Chapter 4 - Chapter 4

Raiko P.O.V

Hindi ko inakala na nagseselos na pala si Komatsu-san saming dalawa ni Ichikawa-san dahil sa halik na ginawa niya sakin at hindi ko rin naisip na dito sila nakatira sa bahay ng mga Bampira.Alam kong bahay ito ng mga bampira dahil sa sinabi sakin ng aking ama na hari ng mga taong lobo.Walang nakaka-alam na taong lobo kami ni Senju maliban kina Takeru at Miho dahil nakita nila kaming nag-anyong taong lobo noong fullmoon.

Ngayon ay hawak ni Aizen ang braso na sobrang higpit na nagdulot para mag-dugo ang mga braso ko.Hindi ko mailabas ang tunay kong lakis kasi baka bampira sila at mamatay ako habang nandito ako.Tumingin ako kay Ichikawa-san na ngayon nakatalikod samin ni Aizen.

"I-Ichikawa-san?" pag-aalala ko.

"Lady Ichikawa kailangan mo na yata magpahinga sa iyong silid" sabi ni Aizen.

Naglakad na siya papalayo samin, pero nanatiling hawak ni Aizen ang braso ko. Ramdam na ramdam ko ang matutulis na kuko nito na nakabaon sa braso ko.

"Raiko, kinaiinisan na kita ngayon...inagaw mo siya sakin" tumingin siya sakin na hindi ko kinakikitaan ng kahit anong reaksyon. "At...maging dalawang grupo na lang ulit tayo...Hindi ko kaya na may kahati ako kay Kiara" sabi niya at binitawan na ang braso ko.

Naglakad na siya papalayo sakin kaya napagdesisyunan ko ng bumalik sa guest room. Habang naglalakad ako ay hindi ko inaasahan na makikita ko si Aiko na kapatid ni Aizen na nakatayo sa tapat ng isang malaking pintuan.Agad ko naman siyang nilapitan at sakin kaagad napunta ang atensyon niya.

"Bakit mag-isa ka lang diyan?"

"Umm..iniintay ko lang si Kiara na lumabas ng silid ni Kenji" paliwanag niya.

Ngumiti ako "Ah, ganun ba?" nakangiti kong sabi. "Anong mayroon?"

"Wala naman, Raiko" naging kulay ginto ang mga mata niya at lumapit sakin.

Napa-urong na lang ako kasi nalaman kong hindi normal na tao si Aiko...at ibig sabihin rin pati na rin si Aizen dahil magkapatid sila.

"Anong problema?" sabi ni Aiko sabay yakap sa leeg ko.

Napaupo ako sa sahig at siya naman ay nasa unahan ko habang nakalapat ang kamay niya sa dibdib ko.Napalunok na lang ako kasi hindi ko pwedeng ilabas ang tunay kong pagkatao.Unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa leeg ko.Ramdam na ramdam ko ang sobrang lamig na hininga niya na parang yelo.

"Lady Komatsu, ano sa tingin mo ang ginagawa sa bisita natin..." narinig kong nagsalita si Kiara.

Napatingin ako sa kaniya.Hawak niya ang braso niya at seryosong nakatingin samin tapos nasa tabi niya ang kapatid niya.Tumayo si Aiko at yumuko ng konti.Teka? Sino nga ba talaga ang mga taong ito?

Tumayo na ako at hinawakan ang leeg ko baka kasi kinagat niya ako.Muli akong tumingin sa kanila pero si Kiara na lang ang nandoon at nakatingin sakin.

"Ayos ka lang ba?" parang ibang babae ang nagsasalita kasi sobrang lambing.

"O-oo, medyo nabigla lang sa ginawa ni Aiko sakin"

Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa leeg ko. "Mukhang ayos ka lang..."

"Ichikawa-san, babalik na a-"

Hindi pa ako napapagtapos sa pagsasalita ay bigla niya akong hinila papalayo.Sobrang lamig ng kamay niya na parang isang malamig na bangkay. Tinanong ng tinanong ko siya kung saan kami pupunta pero hindi siya umiimik.Pasaan kaya kami, kung saan man yun siguradong may plano siyang gawin sakin.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa tapat ng isang malaking pintuan. Binuksan niya iyon at agad akong hinila papasok. Noong nakapasok kami ay agad naka-agaw ng pansin ko ang higaan na nasa tapat ng bintana, kasi ang kama ay parang yung higaan ng mga prinsesa.Ang buong paligid naman ay gothic style na parang sa vampire.

"Ichikawa-san, K-kaninong kwarto ito.."

"Sakin" maiksi niyang sagot.

"S-sayo? Teka si-"

Hindi niya na naman pinatapos ang pagsasalita ko at bigla niya na naman akong hinila, pero ngayon sa upuan. Pina-upo niya ako at siya naman ang umupo sa hita ko tapos inilalapit niya ang mukha niya sa leeg ko.

"Ichikawa-san, I-isa ka bang...Bampira?"tanong ko sa kaniya.

Tumingin siya sakin na may kulay purple na mga mata.Isa siyang royal blood vampire. Ang mga may kulay na Gold at purple ay mga royal blood vampires...pero ang mga may kulay purple na mga mata ay kilalang-kilala dahil ang mga vampire na may ganitong kulay ng mata ay may hindi pangkaraniwan na lakas at sila ang namumuno sa mga lahi ng bampira..

"Anong sinasabi mo..." sabi sabay halik sa mga labi ko.

Naramdaman ko rin ang pagbaon ng mga pangil niya sa labi ko. Napakapit na lamang ako sa unan na nasa upuan sa sobrang sakit ng mga pangil niya.Pinatigil ko siya kaya nahawakan ko ang labi ko na kinagat niya.

"Kinagat mo ako..." hawak ko pa rin.

Ngumiti siya at hinawakan ang pisngi ko. "I'm sorry...hindi ko sinasadya na makagat ang labi mo...tsaka matulog na tayo"

"Sige pero patayuin mo na ako, para makabalik na ako sa guest room nyo.."

Niyakap niya ang ulo ko. "Hindi pwede, dito ka lang sakin"

Namula ako sa ginawa niya at naramdaman ko rin na nakahiga ang ulo ko sa dibdib niya.Noong patitigilan ko siya ay aksidente ko itong nahawakan. Nanlaki ang mga mata ko.

"Geez, Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa dibdib ko?"

Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Sobrang pula ng mukha niya at nakatakip ang bibig, tapos hindi ko napansin na nasa pagitan ako ng dibdib niya. Mas lalong namula ang mukha ko.

"T-tumayo k-ka"

Tumayo siya at hinila niya ako sa kama nya. Inihiga niya ako humiga siya sa tabi ko tapos sinubukan kong tumayo pero niyakap niya ako ng sobrang higpit.Wala na akong nagawa.Magkaharap kami ngayon at nakatitig lang siya sakin.Pumikit na lamang ako kasi parang wala siyang balak na matulog hangga't hindi pa ako tulog.Naramdaman kong inihiga niya ang ulo niya sa dibdib ko.

Kinabukasan, nagising ako dahil pakiramdam kong umuga ang kama. Mumulat ako at nakita kong nasa ibabaw ko siya tapos nakaupo sa tiyan ko habang nakatingin sakin. Namula ako at tumingin sa bintana. Umaga na pero bakit hindi siya nasusunog.

"Good morning, Raiko-kun" masayang sabi niya.

"G-good morning uummm..." napatingin ako sa kaniya. "K-Kiara-chan..."

"Saan kaya natulog si Raiko?" narinig kong sabi ni Senju.

Tumingin siya sa pinto. "Mukhang hinahanap ka na nila"

"P-pwede bang pumunta na ako sa kanila?" nakatingin pa rin ako sa kanya.

Tumingin siya sakin. "Sure, pero bendahan muna kita" hinawakan niya ang braso ko at muli akong hinalikan.

Makalipas ang ilang minuto, nilagyan niya ng benda ang braso.Matapos niya iyong gawin ay lumapit na ako sa pinto at tiningnan kung may makakakita sakin. Noong nakasigurado akong wala ay nagpaalam na ako sa kaniya at dali-daling lumabas ng pinto.Nagtungo kaagad ako sa guest room at naabutan ko doon si aizen at aiko na kausap yung kagrupo nila at sina Senju, Miho at Takeru pati na rin ang isa ko pang kagrupo.Umupo ako sa tabi ni Senju.

"Anong nangyari diyan sa braso mo?" tanong niya sakin sabay turo sa braso ko na may benda.

"Nahiwa ko lang ang sarili ko kagabi" pagsisinungaling ko.

"Ganun ba? Sa susunod mag-ingat ka na" sabi ni Senju.

"Sabi nga pala nila hindi na daw tayo iisang grupo" sabi naman ni Miho. "May nangyari ba?"

Hindi ko alam ang isasagot ko, hindi lang dahil kay Aizen...dahil na rin sa kung anong dahilan kung bakit umayaw na si Aizen.

"Bakit hindi mo masagot?" nakisali na si Aizen na ngayon ay nasa gilid ko.

Tumingin ako sa kaniya at sa hindi malamang dahilan bigla na lang akong nagalit sa kaniya, siguro ay dahil na rin sa ginawa niya sa braso ko at dahil na rin siguro bampira siya.

"Alam ninyo dapat yata mag-ayos na tayo ng mga sarili natin para hindi tayo ma-late" sabi ni Miho.

Tumingin siya sa ibang lalaki "Pahihiramin ko kayo ng damit ko..." sabi niya at tumingin sakin. "Kay Kenji ka na manghiram"

Pagkatapos niyang sabihin yun ay lumabas na siya ng kwarto kasama ang kapatid. Mukhang malaki talaga ang galit niya sakin para sabihin niya yun.

"Parang ang laki ng galit sayo noong si Aizen?" sabi ni Takeru.

"Dahil nagseselos siya samin ni Kiara-ch-" napatigil ako sa pagsasalita tapos nanlaki ang mga mata ko.

Hinawakan ni Senju ang balikat ko. "Siguro dahil doon sa halik?! Tsaka tama ba ang narinig ko?! Sinabi mo ang first name niya!" gulat na sabi niya.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya. "Ang totoo niyan...tinawag niya din ako sa first name ko...k-kanina"

"Teka, huwag mong sabihin na...sa kwarto ka niya natulog kagabi" bulong niya.

Tumango na lamang ako at naramdaman kong namula na naman ang mukha ko.Kinulit niya ako ng kinulit na sabihin ko sa kaniya ang nangyari, pero hindi ko masabi sa kaniya.Tama kasi ang hinala niya na bampira sina kiara.

Makalipas ng ilang minuto ay tapos na kaming mag-ayos ng mga sarili at ngayon ay nasa hapag-kainan kami. Wala akong naririnig na kahit anong salita mula sa mga bampira.Tumingin ako kay Aizen, na ngayon ay sobrang sama ng tingin sakin.

"Oh? Mukha talagang nagseselos si Kuya Aizen" sabi ni Aiko.

"Ttsss...Aiko, pwede bang kumain ka na lang" pikon na sabi nito.

"Huwag ka ng mag-selos, Aizen, kasi nasabihan ko na ang asawa ko sa plano mong pagpapakasal kay Kiara" sabi ng Papa nila.

"Mauna na po ako..." sabi ni Kiara at tumayo.

"Sabay ka na sa kanila" pagpigil ni Kenji.

Hindi sumagot si Kiara sa halip ay lumapit siya sakin at hinila niya ako. Wala na akong nagawa kundi ang pagtayo at maglakad papalayo sa kanila. Lumingon ako sa kanila at nakita kong nakatayo na silang lahat at nakatingin samin.Lumabas na kami ng palasyo nila. Hindi kami sumakay sa sasakyan at lumabas na lang kami ng gubat para maghintay ng masasakyan naming dalawa. Ako nga talaga ang gusto ni Kiara, kasi kanina noong sinabi ng papa nila na magpapakasal siya kay Aizen ay tumayo ito lumapit sakin.

Makalipas ang ilang minuto may dumating ng taxi at agad kaming sumakay sa loob noon. Magkatabi kaming naka-upo sa likod tapos agad siyang tumingin sa bintana, at ako na ang nagsabi sa driver kong saan kami bababa.Noong makarating kami sa school gate ay may mga naglalakad pa sa labas ng school buildings. Mamaya-maya ay dumating na ang sasakyan nina Kiara.

"Tara.." sabi niya sabay yakap sa braso ko.

"K-kiara-chan?"

"Raiko-kun! Tara na sa loob!~" malambing na sabi niya at hinila niya na naman ako.

Namula ako at napatingin ako sa likod. Nakita kong parang ang sama na naman ng tingin ni Aizen sakin.Noong nakarating na kami sa classroom ay umupo na ako sa upuan ko, pero lumapit siya sakin at muli niya naman akong hinalikan.Napakapit ako upuan ng maramdaman kong kinakagat niya na naman ang labi ko.

"Agang-aga makikita ko kayo ng ganyan?" narinig kong sabi ni Aizen.

Tumigil siya at hinawakan ang dumudugong labi ko. "Sorry" nakangiti niyang sabi tapos umupo na sa upuan niya.

Dumating na ang una naming teacher para sa araw na ito. Ang teacher na ito ang pinaka-paborito kasi tungkol ang subject niya sa arts, pero ang teacher na ito ay mukhang bata pa rin kahit fourty years old na siya.

Ibinaba niya na ang mga gamit niya at ngumiti. "Magandang umaga, class, ngayon ay kailangan ninyong pumunta sa art room"

Tumayo na ako tapos napatingin ako kay kiara. Tulala lang ito habang hawak niya ang pen niya tapos parang nakatingin siya kay sensei. Tumingin ako kay sensei na ngayon ay nakatingin pala sakin.

"Ishihara-san, Anong problema?" nakangiti niyang sabi.

"W-wala po, Sensei" sabi ko.

Kinuha ang bag ko tapos lumabas ng classroom at kahit nasa labas na ako ng classroom ay nanatili ako doon at nakinig sa kanilang dalawa.

"D-dito po pala kayo nag-t-tra-trabaho?" kinakabahan na sabi niya.

"Anong sinasabi ng Papa mo na hindi mo raw gusto si Aizen?" mukhang nag-iba ang tono ng pananalita niya.

"A-ano po, Mama.." kinakabahan pa rin siya.

Matapos kong marinig na tinawag ni Kiara si Sensei ng "mama" ay nanlaki ang mga mata ko.Posible kasing pambira rin si sensei.Napahawak ako sa damit ko at nanatili sa puwesto ko.

"Mas gusto mo daw ang isang normal na tao? Tama ba ang narinig ko?" ganoon pa rin ang pananalita nito.

"M-mama, sorry pero hindi ko talaga gusto si Aizen..." sagot ni Kiara.

Mamaya-maya ay may narinig akong parang natumba tapos dark aura kaya kinabahan na ko. Pumasok na ako at nakita kong naka-upo sa sahig si Kiara at hawak ang pisngi niya habang nakatingin kay sensei at si Sensei naman ay nakatingin na sakin.

"Ishihara-san? Akala ko naka-alis ka na?" nakangiti siya pero galit ang tono ng pananalita niya.

Lumapit ako sa kanila. "Anak nyo po pala si Kiara-chan? At akala ko po ay normal na tao kayo".

"R-Raiko-kun" tumingin na siya sakin.

Ngumiti ako at tumingin ako sa kaniya. Kahit hindi siya normal na tao at kalaban namin ang lahi nila gusto ko siyang maka-close. Umupo ako at hinalikan ang kamay niya.

"Ishihara-san...Ikaw? Ikaw ang taong g-gusto ng anak ko? At alam mo ng may gusto siya sayo?" sabi ni sensei.

Tumayo kami ni Kiara. "Opo , Sensei, kasi hinalikan niya na ako tatlong beses na simula kahapon...at aksidente ko na din po siyang na halikan at sa mga kilos niya" sabi ko habang nakatingin kay Kiara.

"Pumunta na kayo sa Art Room..." sabi nito at lumayo samin.

Sabay kaming lumabas ni Kiara, pero bakit nga ba ako hindi agad umalis. Noong nakarating na kami sa art room ay tumingin ako sa paligid. Nagtinginan sila samin. Napatingin ako Aizen parang anumang oras mula ngayon ay ihahagis niya sakin ang hawak niyang pintura.Umupo ako sa lagi kong puwesto tapos umupo siya sa tapat ko.Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Sensei na nakangiti at may hawak-hawak na painting.Kayanin ko kayang tapusin ang klase naming ito lalo na't parang mainit na ang mata sakin ni Sensei.

"Okay class, gusto kong gayahin ninyo ang isa ninyong kaklase..." pinakita niya ang hawak niya. "Ako ang may gawa nito...ginaya ko ang asawa ko" nakangiti nitong sabi.

Tumingin ako kay Kiara "Ikaw na lang gagayahin ko? Ayos lang ba?"

"Sige, Rai-" napatigil siya.

"Anong problema?"

Napatingin ako kung saan siya nakatingin. Nakita ko si Sensei na katabi sa gilid si Aizen at ang kapatid nitong si Aiko.

"Ishihara-san? Pwede mo bang maging partner si Aiko?" nakangiti niyang sabi.

Tumango na lamang ako kahit ayaw ko, dahil naalala ko ang ginawa ni Aiko sakin.Hinawakan naman ni Aizen ang kamay ni Kiara at hinila ito papalapit sa kaniya.Umupo naman si Aiko sa unahan ko at agad na ngumiti.Lumayo na rin samin ang dalawa.

"Mag-start na tayo? Okay?" sabi nito kumuha na ng art materials.

"May magagawa pa ba ako..." hinarang ko sa mukha ko yung sketch pad at tiningnan ang dalawa.

Nakayuko si Kiara at walang ginagawa samantalang si Aizen naman ay nagsisimula ng iguhit siya. Sa hindi ko malamang dahilan naiguhit ko si Kiara na nakangiti, siguro ay talagang nag-aalala lang ako sa kaniya.

"Wow naman ang galing mo naman Ishihara-san, ang ganda naman ng pagkakaguhit mo" sabi ng nasa tabi ko.

"Salamat?" muli kong tiningnan ang dalawa.

"Tapos ka na ba?" sabi ni Aiko.

Napatingin ako sa drawing. "Oo"

Hinawakan niya ang drawing. "Hindi naman ako ito...si Kiara ito..." tumingin siya sakin.

"Dapat naman kasi si Kiara-chan ang iguguhit ko...kung hindi kayo nagpalit" tumingin ako sa kanila at ngumiti.

Tumayo siya at sinampal ako. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya tapos natanggal yung salamin na hiniram ko kay Kenji. Naka-agaw agad kami ng pansin tapos lumabas na siya ng art room.

"A-ayos ka lang ba?" tanong ng katabi ko.

"Anong kaguluhan ang nangyayari diyan?" tanong ni Sensei.

"S-sensei" sinuot ko yung salamin at tumingin sa kaniya.

Kiara P.O.V

Bakit ba nahantong sa ganito ang sitwasyon ko? Ang gusto ko lang naman ay maging kapareha si Raiko para sa activity at hindi si Aizen. Ngayon ay naka-yuko ako habang nakatingin sa drawing ko.Hindi ito si Aizen pero si Raiko.Hindi ko kasi kayang iguhit ang lalaking hindi ko naman gusto.Mamaya-maya ay nakita kong lumapit sakin si Mama.

"Oh? Bakit hindi yan si Aizen..." mahinang sabi nito at kinuha ang drawing ko.

Tumingin ako sa kaniya. "Ibalik nyo po yan sakin..paki-usap.."

"Alam mo namang hindi pwedeng maging kayo ni Ishihara-san di ba? Kaya hanggat maaga pa sinasabi ko na sayo...si Aizen ang magiging asawa mo at hindi ang isang normal na tao na kagaya niya" seryosong sabi niya at ibinalik sakin ang sketchpad.

Mamaya-maya ay narinig kong parang may sinampal. Napatingin ako sa direksyon kung saan nakaupo si Raiko. Hawak niya ang pisngi niya tapos wala na yung salamin at nakatayo si Aiko sa harapan niya. Anong karapatan niya para saktan ang lalaking gusto ko!? Tapos lumabas na si Aiko ng art room.

"Anong kaguluhan ang nangyayari diyan?" tanong ni Mama,

Lumapit siya kay Raiko at agad niyang kinuha ang sketchpad na hawak niya. Tiningnan ko ang reaksyon ng mukha niya, parang hindi niya iyon nagustuhan.

"Kiara? Pwede ka bang lumapit dito" nakangiti niyang sabi pero alam kong galit siya.

Tumayo ako at lumapit sa kanila noong makalapit ako ay agad niyang binigay sakin ang drawing ni Raiko. Tiningnan ko iyon at namula. Ako pala ang iginuhit niya. Tumingin ako sa kaniya na ngayon ay nagkakamot ng pisngi.Ngumiti ako at agad ko siyang niyakap ng sobrang higpit. Natumba siya tapos narinig kong kinilig ang mga babaeng kaklase ko.

"Mamaya mag-usap tayo" sabi ni Mama at lumayo na samin.

"K-kiara-chan, A-ano ba" sabi niya sabay hawak sa likod ko.

Tumingin ako sa kaniya. "Ayaw ko munang umuwi...p-pwede bang sa inyo muna ako?" bulong ko.

"Baka mas lalong paginitan tayo niyan" sabi niya.

Hindi ako sumagot sa halip ay hinalikan ko siya tapos naramdaman ko ang pagyakap niya. Nanatili kami ng mga ilang minuto sa ganitong posisyon bago ako umupo sa harapan niya. Umupo siya at ngumiti na parang prinsipe.

"Kiara-chan, ipinapakita mo lang sakin ang sweet side mo...Tama ba ako?" sabi niya at hinawakan ang ulo ko tapos ni-rub yun.

Namula ako at hinawakan ko ang kamay niya na nasa ulo ko. "A-ayaw ko naman kasi ipakita sa taong hindi gusto ko ang sinasabi mo"