Chereads / The Untitled Love Poem / Chapter 4 - CHAPTER 3 THE OLD MIRROR

Chapter 4 - CHAPTER 3 THE OLD MIRROR

Linggo ngayon at wala naman ako masyadong ginagawa, kaya naisipan kong dalawin si Riel sa sementeryo kung saan siya nakahimlay. Si Riel Carbonel ang lalaking minamahal ko, hindi sang ayon sa kanya ang aking mga magulang dahil anak siya ni Nicholas Carbonel na kaaway ng aking ama dahil na rin sa mga usaping pampolitika. Dalawang taon ang tanda niya sa akin, nakilala ko siya noong nagcollege ako at nang minsang balakin kong sumulat ng isang libro nagkataong passion niya talaga noon ang magsulat. Sikat siyang writer sa isang online platform na kung saan milyon milyong Pilipino ang laging nakaabang ng update ng kwento niya. Siya ang tumulong sa akin na makapagsimula sa pagsusulat, he's the one who motivates me and encourages me so much that time. Hanggang sa nagkasundo kami at nadama sa isa't isa kung gaano kami kasaya. Pero sa simula lang din naman kami masaya, hindi ko alam sa sarili ko kung bored lang ba ako at pumasok ako sa isang relasyong hindi ko rin kayang panindigan sa huli. Dumaan ang ilang buwan at ganon lagi kami. But still, Riel loves me so much that he never really neglected me or get annoyed with me. He gives me so much of his time, care and understanding. That is why I feel sad after his death na hindi ko man lamang nasuklian lahat ng nagawa niya para sa akin. Ang mga kabutihan niya, pagmamahal lahat na. Everyday I always feel guilty about myself. Limang taon na ang nagdaan pero para sa akin parang kahapon lang ang mga pangyayaring iyun. At wala man lamang akong nagawa para kay Riel noong mga panahong iyun. Dahil hindi ko rin naman alam ang dapat kong gawin noon, naipit lang ako sa sitwasyong hindi ko rin alam kung bakit ba ako pinapunta ni Riel sa lugar na iyun noong araw na iyun. Iyun pa din ang ipinagtataka ko dahil pagkadating ko roon ay nadatnan ko na lamang siya na tinututukan ng baril ng isang hindi ko kilalang lalaki na naka maskara. Noong mga sandaling iyun, para akong naestatwa sa kinatatayuan ko na hindi alam ang sasabihin o gagawin. At sino naman kaya ang nasa likod ng lahat ng trahedyang ito?

Nang makarating na ako sa harapang gate ng sementeryo, nagpark na ako sa ilalim ng puno at bumaba na sa aking kotse. Pagpasok mo pa lamang sa sementeryo ay lumbay na ang nadarama ko. Napaka tahimik, ang mga taong nakahimlay rito at panay napag iwanan na ng panahon. Nagpatuloy na ako sa aking paglalakad at hinanap kung saan ba naka puwesto si Riel. Ngayon lang kasi ulit ako nakapunta dito simula noong ilibing siya dahil sa busy ako sa school noon at hindi ko rin kaya pa na makita si Riel sa gantong lugar, naiiyak ako parati noon.

Nang mahanap ko na ang libingan ni Riel ay naupo na ako sa harapan nito. Nagsindi lang ako ng kandila at nagdasal, hindi ako nagdala ng bulaklak dahil allergy sa bulaklak noon si Riel. Naisip kong baka hindi niya iyon magugustuhan kong dadalhin ko sa kanya. Nagsisimula ko nang maramdam ang init ng mukha ko at kasabay nito ang pag agos ng aking mga luhang hindi mapigil. Pakiramdam ko ay guminhawa ang bigat na nadarama ko ng pagkawala niya nang maiiyak ko lahat dito sa harapan niya.

"I'm really sorry Riel…" hindi ko na mapigilan ang pag agos ng mga luha mula sa aking mga mata.

Lumipas ang dalawang oras at nahulasan na ako. Umalis na ako at dumiretso sa cafe ni Keila. Hindi ko inaasahan ang pagbuhos ng malakas na ulan habang nagmamaneho ako paparoon. Nang makarating na ako ay naisip ko na wala akong payong na dala dala kaya tinawagan ko si Keila para magpasundo sa kaniya. Magaling na nga lang at nasagot niya agad kaya dali dali naman niya akong sinalubong.

"Buti naman Vera at naisipan mong pumasok sa trabaho mo ano?" bungad ni Keila sa akin habang pinasusukob ako sa payong.

"Actually mag reresign na nga ako e." sabi ko

"Hindi pwede!" pagmamaktol niya sa akin.

"Hindi ba pwedeng, pagsabayin mo na lang yung trabaho mo sa school saka dito. Alam mo namang hindi ito magiging ganto kung hindi dahil sa sikap mo. Papaano na lang kung iba na ang magiging manager nito sa mga susunod na taon paano na?" paliwanag pa ni Keila.

"Keilarose kailangan mo din naman bigyan ng chance yung iba pang mga tao na maging manager ng Cafe Baretto. Maraming mga tapos mismo ng marketing strategies diyan, mga sales. Mas mahuhusay pa sila kumpara sa akin,bakit hindi mo subukan mag hire." sabi ko naman.

"Ah basta gusto ko ikaw na. Pwede ko naman itaas suweldo mo or gawing maalwan lang task mo-"

"Hindi yun ang gusto ko Keila, diba before naman ako sumang-ayon sayo sa posisyon na yan. Nag-usap tayong pag nakatapos na ako ng college at natanggap na sa trabaho, magreresign na ako. Remember?" putol ko sa sinabi niya.

Nakapasok na kami sa loob ng cafe niya at saka naman niya ako hinarap ng may malungkot na nagtatampong mukha. Saka niyakap niya ako.

"Vera, I am very happy for you. You are now starting to achieve all your dreams through your hardworkings and sacrifices. Ingatan mo lagi yung sarili mo." sabi niya habang yakap yakap pa rin ako.

Napangiti na lamang ako saka kumawala sa pagkakayakap niya sa akin saka sinuklian siya ng ngiti at pagtango. Umupo na kami saka siya nagsabi sa tauhan sa kitchen na ipaghanda kami ng kape at cake. Ilang oras pa kami nagka chikahan bago ako nagpaalam nang uuwi sa bahay.

"Sigurado ka ba?" tanong niya.

"Oo hapon na kaya. 4:50 na oh. Baka gabihin pa ako sa daan, e ayoko." sabi ko.

"Sige na, go. Ingat sa pagda drive. Focus sa daan ang tingin ha. Oo nga pala yung mata mo, nakapag-pacheck up kana, lumalabo na diba? Kakaharap mo sa laptop mo noong college kapa sa pagsusulat ng mga nobela mo." sabi pa ni Keila.

"Ah oo buti nga at naipaalala mo, baka pag free na ako magconsult ako kay Dr. Endrinal." sagot ko.

"O sige, bye na. Take care!" sabi pa niya bago na ako tuluyan umalis palabas ng Cafe Baretto. We just come up with that name because of Keila's surname. Nang makasakay na ako sa aking sasakyan may napansin ako na kahit isang beses man noon ay hindi ko napansin rito sa lugar na ito. Isang Antique or vintage shop. Nacurious na naman ako kaya bumaba akong muli at napansin papalapit rito, na sarado na pala ito dahil maggagabi na rin nga naman. Nagpasya akong bumalik na lang sa ibang mga araw kapag hindi ako busy. Bumalik na ako sa sasakyan at umalis doon. Nang makauwi ako mga 5:35 na Sinaraduhan kong mabuti ang gate at pumasok na sa loob, nilock ang pinto at siniguradong nakalock ngang talaga ito. Baka bukas kasi paggising ko bukas na naman ito bigla o baka makapasok na naman ulit si Zyldian at asarin ako pag naabutan akong kinakausap na naman ang sarili sa salamin. Speaking of salamin, umakyat na ako sa kwarto ko sa taas para manalamin kung ano na bang hitsura ko dahil maghapon akong hindi na naintindi ang mukha ko. Umakyat ako at humarap na sa salamin. Kung iisipin, normal lang naman itong aparador na may salamin at ako lang yata itong naghahallucinate na nakakakita ng kung ano ano. Habang minamasdan ko ang sarili sa salamin, natigilan na lamang ako nang mapansin kong parang iba ang salaming ito sa salamin na nakakaharap ko araw araw sa loob ng limang taon ko nang pamamalagi rito. May disenyong ukit sa bandang itaas yung salamin na nakakaharap ko lagi ngunit ito ay wala, masasabi ko talagang iba ito at ang nakapagtataka pa rito ay bakit ngayon ko lamang ito napansin. Hindi kaya pinalitan ito ng katiwala habang wala ako at nakalimutan nang sabihin sa akin, pero hindi imposible iyun dahil ako na ang may ari nito ngayon at saka ang alam ko matagal nang umuwi sa Maynila ang dating caretaker ng bahay na ito kaya wala akong mapapagtanungan tungkol dito. O baka naman matagal na itong ganto, hindi ko lang maalala. Pero hindi ko din talaga maintindihan. Buong magdamag na akong hindi nakatulog sa kuryosidad sa salamin na yun.

Kinabukasan nagising ako sa alarm clock ko ng alas sais ng umaga. Kinuha ko ang cellphone ko kung may mga new messages ba ako, at napansing text lang ni Keila ang naroroon: "Take care, I Love You!"

Dumiretso ako sa salamin at nakita ang sarili kong puyat na puyat dahil sa kagabi. Ibang iba talaga to ngayon. Bubuksan ko sana ang aparador na ito pero hindi ko mabuksan, nakasusi siguro pero wala namang ibinigay saaking susi. Hinayaan ko na lang saka ako bumaba para mag agahan at maligo na para pumunta sa University kung saan ako magtatrabaho. Next week na ang school openings at mag aayos ako doon ng mga gamit ko sa office ko.

Nakatapos na akong mag ayos saka pumunta sa may sala at napansin ang piano. Nilapitan ko ito saka ako umupo para tumugtog, naalala ko naman si Zyldian noong isang araw rito. Sinimulan ko nang tumugtog at naalala na lamang ang kwento sa amin ng teacher ko noong high school ako tungkol dito sa classical piece ni Beethoven ang Fur Elise. Para daw kay Therese ang piece na ito na namisspell lang na Elise. Noong 1810 raw siya ang babaeng gustong pakasalan ni Beethoven pero tinaggihan siya nito. Sabi naman din ng ibang articles na nababasa ko sa internet, ito daw ay dahil sa estudyante ni Beethoven noon na nagustuhan niya kaya kung mapapansin ay madali lamang tugtugin ang unang parte ng kanta. E-d-e-d-b-d-c-a-b . Dahil para hindi mahirapan ang babae ngunit noong nireject na raw si Beethoven ay mas pinahirap na ang mga nota nito sa gitnang parte habang tinutugtog ko ito ay naaalala ko na lamang ang kwentong iyun na hindi ko rin alam kung may katotohanan ba. Natigil na lamang ako sa pagtugtog nang may kumatok sa pintuan. Lumapit na ako at napansing naka lock pa din ang pintuan hindi gaya noong mga nagdadaan na lagi nang bukas. Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa akin ang ngingiti ngiting si Zyldian. Mabuti na nga lamang naka lock pa itong pinto kung hindi ay baka maabutan na naman niya akong parang baliw sa harap ng salamin.

"Paalis ka ba?" tanong niya.

"Sa University lang mag aayos sa office ko." sabi ko.

"Tara sabay ka na sa akin." sabi niya.

"Hindi na mauna ka na, baka wala ako masakyan pauwi alangan naman sunduin mo pa ako." sabi ko naman.

"Oo nga busy ako ngayo maghapon e sa duty hehe." sabi niya.

"Sige mauna ka na." sabi ko sa kanya.

Nagpaalam na siya pagkatapos mangamusta. Kaya tumungo naman ako sa aking sasakyan patungo sa University. Nang makarating naman ako ay may iilan ding mga teacher akong naabutan na nag aayos rin ng rooms nila. Naalala ko pa noong college ako noon rito sa University na ito, ang masasaya naming memories na magkakaibigan. Nakakamiss isipin, dumiretso na ako sa kuwartong sinabe sa akin noon ng school director. Madalas din ako dito noon sa guidance office, pero hindi dahil madalas akong macounselling kundi dahil kay Keila. Pumasok na ako sa loob at naglinis lang ng kaunti, dala dala ang mga gamit ko inayos ko na sa table ko.

Natapos ako ay mag tatanghali na, nakaramdam ako ng gutom kaya nagpasyang umuwi na para sa bahay na lamang kumain. Sa pagmamaneho ko pauwi, nadaanan ko ang cafe ni Keila at hindi na ako dumaan pa dahil mas inuna ko ang vintage shop na ito na nakita ko kahapon. Bumaba ako ng sasakyan at papunta rito. Bukas na ito ngayon, pagpasok ko lamang nakita ko na ang matandang babae na siguro ay nasa late 60s na siya. Siya siguro ang may ari ng shop na ito. Nilibot ko ang paningin ko at lahat ng mga gamit rito ay mga luma. Ayon sa matanda ito lahat at matataas ang value raw, at may kwento ang bawat bagay naririto ngayon. Napansin ko naman iyung violin, hinawakan ko ito at naalala ang lalaki na nakilala ko sa Las Casas. Napangiti na lamang ako saka ibinaba ang violin. Naglakad lakad pa ako sa paloob at laking gulat ko na lamang sa nahagip ng aking mga mata. Nakaharap ako ngayon mismo at nananalamin sa isang malaking parador na may salamin na katulad mismo ng salamin na kaharap ko 5 years ago. Itong ito ang salamin na nakakaharap ko sa araw araw. Sumulpot naman ang matanda sa aking likuran.

"Katulad po ito mismo ng aparador sa aking bahay dito sa Taal sa may Del Castillo." sabi ko sa kaniya.

"Ah iyang, lumang salamin na iyan ba. Matagal na iyan rito. Pinagbili iyan sa aking lola noon. Pagmamay ari pa iyan ni Catalina Sevillana noong unang panahon." sabi ng matanda.

Nagulat ako sa sinabi ng matanda, na kay Catalina ito noon. So this old mirror was once there in my house? Pero bakit naman kaya pinagbili. Baka pinaltan noong aparador na nasa kwarto ko ngayon. Pero papaano rin naman kaya nangyari iyung aparador na ito mismo ang nakita ko sa kwarto ko noon. Nababaliw na ba ako? Hindi rin naman ako maaaring magkamali ito ang aparador na may disensyo sa taas gaya ng nakita ko.

Tinanong ko pang muli ang matanda kung sigurado ba siya na matagal na dito ang salamin pero matagal na raw talaga. Tanging iyun lamang din ang impormasyong nalalaman niya daw tungkol sa aparador. Na pag mamay ari ito ni Catalina noon.

Sa huling pagkakataon ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Umalis na lamang ako ng shop na puno ng pagtataka sa sarili at iniisip na mabuti kung talaga bang iyun ang aparador na nakita ko noong una. Pero kahit isipin ko ulit magdamag, iyun kasi talaga eh. Iyung iyon ang feels nung nakaharap ako noon sa salamin. Hindi ko na alam talaga sa sarili ko.

to be continued...