Chapter 3 - 02

ARIANDE

Dahil late na ako, tangina, nagmamadali na akong bumaba sa tricycle. Bwesit— nasan na ba yong ID ko. Asan na! Asan ka ng kailangan kita?

Hanap sa bag habang naglalakad. O diba legendary? Kapa, kapa pero wala talaga, punyeta.

Omygulay!

Bakit ba kasi ang gulo ng bag ko? Oh yes finally, eto na. Huhugutin ko na sana yung ID strap ko kaya lang naramdaman kong may nambunggo sa akin.

Ang sakit naman aray— nahihilo yata ako.

"Opps I am sorry Miss." I heard a baritone voice.

Napatingala ako sa narinig kong nagsalita katulad ko hinihimas nya din yung baba niya, doon siguro ako na untog kaya pala ang sakit eh, ang tigas.

Pero nanlaki naman ang mata ko, nananaghinip pa ba ako? Nasa fuckin'dreamland, dahil lucky me pancit canton na extra hot dahil si Eduard Sebfrei ang nasa harapan ko ngayon momsh!

In flesh at fresh na fresh, super. Kinekeleg eng pekp'k ke!

Tumabingi pa nga yata yong panty ko eh. He look so damn handsome on his executive uniform. Medyo messy ang hair pero carry lang, ang pogi padin.

Nakakadrools. Ang lagkit ng titig ko sa mukha niyang ang sarap lang titigan.

"Im sorry talaga miss nagmamadali kasi ako. Sorry talaga. May bukol ba? Patingin." Lumapit pa siya sa akin at cheneck yung noo ko.

Ahhhh— Ang bango frens noot hangang ngala-ngala ko ang bango nya.

Yong buong pagkatao ko'y hinihigop ang aking kamalayan, ang katawang lupa ko.

Totoo ba to as in? Hinahawakan niya talaga ako, oh my nasa heaven na ba ako?

Ilang years akong nagimagine na moment na ganito tapos ngayon? Heto na momsh— dreams do come true.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nilalamutak nya ang ulo ko. Okay lang beb, basta ganto kalapit ang mukha namin sa isat isa, wala po akong angal.

Kaya ko pong tangagapin lahat ng pasakit galing sa kanya. Sige lang, okay lang, gusto ko to, hindi po ako aangal, promise.

I was busy checking his face up close, ang labi talaga ang high light sa pogi niyang mukha.

Eng serep serep esshteee ang ganda, eng pinkish et pereng eng lembet. 

Eh kiss ko kaya siya ngayon, mukha ang edible pa naman ng labi nya. Sarap siguro tong papakin ay ano ba yan, mahalay ka Ariande.

Huwag masyadong advance magisip.

Nagising ako sa pag eye-raping ko sa kanya nong diniinan nya ang part sa noo ko. 

"Aray naman.....meshekit!" Angal ko ng mahina.

Bwesit naman oh, nagkabukol yata ako. Natapik ko tuloy ang kamay niya palayo sa mukha ko. Defense mechanism kumbaga hinilot ko din ang bukol ko, katamtaman lang naman ang laki.

Pero masakit siya, nakakahiya naman kay baby. Ang dugyot ko tuloy.

Ang cute niyang tingnan, ang mukha niyang puno ng concern habang nakatingin sa akin, waah— kinikilig ako grabe.

Mukha siyang hindi mapakali na hindi ko maintindihan. Ang OA pero nakakataba ng heart, nakakaoverwhelmed. Halos magningning na ang mata ko sa sobrang lapit niya sa akin. 

He settled his beautiful eyes on my face. "Samahan kaya kita sa clinic? Im sorry talaga hindi ko sinadya. We will just go to our clinic and let the doctor check your head baka kasi mapano ka."

Hinging paumanhin ulit nito sabay hila sakin sa dulo ng mundo.

Ako naman dahil dakilang malandi ako at inuuna ang kalandian, nagpahila namin. Road to forever na po kasi talaga kami.

HHWW ang tema ng pagibig namin ngayon— nakakakilig na talaga eh. Grabeng kalabog ng puso ko sa oras nato. Nanginginig ang kamay ko habang hawak hawak niya.

Gusto kong magtitili sa tuwa, magpagulong gulong dito sa hallway sa sorbang kalandian ko. My gosh, si Sebfrei to, walang bawas buong buo!

Pinatapatawad na kita Beb.

Okay lang na masaktan ako, titiisin ko, wala namang masakit basta hawakan mo lang yang kamay ko. Magaling na ako I'm fine, I'm okay, I'm good basta wag kalang bibitaw ha?

Sabay pa tayong tatanda, magkakanak pa tayo, apo, apo sa tuhod hangang sabay tayong kunin ng may kapal.

Ang sarap sanang patagalin pa ang pangmamanyak ko sa kamay niya kaya lang pinagtitinginan na kami sa loob ng campus.

Ma-issuehan pa kami at masumbong pa sa girlfriend niyang legal. Rolled eyes up, kaasar.

Kaya kahit labag na labag man sa kalooban ko tinanggal ko na ang pagho‐holding hands naming dalawa— ambisyosa ako, bakit ba?

Minsan lang to no saka ako na nga tong magpaparaya eh.

We both stop and stood at the center of our school ground near the flag pole, where thousands of students were staring on us and desperate to know what's happening between us, Sebfrie and me.

Pero syempre joke lang wala talaga silang paki satin, ako lang ang assuming. Napatigil ka na din sa kakahila sa akin at binalingan ako ng nagtatakang tingin.

I saw how your handsome face stares at me.

I shook my head slowly, smiling. "Ahmm wag mo na akong dalhin sa clinic. Maliit lang to hindi naman masyadong masakit. Ok lang ako Seb- este Kuya. Ok lang ako, promise." Sabay ngiti ko sa sayo ng pang beauty queen.

Yong labas ngalala-ngala at kita lahat ng mapuputi at pantay kong ngipin. Ganun dapat magpapansin.

"Sigurado ka?" I can hear uncertainties in his voice, parang alangan siyang iwananan ako.

Enee bee? Huwag mo nang ipilit kuya baka magbago pa ang isip ko at hindi na kita pakawalan, pakasalan at magsasama na tayo forever and always.

Marupok pa naman ako— lalo na sayo.

Tumango-tango lang ako, syempre pa cute. "K lang 'ko kuya, sige na. Nagmamadali ka diba? Go na kaya ko ang sarili ko pasensya na at naabala pa kita pero ok lang ako. I'm really good."

Ngiting pangbeauty queen ulit, beautiful eyes, ipit ng hair, ganyan nga kuya maakit ka.

Buong puso kitang mamahalin at aalagaan. Tiningnan niya akon ng parang naniniguro then suddenly.

"Sure ha? Im Ed Sebfrei. Here!"

May binigay sya saking paper or was it a card? Nakatupi kasi so i cant tell?

"Call me pag may problema. Im sorry talaga, sige una na ako." Smile sakin then wave at tumakbo na sya paalis.

Ohhhh my gossh!

Napatingin ako sa papel na hawak ko. 094835268-- Hindi ko na patatapusin, I text nyo pa. Edi maunahan nyo pa ako hayaan nyo na ako minsan lang ako swertehin at landiin.

Grabe, kinikilig ako mga prend. Totoo talaga yon?

Omeeegesh! Si beb Sebfrei na mesareeep, este ay kay gwapo pala, makasalanan yata tong bibig ko.

Kinikilig lang talaga ako, my heart was wildly beating fast. Gusto kong mahimatay sa katuwaan.

Easy there heart, mag-uumpisa na ang love story niyo ni bebe Sebfrei. Hintay lang, tiwala lang magiging kayo din sa 'temeng penehen'.

Meron na nga kayong 'Once upon a time' sana naman hindi pato ang 'the end'. Magkikita pa tayo bebe at madadag-dagan pa ang kilig moments natin.

Tumakbo nadin ako paalis doon at hinanap ko na ang room ko. May quiz pa naman kami ngayon kay Sir. Lagot na naman ako neto, award na naman ako nito pagnagkataon. 

Dahan-dahan akong pumasok sa room. Patay na talaga ako neto pang No. 10 na sila. Gapang papuntang upuan ko, makisama ka Lord or madedention ako dahil kay Sir Balding nato, panot na bading.

'Haaaaah!' Success sabay punas ng kunwaring pawis sa noo ko.

Sinalubong naman ako ni Yvarrina ng nandidilat na tingin. I just widely grinned back at her.

Hooooh— ang saya ng araw ko.

"Gaga ka talaga, umayos ka na diyan. Tenginer ka eto papel mo." sabay paaimpleng abot sakin ng may sagot ng papel.

I sat beside her, I mouthed thanks to Yvarrina. She just rolled her eyes.

Naghihimala ang kalangitan ngayon, una si Beb Sebfrei at ngayon hindi ako nahuli ni panot na late at higit sa lahat may number na ako ni Beb Seb, my irog.

#Iloveyounatalagaseb

*****

Napaaga ako ng gising ngayon kaya naisipan kong mag-jogging muna, I bring my tumbler and phone. Gusto ko sanang isama si Pewee, my dog pero baka....

Hmmpp! Sige na nga para may kasama ako.

Ganyan talaga kami magpalit ng desisyong mga babae, milisecond lang ang pagitan.

Dahil medyo may liwanag na paglabas namin, nagsimula nakong mag jog, hawak-hawak ko yung tali ni Pewee na mukha masaya kasi nakalabas siya ng bahay.

Barking and running with me.

Nagikot-ikot lang kaming village, I'm sweaty and a little bit tired. Marami na din kaming kasabayang tumakbo, kapit-bahay at yung iba naman taga-kabilang village.

I'm enjoying my run when suddenly it was ruined by a man whose running with us now.

Wala iba kundi si Cuangco, na naka-plaster agad yung ngisi sakin.

Sinasabayan kaming dalawa ni Pewee sa pagtakbo. Napaikot nalang ako nang mata, okay na sana eh, maganda na ang salubong ko sa umaga, sinara lang ng tanginang to.

"Anong ginagawa mo dito? Taga-kabilang village ka bat ka nandito, wala ba kayong sariling kalsada?" Asar kong tanong sa kanya.

He raised his brow on me. "Sa barangay ka magreklamo, wala akong kaalam-alam na bawal na pala akong mag jogging dito? Sayo ba tong village? Pag-aari mo, kung makaasta akala mo mayor ka?" He banters, smiling evily.

I stop running, crossing my arms over my chest while raising a brow to him, too. Hinarap ko ang pagmumukha ng lalaking to.

I smirked at him. "Talaga ipapaban kita sa barangay ko, bawal dito ang mga siraulo. Ikinukulong sa presinto."

Pangbabara ko sa kanya, rolling my eyes skywards probably out of pissed.

"Oh bakit ka pa nandito?" He asked sarcastically making me pissed more. "Ikaw dapat ang hinuhuli eh!"

Gago— tong tukmol nato. "Tangina mo, ikaw lang ang may sayad sating dalawa, huwag mo kong idamay. Diyan ka na nga, sinisira mo araw ko, peste ka! "

Inis na inis kong sabi at iniwan ko na siya doong magisa, tumakbo na ako palayo, nakakaasar kasi, ang aga-aga sira na araw ko, sinira ng punyetang yon.

"Okay, fine then! Salamat pala sa pa-libreng bigay aso program, bahala ka diyan, akin natong asong mo, walang bawian!" Narinig kong sigaw niya sa akin.

Napatigil at napahampas ako sa hangin noong mapansin kung wala sa kamay ko ang tali ni Pewee.

Boba ka Ariande.

Napabalik tingin ako kila Creo at nagumpisa ng habulin sila, punyemas, malayo na sila ni Pewee sa akin.

Aso— aso na trinaydor ako kasi ang willing niyang sumama kay Creo, wow close na kayo? Agad agad?

"Punyeta ka Cuangco, ibalik mo yang aso ko, dognapper ka!" I shouted angrily that only earned a thunderous laugh from him not minding me.

Mali talagang sinama ko yong aso nayon, kaasar sila. Pinilit ko silang dalawang maabutan pero ang bilis nilang nawala sa paningin ko.

Naabutan ko sila noong pumasok na si Cuangco sa bukas na restaurant sa kanilang village, oo naka-abot na ako sa kabilang village kakahabol sa kanya, pagod na pagod ako, hinihingal akong lumapit sa kanilang dalawa na prente nang nakaupo sa lamesa habang ngising-ngising nakatingin sakin si Cuangco.

Tangina mo ng times two! Binatukan ko siya pagkalapit ko kaagad sa kanya.

"Punyeta ka! Ang sakit ng paa ko, kung saan-saan mo dinadala tong aso ko!" Inis kong wari nong mahampas ko siya.

Tumaas yung kilay niya sa akin. "Sinong bang nangiwan? Dapat nga maging thankful ka sakin kasi hindi ko iniwan tong aso mo, kinupkop ko pa nga diba? Wala ka talagang sense of appreciation Reiand."

Nanlalaki naman yong butas ng ilong ko. "Huwow ha! Kapal— kung di mo tinakbo tong aso ko, di siya mawawala sakin. Dognapper ka kamo." I spat back.

He laugh, enjoying my pissed state. "Whatever you say. Sumama sakin ng kusa yong aso mo, hindi ko siya pinilit. Nasesense niya siguro na pabaya yung amo niya kaya naisipan niyang tumakas, right puppy?!" He coed.

Hinaplos- haplos niya pa ang ulo ni Pewee na halatang gustong- gusto ang ginagawa ni Cuangco. Traidor, traidor ka Pewee.

I just scowld at him. "Akin na siya wala kang kwentang kausap. Your waisting my time and energy."

Pilit kong inaagaw si Pewee sa kanya pero ayaw nong aso kong sumama sa akin, nagsusumiksik lang siya kay Cuangco.

Traitor talaga  na tuwang-tuwang nakamasid samin ni Pewee na iniilagaan yong kamay ko.

Nagdabog na ako sa inis, sa kanilang dalawa. "Pewee, lets go na. Mahawa ka sa ugali ng taong yan nakakasama sa baga. Pwede ba ibigay mo na yung aso ko, di na ako natutuwa."

Asar kong sabi sa kanya ng ayaw talagang sumama sakin ni Pewee.

"Oh? Sinong pumipigil? Edi kunin mo!" he grinned wide, pissing me more.

"Pwede ba? Akin na!" I shouted annoyed, totally. 

He sighed heavily, binigay naman niya yong tali pero ayaw sumunod ni Pewee sakin, balik siya ng balik kay Cuangco.

Hinihila ko na siya palabas ayaw niya kasing magpakarga sa kin.

Sinundan pala kami no Cuangco. "Tsk akin na nga— nasasaktan na yong alaga mo. Umupo ka diyan ibabalik ko to sayo, kumalma ka nga."

Inis niyang kinuha ulit si Pewee at kinandong ulit. Napilitan tuloy akong umupo sa lamesa niya, asar na nakatingin sa kanya.

Ano bang pinasinghot nito sa aso ko at humaling na humaling sa kanya?  Puwet niya? Nilapitan naman kami ng waiter para tanungin yong order namin. Nakaupo lang ako doon at nakahalukipkip naasar na kasi talaga ako sa kanila.

"Hey, tinatanong ka ng maayos kung anong gusto mo, sumagot ka." Sabay tingin sakin ng masama.

Pero inirapan ko lang si Cuangco at hindi sumagot. He took another deep breath, mukha naasar na din siya sa akin.

Good para parehas kami. Narinig ko siyang nagsabi ng order tapos may pahabol pa. "Pasensiya na miss, may topak talaga tong kasama ko."

Tumawa naman yung waitress. "Okay lang yon sir, mukhang nagtatampo po girlfriend niyo."

"Hoy, di ko boyfriend yan!" Inis kung tangi na ikinatawa lang nilang dalawa.

Bakit ba palagi kaming naiissue ng lalaking to?

"See what I mean? She's so grumpy." Nakangisi pa nitong dagdag sa waiter na ngising aso saming dalawa ni Cuangco.

Akala yata, may LQ kami, kadiri lang. Wala akong balak makipag-relasyon sa lalaking to no?

Naasar akong mapalapit siya sa akin at ganon din siya. Wala kaming common denominator kaya palagi kaming nagbabangayan.

Bakit ba kasi kasama siya sa listahan na mga taong hinahayaan ni lord maging parte ng buhay ko sa ibabaw ng Earth, nakakatamad na tuloy mabuhay.

Kung pede lang i-cross out siya sa list of people I know, napakalaking pagkakamali talagang pinagtagpo ang landas namin.

"I don't like this!" Inis kung itinulak yong pagkain na sinerve sakin nong waitress, ayaw ko ng sinangag.

Tiningnan naman ako ulit ng masama ni Cuangco. "We asked you awhile ago what do you want Reiand, you didn't say anything. Then now you have guts to complain, ano ba? Huwag mo akong ginagago diyan babae."

He massage the bridge of his pointed nose, halatang kinakalma niya ang sarili.

Sumimangot naman ako. "Ayaw ko nga ng sinangag, kainin mo kung gusto mo!"

"If you want ma'am, papalitan nalang natin." Suggest nong waiter na agad namang binawalan ni Cuangco.

"No, let her eat that. Tinatanong siya kanina, ayaw sumagot, tapos ngayon magi-inarte ka? No! Hayaan mo siya diyan." He said sternly, stopping the waitress.

Katulad sa boses ni dad pag galit na sa akin, he then dismissed the waitress, na mukhang enjoy makita ang away namin ni Creo, ang lapad kasi ng ngisi niya sa amin.

I rolled my eyes up, kontrabida talaga sa buhay to. He took his spoon and fork and start digging.

"Eat up."

Pero dahil matigas yong ulo ko, hindi ko siya pinansin, bahala siya diyan, sa ayaw ko nga ng sinangag eh. Kainin niya kung gusto niya, magsama sila ng kaning panira ng araw ko.

"Huwag mo kong subukan Delzotto. You don't want to see me mad. Kumain ka!" He warned, giving me the fired glare.

Marahas akong umiling ako. "I don't want fried rice nga kasi, hindi ka naman nakikinig eh. Kainin mo kung gusto mo!" Gigil kong sagot sa kanya.

He took another deep sighed. "Your getting into my nerves, lady."

Naasar niyang sagot sakin at padabog na pinagpalit yong plate naming dalawa. Halatang suko na sa katigasan ng ulo ko. 

Mabuti naman!

Plain rice kasi yung kanya, kaya naman hindi ako nagreklamo kanina sa inorder niya kasi akala ko sa kanya yong fried rice. Mali pala ako, ako pa tuloy yong nasermunan.

"Okay kana?" Ang sarcastic po nong tanong niya sa akin.

Tumango lang ako at nagsimula nang kainin yong pagkain niya, kunti pa lang naman yong may bawas. I barely whispered.

"Thanks." Labas sa ilong kong tugon pabalik sa kanya.

Hindi niya na ako pinansin, kinain niya na yong food na para dapat sakin. Tahimik lang kaming dalawa, si Pewee naman na kaupo lang don sa chair, natutulog.

Walang pakialam sa bangayan namin ng lalaking to. Inabot ko yong coffee na malapit sa akin at ininom.

"Hey— that's mine!"

Angal agad ni Cuangco nong nakita niya akong iniinuman yong cup na nabawasan niya na.

Tumaas naman yong kilay ko. "Duh— this is latte, I want it, kung gusto mo ikaw ang uminom ng cappucino. I don't want that."

Pagmamaldita ko ulit sa kanya at pinagpatuloy ang paglaklak ng kape.

He sighed heavily, puno ng pagkaasar. "But that's my coffee. Ang hilig mo yata talagang kainin yong para sa akin. That's my food, then now my drink? Ano pa?"

I just rolled my eyes, ang drama. "Not my fault. Kuwento mo doon sa barangay baka may paki sila." Pamilosopo ko sa kanya.

He took a deep calming breath. "Your giving me a headache, woman!"

I gave him my wicked grin. "The feeling is mutual, Babe." He grunted in response pero wala rin naman siyang magagawa.

Ako ang nagwagi! Hindi pa man lumipas ang ilang minuto'y namataan ko nang pumasok ang mga barkada kong sila Glaiza, Yvarrina at Hailey, na agad tumutok yong mata sa amin ni Cuangco, para detected agad kami sa radar nila.

Giving us a wide grinned. Halatang nilalagyan ng malisya na magkasama kaming kumakain ni Cuangco ngayon, early morning.

Napataas tulou yong kilay ko nong lumapit sila sa table namin, ang lagkit pa makatitig kay Creo na halatang pinagnanasaan nila sa utak nilang ang mamanyak.

Makiki-chismis to, panigurado.

Kanya-kanya namang papansin sila kay Creo nong mapaangat ng tingin yong huli dahil sa kaingayan nila.

Mas tumaas lalo yong kilay ko nong sinundot nila yong tagiliran ko, inaasar ako.

"What—? Para kayong sira-ulo diyan!" Inis na pakli ko sa kanila kasi iniistorbo nila yong kain ko.

They gave me they're knowing look, kanya-kanya silang ngisi.

Si Hailey ang lakas loob magtanong kay Cuangco. "Hello Creo, nice to see you with Ariande, Uhhm having a date?"

Napatanga lang ako sa sinabi ni Hailey, saka napasigaw ng isang madiing. "NOOOOO!"

Nasalungat naman sa sinagot ng gagong Cuangco nato, nong narinig ko siyang nagsabi nang.

"Yep— niyaya niya ako!" Sabay turo at ngisi pa sa 'kin.

What the f'ck is goin'on? Punyeta lang!

Sabay irit naman nila Yvarrina, na tila inasinang uod sa sobrang kilig sa sinagot ni Cuangco, ignoring my answer instead.

Kanya-kanya silang hampas at yugyog sa akin. Masakit ha— sila kaya hampasin ko?

Binalingan ko ng nakaka-asar na tingin si Creo, nakangising nakatitig lang sa akin ngayon.

"Alam mo? Napakasinungaling mo talaga kung ano-ano yang fake news mo, Isusumbong na talaga kita sa barangay namin, tangina mo!" Nang gagalaiti kung sigaw na ikinahalagapak lang nito ng tawa.

Sabay namang umawang ang mga bibig nila Glaiza, nong makita nilang tumatawa si Cuangco, halatang na starstruck ang mga gaga. Minsan mo lang kasing masilayan na tumawa ang lalaking to, numero unong isnabero to eh.

"Girl— nagvivibrate yong pekp'k ko, ang gwapo niya, malalaglag yata matris ko."

Hindi ko maiwasang mapangiwi nong marinig ko ang ibinulong ni Hailey, nakakasura lang.

Napabaling tuloy ang atensiyon ko kay Cuangco. "Happy ka? Happy?!"

Sinapok ko siya at sinabunutan nong wala parin siyang tigil sa katatawa. Nakakaasar na ha? Walang nakakatawa sa sinabi ko.

Nagulat naman ako noong bigla niya kong hinaklit palapit sa kanya sabay pulupot ng braso niya sa beywang ko, caging me inside his arms.

Leaning on my ear and gently whispered. "Damn, you made my day, baby."

He planted a soft chasing kiss on my cheek. Sabay pa yata sa paghiyaw nila Yvarrina ang pamumula ng mukha ko habang hindi makapaniwalang nakakatitig sa pagmumukha ng sira-ulong to.

Ang lapad ng ngisi siya habang sinasalubong ang tingin ko at tila walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.

"GAGO KA TALAGA CUANGCO! PUNYETA KA!"

Sinampal ko siya sa pagmumukha na ikinabunghalit niya ulit ng halakhak.

Walang pakialam sa nasaktan niyang pisngi. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko, ang lakas ng tibok.

Magkaka-alta presyon yata ako sa kumag nato. Napatingin nalang ako kila Hailey na kanina pa ako binibigyan ng nakakaasar na tingin.

"Wooo mapapa- SANA ALL KA NALANG. Nakakaistorbo na yata kami bye na Reiand, papa Creo enjoy your date."

Paalam nila sa amin with matching wave pa. Akala ko aalis na sila pero may pahabol pa talaga si Hailey.

"Ang sweet niyo girl, bagay na bagay kayo. Ang gwapo niya tapos ikaw? Ikaw— okay lang."

Nagkibit-balikat pa ito sabay alis habang tawang tawa sa kagaguhan nila na tila sinasabayan ang kaligayan ng lalaking katabi ko na tumawa ulit nong marinig niya pangiinis ni Hailey sa akin.

Guwapo ba to? Saan ba banda? Di hamak na mas guwapo si Seb eh. Mabait pa.

Sa inis ko sinapok ko siya ulit. "Galak na galak ah? Masaya kang naiinsulto ako?"

He gave me his sheepish grinned. "I am baby, I am."

Slightly biting my shoulder bago ko pa siya maitulak papalayo sa akin.

Ang landi lang, grabe!

"Kumain ka, wag kang maharot diyan." Pangaasar ko sa kanya at kumain na ulit, totally ignoring his playful stare and wide grinned.

*****

________________________________________________________________________________________

HAPPY READING

🤙👍✌