"Pwede bang bukas ka na lang pumunta rito...sa nakikita mo ngayon may bisita ang kapatid ko" sabi ni Kenji at naging kulay purple ang mga mata niya. (purple-royal blood vampire)
"Pasensya na...pinapunta kasi ako rito ng inyong Ama" paliwanag nito.
"Sige, ihahatid kita sa kanya" sabi ni Kenji sabay naglakad na.
Hindi makapaniwala ngayon sina Raiko sa nakita nila at sa iniasta nina Kenji at Aizen. Muli na silang naglakad papunta sa guest room. Sinabi ni Aizen na dito na daw silang magpalipas ng gabi at bukas pahihihiramin na lamang sila ng uniform.
Noong iniwan silang pito nina sa guest room ay agad tumingin si Takeru sa paligid. Una niyang tiningnan labas ng bintana. Nilapitan siya ni Raiko.
"Anong problema, Senju?" pagtataka nito.
"Hindi ba kayo nagtataka? Ito yung palasyo na sinasabi ng iba na haunted...kasi may mga bampira raw na naninirahan dito" tumingin siya sa mga kasama niya.
"Ano ka ba, Senju, pinatuloy na nga tayo rito nina Aizen tsaka sinabi naman nila sakin na tirahan ito ng mga ninuno nila" paliwanag ni Raiko.
"Siguraduhin mo lang na hindi bampira ang mga yan" humiga na si Senju sa kama.
Makalipas ang ilang minuto ay tinawag na sila ni Aizen para kumain ng hapunan at para na din masimulan ang video na gagawin nila.Lumabas sila ng kwarto at nagdiretso sa hapagkainan. Pagdating nila doon ay nakita nila sina Kenji at Kiara na umiinom ng kulay pulang inumin, at kasama nila doon ang hari.Umupo na sila at napatingin sila sa mga pagkain na nasa lamesa. Masasarap ito.
Noong kumakain na sila ay napag-usapan nila ang school na pinapasukan nila. Sinabi lang nila na isa yung public school, pero nagdulot yun para mapakunot ang noo ng hari.
Tumingin ang hari sa Anak niyang si Kenji. "Kenji, Di ba sabi ko sayo sa private school mo siya ipasok"
"Papa, siguradong mapapabarkada lang iyan sa mga mayayamang tao" sabi nito sabay inom ulit.
"Pero kahit na, gusto ko rin naman ng makakilala siya ng lalaking pakakasalan niya na mayaman rin" nakatingin pa rin ito sa kaniya.
Ibinaba ni Kenji ang baso niya at tumawag ng servant para maglagay ulit ng iniinum niya tapos nagsalita ulit. "Nandiyan naman si Aizen, Papa..." tumingin siya kay Aizen.
Lahat sila ay nagtinginan kay Aizen na napatigil sa pag-gayat ng karne na nasa pinggan niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya mula sa kapatid ng babaeng may lihim siyang pagtingin.Ngumiti ang hari habang nakatingin ito sa kaniya.
"Tama ka, Kenji, maganda nga ang magiging hinaharap ng kapatid mo kay Aizen" sabi nito habang nakatingin ito kay Aizen.
"Papa, hindi po yata magandang pag-usapan yan ngayon..." seryosong sabi ni Kiara. "May mga bisita po kami"
"Ah tama ka" nakangiti itong sumagot.
Natapos ang hapunan na wala ng narinig na salita mula sa hari ngunit mga ngiti lamang at habang kumakain ay napag-usapan nila na genre na gagawin nila. Napagdesisyonan nila na horror-romance ang genre at magiisang grupo na sila.Tumayo na silang lahat matapos kumain at nagpunta sila kung saan sila unang mag-v-video.Habang naglalakad ay pinag-usapan na rin nila ang plot at makalipas ng ilang minuto nakarating na sila sa hardin.
"Ang ganda naman dito" sabi ni Raiko.
"Dito kami laging nag-lalaro nina Kiara at Kenji noong mga bata pa kami" nakangiting sabi ni Aizen.
"Hindi ko nga maisip na ang lalaking kalaro ko dati ay siyang kaiinisan ko..." pagtataray ni Kiara.
"Tama na yang usapan, magsimula na kayo ng video" nakangiting sabi ni kenji.
Nagsimula na nilang pag-usapan ang magiging plot. Since nandoon sila sa hardin at nabanggit ni Aizen na dito sila naglalaro dati ay napag-pasyahan nila na doon kunwari unang magkikita sina Aizen at si Kiara tapos dadating si Raiko kaya magiging Love triangle, pero dapat daw ay ipakita niya pa rin ang pagiging mataray nito..Kahit ayaw gawin ni Kiara ang napag-usapan ay kailangan niya iyung gawin para sa grade.Umapo si Kiara at kunwaring mamimitas ng rosas at nagsimula ng magvideo si Kenji tapos lumapit na rin si Aizen.
"My Lady, mag-isa ka na naman rito..." sabi ni Aizen at umupo sa tabi nito.
"Sir. Aizen...Anong ginagawa mo rito" pagtataray nito.
Hinawakan niya ang buhok nito at inamoy. "Nandito na ang magiging servant mo..."
Pinindot ni Kenji ang save at pinakita niya ang video sa kanila.Namangha naman sila sa pagkuha ng video ni Kenji. Mamaya-maya ay lumapit na si Raiko na naka-suot ng pang-servant tapos walang salamin. Napatingin sa kaniya si Kiara at nagsimulang mamula.Hindi niya alam na nakita ang reaksyon niya ni Aizen. Agad siyang niyakap nito.
"Nakita ko ang reaksyon mo...Lady Ichikawa...hindi ka na pwedeng tumingin pa sa ibang lalaki...dahil ako ang pakakasalan mo sa hinaharap..." sabi niya at pinahaba ang mga pangil niya.
"Oh~? Anong ginagawa mo sa kaniya Aizen? Don't tell me may nararamdaman ka sa kapatid ko?" sabi ni Kenji na ngayon ay nakatingin sa kanila.
Tumigil siya at tumingin kay Raiko at itinuro ito tapos pinagsamaan ng tingin. "Raiko, hindi na kita kaibigan..."
"Teka? Teka! A-anong nagawa ko?" pagtataka nito.
"Tsss.." naglakad siya.
Galit siyang lumampas sa kanila, ngunit bigla siyang hinawakan ni Kenji ng sobrang higpit. Nagkatitigan sila ng mga ilang segundo.
"T-tama na yan...K-komatsu-san...I-Ichikawa-san" pag-awat ng kaklase nina Kiara.
"ano ka ba!Anong pag-uugali yan!" galit na sabi ni Kenji.
Hindi nila alam na kinukunan pala sila ni Miho ng video simula noong lumampas si Aizen sa kanila. Tumigil lang si Kenji sa pag-hawak kay Aizen noong lumapit sa kanila si Raiko.Pinagpatuloy na ulit nila ang video at gaya ng plano dumating si Raiko at lalapit sa kanila habang nakaupo ang dalawa.
"Princess Kiara...nandito po ako para maging servant ninyo" sabi nito at yumuko ng konti.
Tumingin ang dalawa kay Raiko at pilit na pinakalma ni Kiara ang sarili niya.Tumayo siya at lumapit kay Raiko ng sobrang lapit.Tumayo na rin si Aizen at talagang pinakita niya ang selos sa dalawa.
"Princess K-Kiara?" kinakabahan nitong sabi.
"Bagay sayo yan, Raiko" sabi nito sabay hawak sa necktai na suot nito, para mapayuko ito.
Hinawakan niya na ang magkabilang pisngi nito tapos pumikit siya at hinalikan ang labi ni Raiko, kahit hindi yun kasama sa scene dahil may nararamdaman na si Kiara para sa kaniya. Nanlaki ang mga kaklase nila lalo na sina Kenji at Aizen.Nanlaki rin ang mga mata ni Raiko matapos mahalikan siya ng babaeng kakakilala niya lamang. Noong tumigil si Kiara ay natumba siya at napaupo tapos hinawakan ang labi niya. Lumapit na rin sina Aizen at Kenji sa kanila.
"B-bakit mo yun ginawa! W-wala yun sa magiging scene!Dapat hahalikan ni Raiko ang kamay mo...pero bakit mo siya hinalikan at sa labi pa!?" sabi ni Aizen at hinawakan niya ang balikat nito.
"Gagawin ko ang gusto kong gawin at hindi mo ako mapipigilan" Pinatigil niya si Aizen at tinulungan na makatayo si Raiko. "I'm sorry sa ginawa ko".
Tumayo si Raiko pero hawak niya pa din ang labi nito. "A-ayos lang" sabi niya sabay iwas ng tingin.
"Alam ninyo i-cut na lang natin yung scene na yun" sabi ni Miho habang nanonood sa Camera tapos tumingin siya kay Aizen. "Komatsu-san, pipigilan mo si Ichikawa-san na makalapit ng ganun kay Raiko"
"O-okay ms. Director" sagot nito.
Muli nilang kinunan ang video pero sa pagkakataon na ito pumagitna na si Aizen. Naging madali sa kanila ang sitwasyon kasi tunay na nagseselos si Aizen kay Raiko, lalo na ngayon na hinalikan ng babaeng mahal niya ang lalaking kina-ibigan niya.
"Nice shot! Next scene na tayo...this time gaganap na sina Senju at Takeru bilang mga servants~" sabi ni Miho.
"Seryoso ka? Akala ko ba editor lang kami ni Takeru?" pagtutol ni Senju.
"Huwag ka ng umangal pa! Gusto ko ng magpahinga, okay?" sabi ni Miho at napa-cross arm.
Napilitan ang dalawa dahil kita nila sa mukha ni Miho na talagang gustong-gusto niyang magpahinga na. Naging maayos naman ang pag-ganap ng dalawa. Ngayon ay nasa quest room na silang lahat at natutulog na maliban kay Raiko dahil hindi pa ito makatulog dahil sa nangyari.
Ngayon ay naglalakad siya para mag-ikot-ikot. Tingin lang siya ng tingin sa paligid hanggang may narinig siyang nag-uusap.Agad siyang nagtago sa likod ng pader.
"Ang sinasabi mo sakin ngayon ay gusto mo ng makasal sa anak ko? Alam mo namang bata pa si Kiara di ba?" seryosong sabi ng hari.
"Pasensya na po talaga...pero base sa nakita ko kanina...hinalikan niya po si Raiko kahit hindi naman po dapat at halatang may gusto siya doon sa kaklase namin doon sa nakasalamin" Aizen.
"Tama po yun, Papa" seryosong sabi ni Kenji.
"Mukhang tama ka Aizen...kailangan na talaga...gusto kita para kay Kiara" sagot naman nito.
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig niya sa usapan ng tatlo. Hindi siya makapaniwala na may gusto sa kaniya ang kaklase niya. Mamaya-maya ay may naramdaman siyang huminga sa unahan niya. Tumingin siya dito at nakita niya si Kiara na nakatingin sa kaniya.
"Ki-" hindi siya pinatapos ni kiara.
Hinawakan niya ang collar ng damit ni Raiko at hinila siya papalapit sa kaniya,ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon mawawalan ng balanse ang dalawa at matutumba. Napahiga si Kiara tapos aksidente siyang mahahalikan ni Raiko.Nakalikha iyon ng malakas na ingay dahil sa nabasag yung paso.Nagkatitigan sila at talagang nabigla si Raiko sa nangyari.Lumapit na rin sa kanila sina Aizen at ang hari pati na rin si Kenji na sobrang nabigla sa nakikita niya.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa anak ko!" galit na sabi nito.
Agad umupo ito. "A-aksidente lang po ang nangyari" hinanap niya ang salamin niya.
"Tama po yun, Papa..." ibinigay niya ang salamin na basag kay Raiko.
"Sabi nyo yan...pero Kiara, kailangan mo ng magpakasal kay Aizen kahit highschool pa lang kayo at sasabihan ko rin ang inyong Mama" sabi nito at umalis kasama si Kenji.
Nanatiling nakatingin si Aizen sa dalawa na may galit sa mga mata nito, dahil ang taong kinaibigan niya ay siya pa ang magugustuhan ng taong mahal niya.
Tumayo na si Kiara. "Anong mga tingin yan Sir. Komatsu" pinagtaasan niya ito ng kilay.
"May gusto ka ba talaga sa kaniya...Sabihin mo paki-usap" lumuhod na parang prinsipe sa harapan ni Kiara at hinawakan ang kamay nito.
Tumayo na rin si Raiko at tumingin sa dalawa. "T-tingin ko kailangan ko ng bumalik sa guest room...M-magandang gabi".
Nagsimula na siyang maglakad papalayo pero bigla siyang sinugod ni Aizen at hinawakan ang braso nito ng sobrang higpit na nagdulot para mapa-pikit ito.
"Dito ka lang..." seryosong sabi nito.
"Sir. Komatsu, kailangan niyang magpahi-"
Napatigil si Kiara ng makita niya na may tumutulo ng dugo sa braso ni Raiko.Sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili.Tumalikod siya at naging kulay purple ang mga mata niya.
"I-Ichikawa-san?" pag-aalala ni Raiko.