Chereads / My Scripted Love Story(SPG)*Tagalog* / Chapter 10 - Chapter Nine : Let's Date

Chapter 10 - Chapter Nine : Let's Date

JAMES wiped Yana's mouth using tissue as he saw some sauce around Yana's mouth.

Medyo nahiya si Yana sa gesture ni James kaya minabuti niya na lang na kunin ang tissue at siya na ang nagpunas nito.

Tumingin lang ng masama si Archer kay James sa ginawa nito. As a man, he can feel na may gusto si James kay Yana.

Tumingin lang din si James kay Archer at nag side smile na tila ba nang-aasar.

Yana can feel the awkward ambiance sa kanilang tatlo. Pakiramdam tuloy niya magkakaroon siya ng indigestion. Kahit tahimik silang tatlong kumakain, ramdam pa rin ang tension sa pagitan ni James at Archer.

Naala ni James na laging kinakain ni Yana ang shrimp kaya nanguha siya ng shrimp at nilagay sa plato ni Yana. "Here. I know you like shrimp so much," saad pa nito.

Napatingin lang si Yana sa shrimp na nilagay ni James sa plato niya. Hindi niya alam kung kakainin ba niya ito or hindi. Sa totoo lang, Yana hates shrimp.

Umiling-iling naman si Archer at kinuha niya ang shrimp at siya na ang kumain nito. Kaya naman nabigla si James sa ginawa ni Archer, gayundin kay Yana.

"Hindi mo ba alam?" Archer said kay James nang kainin ang shrimp. "Yana hate shrimp," dugtong pa nito at nag smile.

"How come? I remember na laging shrimp ang order mo before," James asked in confusion kay Yana.

"It's because of Matt. Favorite ni Matt ang shrimp kaya napipilitan lang siyang kainin ito." Si Archer na ang nagpaliwanag kay James na mukhang clueless talaga.

Napa-smile lang si Yana sa sinabi ni Archer at tinignan niya ito. "He indeed watched me for years," Yana said in her thought.

"Yes, James. Si Matt lang ang reason ko before kung bakit ako kumakain ng shrimp," Pagsang-ayon pa ni Yana.

Hindi na lang umimik pa si James at binaling ang atensyon sa pagkain niya. Pakiramdam tuloy niya, hindi niya masyadong kilala pa si Yana.

MASAYANG sinalubong ni Yana ang umaga niya. Hindi rin alam ng kanyang tita ano ang biglang pagbabago ng mood ng kanyang pamangkin. Parang kahapon lang kasi ay sobrang lungkot niya.

"Good morning my pretty tita," greet ni Yana nang makita ang kanyang tita.

Yana is in the kitchen cooking their breakfast.

"What's the occasion ba pamangkin at mukhang full of energy ka na agad?" Her tita asked at umupo siya sa bar counter while watching her niece cooking.

Tumingin lang si Yana sa tita niya na naka-smile at umiling-iling.

"I just realized na we only live once," Yana said while smiling.

"Yeah. But—"

"May but nanaman?"

"Of course. We only live once. But if you do it right, once is enough," her tita Matilda said.

Napaisip naman si Yana sa sinabi ng kanyang tita at tumango-tungo ito na tila sumasang-ayon siya rito.

Nang matapos magluto ni Yana, inihain na niya ang ito sa table at tinawag ang kanyang tita para sabay na silang kumain.

Mabilis namang pumunta ang kanyang tita sa table at medyo excited siya kung ano ang kayang lutuin ng kanyang pamangkin. But to her surprise, puro pinirito lang naman pala ang niluto niya. Akala pa naman niya kung anong special dish kaya medyo natawa pa ito.

"Why tita?"

"Akala ko kasi kung anong special ang niluluto mo. Puro naman pala prito. Pritong egg, pritong hotdog, pritong embutido," paliwanag pa ng kanyang tita Matilda habang nakangisi at umiiling-iling.

"Tita naman. Alam mo namang prito lang ang alam kong lutuin at wala nang iba pa," saad pa ni Yana at sabay silang nagtawanan and they started digging their food.

"Siya nga pala. Mamayang after lunch, I have somewhere to go. Can you watch out the clinic for me?" her tita Matilda said habang kumakain sila.

"Sure tita. Wala naman akong ibang pupuntahan," Yana responded.

Yana also do the dishes after nilang kumain. Masyado siyang masaya ngayon to do some household chores bago siya pumunta sa clinic ng kanyang tita since mamayang hapon pa naman. Sa sobrang energetic niya, she forgot to check her cellphone.

KANINA pa binabantayan ni Archer ang kanyang cellphone and he's wondering kung bakit ni hindi magawa mag reply ni Yana sa mga chat niya. Ni hindi siya nagsi-seen.

"Maybe she's busy?" saad pa niya sa sarili.

Archer composed himself nang biglang may kumatok sa office niya.

"May VIP po tayong kararating lang," saad pa ng kanyang staff.

"Susunod na ako," Archer responded and he prepared himself.

Kung si Yana ay sobrang focus sa ginagawa niya dahil masaya siya, kabaligtaran naman kay Archer. He can't stop thinking what's going on kay Yana. Hindi kasi sumasagot sa messages niya. Hindi tuloy siya maka-focus sa ginagaw niya.

"S-Sir!"

Biglang bumalik sa wisyo si Archer. Nasobrahan na niya kasi ang paglagay ng sauce sa ginawa niyang pasta.

"Sh*t!" Usal ni Archer because of the mess he made. Kailangan pa niya tuloy ulitin ang ginawa niya. VIP ang customer niya. He can't serve it to them.

"Sir, are you okay? Pwede naman sigurong ako muna ang mag serve if you don't feel well. Sabihin ko na lang sa VIP customer natin and serve an additional side dish as a token of apology na hindi ikaw ang nag serve," Archer's one of the cook said because he's worried.

Napaisip si Archer. He can't focus. Kaya may naisip siyang paraan.

"Thank you," Archer said sa cook niya at pinatong niya ang isang kamay niya sa balikat nito. "I think I need to go. Can you watch out the restaurant for me?" dugtong pa nito.

"Yes, Sir. Don't worry," his cook said habang tumatango-tango.

Mabilis na nagtungo si Archer sa office niya at nagbihis—naka pang chef kasi siyang uniform. Archer made up his mind. He will formally ask Yana out. Medyo kinakabahan siya pero he will give his best. Baka kasi maunahan pa siya ni James.

Dumaan muna si Archer sa jewelry store at tumingin siya ng necklace na babagay kay Yana. Archer can't stop thinking Yana the whole day. Iba ang excitement na nararamdaman niya ngayon. Kasi sa mga nagdaang taon, he can only watch Yana from the distance. But now, Yana is right on her front. He can't lose this golden chance.

Matapos makapili ni Archer ng necklace, dumeretso na siya sa Vet clinic kung nasaan si Yana. Habang papalapit siya sa lugar, lalo pa siyang kinakabahan. Pakiramdam niya, anytime pwede na siyang sumabog. Madami rin tumatakbong what ifs sa utak ni Archer. What if hindi pa ready si Yana? What if kaibigan lang muna ang gusto niya like before? What if mas gusto na ni Yana na hanggang dito na lang sila? What if huli na pala ang lahat? Those thoughts, can't stop running on his mind.

NABIGLA si Yana nang binisita siya ni James sa clinic. Para kasing napapadalas na ang pagdalaw ni James sa kanya. She feel a bit uncomfortable. Ayaw niya bigyan ng meaning pero sa kinikilos ni James, obvious na he's making a move on Yana.

"James, bakit napadalawa ka?" Naka-smile na salubong ni Yana.

Umupo muna si James. Lumapit din naman si Yana at umupo siya sa tabi nito.

"Here." Ianabot ni James ang paper bag kay Yana.

Kinuha naman ito ni Yana and asked, "Ano naman ito?" sabay binuklat niya ito para kunin ang nasa loob.

Nabigla si Yana nang mailabas ang laman nito. Its rubber shoes. Not Yana's thing. Bihira lang siya magsuot nito. Yana's style is girly. Kahit ang running shoes ni Yana na ginagamit niya when she's doing her exercise, masyadong pambabae. Malayong malayo sa gift ni James na plain one. Nag focus kasi si James sa pagiging comfortable ng paa kapag suot. Hindi tuloy alam ni Yana kung ano ang sasabihin niya kay James.

"I want your feet to feel comfortable. Lagi ka kasing na i-sprain," James said while smiling and hoping na magustuhan ni Yana ang gift niya sa kanya.

Inisip na lang ni Yana ang effort ni James at nagpanggap siyang nagustuhan niya ang shoes. Ayaw niya naman na mabalewala ang effort ni James.

"Thank you, James. Kailangan ko talaga ito. Nag-abala ka pa," Yana responded. Kunyari nagustuhan niya ang binigay ni James.

Nakahinga naman si James sa sinabi ni Yana and said, "Thank goodness at nagustuhan mo."

"By the way, why are doing this to me? Kung dahil sa nagi-guilty ka sa past, no need. I told you, I got over it already at naiintindihan ko naman." Akala kasi ni Yana, James is doing all these stuff dahil gusto niya lang bumawi. Ayaw niya mag assume na may gusto si James sakanya. Kahit sobrang obvious na.

"No. It's not about the past," James said in his serious voice.

Medyo kinakabahan si Yana sa sasabihin James.

"Yana, I like you," James said while looking at Yana's eyes. You can see through James' eyes the sincerity while he's saying those words.

Nabigla si Yana sa pag-amin ni James. She won't know how she will respond. Ang awkward kaya she looked away.

"You don't need to answer me now. Pag-isipan mo muna," dutong pa ni James.

Pumikit muna si Yana at huminga ng malalim. Inhale. Exhale. Isang lunok.

"Sorry, James. May gusto na akong iba," Yana said after he gathered all her courage.

Napayuko naman si James sa sinabi ni Yana. James collecting his thoughts.

After James collected his thoughts, huminga muna siya ng malalim at inangat ang kanyang ulo.

"Sabi ko naman sa 'yo pag-isipan mo muna. You can't answer me just like that," biro pa ni James. He's smiling. Pero smile na may halong lungkot. James already know kung sino ang tinutukoy ni Yana na someone else.

Hindi na nag respond pa si Yana sa sinabi ni James at napangiti na lang siya habang umiiling-iling.

"Kahit na may iba nang nagugustuhan, siguro naman it's still okay for me na maging kaibigan mo." James trying to look cool kahit na turn down siya. What's important to him, he can still spend time with Yana through friendship.

Tumango-tango naman si Yana and responded, "Oo naman."

Medyo nagiging awkward na ang ambiance sa kanilang dalawa kaya nagpaalam na si James kay Yana. Para naman hindi masyadong ma-feel ni James na na-turn down siya, Yana walked him hanggang sa labas ng clinic.

"Can I have a request?" James asked. Nasa labas na sila ngayon ng clinic.

"Oo naman. Ano 'yun?"

"Can I hug you?"

Nag smile lang si Yana na tumatango-tango. She opened her arms for a hug.

James hugs him tightly. Nag respond naman si Yana sa hug ni James while she's smiling. Tinatapik-tapik pa niya ang likod nito na para bang ibig niyang sabihin na , "Okay lang 'yan."

GABI na nang mag check si Yana ng kanyang cellphone. Naiwan niya rin kasi ang kanyang cellphone sa kwarto niya. Upon checking, nagtaka siya kung bakit ang daming tawag at message sa kanya ni Archer.

Nakangiti siya habang binabasa isa-isa ang message ni Archer sa kanya.

"Look at these messages. He's worried sick," saad pa ni Yana sa sarili habang nagbabasa.

Yana called Archer. She needs to give an update kung ano nangyari sa araw niya. Nakangiti pa si Yana habang tinatawagan niya si Archer on the first dial. Pero walang sumagot. Tinawagan niya ulit si Archer on the second time. But still, hindi siya sumagot.

"Masyado pang maaga para matulog siya." Alas otso pa lang kasi ng gabi.

Nag-iwan na lang ng message si Yana. Naisip niya kasi na baka nagluluto lamang ito ng kanyang dinner. Or maybe he's doing the dishes.

"Ayan. Nag seen na siya." Yana tried to call Archer again nang makita niyang nabasa na ni Archer ang message niya.

Napakunot noo si Yana dahil hindi talaga sumasagot si Archer sa tawag niya. She again sent a message, "Bakit hindi mo sinasagot tawag ko? I'm worried."

Nag seen lang ulit si Archer. Hindi siya nag iwan ng response.

Nang tatawag ulit si Yana, bigla namang nag off line na si Archer. Bigla tuloy nag-iba ang mood ni Yana. Hindi niya alam kung bakit biglang naging cold si Archer sa kanya. Ang naiisip niya lang na dahilan ay ang hindi niya pagsagot ng tawag ni Archer.

"Hindi kaya pumunta na siyang Paris?"

-----End of Chapter 9-----