Chereads / The Untitled Love Poem / Chapter 2 - Chapter 1 THE ENCOUNTER

Chapter 2 - Chapter 1 THE ENCOUNTER

''Hello?''

''Hello Miss De Ocampo? This is the school director of Dela Marcel University. I already did read your application files though Miss Baretto recommended you. You can start your work now in the guidance office by the start of Academic Year.''

''Oh! What a surprise. Thank you so much po Mrs. Pellaez for trusting me as the guidance counsellor of the university. I'll do my best, thank you!''

''Okay, no problem Miss Vera.''

Habang tinatanaw ko ang ganda ng kalangitan, napangiti na lamang ako sa mga magagandang bagay na nangyayari sa akin nitong mga nagdadaan. It's been 5 years simula nung kinalimutan ko na ang dati kong sarili, ang dating buhay na meron ako at ang mga nakaraan kong pilit akong binabalikan. Masaya na ako ngayon namumuhay mag-isa, kumikita ng sarili kong pera at hindi na umaasa sa aking mga magulang.

Nagpasya ako nung nakaraang linggo na puntahan ang mga lugar na matagal nang nasa bucket list ko, at eto ako ngayon nasa Bataan na isa sa mga matagal ko nang gustong puntahan pero dahil busy ako sa pag aaral ko ng college ako, wala na akong time para sa sarili ko. But as I look back to that time, I am happy now that I finally finish my studies in psychology and be able to work in the guidance office. Thanks God!

Itong nakikita ko ngayon ay ang isa sa mga sikat na historical places sa Pinas, ang Las Casas Filipinas De Acuzar dito sa parte ng Bagac, Bataan. Makikita mo rito ang mga bahay na tila ba nasa Spanish era ka. At mababait pa ang mga heritage guides sa paglilibot sa akin sa bawat bahay rito. Hindi ko alam kung bakit ba sobrang hilig ko sa mga bagay na vintage, anything historical, I am an avid fan of those things. I always have that nostalgic feeling in me whenever I see or touch anything from the past. I am remembering some memories of myself na tila ba hindi ko maalala kung alaala ko nga ba iyon.

Napagod na ako sa paglilibot kaya naman nagpasya muna akong tumigil sa isang bakery dito na pagpasok mo lang maaamoy mo na agad ang mga freshly baked nilang tinapay. Sobra akong humahanga sa ganda ng Bataan. Mababakas mo pa rin talaga sa mga gantong lugar yung presence ng past, yung yaman ng bayan na ito. Mabuti na lang at may mga tao pa ring nagpapanatili ng mga gantong sinaunang yaman.

Naupo na ako sa isang mesa dito saka mayroong tumawag sa aking cellphone. At nakitang si Keila iyon.

''Oh? May problema ba sa cafe ?''

''Wala naman heheheh pero may favor ako sayo.'' mukhang may kailangan na naman itong isang to.

….

''Nabanggit mo sa aking may ticket pass ka ng violin recital ni Saraza, sa New Frontier Theather.''

''Oh, eh ano naman ngayon. E di ka naman mahilig sa mga ganon kaya di kita niyaya.''

''Ibigay mo na lang sa akin ang ticket mo Vera, please naman. Nalaman kong pupunta daw doon si Sedrich kaya-''

''Ano ka ba! E si Sedrich mismo nagbigay sakin ng ticket ko e!''

''E pwede mo namang sabihing di ka na pupunta e kase….magdahilan ka na lang Vera. Ngayon lang naman e.'' at may paawa pa sya boses nya ha tss

''Sorry Keila, I can't. Once in a blue moon ko na nga lang mapanood tong si Saraza tas pakakawalan ko pa.''

''HAYST. Sige sige na Veronique Ramona, alam ko namang di ka papayag nag try lang ako kung papasa ba sayo acting skills ko hehehe.''

Binabaan ko na siya at pumunta sa front desk nila para mag order ng kape at ng paborito kong spanish bread.

''Okay Ma'am we'll serve you very soon. You may wait in your table.''

''Okay''

Lumabas muna ako sandali para makalanghap ng sariwang hangin. Nakaagaw pansin sa akin ang lalaki sa labasan na tumutugtog ng Violin at saktong saktong paborito ko pa ang tinutugtog niya, ang greensleeves. Sobra akong napatuon ang pansin sa lalaking iyun. Kakaiba ang mga tunog na nalilikha niya sa pagtugtog niya, iba ang dating nito sa aking pandinig na tila ba nakakaakit. Wala masyadong pumapansin sa kanya kaya't nilapitan ko siya na puno ng mangha sa aking mukha. Noon pa man sinasama na ako ng aking mga magulang sa mga sikat na recital program sa Maynila kaya nakasanayan ko na rin makinig ng mga classical musics and instrument. Tinuruan ako ni mommy noon ng piano pero hindi rin niya napagpatuloy dahil sa trabaho niya kaya ini enroll na lamang niya ako sa isang Piano Lesson noon sa Lemery. At naalala ko pa ang una kong natutunan noong tugtugin ang Canon In D. Gustong gusto ko din makapagperform sa isang recital at mag accompany ng isang prodigy violinist. Hindi rin naman ako ganoong kagaling pero masasabi kong marunong ako. Nang marinig ko itong lalaking ito, tila ba mas naantig ako rito kumpara sa mga narinig ko nang nauna noon.

''You played very well.'' papuri ko sa kanya.

Nginitian niya ako bago ibinaba ang hawak hawak niyang violin.

''Salamat, mukha ngang ikaw lamang yong nakapansin sa akin rito e.'' tugon niya

''Paborito ko kasi iyung tinugtog mo.''

''Ah, greensleeves!''

''oo.''

Ngiting ngiti siyang nakatingin sa akin na parang ngangayon lang may pumuri sa kaniya.

''Do you always perform here in Las Casas?'' tanong ko

''No, I just visited here. Wandering, relaxation, you know?'' sabi niya

"Ah I see, so are you a performer in Manila?" usisa kong muli

"Also no, I'm an engineer in Lipa, Batangas." sagot naman niya

"So you are from Lipa, I'm from Taal. You know that right?" sabi ko

"Oo naman. I've been there before, my grandma use to live there and also my little brother studied there in Dela Marcel University." tugon niya

"Oh, I've graduated there too."

"oh really, by the way I have to go now for a meeting. It's just my breaktime kaya ako naglibot.Mauna na ako sayo- Teka I'm Zevi, and you?"

Sabay lahad niya ng kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman ito saka sinabing

"Vera."

Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganoon na lamang ang naramdaman ko ng magdaup na ang aming palad. May mga kung ano ano na namang flashback ang sumingit sa utak ko na parang bang hindi ko talaga mga alaala ang mga iyun. Umalis na si Zevi at bumalik naman ako sa table ko at napansing nandoon na ang order kong kape at spanish bread. Lumamig na ang kape pero hinayaan ko na lamang kasi kahit malamig na masarap padin itong timpla nila. Hindi pa rin nawawala sa isipan ko yung sa kanina. Magkita pa kaya ulit kami? Siguro kung malalaman ko kung sino ba iyung kapatid niya sa Taal. Sino ngan kaya yon na pumasok din noon sa University na pinasukan ko??