa panunukso ng kabilang bahagi ng utak ko. 'Parehas lang naman kayong naindian pana!'

Hindi nga ako nagkamali kasi biglaan na lamang namatay ang bidang babae, naikinaiyak lalo ng katabi ko. Hindi lang naman kasi siya ang umiiyak ngayon pero feeling ko siya ang may pinakamalakas na palahaw, mukhang may built in siyang fertilizer, saganang-sagana kasi ang pagbugso ng luha galing sa kanyang mata.

Para siya sanggol na inagawan ng gatas, yung iyak bata talaga. Embis na sa screen ang mata ko ay natutok ang paningin ko sa kanya, hindi ko na maitago ang naamuse na ngiti ko sa ngayon, lalo nat bigla siyang humarap sa gawi ko, huling-huli niya akong nakatitig sa kanya.

"B-bakit?!" She sobs while asking hindi naman ako makauhap ng sasabihin, bakit nga ba ako nakatingin sa kanya?

Muli siyang umusal ng salita. "Ba-bakit s-siya namatay?! Wahaahuhu!"

Napaawang ang labi ko nong marealize kong hindi pala ako ang kweniquestion niya kundi ang pagkamatay ng bida sa storya. Lumakas na naman ang iyak niya dahil nagpa-flashbacks ang mga happy moments nong mga bida sa screen, with matching very melodic sad instrumental background.

Napakapit pa siya sa braso ko kaya napatingin ako doon, ang higpit parang may hugot yata to sa buhay ah.

"Here, take this." I suddenly offer.

Napatingin siya ulit sakin at tinanggap ang panyo kong bigay.

"T-thank yo-you ha? H-hindi ko k-kasi alam na may t-tema palang balat s-sibuyas tong pelikulang t-to, hindi ako prepared. Ang s-sakit-sakit ng h-heart ko bhe, huhuhu!"

Madamdamin niyang naiusal habang pumipiyok pa at nauutal dahil sa pagiyak. Mas lalo ako na amuse sa kanya habang singa siya ng singa sa hanky ko.

"Hoy, scripted lang iyan huwag mong masyadong iyakan." I reminded her, dalang-dala na kasi siya sa kuwento.

She sobs again. "Gago alam ko, pero tangina talaga di ko maampat ang luha ko, sheyt! Bakit kasi namatay pa eh, pa ending na saka pa nakialam ang tadhana, look! Look how miserable her husband is, naiwan siyang magisa. Biglaan iyon wala man lang warning. Ang sakit talaga, my heart is bleeding."

She excerpt out of frustration, napailing nalang ako at hinayaan siyang umatungal, she seems so affected by it. Hindi na siya tumigil sa kakaiya simula nong namatay iyong bidang babae, hanggang sa nabaliw iyong lalaking bida sa kwento, then sa ending hindi na nagising ang lalaki pero yakap-yakap niya ang litrato nilang mag-asawa.

"Ahh! It so sad!" She barely whispered umalis siya sa pagkakasandal sa balikat ko, oo ginawa niya akong sandalan habang umiiyak siya. "Ang lungkot-lungkot ko tuloy!"

Hanggang sa palabas na kami ng sinehan ay iyak parin siya, she cries a river. Mugtong-mugto ang mata pati ang namumula niyang ilong.

"Hey cheer up, hindi iyon totoo." I tried to lighten her mood. "Saka as if namang mangyayari saiyo iyon."

Tinuyo niya ang pisngi saka ang mata niya ng panyo ko, sabay na kaming naglalakad hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Halimbawa lang mangyari sa'yo iyon, iiyak ka din ba? Will you also lost your sanity because of love?" She asked softly.

Napataas ang kilay ko, kabilang siya sa porsyento ng hopeless romantic sa mundo. "Uhmm...no? May mga tao talagang minsan hindi itinadhanang makasama mo habang-buhay. Move on and continue living."

Umingos siya halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ko, but that's the reality. The constant thing in this world are changes and chances.  

"Tsk, corny mo!"

"Sino ba umiyak sa'tin? Mas corny iyon."

"Heh iiyak ka din!" She hotly said.

"Bakit ganda ka? Iiyakan kita?" I flashed her my smirked.

Nanlaki ang mata niya. "What? Bat mo ko iiyakan, patay ba ko?! Lol mo!"

I laugh, mukhang hindi na siya iiyak kasi nakikipag-asaran na siya sa'kin.

"Gutom ka na ba? Kain tayo?" I asked her plainly.

"Lol kanina inaasar mo ako tas ngayon yayayain mo ako mag-date?!"

"Hala siya, assumera. Kung ayaw mo di 'wag kakain na kasi ako baka gusto mo lang sumabay. Makabintang to, amph! Ikaw kaya nakaubos ng popcorn ko!" Sumbat ko sa kanya, hindi lang popcorn ko pati drink ko siya ang lumaklak.

Napangisi siya at napakamot ng ulo. "Eh, nacarried away kasi ako kanina, hindi ko napansin na sa'yo pala iyon, hehe sorry po."

Napailing nalang ako, ang cute niya.

"So sama ka o hindi?" I ask her again.

She shyly utter. "Sama!"

Nagalakad na ulit kami at naghanap ng makakainan, we talk about ramdom topics, kung anu-ano lang. Basta hindi kami madead-air, madaldal din kasi siya kaya wala namang problema.

Tulad ngayon nginangatngat niya na ang paa ng manok pero hindi maputol ang kwento niya. Mataman namang akong nakikinig sa kanya, tawa ako ng tawa.

"Eh kasi naman Mac, tama? Si Mac ka diba?"

"Marc. M. A. R. C." I spelled out.

"O iyon nga, Mac, Marc same sound, same difference. Pero iyon nga Mac este Marc kanina kasi asar talaga ako, biruin mo ha! Tangina talaga nila ng hard, biruin mo ang punyeta kong na nobyo, nakita ko bago ako pumasok sa loob ng sinehan ang kataksilan bhe,"

Dinip niya muna ang manok sa toyo bago nagpatuloy. "Hamo ba namang ako ang nagyaya ng date sa kanya sa sinehan, iba ang kasama niya papasok. Nagabang talaga ako sa entrance kasi usapan namin doon ako maghihintay, pagkatapos niya akong pagurin ng halos isang oras kakatayo don malalaman ko na lamang na may iba siyang babaeng niyaya? Diba? Kapal ng face, bhe!"

Kinamay niya na ang pagsimot sa kanin, "Tapos kunyari hindi niya ako kilala sa harapan ng babae niya, eh ako kaya ang nagavail ng tickets na iyon para sa aming dalawa tapos sila makikinabang? No way! Kaya naman inagaw ko kay Myke that's his name btw, inagaw ko sa kanya ang ticket nabinili ko pagkatapos ko siyang sampalin. Ha! Walang libre sa mundo no? Akala nila? Mga taksil mga slapsoil, kala mo kagandahan iyong maarteng iyon?" She roll her eyes up, at nagact pa na parang navo-vomit.

Wala akong ibang naambag kundi ang mapahalakhak, mukhang hindi naman siya brokenhearted, feeling ko naego-tripping lang siya. Mas may luha pa kasi siya kanina don sa movie kaysa sa pagsiwalat ng kamalasan niya ngayon araw.

"Same lang naman tayo, my date just left me hanging, again. Tatlong beses niya na tong ginawa, take note hindi pa kami ha? I am attracted to her pero nakakaturn-off na siya ngayon, she will agreed to my invites then at the last minute she'll just refuses to come, Mikaelle."

"Ah the vanishing effect pala iyan, mga walang isag salita. Mga paasa! Mandurugas na slapsoil!" Nagngingit niyang dugtong.

Sabay nalang kaming natawa sa karanasan namin ngayong araw, atleast accidentally nakilala namin ang isa't-isa. We just suddenly clicked para na kaming magtropa magusap na dalawa.

"Bye Kaele," I wave at her, hinatid ko na kasi siya sa sakayan pauwi sa kanila.

"Bye Mac, Marc! See you soon than never!" She flashed her wide smile and wave back.

Naiiling na naglakad ako paalis sa lugar para umuwi narin sa bahay ko.

Memoirs of you, iyon iyong tittle nong sad movie kanina. I was smiling like an idiot habang nagda-drive ng kotse, iyong mukha lang ni Kaele ang pabalik-balik sa balintataw ko.

Masamang pangitain to! Babala agad ng kabilang panig ng utak ko.  

ANG marahang tapik saking balikat ang napagising sa isipan kong nagbaliktanaw, kung san kami nagsimula ni Kaele, kung pano kami unang nagkakakilala. Hanggang sa ngayo'y kasa-kasama ko parin siya.

"Hoy Marc, san na naman nakaabot ang pagliliwaliw ng utak mo?"

"Sa puso mo?!" I replied unmindingly.

"Lol banat mo tyong, ang corny." She tease.

"Pero hanggang ngayon iyakin ka parin." I brush away the tears in her eyes. "Noon hanggang ngayon, your still a sucker for a tragic ending story. Sabi sayong hindi iyon nangyayari, pero balde parin ang iyak mo." Pabiro kobpang pinisil ang namumula niyang ilong.

Napalabi naman siya at suminghot sa damit ko. "Eh kasi naman, namatay na naman ang babae dito, they travelled to abroad tapos magaaway lang sila don? Hindi pa sila nakauwi pero naghiwalay na then three years later na agad? Oh c'mon she has a tumor and look, ano pa ba ang conclusion ko diyan? Edi tragic ending na naman ulit. Tapos yong lalaki nangako pero hindi naman tinupad, magpapakasal naman siya sa iba, ang unfair!" She cried again kaya napangisi ako.

Siniksik niya ang kanyang ulo sa aking dibdib, she wraps her arms around my waist, ramdam ko ang pagkabasa ng damit ko dahil sa saganang luha niya, I just caress her silky hair, just how she likes it.

"I love you, baby. Mula noon hanggang ngayon hindi-hindi nagbabago ang pag-ibig ko sa'yo." I whispered to her.

"Ehhh. Nakikisabay na naman siya, naiiyak na kaya ako, Marc stop being so sweet, I love you too as much as how you love me back." She gave me a peck at bumalik ulit ang tingin sa palabas, they are watching the sunrise. It was sad scene indeed, watching the sunrise pero alam mong yung sayo papalubog na, papadilim na.

"I will always see you as my sunshine, Kaele my sun rays. Even if it is sunrise and sunset it will always reminds me of your brightness, my light. Love you baby, so much!" Madamdamin kong saad na ikinakilig niya na naman kasi pino niyang kinurot ang tagiliran ko.

"Ang harot-harot Marc ha?!" She playfully mumbbled while we're are both laughing, habang siya tawa pero naiiyak.

"Iyakin!" Tukso ko na naman. "Pero mahal na mahal ko pa rin."

"Ai harot talaga!" She exclaimed.

*****

clxg_drgn

#sana matapos ko to! Aja! Gambate!