Chapter 2 - Chapter 2:

Pinaupo na silang tatlo at umupo sa bakanteng upuan na nasa pinaka-likod. Noong naka-upo sila ay hindi pa rin sila tinitingnan ng lalaki.Hindi mawala ang tingin ni Kiara sa lalaking nakabanggaan niya tapos hindi niya inaasahan na haharap ito sa kaniya.Nagkatitigan sila ng mga ilang minuto tapos naramdaman niya ang malamig na kamay ni Aizen.Nawala ang tingin niya sa lalaki at napatingin dito. Pinagtaasan niya ito ng kilay.

"Anong problema mo?Sir. komatsu?" pabulong na sabi ni Kiara kasi nagsisimula ng magturo ang teacher nila.

"Huwag kang titingin sa ibang lalaki na hindi mo kalahi..." pabulong ring sabi ni Aizen.

"Mr. Komatsu, huwag mong guluhin si Ms. Ichikawa!" sabi ng teacher nila habang nakatingin sa kanila at binitawan na ni Aizen ang kamay ni Kiara..

"Sensei, ginugulo niya nga po si Ichikawa...nakikinig po kasi siya sa inyo...noong tumingin ako sa kaniya" sabi ng lalaking nakabanggaan ni Kiara.

"Ganun ba? Mr. Ishihara..." lumapit siya kay Aizen. "First day mo pa lang dito pero ganyan ka na Mr. Komatsu"

"Sorry sensei, hindi na po mauulit" tumingin siya kay Aiko.

Pagkalipas ng ilang oras, lunch break na nila at magkakasabay na naglalakad ang tatlo, pero kahit na kasabay na ni Kiara sina Aizen at si Aiko ay hindi mawala sa isip niya ang mukha ni Ishihara.Noong makarating sila sa bahagi na malapit sa Cafeteria ay napatigil sila kasi posibleng masunog sila sa sikat ng araw. Tumingin sa paligid si Aizen para maghanap ng mga kaklase nila.Mamaya-maya ay nakita niyang papalapit si Ishihara na kumakain ng mansanas..

"Ishihara-san!" sabi ni Aizen sabay akbay rito. "Pwede mo bang ibili kami ng pagkain doon sa cafeteria? Hindi lang kasi pwede ang balat namin...sensitive kasi"

Ngumiti ito "sige...Komatsu-san...ano bang gusto nyo?"

"Anything na walang bawang..." nakangiting sabi ni Aizen.

Tumawa si Ishihara. "Ano kayo Vampires? Pero sige ibibili ko kayo"

Ibinigay na lang nila ang pera sa kaklase at hinantay na lamang siyang dumating. Habang naghihintay ay napag-usapan nila yung mga schoolmates nila pati na rin ang mga teachers. Ang mga teachers daw ay parang istrikto tapos yung mga estudyante naman daw ay parang madaling pakisamahan lalo na si Ishihara.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si ishihara na may dala-dalang mga inumin at pagkain. Agad niyang iniabot sa mga ito yung dala niya at niyayang kumain sa rooftop pero tumanggi sila dahil mainit daw, kaya napagdesisyonan na lang nilang kumain sa loob ng classroom.

"Wala ka bang kaibigan dito?Ishihara-san?" tanong ni Aiko.

Umiling na lamang ito. "Hindi ako nilalapitan ng mga kaklase natin..kaya wala akong kaibigan, pero mabuti na lang lumipat kayo rito kaya may taong nakipag-usap na sakin" nakangiti nitong sabi.

"Tsaka itong si Kiara...wala ding kaibigan kasi sa totoo lang nagtataray siya sa mga nakikilala niya" sabi ni Aiko at itinuro ito.

"Hmmp! Nakakairita kasi sila! Yun lang yun!" pagtataray nito.

Tumawa si Aizen. "Totoo naman? Lalo na kagabi, noong tumabi ako sayo at inamoy ka"

"Girlfriend mo si Ichikawa-san?" pagtataka nito.

"Nope" nakangiting sabi ni Aizen. "Ikaw ba? May girlfriend ka?"

"Wala akong girlfriend...Study first muna ako" sabi niya at napatingin siya kay Kiara.

"Hey~Hey~ Ishihara-san, huwag mo namang tingnan ang soon to be fiancee ko" sabi ni Aizen.

"What? Fiancee? Excuse me, Sir. Komatsu, hindi kita gusto, okay?" pagtataray ni Kiara.

Napatigil sa pagkain sina Aiko at Ishihara noong marinig nila ang sinabi nito at ganun din ang ibang tao na nakarinig. Tumayo si Kiara at lumabas ng classroom at naiwan ang tatlo na may pagkabigla pa rin.Ilang minuto rin silang tulala, at bumalik sa sarili nila noong may nagsalita sa gilid nila.

"Kamusta ang first day?" sabi ni Kenji habang nakangiti.

Tumingin sa kaniya si Aizen. "Teka..paanong..."

"Mamaya ko na lamang ipapaliwanag" nakangiti pa rin.

"Y-yung kapatid mo...nag-walkout" sabi ni Aiko.

Tumawa siya. "Hindi na kayo nasanay sa kapatid ko...by the way, sino siya?" itinuro niya si Ishihara.

"A-ako si Ishihara Raiko...ummm.." siya na mismo ang sumagot.

"Bagong kaibigan namin nina Kiara" sabi naman ni Aizen.

Umupo sa inupuan ni Kiara si Kenji at nakipag-kuwentuhan kay Raiko.Tinanong niya ito kung ayos lang bang kaibigan si Kiara kahit mataray ito. Sinabi niya na lamang na hindi niya pa alam kasi hindi pa sila nakakapag-usap, kaya sinabi ni Kenji na hangga't maari ay kausapin niya ito ng kausapin para maging pala-kaibigan.

Natapos na ang lunch break kaya bumalik na si Kiara sa loob ng classroom, pero pagbalik niya ay wala na ang nakakatanda niyang kapatid.Umupo siya sa kaniyang upuan sa gitna nina Aizen at Raiko. Walang imik siyang nagbukas ng libro at hinintay na lamang ang pagdating ng teacher nila.Mamaya-maya ay dumating na ang teacher nila.

"Good afternoon class, una sa lahat kailangan ninyong mag-gawa ng grupo...na lima ang miyembro" sabi agad ng teacher nila.

Napatigil sa pagbabasa si Kiara ng marinig niya iyon, kasi ang nasa isip niya ay malamang sina Aizen din ang magiging ka-grupo niya. Naramdaman niyang may kumapit sa balikat niya. Tumingin siya sa likod at nakita niya si Raiko sa likod niya.

"Sa group ka na lang namin? Kahit wala akong kaibigan dito may mga tao rin naman na nakikipag-grupo sakin" nakangiti nitong sabi.

Lumapit sa kanila ang tatlong tao. Isang babae na maputi at kulot ang buhok, isang lalaki na hindi ayos ang pagkakalagay ng necktie, at isa pang lalaki na nakatali ang maiksi na buhok.Nakangiti silang nakatingin kay Raiko.

"Siya yung new student di ba?" sabi ng lalaking nakatali ang buhok.

"Oo, wala rin din siyang kaibigan kagaya ko, Senju" sabi nito habang hawak pa din ang balikat nito.

"Kiara, Hi ako si Senju pinsan ko si Raiko...tapos sila sina Miho at Takeru mga kaibigan ko" pagpapakilala ng mahaba ang buhok.

"Ishihara-san, Ikaw na bahala sa kapatid ni Kenji..iba kasi yun kung magalit" nakatingin na sabi ni Aizen.

"Sige ako ng bahala sa kaniya" sabi nito at ngumiti.

Matapos maghanap ng mga ka-grupo ang mga magkakaklase ay nagsimula ng magpaliwanag ang teacher nila.Sinabi niya na may gagawin silang roleplay o kahit video clip na sila na ang bahala sa pagpili ng genre.Napatingin si Kiara kay Raiko na ngayon ay parang ang lalim ng iniisip.Pagkatapos niyang ipaliwanag ang gagawin nila ay pinabayaan na niya ang mga estudyante niya na mag-usap tungkol sa gagawin.

"Ano sa tingin ninyo ang maganda?Role play or gagawa na lang tayo noong parang Video clip" sabi ni Senju habang nakatayo sa tabihan ni Raiko.

"Pwede bang makisali sa usapan ninyo" sabi ni Aizen.

"Anong sasabihin?" pagtataray ni Kiara.

"Gumawa na lang tayo ng iisang video...doon sa bahay ninyo?" suggestion nito.

Napa-cross ito. "Huh? Huwag samin baka magalit sakin si Kuya Kenji".

"Sige ganito na lang...gagawa na lang kami doon ng sariling video?" sabi naman ni Aiko.

"Hmmp!" tumingin na lang siya sa ka-grupo niya tapos nakita niyang nakatingin sa kaniya sina Miho at Takeru. "Bakit?"

"Para kasing maganda yung naisip niya, Ichikawa-san" sabi ni Miho.

Huminga muna siya ng malalim. "Itanong ko muna kay Kuya kung pwede" sabi niya at kinuha ang phone sa bag niya.

Agad niyang tinawagan ang kapatid at agad naman niya iyong nasagot kasi wala itong pasok ngayon. Pag-sagot na pag-sagot pa lang nito sa phone niya ay sinabi niya agad na nakatingin siya sa classroom ng mga ito. Lumapit siya sa bintana at napatingin siya sa baba. Nakita niya ang kapatid niya na kumakaway sa kaniya at hindi nasusunog sa araw.Muntik na niyang mabitawan ang phone niya sa pagkabigla..

"Kuya? Pwede bang mag-video sa bahay natin?" sinusubukan niyang kumalma tapos nakita niyang lumapit sa kaniya ang ilang mga bampira na hindi rin nasusunog.

"Eh? Ngayon? Di ba hapon ang labas ninyo?" mukhang pinapakalma ang sarili. "Sabihin mo sa kanila na sige...basta huwag lang silang matatakot"

Tumingin siya sa mga kasama niya at binaba ang phone. "Sabi niya...okay daw"

Hindi niya sinabi ang tungkol sa huling sinabi ng kapatid niya.Natapos na ang lahat ng klase at napagdesisyonan nilang mag-sabay-sabay na silang sampu sa pagpunta sa bahay nina Kiara. Paglabas nila ng school building ay agad sinalubong sina Kiara, Aiko at Aizen ng mga bampirang may payong tapos nakaparada na rin ang dalawang limousine na kulay itim. Noong makalapit sila doon ay bumukas ang pinto at nakita nila doon si Kenji na naka-upo at nakangiti.

"Pasok na kayo" sabi nito.

"D-doon na ako sa kabila" sabi ni Raiko habang nakatingin kay Kenji.

Tumawa muna ito. "Dito ka na, kaibigan ka ng kapatid ko pati na rin ng mga kaibigan ko"

Pumasok na sila sa loob. Lima silang nakasakay at sa kabila naman ay anim.Nagsimula ng umandar ang sasakyan at nagsimula na ring magkwentuhan sila maliban kay Kiara kasi tahimik lang itong nakatingin sa bintana.

"Hindi ko inakala na g-ganito pala ang itsura nito sa loob" manghang sabi ni Raiko.

Ngumiti si Aiko. "Ngayon ka lang ba naka-sakay sa ganito?"

"O-oo" nahihiyang sagot nito.

"Huwag ka ng mahiya...by the way, Sinabi na ba ng kapatid ko ang itsura ng tinitirahan namin?" napa-cross si Kenji.

"Hindi pa? Bakit? Anong problema?" pagtataka niya.

"Nakatira kami sa isang palasyo na nasa loob ng kagubatan" paliwanag ni Kenji habang nakatingin sa reaksyon ni Raiko.

Gulat na gulat ito na para bang hindi makapaniwala sa narinig niya. Ang iniisip niya ngayon ay yung haunted place na nasa kalagitnaan ng gubat.Pasimpleng tiningnan siya ni Kiara na para bang nagmamasid.

"Pero huwag kang mag-alala, kami ang bahala sa inyong magkakaklase" nakangiting sabi ni Kenji.

"Gezz, kenji, huwag ka namang manakot ng ganun" sabi ni Aizen.

"Tama si kuya, huwag kang mag-alala" nakisali na rin si Kiana.

Habang nasa sasakyan pa sila ay napagusapan nila ang itsura ng sinasabing lugar ni Kenji. Sinabi nilang lumang palasyo iyon ng kanilang ninuno kahit iyon ay bahay talaga nila na mga bampira at sinabi rin nila na hindi talaga yun Haunted na gaya ng iniisip ng iba.

Makalipas ang ilang minuto nakarating na sila sa tapat ng main door. Medyo madilim na kaya napag-desisyunan nilang bumaba na walang payong.Nilapitan nila ang iba nilang mga kaklase at sinabi na huwag silang matakot kasi hindi naman iyon haunted gaya ng iniisip nila.Pumasok sila sa loob at agad nilang nakita ang isang malaking litrato na nasa may hagdan.Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa nila ay makikita nila si King Kenzo ang tatay nina Kiara at Kenji na naglalakad papalapit sa kanila.

"Naka-uwi na pala kayo? Tsaka sino sila?" tinuro niya ang mga kaklase nila.

"Mga kaklase po nina Kiara, Aizen, at Aiko...siya ang papa namin ni Kiara" pagpapakilala niya.

"Mukha pa po kayong bata" nakangiting sabi ni Miho.

"Tama po siya" sabi naman ni Takeru.

Tumawa siya "Talaga? Saglit lang, sasabihin ko sa mga servants na ipaghanda na kayo ng pagkain" sabi nito at umalis.

Inilibot sila ni Kenji sa loob. Una silang pumunta kung saan perfect na kumuha ng video kung horror romance ang gagawin nilang video. Pinakita niya ang balcony na nakaharap sa hardin nila. Sunod nilang pupuntahan ay ang guest room pero hindi nila aakalain na may makakasalubong silang isang prinsipe na papalapit sa kanila na kasama ang kaniyang taga-paglingkod.Lalapit pa sana ito kay Kiara pero biglang humarang si Aizen at Kenji sa unahan ni Kiara.