Chapter 5 - Chapter 5

Natapos na ang klase namin sa Art at nagkaroon kami ng bakanteng oras kasi may meeting. Nagpunta kami ni Raiko sa rooftop. Manghang-mangha ako sa nakikita ko, kasi ang rooftop ay kitang-kita ang magandang view.Naghanap siya ng magandang puwesto tapos naglakad siya papalapit doon sa bench na hindi gaanong maiinitan kami. Umupo siya doon at tumabi ako sa kaniya.

"H-hindi ko naisip na ako ang iguguhit mo..."

"Ikaw naman talaga ang iguguhit ko...at hindi si Aiko" sabi nito habang hawak ang phone niya.

"Raiko-kun, pahiram ng phone mo"

Agad niya iyong binigay sakin. Nilagay ko doon ang phone number ko at ang email ko tapos ibinigay yun sa kaniya. Tiningnan niya iyon at napangiti.

"Raiko-kun" sabi ko sabay tingin sa leeg niya.

"K-kiara-chan..huwag dito baka may makakita sayo...at malaman nila na vampire ka" kinakabahan niyang sabi.

"Then..."

Pumikit ako at hinalikan siya tapos kinagat ang labi niya. Naramdaman kong napa-yakap siya sakin, malamang ay talagang nasaktan siya sa ginawa ko. Tumigil ako at kinagat ang leeg niya. Ang dugo niya ay matamis di gaya ng inumin namin sa palasyo.

"Tama nga ang iniisip ko nandito nga kayong dalawa at anong ibig sabihin nito" narinig kong sabi ni Aizen.

Tumigil ako tapos tinakluban ang leeg ni Raiko. "Anong ginagawa mo rito, Sir. Komatsu"

"Lady Ichikawa...Dapat kami ang kasama mo...at hindi yang lalaki na yan na normal na tao lang" nakapamulsa niyang sabi habang nakatingin ng masama samin.

"Ayaw ko ng away pero pinipilit mo ako..." tumayo ako at lumabas itim na bolang apoy sa kamay ko.

"K-kiara-chan, kumalma ka" tumayo si Raiko at hinawakan ang braso ko.

Naglaho iyon sa kamay ko at napatingin sa kaniya. Nakangiti siya ngayon na parang naging masaya siya kasi pinaglaho ko iyon sa kamay ko.

"Ayun pala sila!" tumakbo samin ang ilang estudyante na may hawak na Camera.

Tumayo sa harapan ko si Aizen. "Anong kailangan ninyo?"

Tinutok na nila yung Camera. "Tanong lang tunay bang anak ni Ms. Ichikawa si Kiara? At nagkakaroon daw ng Love triangle sa pagitan ninyo ni Ishihara-san" sabi ng babaeng may hawak ng camera.

Lumapit sa kanila at tinakpan niya ang camera ng kamay niya. "Wala na kayong paki-alam kong ganun nga...at tama kayo mama nga niya si Ms. Ichikawa.." seryosong sabi nito "pwede ninyo ba kaming iwan? May kailangan pa kasi kaming pag-usapan ng fiancee ko" kalmado nitong sabi.

"Sorry Komatsu-san" sabi nila at umalis.

Tumingin siya samin na sobrang sama na para bang gusto niyang manakit.Tiningnan ko siya ng masama at hinawakan ang collar ng damit nito.Naging kulay purple na din ang mga mata ko tapos nakita ko siyang nag-smirk.

"Mali ang ginawa mong paglapit sakin...." sabi niya at niyakap ako ng sobrang higpit. "Sakin ka lang at ang dugo mo prinsesa..." bulong nito.

"Bitawan mo ako!"

Pinahaba ko ang kuko at kinalmot ang leeg niya pero mas lalo humigpit. Naramdaman ko na rin ang pagkagat niya sa leeg ko.

"K-Komatsu-san! T-Tigilan mo si Kiara-chan!" hinawakan niya ang braso ni Aizen.

Tumigil siya. "Raiko? Don't tell me may nararamdaman ka sa kaniya?".

"Bitawan mo na lang siya!" nagawa niya akong hilahin at inilapit sa kaniya.

Tumingin ako sa kaniya seryoso siyang nakatingin kay Aizen, pero teka bakit ganun kalakas ang pwersa ng kamay niya? Posible kayang...

"Tara..." hinila na ako ni Raiko pupunta sa loob.

Nag-diretso kami sa Library tapos agad kaming umupo sa pinaka-malayong upuan sa upuan na malayo sa mga tao. Noong naka-upo kami agad ko siyang pinagmasdan ng maayos.Ang mga mata niya ay parang sa normal na tao pero bakit niya nagawang mapigil si Aizen.

"Sino ka ba talaga?"

Ngumiti siya. "Kung sasabihin ko ba sayo? Mananatili ka pa rin ba sa tabi ko?".

"Oo naman?" ngumiti rin ako at hinawakan ang kamay niya.

Naging kulay pula ang mga mata niya at nagkaroon siya ng wolf ears. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang naging itsura niya. Isa siyang Alpha Werewolf...siya ang prinsipe ng mga werewolf.

"Ngayong alam mo na ang totoo...magagawa mo pa rin ba ang mga ginagawa mo sakin?" seryosong tanong niya.

Ngumiti ako at hinawakan ang wolf ears niya. "OO...at ang cute mo pa rin.." sabi ko sabay hawak sa necktie niya.

Pumikit na ako at hinalikan ang mga labi niya.Naramdaman ko na rin na hinawakan niya ang magkabila kong balikat kaya mumulat ako at tumigil.

"Dapat yata...b-bumalik na tayo sa Classroom...baka malate tayo sa klase" namumula niyang sabi.

"Sige Raiko-Kun" masaya kong sagot.

Sabay kaming naglakad papunta sa classroom. Hindi ko alam kung bakit...gusto ko pa rin si Raiko kahit nalaman kong werewolf siya...siguro kasi nalaman kong kahit alam niya na vampire ako at kalaban namin ang lahi nila hindi niya ako sinasaktan.Ngayon ay nasa tapat na kami ng classroom ng biglang nakita ko si Kuya Kenji na nakatayo sa labas ng classroom. Nilapitan ko siya at napa-cross arm.

"Nandiyan ka na pala, Kiara" sabi nito.

"Bakit ka nandito?"

"Aizen, message me...parang hindi daw normal na tao itong si Raiko, kaya nagpunta ako rito para malaman ko kung tunay yun..." seryosong sabi niya habang nakatingin samin.

"Kuya, halika..." hinila ko siya at tumingin ako kay Raiko. "Mauna ka na sa loob"

Tumango na lamang siya na may pagtataka sa mukha niya tapos pumasok sa loob. Dinala ko si Kuya Kenji sa rooftop kasi wala masyado doong napunta. Binitawan ko siya at pinahaba ang kuko ko.Gusto ko siyang labanan, hindi ko alam kung anong naisipan ko. Nag-smirk siya at naging purple ang mga mata niya at humaba na rin ang mga kuko niya.

"Gusto mo talaga akong kalabanin? Aking kapatid?" sinugod niya ako. "Dahil ba ito kay Raiko?"

Noong makalapit siya agad kong hinawakan ang braso niya. "Siguro tama ka"

Kinalmot ko ang mukha niya gamit ng isa kong kamay.Napa-urong siya at napahawak sa mukha nito.Dumudugo na ang mukha niya pero mabilis bumalik sa dati ang mukha niya.

"Gusto mo talaga ng patayan...kung ganun...pagbibigyan kita kahit kapatid ba kita..." lumabas na ang cursed sword niya.

Ang cursed sword niya ay sobrang talim at posibleng makapatay sakin kapag tumama sakin ito.Inilabas ko na rin ang katana ko. Ang katana ko naman ay may lumalabas na cherry blossom petals na nakakahiwa at nakakalason.Nakita ko na rin na may ilang estudyante na dumating...dapat matapos ko na agad ito.

Sinugod ko siya para patamaan ang dibdib niya pero bigla niyang iniharang ang espada niya at sinipa ako papalayo sa kaniya. Gumulong ako at tumama ang likod ko sa harang ng rooftop.Tumingin ako sa kaniya at lumalapit na siya sakin.

"Nagpapatayan na sila! Tumawag na kayo ng mga teachers!" sigaw ng isang babae.

"Tapusin na natin ito..." hinawakan niya ang leeg ko. "Hindi pa sapat ang lakas mo para talunin ako..."

Nabitawan ko ang katana ko kasi itinaas niya ako at naramdaman ko na rin na tumulo na ang dugo ko. Nakita kong nagv-video yung babae kaya sinipa ko siya sa mukha niya.Tumalsik siya kasama ako at napunta ako sa ibabaw niya. Sinaksak ko siya gamit ng matutulis kong mga kuko pero hindi ko alam na sasaksakin niya ako gamit ng cursed sword niya.Sumuka ako ng dugo at tinanggal niya ang kamay ko tapos napansin kong bumabalik sa dati ang katawan niya.

"Hindi mo ako kayang patayin gamit lang ng kuko mo...." ngumiti siya.

Huli kong narinig mula sa kapatid ko bago ako mawalan ng pakiramdam at iwan niya ako. Nakikita ko silang lahat pero parang ayaw nila akong lapitan. Malamang dahil yun sa nalaman nila hindi ako normal na tao kagaya nila.

Mamaya-maya nakita kong papadating si Raiko, tapos parang pinulot niya ako. Anong nangyayari bakit ko sila nakikita tsaka bakit parang lumiit ako.

"Ano ito? Tsaka sinong may gawa nito sa kaniya?" tanong ni Raiko sa kanila.

"N-nakalaban niya ang kapatid niya...h-hindi pala siya normal na tao.." sabi ng babae.

"Ganun ba.." tiningnan niya ulit ako. "Teka? K-Kiara-chan? Bakit ka nandiyan sa loob ng Krystal?"

Nasa loob pala ako ng krystal. Gusto ko siyang hawakan pero hindi ko alam kung paano.Tumingin siya sa paligid at nakita niya si Senju. Agad siyang may tinuro, tapos nakita ko na lang na binuhat niya ang katawan ko. So talagang nawala ako sa katawan ko.Tumayo na si Raiko at sinabi niya sa pinsan niya na kailangan nilang umuwi sa apartment niya. Agad namang sumang-ayon si Senju.

Noong nasa loob na kami ng school building pinagtinginan ng mga tao ang sugatan ko na katawan na buhat-buhat ni Senju.May ilan ding mga teacher ang nagtatanong sa kanila. Sinasabi na lang ni Raiko na may sumaksak sakin.

Makalipas ang ilang minuto nakarating na kami sa apartment niya. Simple lang ito tsaka parang mag-isa lang siyang nakatira dito.Inilagay niya krystal ko sa lamesa tapos ang katawan ko naman ay inihiga ni Senju sa sofa.

"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ni Senju.

"Nakalaban ko ang kapatid ko...pero hindi ko kinaya"

"Hindi ako alam senju...pero sabi ng mga estudyante na naglaban sila ng kapatid niya.." sagot ni Raiko at muling hinawakan ang krsytal. "Tapos nakita ko si Kiara-chan dito sa loob nito"

"Teka? Ibig sabihin ba hindi normal na tao si.." nanlaki ang mata ni Senju.

"Tama ka...kasi royalty vampires sila...at kahit alam na ni Kiara-chan na werewolf ako hindi ako sinaktan kahit magisa kami sa library" tumingin siya sa kaniya.

"Pasalamat ka na lang at mabait pala itong babaeng nagkakagusto sayo" tumingin siya sa krystal. "Sana magkaroon ka na ulit ng buhay...tsaka mauna na ako"

Muli siyang tumingin sa krystal. "Sana makalabas ka na diyan...bakit mo ba namin kasi siya kinalaban..." ngumiti siya at ibinaba niya ako.

"Bakit parang hindi nila ako naririnig"

"Dahil yun sa ginawa ng kapatid mo..." isang boses babae.

Tumingin ako sa paligid pero wala akong nakikita kundi ang loob lang apartment ni Raiko. Sinubukan kong hawakan ang krystal..at nagawa kong mailabas ko ang kamay ko.

"Makakalabas pala ako..."

Nakalabas ako at tumingin ako krystal. Nandoon pa din ako na para bang natutulog.Tumingin naman ako sa sarili ko. Bakit ako nakalutang! Patay na ba talaga ako!

Nilampasan ako ni Raiko "Kiara-chan? Nagugu-" napatigil siya at tiningnan yung krystal. "N-Natutulog ba siya?" pinagmasdan niya yun ng ayos.

"Raiko-kun!" sigaw ko sabay yakap sa leeg niya.

"K-kiara-chan? I-ikaw ba yan?" tumingin siya sa paligid. "N-nasaan ka? Tsaka bakit pakiramdam ko may yumakap sa leeg ko?"

"Naririnig mo ako...pero hindi mo ako nakikita?"

Lumingon siya. "Kiara-chan? Patay ka na ba? Bakit ka nakalutang?"

"Hindi na yun importante.."

Unti-unti kong inilalapat ang labi ko sa kaniya, tapos tinakpan niya ang labi ko. Mumulat ako tapos napansin kong tumagos lang sakin.Napaurong ako at nanlaki ang mga mata.

"So you're a ghost?" ngumiti siya. "Pero kahit na multo ka...gusto mo pa rin akong halikan" natawa siya.

Nagpout ako. "Pasalamat ka, multo ako hindi kita masasapak".

Tumayo siya at lumapit sa katawan ko. "Kaya mo bang pumasok?" tinuro niya.

Lumapit ako doon at sinubukang pumasok sa katawan ko, pero nabigo ako. Tumingin ako sa kaniya na mukhang nag-iisip.Lumapit ako sa kaniya habang nakalutang.

"Raiko-kun?"

"Ang nakikita ko ngayon...parang hindi ka pinatay ng kapatid mo...para bang inilagay ka lang niya sa loob ng krystal at hindi ka maka-pasok sa katawan mo..." sabi niya papalapit sa krystal. "Pumasok ka na dito...para madala kita sa school at makapasok ka"

"S-sige..." lumapit ako doon at pumasok sa loob.

"Isusuot ko itong krystal...tara" sabi niya at naglakad papunta sa kwarto niya.

Pumasok siya sa loob at naka-agaw agad ng pansin ko ang madaming librong nakakalat sa kama niya.Lumapit siya sa drawer niya at binuksan yun tapos may kinuha siyang lagayan ng pendant.Inilagay niya ako doon at sinuot tapos hinawakan ang krystal.

"Pansamantala habang hindi pa namin alam kung papano ka maibalik sa dati diyan ka muna sa loob? Okay?" ngumiti siya.

Sobrang bait niya...kahit alam niyang bampira ako hindi niya pinapakita sakin na nagagalit siya sakin o gusto niya akong patayin kahit nauna niyang nalaman.

Umupo siya sa kama niya at nagsimulang magbasa ng libro. Ang librong binabasa niya ay tungkol sa mga mahika.

"Kiara-chan...Bakit mo ba kinalaban ang kapatid mo?" hinawakan niya ang krystal at ibinaba ang libro na hawak niya.

Lumabas ako sa krystal. "Kasi...kasi pumunta siya sa school dahil sayo"

Ngumiti siya "Ganun ba?" tumayo siya at humarap sakin. "Gagawa ako ng paraan para makabalik ka sa katawan mo"

"Salamat, Raiko-kun"

Nahawakan niya ako kaya nanlaki ang mga mata ko. Niyakap niya ako pero hindi ko siya maramdaman.Paano niya nagawa ito?at bakit niya ako niyakap? Pero susulitin ko na rin ito..

"R-Raiko-kun?"

"Ilang segundo lang ito" bulong niya.

Hinalikan ko ang labi niya pero bigla akong lumampas sa kaniya kaya hindi ko rin nagawa.Tumingin ako sa kaniya at nakangiti siyang nakatingin sakin.

"Raiko-kun? B-bakit mo yun ginawa kanina?"

"Dahil gusto ko yung gawin..." nakangiti niyang sagot. "Tara? Mag-gagala tayo" nakangiti nitong sinabi tapos binuksan yung kabinet niya.

Pumasok ako sa loob tapos napatingin na ako sa picture na nasa lamesa niya kasi nagsisimula na siyang magpalit.Picture yun ni Raiko at ng kaniyang ama noong bata pa siya.

"Tara na Kiara-chan" sinuot niya na ang kwintas na may krystal.

Lumabas na kami ng apartment niya.Ngayon ay naka-suot siya ng sunglass at polo.