Chapter 6 - 05

ARIANDE

Andito ako ngayon sa starbucks, nagco-coffee malamang. Hinihintay ko ang tatlong bebe at isang gansa. Sila Yvarrina, Hermenia, Hailey at si Glaiza. Trip ko lang manlibre ngayon pero ang mga balahura kong prends nowhere to be seen parin.

Naeexcite pa naman akong icelebrate ang hoursary namin ni Sebfrei. Though ako lang ang nakaka alam. Ayieeeh. Ilang hours nadin ang lumipas mula kanina. Pero kiligs parin ako. Hindi maka getover ang respiratory and nervous system ko.

Nagwawala padin. Finally, they are here.

I smile widely at them. Hindi nila masisira ang super duper as in pag ka good mood ko. Good vibes is in my air. Akin lang. Hindi sila kasama. Madamot ako bawal mag share.

"Hi there, pretty gals" ako nadin ang unang bumati sa kanila. With matching beso pa na ipinagtaka nilang apat.

Sinapok ako ni Hermie. O ayan dahil good mood ako. Pagagandahin ko ang pangalan nya. Nakangiti ko paring binalingan sya ng tingin. "Hello there, Hermie girl. Ang ganda mo yata ngayon? Ikaw din Yvarie. Same as you Hailey at Glaizie." Isa isa kung pinuri sila na mas lalo nilang ikinangiwi. Masama bang maging honest?

"Tapatin mo nga kami. Kanino namin utang to? Himala at marunong ka palang mag appreciate ng kagandahan namin. Eh sarili mo lang ang pinupuri mo eh." Yvarrina butted in sacrastically. The three girls rolled their eyes heaven ward.

I chuckled. "Kayo naman. Maganda kayo ngayon sa paningin ko promise. Ikaw Glaiz, you look stuningly beautiful with your jersey. Also Hailey rocks the world with her cute bunny ears. Yvarrin~"

"Okie stop na!" With matching hand stop pa. Face palm silang tatlong. Ehhh?? Anyare?

"Ang creepy mo girl!" Glaiza

"Yeah! Sinaniban kaba?" Hailey

Ako naman ang napa roll eyes sa exage nila! Bakit masama bang maging happy?

"Teka nga! Bakit mo pala kami pinapunta dito? Anong hanash?" Hailey asked boredly

Bigla tuloy lumaki ulit ang ngiti ko. My irog. My Sebfrei.

"Ok. Ang creepy na talaga!" Yvarrina blurted ng mapansin nyang parang ang tanga ko. " Ano ba prend? May problema ka ba? O nabaliw ka na? Wag mo naman kaming pakabahin dito sa pangiti ngiti mo dyan. Nakakatakot prend! Wala akong friend na pang mental!" She added.

"Gaga! Mukha ba akong nababaliw?"

"Real talk? Oo prend! Nababaliw kana yata!" Glaiza

I just laugh "Alam nyo prend! Ang saya saya ko! Si Ed Sebfrei kas~"

"Omeeegee! KAYO NA?" Putol sakin ni Hailey

" Hindi pa"Kinikilig ako

"Ay ambisyosa!" Thats Yvarrina. She bangs our table. Napatingin tuloy samin ang ibang tao sa starbucks.

"Uyy. Hindi namin friend yan" sabay isod namin paalis kay Yvarrina. Kahiya kasi.

It only earned a roll eyes from Yvarrina. Natatawang nagsibalikan kami palapit sa kanya. Maltida talaga.

Isa isa nya kaming binatukan. "Witches bitch!" sya padin yan.

Nakatingin na ulit sila sakin. Okay. Sakin na ulit ang spot light. Alam kong ang eksplenasyon ko ang gusto nilang marinig. "Ganito kasi yun mga prend.~~"

Kinwenrto ko na sa kanila ang ganap samin ni Sebfrei kanina. Syempre exerp na yon. Hindi ko na binangit na mag kaaway sila ni Kasandra. Its not my story to tell. Hindi naman pedeng #ctto ang peg ko dito. Ma plaigirism pa ko.

"Soooo ayun nga. Kinikilig talaga ako mga prends! Sa tingin ko ito na talaga! This is really is it! Its my time to shine! Opportunity knocks only once. Tingin nyo? Diba diba? " Kinikilig ako habang nag kukwento sa kanila.

"Alam mo girl! Mukha naman yatang wala malisya ang pag kausap nya sayo. Na tyambahan lang na nandon ka sa room kaya na sabit ka sa point of view nya. Pero helleeer! Kasandra is still here. Girlfriend yon bhe. Kina usap ka lang wag kang feelingere he? Hindi kayo mag ka label I mean level." Glaiza

Seconded by Hailey "True. Tsyaka sabi mo nga 'friends' lang kayo. Wag na kasi mag assume bhe. Masasaktan ka lang. Payong kaibigan lang naman. Lakas kasi maka 'ambition' girl" she pats my shoulder with matching pikit ng eyes nya pa. Yung parang nakikiramay.

Hinila naman ni Yvarrina ang rebonded kong hair na kulay blue. Di Cinnamon. "Alam mo kina usap ka lang ang imagination mo lumipad agad sa kalangitan! Ang taas prend! Duh! Hindi sya ang tipo ng LAZADA 'Hanap, usap, Deal'. Alam mo namang stick-o yun. Stick to One. Si Kasandra ang mundo, orbit, galaxy, star, moon at sun noon. Tas isisingit mo ang sarili mo? Asan ka don? Et? EXTRA terrestrial being? Dakilang Alien? Panaghinip kasi prend paki bawasan!"

Nagapir pa silang apat. Grabe talaga ang prend ko no? Ang supportive grabe! Na appreciate ko! Huuuu! Ang saya!

"Alam nyo panira kayo ng imahinasyon!" Naiinis kung turan

"Dapat lang no! Mukha kasing na enjoy mo masyado! Kailangan na namin ipa mukha sayo na game over ka na prend! Hindi to laro! Reality to! Mas masakit! Mas kapit! Mas Harsh! Kaya dapat sayo umpisa palang. Crashed that stupid fantasy of yours." Hermenia sabay lafang ng donut.

"Sabi na kasing tigilan mo na ang kakapantasya sa bampirang yon. May Bella Swan na sya. Wag ka nang mag ala Jacob."

Bwesit talaga tong apat nato. Panira sa lovestory namin ni bebe Sebfrei. Mga kontrabida. Sa pagmamahalan namin este ko. Ako lang pala. Saklap naman my life here in earth. Wala na. Ayoko na sa Earth. Don nalang ako sa Neptune baka nandon ang ka pornev-- eeerrr ka forever ko.

"So tangap mo na? Wala na kasing pag asa prend. Kayo ni Sebfrei. Hopless case kumbaga. Hindi na marerevive. Wala kayong chemistry, biology at physics~"

"Teka bat nasali ang science dito? Sige nga paki explain isa isa. 5 sentensences in each category." I butted when Hermie talks about science

"Ano ka ba naman prend. Yun lang di mo pa alam? Sus! Basic." She exaggeratedly laugh. Sabay sapok kay Hailey na nagpapakabusy sa pag nguya. "Ikaw nga mag explain Hailey. Ang bobo kasi ni Reiand. Parang yun lang di pa knows. Duh"

"And sabihin mo di mo rin alam. Pabibo kasi!" Pang asar ni Yvarrina kay Hermie.

Hermie just 'Tsked'. Confirmed. Hindi nya nga alam.

Pagkatapos naming pagtawanan ang katalinuhan kuno ni Hermie nag seryoso na ako "Alam ko naman na wala akong pag asa kay Sebfrei. Masakit man unti unti na itong natatanggap ng puso~"

"Ang arte mo!" Si Yvarinna ang walang 'ya na pumutol sa sasabihin ko.

"Gaga! Minsan lang to." Ako

"Kaya pala nong isang lingo umiyak din sya"

"Nong sabado din nag ala stalker sya"

"Nakita ko din sya don sa Kabilang bayan. Only to find out na nandon din pala si Vampire"

"Kaya nga. Grabe ang meaning nya ng 'MINSAN'. Eh araw araw syang nakabuntot sa anino ni Sebfrie." Ang walangyang si Yvarinna ulit.

"Heh! Tigilan nyo nga ako! Enenjoy ko lang ang nalalabing araw ko sa kolehiyo. Mga epal kayo sa kaligayahan ko!" I reason out

"Pano mo makikita ang tunay mong kaligayahan kung busy kang paligayahin ang isang taong maligaya na sa piling ng iba? Aber? You missed the chance of finding your own man Rebecca. Masyado mong ginugugol ang oras mo sa walang kwentang bagay. Sa taong pag aari na ng iba." Hermenia slaps that words on my face. Ang sakit! Naninikip ang dibdib ko? Or mahigpit lang ang bra ko? Mapalitan nga mamaya. Ang sakit na eh!

"Exactly. Baka dahil masyado kang hibang sa isa kaya hindi mo na napapansin na may isa ka na palang binabalewala? Na dapat sya ang yung katadhana? Na kayong dalawa ang para sa isat isa. Hindi yung nakikihati ka sa kakarampot na atensyon galing sa taong hindi na pede dahil pag mamay ari na sya ng iba?" Another slap on my pretty face.

Bago pa dagdagan ni Glaiza ang pangaral ng dalawa pinatigil ko na. "Okay nako prend. Naiintindihan ko na. I get your focal point. Tangap ko na dead end! The end! Wakas! Ganun kami ni bebe Sebfrie." Ako with my super duper sad voice.

"G O O D. Natauhan din sa wakas" Yvarrina with her stupid grin on her face

"Kailangan nya lang pala ng starbucks. Para matauhan." Hermenia

"Aba malay natin na isang tasang kape lang ang magpapamulat dyan sa katangahan nya"

"Dapat pala matagal na natin syang binuhusan ng 1dosenang kape para noon pa natauhan."

I just laugh on their sacrastic remarks.

"Total tapos na naman ang usapan. Mag si uwi na tayo" yaya samin ni Hailey. Patayo na silang apat nong pinigilan ko. Tingin sa relo.

"Wag muna prends!" I said.

"Bakit?" Glaiza with 'what the fudge look'.

I took a deep breath "Kasi hindi pa tapos ang hoursary namin ni bebe Sebfrie. I celebrate muna natin."

Kanya kanya silang ngiwi. As if I said the biggest absurb words they hear on earth.

"Ok. Im out!" Glaiza shouted.

"Me too. I kenot take it anymore. I kenot!" Hermenia said while wiping her spilled coffee in her dress.

"Malala ka na girl!" Thats Hailey.

"I dont know what to do with you anymore." Thats Yvarrina too.

"Thank you nalang sa pakape mo. Pero mas masarap ipagluksa ang katangahan mo kaysa ang hoursary mo. Dyan ka na nga. Next time dagdagan mo na din ng biscuit at mani. Kasi sa susunod paglalamayan na natin ang pagkamatay ng puso mo." Yvarrina again before she walks out.

And suddenly Im all alone again. Great! Just great!

#E P I C Hoursary.

*****