Chereads / The Untitled Love Poem / Chapter 1 - Simula

The Untitled Love Poem

🇵🇭codenamestarshine
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 19.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Simula

''Hindi ko maintindihan diyan sa anak mong iyan kung bakit kailangan niya laging maging problema sa mga plano ko?!. Kung nakinig lang sana siya saakin sa simula pa lang, hindi mangyayari ang lahat ng ito!''

''Tama na! Kahit ngayon man lang hindi mo ba kayang isaisantabi iyang politika na iyan! Huwag mong gamitin ang sarili nating anak para lang sa kasakiman mo, hindi mo man lang iniisip kung anong mararamdaman ni Vera! Puro ka na lang ganyan. Hindi na ako magtataka kung bakit ang layo ng loob sayo ng anak mo, dahil kahit isang beses wala kang pinakita sa kanyang pagmamahal. Kaya't sino ka para makialam sa buhay nya at sa kung sinong mamahalin nya?!''

''Ginagawa ko lang kung ano ang makakabuti sa anak ko, hindi ko sya hahayaan sa mga maling desisyon nya sa buhay. Gaya nitong sitwayon ngayon!''

''Hindi rin kita hahayaan pang muli na humadlang sa mga bagay na ikasasaya ng anak ko!''

Buo na ang desisyon ko ngayon na umalis na sa puder ng mga magulang ko, hindi ko na sila kailangan sa buhay ko. Parehas lang silang nagpapasakit ng ulo ko sa araw araw. Kung tignan nila ako parang isang bata na lahat na lang ng gawing desisyon sa buhay ay mali. Lumaki akong laging si mommy lang ang nagdedesisyon para sa akin. Hindi ko alam kung bakit takot siya na pumalpak ako sa buhay, pero in my own perspective failure is the thing that I should be thankful for dahil ito yung magiging way para matuto ako sa pagkakalugmok ko. Ito yung magiging motivation ko para magsimula ulit. At ang failures ko responsibilidad ko yun pero para kay mommy pag pumalpak ka sa isang bagay malaking pagbabago na agad ito sa buhay mo na maaaaring maging katapusan mo na rin. Takot siya na sa mga maling desisyon ko sa buhay na gagawin ay pumalpak din siya sa pagigigng isang mabuting ina para sa akin. Pero mali pa rin siya, dapat hayaan niya rin ako na pumalpak at magkamali. She shouldn't feel bad about herself for seeing her daughter's greatest downfall because that is my responsibility and hindi ko iniinsist na isipin niya na hindi niya ginampanam ang tungkulin niya kaya ako pumalpak. She would always say how much she loves me and I just convince my self with it anyways but in my heart, I really can't feel it. At ito siya ngayon, mangiyak-ngiyak na sa harapan ni Daddy ngayon para lang ipagtanggol ako, akala ba niya matotouch na ko sa acting nyang yon? At sinabi nya pang susuportahan na niya ang mga bagay na ikasasaya ko? Tama ba yung narinig ko? HA HA HA! Papaano nya kaya gagawin yun kung siya mismo ang unang tao na pumutol sa mga kaligayahan ko? Within the eighteen years of my life siya ang kumontrol sa buhay ko, she make me her perfect creation. Inalisan nya ako ng karapatan sa sarili kong buhay, little did she know that she created the monster in her own daughter herself.

Habang nag iimpake ako ng mga gamit ko sa kwarto, may kumatok sa pinto. ''Miss Vera?!'' Nawala ang pangamba ko nung malaman kong si Belinda pala iyun. Pinagbuksan ko naman siya ng pinto at sinara agad para masiguradong walang ibang kasambahay ang makakapasok. Bata pa lamang ako nung dumating sa amin si Belinda, anak siya ng kasambahay namin noon na si Manang Hilda. Halos sabay na kaming lumaki ni Belinda dito sa mansyon, siya lang ang nakakalaro ko noong bata pa ako dahil na rin sa hindi ako pinapayagan ni mommy lumabas ng bahay at makipaglaro sa ibang bata. Mabait sa akin si Belinda kahit apat na taon ang tanda niya sa akin nagkakasundo kami sa mga bagay bagay. At siya lang din ang tanging tao dito sa mansyon na pinagkakatiwalaan ko. Kaya naman nung nag dise-otso na si Belinda dito na rin siya nagtrabaho sa aming pamilya para magluto. Gustong gusto ko ang mga lutuin niya lagi, sa tingin ko nga ay kahit pa pag aralan ko at paulit ulit na basahin ang best-selling books about cookery ay hindi ko mapapantayan si Belinda sa sarap niyang magluto. Kaya naman ngayon pa lang na iniisip kong aalis na ako dito at di ko na matitikman pa ulit ang luto niya ay lungkot na agad ang nadarama ko. Hayst paborito ko pa naman ang Kaldereta niya!

''Aalis ka? Pero alam mong hindi makakapayag ang magulang mo diyan sa plano mong yan lalong lalo na ang mommy mo.'' kita ko sa ekspresyon ng mukha niya ang pag aalala sa akin.

''Huwag mo akong alalahanin matagal na akong nakahanap ng titirahan ko at saka diba nakwento ko na ito sa iyo noon na pag nag 18 na ako bubukod na ako, saka kaya kong mabuhay sa sarili kong sikap. Wala na akong pakialam kung ipaputol man nila lahat ng card access ko, may inopen akong sariling account sa bangko nung nag 18 ako at nandun naman mga ipon ko kaya ko na mabuhay.''

''Papaano ang pag-aaral mo? Huwag mong sabihin na hindi ka na mag cocollege?''

''Papasok pa rin naman ako. Bale tatlong buwan pa naman bago mag pasukan kaya makakahanap pa ako ng trabaho. Magbubukas si Keila ng cafe na malapit daw sa school sa Taal at inalok niya ako na maging manager niyon.''

Matapos ang usapan namin ay nagpaalam na rin ako sakanya at niyakap siyang umiiyak. Habang bumababa ako sa hagdanan mula sa kwarto ko nakita ko na agad ang gulat sa mga mukha ng magulang ko at nagsisimula na silang pigilan ako.

''Aalis ka? Matapos mo akong bigyan ng sakit ng ulo, aalis ka na lang na parang walang nangyari? Hindi ako makakapayag sa gagawin mo na namang maling desisyon na iyan Vera!'' bungad saakin ni Daddy.

''Vera anak please pag-usapan natin ito, huwag kang umalis. Hindi mo pa naiintindihan iyang gagawin mo ayokong pagsisihan mo ang desisyon mong iyan-''

Hindi na ako nakapag-pigil at tuluyan ko nang nabitiwan ang bitbit kong mga gamit at saka sila hinarap. ''Hindi na ako bata para sa mga mali maling desisyon na yan, kung magkamali man ako at pumalya sa buhay ko. Problema ko na iyon at hindi inyo! At aalis ako dahil hindi ko na nagugustuhan ang pagkontrol at pangingialam nyo sa buhay ko. Sana maging masaya na lang kayo para sa akin.''

At ambang aalis na nga ako sa pintuan namin nung biglang pigilan ako ni mommy na umiiyak at nagmamakaawa. Hindi ko din naman gustong saktan si mommy kahit na nasasaktan na rin niya ako, pero this time desidido na talaga ako. Hindi ako pwedeng madala sa mga panaghoy niya at pag mamakaawa. Kung hindi ako aalis ngayon siguradong hinding hindi na ako makakaalis pa dahil maghihigpit si Daddy kaya ito na ang pagkakataon ko.

''O sige Vera, umalis ka na. At huwag ka nang bumalik pa. Kakalimutan mong magulang mo kami at ni isang kusing ay wala kang makukuha mula sa akin. Walang magandang idudulot sayo ang pagsuway o sa akin tandaan mo iyan!''

Tuluyan ko na silang tinalikuran at pumasok sa aking kotse, pinaandar ko ito ng mabilis at tuluyan nang lumayo sa aming mansyon. Nag-iba ang pakiramdam ko nung makaalis na ako sa bahay na iyun, naging maginhawa at maaliwalas na ang pakiramdam ko na parang malayang malaya na ako. Ganito pala ang pakiramdam ng maging malaya sa mga gusto mong gawin, pero sa isip ko may pangamba pa rin ako na gagawa at gagawa ng paraan si Daddy para ipagkasundo ako kay Sedrich Alcaraz na isa sa kambal na anak ng gobernador ng Quezon.

Inalis ko na sa isipan ko ang mga iniisip at saka nilingon ang kalsada dito sa Del Castillo kung saan malapit ang bahay na napili kong tirahan. Kita ko mula dito ang lumang bahay na iyon na naka agaw pansin na agad sa sakin sa simula pa lamang kaya binili ko na agad. Marami na ring parts ng bahay ang inayos at ginawang moderno pero kung titignan mo mababakas mo pa rin ang vintage essence nito. Tama lang ito sa akin dalawang palapag, tatlong kwarto sa taas, malawak ang sala at ang dining room, at kumportable namang galawan ang kusina. Bigla kong naalala si Belinda pag tinutulungan ko siya minsan sa pagluluto sa kusina. Pumasok na ako sa aking silid at pabagsak na humiga sa kama, hindi ko namalayan ang pag-agos ng luha sa aking mga pisnge habang inaalala ang mga nangyari sa akin sa mga nagdaang linggo. Gusto ko na kalimutan lahat ng sakit na dulot ng mga mali kong desisyon sa buhay. Gusto kong burahin sa isipan ko ang alaala ng kamatayan ni Riel noong araw na iyun na kung saan tulala lamang akong puno ng gulat sa nakikita sa harapan ko at wala akong nagawa habang pinagbabaril siya ng walang awa. I am really sorry for Riel.

Sa paglilibot ko sa buong bahay nakakita ako ng isang malaking aparador na may salamin, sabi nang katiwala ng bahay. Hindi na raw inalis sa bahay na ito ang aparador na iyun dahil hindi na mabubuhat sa sobrang bigat. Tama naman nga lalo pa at nasa taas itong parte ng bahay kaya mahihirapan talaga ang mga magbababa. Habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin,natigilan ako nang nahalata kong may nakaharap na babae sa aking likuran na pusturang pustura sa kanyang kulay puting Maria Clara Attire na may palamuting makikinang,ang kanyang buhok ay nakapusod na parang ensaymada sa likuran at masasabi ko ring pambihira ang kanyang kagandahan na para bang estilo ng mga kababaihan noong sinauna simple lamang, akmang haharapin ko na siya nang bigla itong mawala sa paningin ko. Nilingon ko pa ang bawat sulok ng kwarto ngunit hindi ko na siya makita. Nakaramdam ako ng kaba. Sino siya? Papaano siyang nakapasok sa bahay ko gayong ni lock ko naman ang main door nitong bahay?