Chereads / The Untitled Love Poem / Chapter 3 - Chapter 2 THE MELANCHOLIC MELODY

Chapter 3 - Chapter 2 THE MELANCHOLIC MELODY

Kauuwi ko lang mula sa Bataan at naghahanda na ako dahil malapit na rin magpasukan. Magsisimula na ako sa una kong trabaho. Hindi muna ako pumasok sa trabaho ko sa cafe ni Keila dahil sinabi ko na rin naman sa kanya na pagod pa ako sa biyahe kong limang oras mula Bataan pabalik dito sa Taal. At naiintindihan naman daw niya. Limang taon na rin akong nakatira dito sa bahay na ito pero mayroon pa rin akong mga bagay na hindi maipaliwanag minsan, gaya nang palaging naiiwang bukas ang pinto sa unahan sa baba kahit na isinasara ko naman ito parati kung dadaan ako, at isa pa iyong kapag nananalamin ako sa malaking lumang cabinet sa taas parang nakikita ko sa salamin ang sarili kong animo'y mula sa 18th century na gayak ng baro't saya. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lamang ba iyon o nababaliw na ako sa bahay na ito. At naalala ko din iyung noong 5 years ago na unang salta ko sa bahay na ito noong napukaw ng cabinet na iyon ang atensyon ko, doon ko unang nakita rito yung babaeng mukhang taga sinaunang panahon. Naaalala ko pa ang mga ekspresyon ng mukha niya noong mga oras na iyun na tila ba may nais siyang sabihin ngunit hindi niya magawa, bakas ko sa mga mata niya ang kalungkutan. Kaya nga lamang noong akmang haharapin ko na siya ay naglaho na lamang siyang parang bula at di ko na nakita pa kailanman. Sino kaya siya?

Umakyat ako sa taas para humarap muli sa salamin, ngunit normal naman ito sa ngayon.

"Ang weird talaga ng salamin na to. O ako lang ba talaga itong weird para isiping may kababalaghan ito?."

"Syempre ikaw yung weird Ramona!HAHAHA!"

Laking gulat ko na lamang nang makita kung sino ba ang nasa likuran kong lalaki. At todo halakhak pa itong si Zyldian na para bang iniisip niyang nababaliw na nga ako na kinakausap ang sarili sa salamin. Haaay! Nakakahiya talaga sa walanghiyang ito na makita niya pa akong ganito ka-weird.

Kaibigan ko na itong si Zyldian college pa lang ako. Silang dalawa lang ni Keila ang circle of friends ko. Since noong bata pa ako wala ako masyadong mga kaibigan dahil hindi pumapayag si Mommy na nakikipag-kaibigan ako sa kung sino-sino lang. Naalala ko pa nga noong Grade 1 ako na mayroon akong isang kaibigang lalaki na mabait naman sa akin at mabuti naman siya pero dahil ayaw ni mommy. Wala akong nagawa noong time na iyun kundi ang layuan na lamang siya.

"Anong ginagawa mo Vera sa harap ng salamin, at tinatanong mo ito?!" nakangisi niyang pang-aasar sa akin

"Kanina ka pa ba diyan ha?!" inis kong tanong

"Hindi naman, dun lang sa part na tinatanong mo yung salamin kung ikaw ba yung weird hahahahha.!" asar niya pa.

"Ewan ko sayo! Ano bang ginagawa mo dito agang aga ka. Wala ka bang duty ngayon ha?!" bulyaw ko sa kanya.

"Papasok pa lang naman ako, dumaan lang ako kung nandito ka na ba at saktong bukas naman ang pinto mo sa baba kaya tumuloy na rin ako. Kase sabe ni Keila nagpunta ka raw ng Bataan. Ang daya mo talaga di mo man lang kami niyaya." patampo niyang sabi sa akin.

Nagulat ako sa sinabi niyang bukas daw ang pinto ko sa baba. Bukas na naman ang pinto pero sinusian ko pa ito kaninang madaling araw nang makauwi ako, imposible yun. Lagi na lang ganto.

"Sigurado ka ba sa sinabi mong bukas yung pinto sa baba kaya ka nakapasok?" buong pagtataka kong tanong sa kanya.

"Oo." sabe niya. Na mukha namang seryoso sa sinabi niya.

Hindi ko na lang sinabe sa kanya itong mga nangyayari sa akin at yung mga kusang bukas lagi ng pintuan dito at baka asarin lang ako nito na nababaliw na nga ako. Pero nakakagulat talaga na laging bukas na ang pinto at walang lock. Hindi kaya may ibang tao na may duplicate ng susi ng pintuan nito? O di kaya magnanakaw yun na naiiwanan na laging bukas ang pinto. Sa tingin ko kailangan ko magcheck ng mga gamit ko dito sa bahay kung may nagkukulang ba o ano.

"Bakit?" seryoso niyang tanong.

"Wala, akala ko kasi na-lock ko na e. Naiwanan ko yata ngang bukas dahil sa sobrang pagod ko sa biyahe gustong gusto ko na talaga kaninang mahiga hehe." palusot ko na lamang.

"Ah ganoon. Huwag mo laging gawin yun, magiging habit mo yang pag iwan ng bukas yang pinto. Delikado yan sa mga gabi, baka mapasok ka diyan ng mga masasamang loob na tao. Mag-ingat ka." buong pag-aalala niyang sabi sa akin.

Tama si Zyldian, kung ganitong lagi ngang bukas ang pintuan ko ay maaaring malagay ako sa delikado. Sa tingin ko dapat kong palitan itong pinto ng mas secure na dahil luma na rin naman ito.

"Oo nga eh. Nakakalimutan ko lagi." sabi ko

"Kung ganoon ireremind kita palagi, okay ba yon sayo ha?" nakangiti niyang sabi sa akin.

"Sige." tugon ko.

Niyaya ko na siyang bumaba at mag breakfast muna kasi magluluto ako kaso tumanggi na siya at naka kain na raw siya sa kanila. Kaya palabas na kami sa pintuan para ihatid siya nang masulyapan niya ang isang steinway grand piano sa may sala at nilapitan niya ito.

Marunong ding tumugtog sa piano si Zyldian gaya ko at minsan na rin niyang pinangarap na maging isang pianist pero tutol ang kanyang mga magulang rito. At minsan pa niyang nabanggit sa amin noon na may kapatid siyang may hilig rin sa pagtugtog ng mga instrumento pero wala ding nagawa sa gusto ng mga magulang nila.

Nagsimula na siyang tumugtog ng kalimitan niyang tinugtog, ang Nocturne ni Chopin. Mahilig siya sa mga malulingkot kung pakinggan na mga tunog. Ibang iba nga siya sa lalaking nakilala ko sa Bataan kahapon. Ang mga tunog na nalilikha niya punong puno ng kaligayahan kung pakinggan ko samantalang itong si Zyldian animo'y nakikinig ako ng mabigat at madilim sa damdamin na mga tugtugin. Sa pagkakataong ito, kakaiba ang tugtog niya ngayon. Ang malungkot na melodiya kong naririnig ngayon. Mahihinuha mong lungkot ang pinagdadaanan niya ngayon. Lungkot ang nadarama ko sa tugtugin niyang ito ngayon na parang bang ayaw ko nang marinig pang muli.

Tumigil na siya sa pagtugtog at saka ako tinignan ng seryoso niyang mga mata. At napansin kong nahahawig siya sa isang taong minsan ko na ring nakita. Hindi ko lamang maalala kung sino ba ito. Tumayo na siya at tumungo sa paglabas sa pintuan kaya't sumunod naman ako sa kanya para ihatid siya sa may gate man lamang. Akmang papasok na sa kanyang sasakyan patungo sa trabaho niya, nilingo niya ako at ngumiting kumaway sa akin. Sinuklian ko rin naman siya ng ngiti saka pinatakbo na niya ang sasakyan at lumayo. Bigla akong nalungkot ng di ko mawari kung bakit. Papasok na sana ako sa loob nang usisain ako ng isa sa mga kapitbahay ko siguro ang isang ito.

"Hija ikaw pala ang nakabili ng bahay na iyan. Ngangayon lamang kita nakita rito." sabi ng isang babae saka may isa pang dumating para makisali sa usapan namin.

"Ah opo, 5 years ago na po. Hindi rin naman po ako masyadong naglalabas eh. Maaga ako kung umalis at umuwi ng bahay noong college po ako." magalang at nakangiti ko namang tugon sa matanda.

"May nakabili na pala niyang Mansyon ni Catalina!" singit naman ng bagong dating na ale.

"Ah sige po mauna na po muna ako sa inyo at may gagawin pa ako." paalam ko sa kanila

"O sige Hija, pumasyal ka rin dito sa mga kahanggan paminsan minsan kung ikaw man ay nababagot." masiyahin namang sabi sa akin ng matanda.

"Opo." ngiti ko na lang na tugon.

At akmang aalis na ako papasok sa loob ng narinig ko ang usapan ng dalawa tungkol kay Catalina daw na dating may-ari ng bahay na ito.

"Akala ko nga e hindi na mabibili ang bahay na iyan dahil sa panahon ngayon e wala na masyadong nakakita ng halaga ng mga sinaunang bahay. Natutuwa naman ako at may nakatira na ulit diyan." sabi ng matanda sa ale.

"Oo nga, ang kwento sa akin ng aking lola noong ako ay paslit pa lamang ay 1830s pa raw nakatayo na ang bahay na iyan na pag-mamay ari ng mga Sevillana. At sabi daw ng nanay ng lola ko may kaisa-isa raw anak ang mag asawang Sevillana na si Catalina pero pinatay daw ito diyan sa bahay na iyan ng dating kasintahan niya at sabi pa ay nagpakamatay daw talaga ito sa pang iiwan sa kanya ng kasintahang ito. Siya na ang huling Sevillana sa bayan natin at kung mayroon mang iba pa sa ibang lugar na siguro." tugon ng ale.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng bahay bago pumasok sa loob at naisip ko na lamang ang pinag uusapan ng dalawa ngayon ngayon lang tungkol sa dating may ari ng bahay na si Catalina. Bakit naman siya papatayin ng kasintahan niya? O bakit naman din siya magpapakamatay? Inalis ko na lamang sa isipan ko ang pag-iisip sa mga bagay na parte ng mga nakaraan dahil wala na naman din akong magagawa dahil ito'y nalimutan na at nalipasan na ng panahon. Mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko sa narinig na na dito namatay sa bahay na ito si Catalina, ginapangan ako ng takot. At biglang sumanggi sa isipan ko na maaaring ang babaeng nakita ko noong una ko pa lang sa bahay na ito ay si Cataliina Sevillana pala? Baka nagagalit siya dahil sa pag-iiba ko ng ayos ng bahay niya? O di kaya di sya matahimik kasi nga pinatay talaga siya ng kasaintahan nya noon?

Napailing na lang ako sa sarili ko at pumasok na sa loob. Kinalimutan ko muna lahat ng alalahanin ko sa buong maghapon at inabala ang sarili sa pag woworkout, panonood ng sine, at matulog.

to be continued...