Chapter 7 - 06

ARIANDE

Magkaharap kami ngayong dalawa ni Seb sa table ng cafeteria, nagulat nalang ako nong bigla siyang lumapit, ngumiti at biglang nagtanong kung pwede siyang maki-upo. Napatango nalang ako bilang sagot, hinahanap ko pa kasi yung boses ko, biglang nawala, iniwan ako.

I was observing Seb, para siyang ang haggard lang, though alam ko namang hindi madali ang Archi pero hindi ko naman nakitang ganito si Cuangco ka-stress. Hindi talaga siya masi-stress, puro cutting classes yong alam non eh. Bawi agad ng kabilang side ng utak ko.

Sabagay.

Hindi ko talaga alam pero may dala talagang charm si Seb nato sa akin na parang ang gaan lang ng lahat, parang may humahatak talaga sa akin na titigan siya, may invisble na bigkis na hindi ko matanggal ang damdamin ko sa kanya. Sinusubukan ko naman eh, pero tuwing nakikita ko na naman siya, wala na, hinahatak ulit ako pabalik sa kanya.

Feeling this steady eratic beating of my heart.

"Ayos ka lang ba, Seb? Parang wala ka yata sa sarili? May problema ba?" I softly asked, bothered by the sight of him infront me.

Parang ang layo kasi ng abot-tanaw niya, so deep but empty. Wala sa sarili at aligaga, parang ang lalim ng problemang dala niya. Hindi ko mapigilang, hawakan ang kamay niya sa ibabaw ng lamesa.

Hoy, hindi to tyansing, nagmamalasakit lang ako.

He looked at me those sad eyes. Barely trying to hide his pain.

He took a sighed. "We're over Reiand. Kass and I, broke up already." He whispered and his eyes started to got misty and red.

Napalaki naman ang mata ko, what the! How? When? Where and why? Anong nangyari sa kanila? May pagsinta ako kay Seb, pero hindi nakakatuwang makitang nasasaktan siya sa harapan ko.

Kinukurot ng pino yung puso ko, parang may kirot.

I sympathetically tighten my grip to his hand. "Bakit?"

He shrugged his shoulder slightly. "I don't know, maybe she got tired of me. Kahapon lang niya sinabi tapos, kanina umalis na sila papuntang Boracay, hindi man lang niya ako hinintay magpaliwanag or kahit maki-pagbreak siya ng personal. Hinintay niya pa talagang wala ako dito, before she decided to broke up with me. Parang nakakatanga lang, hindi ko na talaga siya maintindihan. Ang gulo-gulo na niyang kausap. Akala ko okay na kami, tapos biglang break na agad. Putangina talaga."

I can't help myself but to offer him a warm embrace, I know he needed it, parang ang bigat-bigat ng dinadala niya ngayon. Nakikinig pa nga lang ako, ang sakit na sa dibdib, how much more pa, sa naka-experienced non. Mas doble sakit, may kapit, mas may kurot.

Dinutdot niya pa ang mukha niya sa leeg ko, maybe trying to hide his tears, naramdaman ko na kasi na basa na ang balikat ko, pero walang maririnig na hikbi galing sa kanya. Mas mahirap umiyak pag walang tunog, mas tinatago mo kasi ang damdamin mo. I patted his back lightly. Trying to console him, sana naman maramdaman niyang nandito lang ako.

Naghihintay sayo namapansin ang aking damdamin na para lang sayo, dahil ikaw ang sigaw ng puso ko, ikaw ang nasa isip ko, ang nais ko ay malaman mo, na ikaw ang tanging pangarap ng buhay, Pag-ibig ko sa iyo'y ibibigay. Ang nais ko ay malaman mo. Hmm. Na mahal kita.

Ops kanta pala yan. Sorry naman, nadala lang.

Sakto pag angat ko ng tingin nasa harapan ko na si Cuangco, piercing those serious eyes on me, jaw clenching while looking at the man I'm hugging right now. Parang hindi siya natutuwang makita kami, after giving those fiery stare, he then shutted me a cold glare, emotionless.

Tinaasan ko siya ng kilay. What?

Mukhang naintindihan niya naman kasi tinaasan niya din ako ng kilay,

'Sino yan?' He said pero walang sound.

"Si Seb." I answerer back. Mas lalo namang dumilim ang bukas ng mukha niya, lalo lang siyang naasar sa sinabi ko.

"Ewan ko sa inyo!" After saying it out loud, padapog niyang nilapag ang bitbit niyang pagkain sa table ko at umalis na. Naiwan akong naguguluhan sa asta niyang pang sira-ulo.

Badtrip na badtrip? Umaatake na naman ang topak niya. Bahala siya diyan, nagiinarte eh. Biglang nagvibrate yung phone ko sa table, si Cuangco ang tumatawag, dahil naiinis ako sa kanya, binalewala ko lang. Nakailang tawag siya, pero wala akong paki.

My phone bussed again but it a text message coming from that brat.

'Ah ganyan kana? Kinakalimutan mo na ako kasi nandiyan nasa kandungan mo si Fontalejo? Geh magsawa ka, magsama kayong dalawa!'

Ramdam ko ang pag kaasar niya pagkabasa ko sa msg niya. May galit ba to? Ang lalim ng pinanghuhugutan eh.

Hindi ko mapigilang damputin ang phone ko at sinagot ang gagong to.

'Hoy punyeta ka! Anong problema mo diyan? At tinopak ka na naman? Gago ka, huwag mo akong tinatarando, Cuangco. Makikita mo talaga yang hinahanap mo.'

Gigil ako habang pinipindot ko ang salitang lumalabas sa utak ko.  Putangina niya ng times two. Anong karapatan niya?

'Ah ganon? Ine-enjoy niyo ba ang yakapan niyo kaya hanggang ngayon ayaw mong pakawalan ang putang inang yan? Kanina pa kayo ah. Gustong-gusto lang?'

Pinalibot ko ang paningin ko at nakita ko siyang nakaupo don sa pinakagilid at pinapatay na kami ng tinging dalawa ni Seb. He's totally pissed, he's face was devoid with any emotion.

Tinaasan ko siya ng kilay, ipinaparating kong naiinis narin ako sa inasal niya.

'Punyeta! Nagseselos ka yata eh!' Yan lang nireply ko pero nakarinig ako ng sunod-sunod at malulutong na mura galing sa kanya.

'Ewan ko sayo! Magsama kayo!'

Yan lang din ang reply niya at nakita ko na siyang binakante ang upuang ginamit niya, at walang likod lingong umalis na sa loob ng cafeteria. Asar na asar sa kung saan.

Naramdaman ko namang tumigil na sa kakaiyak si Seb, kalmado na kasi ang pag hinga niya sa leeg ko. Sa sobrang payapa parang kinukutuban na ako. Marahan ko siyang tinapik sa balikat. Mahina lang siyang umungol.

Hmmm. Patay nakatulog yata to eh!

Ang tagal ba naming magkatext ni Cuangco at di ko na malayan ang oras? O masyado lang siyang pagod kaya nakatulog to agad? Hinayaan ko lang siyang nakasandal sa balikat ko.

Kawawa naman si Seb.

Napataas ulit yong kilay ko nong tumapat ulit sa amin si Cuangco, masama parin ang hilatsa ng pagmumukha niya. Ang laki talaga ng problema niya sa mundo. Hindi naman siya inaano diyan. Padabog siyang umupo sa harapan namin, halatang napipilitan siyang lapitan kami.

"Ano na naman?" Bulong kong pagkastigo sa kanya.

He took a calming breath. Shaking his head in response not saying single word. Naasar na ako ha? Ang arte niya na!

Inayos niya ang pagkaing bitbit niya kanina. Digging and took a spoon full of rice with chix. Inumang niya na ang kutsara sa bibig ko.

"Kumain ka, Babae. Kanina kapa hindi kumakain."

"Heh! Huwag mo akong subuan kong napipilitan ka lang!" I just ignored him.

Continues expletive was said by him. "Alam mong naiinis na ako kaya huwag mo nang dagdagan pa, Rebecca. Hindi mo magugustuhang makita kung paano ako magalit." He threatened, I can sense full seriousness in his voice.

Rolling my eye upward out of annoyance. I left with no choice but to open my mouth and let him feed me.

"Alam mo ang sira ulo mo lang sa part nato. Ano bang pinuputok ng butse mo at kanina kapa nag-aalburoto diyan?" Hindi ko mapigilang komprontahin siya pero ayaw niyang magsalita.

"Cuangco, kinakausap kita."

He massage the bridge of his nose, trying to hide his annoyance. "Sasagutin kita pag umalis na yang punyetang yan sa pagkakayakap mo!" He hissed.

Napaawang ang labi ko sa katarantaduhan ng lalaking to. "Tumingin ka nga sa akin. Ano ba?"

He just took a fast glance at me then fixed his eyes again on my food. "Hindi na ako natutuwa, Cuangco. Tumingin ka sakin!" I can't deny the fact that I already raised my voice to him.

"What?" Asar niyang tanong habang sinasalubong ang tingin ko.

Arching my brows upward, unleashing my bitchiness towards him. "Umamin ka nga! Nagseselos kaba, Cuangco?"

"Hindi!" Sagot niya naman agad.

"O eh bakit ka galit diyan? Ano to trip mo lang? Gago ka, huwag mo kong paandaran niya pagkasupladito mo ha, hindi ka talaga uumbra sa akin." Pangbabara ko sa kanya habang diretsong nakatitig sa mata niyang bumubuga na yata ng apoy.

"Don't fuckin play with me, you idiota. Your getting into my nerves, wala kaming ginagawang masama sayo ni Seb. Kaya ilugar mo yang kagaguhan mo." I added, trying to make him feel that I'm not in the mood for playing with his tantrums.

"I'm not sorry, Babe. I'm really pissed with the both of you right now. I can't control my rage towards that man. Lalo na at mag-kayakap pa kayo ngayon, nagdidilim ang paligid ko, Rebecca. I'm the only one who's allowed to get near, hug, touch and kiss you, babe. Ako lang! I don't want anyone get close to you, in any possible way,  not that asshole or anyone who will steal you away from me! Ako lang dapat cause you're mine." He said that with full of angst and sincerity as he bared his feelings to my shocked face.

"Kaya habang nakaka-pagpigil pa ako, Rebecca Ariande. Sinasabi ko sayo, pakawalan mo na yang tarantadong yan. Kanina pa ako nagtitimpi dito, masyado ng maikli ang pising kumukontrol sa akin. Hindi ka matutuwa pag naputol na to." He warned at me, giving me his scrutinizing glare, penetrating to my soul.

Making me shiver to his intense stare. "How can I? He's sleeping, Cuangco. I can't left him alone, he was too broken and pained this moment. Kakabreak lang nila ni Kass." I blurted.

"I don't care. He can look for someone's shoulder to cry on but not yours, babe. It's only for my use, remember that."

Bago pa man ako makasagot sa kanya, naramdaman kong nagising na si Seb, I sighed out of relief dahil kinakabahan talaga ako kay Cuangco ngayon. Hindi talaga siya nagbibiro. Seb, straighten his back and look at me.

"I'm sorry Reiand, I fell asleep." Hinging paumanhin niya agad nong marealize niyang nakatulog siya sa balikat ko.

Tumango naman ako. "It's oka-"

"It's not. I don't want this to happen again Fontalejo, not with my property. Know your limit, I'm not always in control with my emotion. I'm warning you, Hindi ka nakakatuwa." Cuangco butted in with his stern voice.

Walang ka ngiti-ngiti habang sinasabi niya yan kay Seb na ngayon lang yata napansin na nasa harapan namin si Cuangco. Prying his eagle eyes towards us, greeting his teeth in annoyance.

Seb nodded in agreement. "Noted Cuangco. It was an accident. Nakita ko lang si Reiand dito, wala siyang kasalanan. Goodbye, Reiand. Thank you." He sincerely said to me and wave his hand, tinanguan niya lang si Cuangco at umalis na sa harap namin.

Napayuko nalang ako ng ulo ko ng mapag iwanan ako ditong magisa kay grumpy Cuangco, I remained silent. Hindi ko pa naabsurb ng mabuti ang mga pinagsasabi at pagbabanta niya. Masyado siyang intense.

"Pst. Galit ka pa rin? Hindi na mauulit." ako ang naunang sumuyo sa kanya. Trying to pacify his anger.

He exaggeratedly exhaled his sighs, mga tatlong beses yata bago niya naisipang sagutin ako. "Kumain ka na. Hindi mo pa ubos tong pagkain mo. Ahh."

He only said that pero atleast hindi na sa tonong pagalit. Parang naka-kalma na siya ng mawala sa paningin niya si Seb. I opened my mouth and eat in silence.

Nakikiramdam ako kay Cuangco. 

After he finished feeding me, he gave me his tumbler to drink water. Then he took my hand and guided me to sit beside him. Closing our distance and making me feel uncomfortable. He took his hankerchief and started wiping off something on my neck, the exact spot where Seb buried his face. Pinangigilan niya po ang pagkuskos. Looking at his grim face mukhang inaalala niya parin kung sino ang nakatulog sa leeg ko kani-kanila lang.

Parang tanga tong si Cuangco. Hindi daw nagseselos pero ang lakas ng loob mambakod. Luh. May karapatan ka dude, meron? Mukhang nakalimutan mo yata akong iinform eh. Wala akong kaalam-alam eh.

"Aray na Cuangco ha, masakit na!" Pinigil ko yong kamay niyang sige parin sa pagpunas ng kung ano sa leeg ko.

He staighten his back. "Naiinis pa rin ako, Rebecca. May alcohol ka ba diyan? Baka nag-iwan ng bakterya yang si Fontalejo, o kaya ilunod ko na lang siya sa pacific para di ka na niya ulit lapitan."

I chuckled because of his possesiveness. "Diyan nagsimulang namatay yong lolo ko."

He didn't buy that as a joke though. "Wala akong paki. Magkakapatayan na pero hindi talaga ako papayag na lumapit sayo ang punyetang Seb nayan kahit gustong gusto mo pa!" Pangbubuska nito sa akin, bumalik ulit ang talim sa mata nito.

Sinapok ko siya at ninoohan siya pagkatapos. "Hoy, bakit bumalik na naman sakin to, ha? Ikaw tong ang laki ng problema sa mundo tapos ako ulit ang may kasalanan? At saka hoy ulit, alam mong crush ko siya, bakit ba?"

That made him more furious. "Hoy, ka din, babae. Akin ka lang, Rebecca. Sa tingin mo hahayaan kita sa bisig ng punyetang yon? Dream on." May diin lahat ng pagkakabagsak niya ng bawat salita habang nakatitig sa mata ko.

He sprayed his manly perfume on my neck. Sniffing it after, trying to erase the fragrance Seb's left.

"There. Ako lang kasi dapat ang dudutdot ng leeg mo, bakit mo kasi siya pinayagan eh. Kaasar ka naman. Akin lang to natatandaan mo, akin lang." pinagtakan niya pa ng mumunting halik ang palibot ng leeg ko.

At sumuot nasa kabila kong leeg na hindi nagamit ni Seb. Sniffing and nuzzling my soft spot, giving a small tingling senstation. Hugging me and caging me inside his arms protectively.

Nakakatawa talaga tong si Cuangco'ng to, parang nababaliw na. "Hey, wag mong papakin yang leeg ko. Hindi yan manok."

"Shh.... I want you to remember that you are mine, baby. Ayokong may kahati, Rebecca. Akin ka lang, akin. Mine and mine, alone." He even gave me a soft kiss on my temple and buried his face again on the hollow of my neck. Murmuring words that I'm his, making me feel so special and love by him.

Siraulo na talaga tong si Cuangco, panigurado.

"Hoy, enough na. Walang aagaw sa kin. Tahimik na, para ka nang baliw." Hinagod ko ang buhok niya para kumalma naman ang nagrerebelding himaymay ng kaugat-ugatan niya sa katawan.

"Sayo lang babe. Sa'yo lang." He murmured, pulling me back against his thumping heart and jailing me with his toned arms afterwards.

*****