PROLOGUE
ARIANDE
PAANO nga ba tayo unang nagkita?! College days enrollment yata natin parehas tayong nakatayo sa napakahabang pila para sa mga new students sa University.
Ikaw! Ikaw ang nasa unahan at ako! Ako lang naman ang babaeng pawisan, gutom, nabuburyong at hagardoverzosa sa likuran mo. Hindi mo ko napansin noon diba? Masyado ka kasing seryoso sa buhay, ni hindi ka nga lumingon sakin.
Naalala ko pa noon na ang halimuyak mong Bench perfume ang nagsisilbi kong Vicks para hindi ako tuluyang mahimatay sa init at gutom.
Yon ang sinisinghot ko dahil ang bango-bango mo at binubuhay mo ang kaluluwa kong malapit na yatang humiwalay sa katawang lupa ko.
For me, your a breath of fresh air. My happy pill, ang lande no?!
Hanggang sa wakas nakapasok na din tayo don sa office. Sabay pa tayo, magkatabi sa upuan, magkadikit pa ang siko natin at mas masasamba kita ng malapitan.
Grabe kinileeeeg ako, ang gwapo mo po kasi.
Palihim pa kitang pinagmamasdan nakakahiya kasing magpaimpress sayo kasi ang pangit pangit ko. Wala na akong liptint, wala na rin akong powder.
Ang oily na ng face ko at pugad na ng ibon ang buhok ko! Its a BIG NO! NO! NO!
Depet megende ekee se penengen me. Epet ng heer se tenge pere mey effect.
Natigil ako sa kakapantasya kay kuya noong may gumising na sa kahibangan ko, naputol yong pag-assess ko kay koya.
"Ms. Maria Rebecca Ariande Delzotto."
I heard someone was calling my name, so I look around and there she is.
"Ako po Maam! I'm Rebecca."
Tumayo na ako at naglakad sa palapit sa table ni Madam.
"Hi po?" I smiled politely at her kaya lang may pa kamaldita yata tong clerk iningusan lang ako.
Required ba talaga sa clerk na sobrang taray? May tinuro pa syang something echos na kailangan fill-upan andaming namang arte ni ante Letty.
Kailangan ko ng stapler kaya dinampot ko yon bigla.
Keye leng denempet me den eh and suddenly everything seemed so perfect. Aneeee beeee? Neheweken me teley eng kemey ke.
Remember?
Sabay pa tayong napatingin sa isat isa, mata sa mata, mukha sa mukha, feeling ko nga that day para kang poste ng meralco, meron kang electricity at kinuryente mo ang buong pagkatao ko.
Ramdam mo? Yong biglaang spark? Hindi nakakamatay kundi nakakakilig tila napapaso mong binitawan ang kamay ko.
"It's okay.. Ikaw na muna Miss."
Yan ang katagang una mong minutawi sakin at may bonus pang makalaglag bagang na ngiti.
Nakakatulo laway pre, ang gentleman!
"Shelemet." syempre pabebe muna ako, sabay abot ko sayo ulit ng stapler ng matapos ako.
Wala po akong brace sa ngipin pero parang akong na stroke. Hindi ako makapag-salita ng maayos tila namimilipit ang dila ko? O sadyang ang landee ko lang?
Ngumiti ka lang sakin at tinalikuran mo na ako pero ako nakita ko na yata ang lalaki sa aking hinaharap.
Doon kita unang hinangaan, sinundan ang bawat yabag ng iyong nilalakaran. Inaabangan ang pagsilay ng yong kakisigan at marinig ang tawa mong ang sarap lang sa tengang pakinggan.
Hay inlab na ak--
"Hoy hara ka sa daan. Mukha kang tanga!" Sabay tulak pa sa akin ng lalaking ang sama ng tingin sa akin kaya napaatras ako.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. Sino ba ang bwesit nato at sinisira niya ang moment ko?
"ANO BAAA! NASAAN NA SI CASSIUS CUANGCO? ANG BINGI HA? KANINA PA TINAWAG EH!" nanggagalaiting sigaw ng isa pangclerk.
"Sandali lang, may tanga kasing nakaharang dito." He shouted back.
Ang lalaki sa harapan ko ang sumigaw, ang suplado naman pati yong clerk hindi pinalampas sa pagkamaldito niya.
He coldly gaze at my shocked face. "Oh ano? Pararaanin mo ba ako o mas gusto mong tumunganga diyan? Umusog ka lang naman ng kaunti ng makadaan na ako, Miss. Inaabala mo ang oras ko, eh." He added in annoyance.
Punyeta, walanghiya tong lalaking to pero wala akong nagawa kundi paraanin siya kasi pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob, nakakahiya talaga.
"Bwesit ka sana hindi ka makapasa!"
Nanggagalaiti kong pabulong na sambit sa kanya bago siya tuluyan makaalis sa kinatatayuan niya.
He smirked at me. "Tsktsk pray harder then. Cause it would be impossible to happen. It's not nice seeing you, little girl. You totally ruined my day." He uttered in a most sarcastic way before he disappear at my sight.
Sinundan ko siya ng masamang tingin, punyeta ka may araw ka rin sa akin. Babanatan kita antayin mo!
Masyado kang panira ng magandang araw ko ngayon, sakit mo sa bangs kong mga seven lang.
Naiinis akong naupo ulit sa may tabi ni Kuya no.1 nong nasubmit ko na lahat ng requirements ko.
"You okay? I saw that, hayaan mo na lang si Cuangco, ganoon talaga siya." Nagulat pa ako noong kausapin mo ako.
Kiming ngiti lang ang isinukli ko sayo. "I'm fine, just pissed. Ang hambog kasi ng lalaking yon akala mayari ng school." I said annoyed and rolled my eyes.
He laugh but never answered back, kinausap na kasi siya nong katabi niyang lalaki at nakalimutan mo na ang presensiya ko.
But still...I'm happy kasi katabi kita. This must be my lucky day kung hindi lang naki eksena ang supladitong yon. Sinira niya ang magandang mood ko.
I should be happy kasi nakilala ko ang lalaking katabi ko ngayon, my dream guy.
Magmula noon hindi ka na nawala sa isipan ko. Iyong tawa mong hindi ko mabura sa tenga ko. Ang mukha mong ilang beses na hinahanap-hanap ko at ang bango mong gusto ulit singhut-singhutin ng ilong ko.
At oo, walang duda, for the pers taym!
Ang isang dalagang Filipina ay nagkagusto na sa isang maginoong binatang Pilino. Im inlove as in sagad, oo agad agad. Ramdam ko, hindi to puchu-puchu. True to pre, true. I love you na!
Pero sadly, hanggang ganito nalang hanggang tanaw lang kita. Yong lapit mong tila kilometro ang pagitan, yong isang dangkal nalang pero di parin kita mahawakan.
Ang hirap mong abutin at masyado kang mailap sa akin. Hangang nag-umpisa na ang pasukan, natapos lahat ng semester.
Ilang taon nadin ang agad na mabilisang lumipas. I'm a Business Management student and you? You are Eduard Sebfrei Del Fontiejo.
Buma-vampire ang name ni kuya, catchy.
Eduard Sebfrei, the Architecture student, ohaaaaa? Niresearch ko pa yan, talented ako eh. Nalaman kong sikat ka pala, pa-fame ka kuya.
Well sa mga babae lang naman madaming may pagnanasa sayo kasama na ako. Ang gwapo mo po kasi talaga at ang bait pa supeeer!
Araw-araw, tulo ang laway ko pag nagkakasalubong tayo. Ang puso ko pre, sumisirko, bumaback flip. Aruuuu- diyos ko, ang bilis.
Hindi ko na namalayan, ang bilis lumipas ng panahon, ilang kendeng nalang graduate na pala kami.
Ilang taon na pala ang mabilis na nagdaan? TATLO MEN!
Tatlo pero hangang ngayon hindi mo parin alam ang aking pagsintang purorot na nararamdaman. Wala paring tugon ang aking pagmamahal.
You don't know my existence, sino ba naman ako diba?
I'm nothing, no one. I'm not popular at school, hindi rin ako mahilig sumali sa activities or even organization.
Wala talaga akong social life, except sa friends kong apat.
My life was school, home, eat, sleep and then school again
No night life, just plain boring!
XXXXX
ARIANDE
I'm having my lunch in a fast-food chain, it's my vacant time, I decided to eat in jollibee, para bida ang saya. I kinda miss eating chicken joy and jolly spaghetti and coke float and french fries. I'm craving!
I stood there near the counter, waiting for my line yong ako na sana ang i-aassist ng crew may bihlang kumalabit naman sa likod ko.
Lumingon ako at sinalubong ako ng isang nakakaasar na mukha. I automatically raise my brow.
"Yes Cuangco? Bat ka nandito?" Pagmamaldita ko agad sa kanya.
He just gave me his lopsided grin and pointed something on the menu.
He stride and stood near my back, I can feel his body heat and his breathing on my hair.
"I want oreo cookies and burger with medium fries hmmn....choco float also." He whispered on my ear giving me chill down my spine.
Napataas pa lalo ang kilay ko, bat ba kasi apektado ako sa lalaking to? I gave him a flat stare.
"O di i-order mo sa kanya." sabay turo sa crew na nakangising nanonood samin.
"Doon mo sabihin hindi ko maibibigay yang order mo." pagalit kong tugon parin sa kanya.
He tsked at me. "Just do it. Order it all for me, I'm gonna look for a vacant seat. Burger, fries, and choco float and the oreo. Here, baka sumbatan mo pa ko pag nagpalibre ako sayo." Giving me 1k and left me their hanging, absorbing his words.
I heard the crew clearing her throath. Napabaling ulit ako sa kanya saka alanganing ngumiti.
"Yes ma'am? Your order po?" With her pleasant smile.
Napayuko naman ako, nakakahiya. "Sorry about the delay, gago kasi yung kasama ko!"
"Okay lang yun ma'am, ano na po yung order niyo at ng boyfriend niyo?" she asked nicely.
Pero doon na talaga ako napangiwi. "Oorder lang ako miss pero hindi ko siya boyfriend!"
Mukha namang hindi siya naniniwala kaya nag-order nalang ako, nakikinig akong mabuti sa sinasabi ni ateng para kasi siyang nagra-rap, puro large medium lang naririnig ko.
When I settled my bill and get my number, I bid thanks to her and started looking for him, Cuangco.
After a while of searching, I saw him there, prenteng-prenteng nakaupo sa pandalawahang table, nakapalumbaba, halatang na bo-bored.
Napabuntong- hininga muna ako bago ko napag pasyahang lumapit sa kanya.
I cleared my throat and asked sarcastically. "Pwedeng umupo?"
Napaangat naman siya ng tingin at nang makilala niya ako, ayan na naman yang ngisi niya nakakainis.
He smirked widely. "Bakit gusto mo bang tumayo?"
Balik pang asar niya sakin. "Ikaw bahala malaki kana."
Asar talaga ako sa ugok nato ang hilig mang bully sa akin, saksakan ng gago at ang yabang. Nakakasura pang titigan ang mukha niyang isang malaking joke.
Hindi ko maintindihan yung mga babae don sa school na gwapong gwapo sa kanya, eh wala siya sa kaling-kingan ni Seb mas gwapo parin ang bebe ko.
Padabog akong umupo sa harap niya at kung pwede lang suntukin ko to sa mukha ginawa ko na eh.
I faked a smile. "Oh sukli mo diyan na yung resibo at ikaw na bahalang magcompute wala ako kinupit diyan." Nagbayad na rin ako sa inorder ko.
I heard him chuckled and sip his choco-float, wala na saming nagsalita, wala rin naman akong topic at wala talaga akong balak na mage-entairtain sa kanya.
Mabuti nalang dumating na order namin, I get all my foods from the tray, tumayo naman siya at umalis, bahala siya diyan.
Inuna kong kainin ang fries, hmm yum! I miss this.
"Here, wala tayo sa mang-inasal na pede kang magkamay. Use this, dig in." sabay abot pa ng spoon and fork sakin pagbalik niya.
At nagumpisa nadin siyang kumain, nakakaasar lang siyang magsalita pero thankful naman ako sa pagiging gentleman niya kahit labas sa ilong ang pagkakabigay niya sa sakin ng cuttleries.
"Thanks!" I murmured.
Tumango lang siya at sige sa pagkain, kinain ko nadin yung chicken ko, hmm sarap. Wala akong pakialam sa kaharap kung tila di mapakali at parang may hinahanap.
Busangot pa ang mukha at masama na ang tingin sakin ngayon. I shut him a questioning look with brows up.
"Oh ano na naman ang kasalanan ko, Mister?"
Knotting his forehead more and massage the bridge of his nose, naakala mo'y bitbit niya lahat ng problema sa mundo.
"Where's my oreo?" Naiinis niyang tanong sakin.
Inorder ko naman yun kanina ah. Wala nga sa table namin, pero nabayaran ko yon.
"Aba malay ko, i-follow up mo don. Heto, dalhin mo tong receipt. Dali na!" Dinutdot ko pa sa kanya ang resibo, padabog naman siyang umalis.
Topakin talaga!
Doon ko lang napansin na ubos niya na ang pagkain niya. Nakakain na pero buryong parin. Sira-ulo yon, pinagpatuloy ko ang pag-simot sa spaghetti ko, yum yum.
"Oh, akin na yan at eto nalantakan mo!" Hinugot niya yung plate ko at pinalitang ng bagong spaghetti.
He shut me his glare. "Kainin mo na, wag ng mag inarte, kanina ka pasimot ng simot diyan eh wala na ngang laman, hindi mo yan mauubos pag nakatitig ka kang sakin. Dig in!" He said in pissed.
Hindi ko mapigilang mapangiti, abno lang tong si Cuangco pero minsan mapapakinabangan mo rin eh. Gutom pa kasi ako tinatamad lang akong tumayo at mag order ulit.
"What is it?"
Nakatingin kasi ako sa kanya, nakakalaway kasi yung oreo, parang ang sarap sarap.
"You want?" Alok niya sakin.
Umiling naman ako. Nakakapatay gutom ko ng tingnan no. I look away and started eating again may foods.
Noong natapos nakong kumain nasa pangalawang oreo na siya. Bakit kasi parang ang sarap sarap niyang kumain? Ang tagal niya pang makaubos, gusto ko na din tuloy ng oreo.
Napailing nalang siya nong mahuli niya ulit akong nakatingin sa kanya este sa oreo.
"Closer." he said.
Huh? Ano na namang binabalak nito.
"I said move, lapit sakin."
But instead na ako, siya ang nag-adjust, lumapit sakin, inumang ang spoon at sinubuan ako ng oreo kahit ako nahihiya na sarili ko, bakit kasi gusto ko yung pagkain niya? Takam na takam ako eh, ang dami ko ng nakain?
"Masarap?" He asked.
Huh? Sino? Ikaw o yong oreo? Punyeta self huwag maglandi sa harap ni Cuangco.
Pulang-pulang na siguro yung mukha ko ngayon sa sobrang kahihiyan.
Tumango naman ako pinagpatuloy niya ang pagkain sabay subo din sakin pagkatapos. He doesn't seem to mind that we're sharing the same food with the same spoon.
Mukhang balewala naman sa kanya na sinusubuan ako at minsan pa'y pinupunasan niya ng tissue ang bibig ko. Sabay iling sa akin at sasabihing ang dungis ko.
He heaved a sigh, asking. "You also want this?"
Napatango nalang ako nong inalok niya sa akin yong choco-float niya. Humigop siya doon at uminom din ako pagkatapos niya, uhmm sarap.
I smiled widely at him. "Thanks Cash."
'Walang malisya to, share lang kami ng food no? Wala tong issue.' Bulong ng kabilang side ng utak ko.
*****
cLxg_drgn
HAPPY READING!