Chereads / Whirlwind Marriage (Tagalog) / Chapter 74 - Huwag Kang Kumilos, Huwag Kang Malikot

Chapter 74 - Huwag Kang Kumilos, Huwag Kang Malikot

Isinara na ang pinto ng kwarto.

Sobrang talim ng tingin ni Lin Che kay Gu Jingze na sobrang kalmado lang ang mukha.

Napataas naman ang kilay ni Gu Jingze. "Bakit?"

Padabog na lumapit si Lin Che sa kanyang direksiyon. "Hmph."

Inagaw niya mula dito ang mga damit at nagmamadaling pumasok sa loob.

Habang pinagmamasdan niya si Lin Che na pumasok sa loob, napangiti nalang si Gu Jingze habang ang mga labi'y nakasara.

Pero, hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng pagsisisi nang muling makita ang mga damit na binili ng kanyang mama. Mapang-akit ang kulay at style ng mga iyon.

Maganda ang hugis ng katawan ni Lin Che. Tiyak na babagay dito ang mga damit na iyon.

Pinulot ni Gu Jingze ang mga damit at tiningnan ang mga iyon nang may panghihinayang. Pero ilang sandali lang ay narinig na niya ang maingay na pagbubukas ng pinto bago pa man makalabas si Lin Che.

Pagkatapos makapagpalit ng damit ay doon lamang nakahinga nang maluwag si Lin Che.

Ang suot niyang pangtulog ay mahabang linen gown. Hindi ito hapit sa kanyang katawan at komportable sa pakiramdam.

Itinapon ni Gu Jingze ang hawak na mga damit at itinaas ang ulo. Ngunit, nagtagpo ang kanyang mga kilay nang makita ang suot ni Lin Che.

Pambihirang mga maid…ano ba 'tong mga damit na pinili nila para kay Lin Che?

Noon lang naging komportableng muli ang pakiramdam ni Lin Che nang makapagpalit na siya ng disenteng damit kaya't bumalik na siya sa kama. Umupo siya doon habang naka-krus ang mga binti at walang ingat na inabot ang nail cutter at nagsimulang maggupit ng kanyang mga kuko sa paa.

Lalo lamang hindi maipinta ang mukha ni Gu Jingze habang pinagmamasdan ang hitsura ni Lin Che.

Naka-krus ang malalambot at mapuputing mga binti ni Lin Che. Sa gitna ay bahagyang maaaninag ang puting underwear na suot nito. Bagaman bahagya lamang ang makikita mula sa kinaroroonan niya, hindi pa rin nakaligtas sa kanyang mga mata ang umbok ng laman nito. Magkadikit ang mga hita nito at hindi naiwasan ni Gu Jingze na lumapit dito. Medyo naiirita siya dahil sa kainosentehan ng pagkilos nito, pero hindi niya pa rin magawang iiwas ang tingin dito. Para bang hinihintay niyang kumilos pa itong muli. Nang sa gayon ay mas ma-expose pa sa kanyang paningin ang matambok nitong laman na natatakpan ng putting telang iyon.

Pagkatapos gupitin ang mga kuko sa paa, inabot ni Lin Che ang paa at hinipan ito. At dahil sa ginawa niyang iyon ay parang tinupad nga niya ang lihim na inaasam ni Gu Jingze.

Nakaramdam naman agad ng pag-iinit sa kanyang sikmura si Gu Jingze kaya hindi na niya napigilan pa ang sarili.

"Lin Che, pwede ba? Maupo ka naman nang maayos tulad ng isang tunay na babae!"

Nagtataka namang nagtanong si Lin Che. "Ano na naman ba'ng ginawa ko?"

"Ano'ng ginawa mo? Gusto mong malaman?" Nakataas ang kilay ni Gu Jingze.

Bago pa man maka-react si Lin Che ay nakalapit naman sa kanya si Gu Jingze.

Nakatungo ang ulo nito at ipinatong ang mga kamay sa kanyang mga balikat. Maya-maya lang ay niyapos nito ang kanyang manipis at maliit na katawan na ilang sandali lamang ay mukhang matutumba silang pareho sa kama.

Napakurap naman nang ilang ulit si Lin Che dahil sa biglaang paglapit ni Gu Jingze sa kanya. Kaharap na niya ito at ang tingin nito ay malalalim at puno ng lihim.

Maya-maya pa'y dumako ang mga mata nito sa kanyang dibdib. Sa paraan ng pagtitig nito ay para bang hawak-hawak na ng malalaki nitong palad ang mga iyon. Nakaramdam si Lin Che ng kaba kaya sinubukan niyang umatras palayo dito.

"Ano ba'ng ginagawa mo?" Matalim ang titig ni Lin Che.

"Ikaw ang unang nanukso sa'kin." Ang hininga ni Gu Jingze ay katulad ng amoy ng isang orchid.

"Ano… Hindi ah!"

"Huwag na huwag kang magsusuot ng ganitong damit kapag may kasama kang isang lalaki." Nagbabanta ang tingin nito habang sinusuyod ang kanyang buong katawan. Malalim ang tinig nito at parang namamaos na kagaya ng magandang tunog ng cello.

"Bakit… bakit…"

"Dahil… Napakadali lang hubarin." Ang mata ni Gu Jingze ay sumuyod pang muli sa kanyang katawan na para bang kaya nga nitong gawin ang sinasabi.

Napatigil si Lin Che.

Ilang sandali lang ay muli siyang niyakap ni Gu Jingze.

Dahil sa pagkabigla ay kaagad na bumagsak ang katawan ni Lin Che sa malambot na kama. Agad naman niyang hinila ang kamay ni Gu Jingze at nagpumiglas. "Gu Jingze, para kang isang hoodlum!"

"Shh, huwag kang kumilos." Hinawakan siya ng kamay nito at lalong hinigpitan ang pagkakayapos sa kanyang katawan.

Ang boses nito ay para bang nagtataglay ng kakaibang mahika sa kanyang tainga. "Kung lalo ka lang kikilos, siguradong magiging isa talaga akong hoodlum."

"Pero…" Bago pa man makakilos ay may naramdaman si Lin Che mula sa kanyang likuran. Matigas at talagang nakadikit iyon sa kanyang katawan.

Napatigil siya. Nang tingnan niya at matukoy kung ano ang bagay na iyon, biglang bumilis ang kanyang puso at hindi na nangahas pang kumilos.

Ganoon lamang ang kanilang posisyon. "Okay, iyon lang. Matulog ka na."

"Ano…"

Napasimangot si Gu Jingze. "Ang sabi ko, matulog ka na. Hindi mo ba naiintindihan?"

"Pero…"

"O baka naman gusto mo munang mag-exercise bago matulog?" Halos kagatin na ni Gu Jingze ang kanyang tainga habang sinasabi iyon. Sa tono ng pagsasalita nito ay tiyak na ibang exercise ang tinutukoy nito.

Awkward at hindi maganda ang posisyon ng katawan ni Lin Che.

Ang tanging nararamdaman lang niya ay para bang nag-aatrasan ang lahat ng dugo sa kanyang katawan. Ganoon din ang kanyang ulo kaya nakaramdam siya ng pagkahilo.

"Hindi na. Hindi na kailangan. Matutulog na…" Nagmamadaling tugon ni Lin Che.

Medyo matagal ding ganoon lang ang pagkakahiga ni Lin Che. Nakahinga lang siya nang maluwag nang maramdaman niyang medyo lumambot na ang bagay na nakadikit sa kanyang likuran.

Naramdaman naman ni Gu Jingze na paunti-unti nang naging relax si Lin Che. Maya-maya lang din ay kumalma na ang paghinga nito.

Pinakalma na rin ni Gu Jingze ang katawan. Ngunit, sadyang may ilang bahagi pa rin talaga ng katawan niya ang hindi nakiki-cooperate sa kanya.

Napahinga nalang siya nang malalim. Habang pinagmamasdan ang babaeng mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig, buong ingat niyang inayos ang pagkakaunat ng kamay.

Ibinaba niya ang ulo at naaamoy niya pa rin ang mabangong samyo ng buhok nito.

Pilit niyang ipinikit ang mga mata.

Wala talagang kalam-alam ang babaeng ito…

Kinabukasan.

Paggising ni Lin Che ay wala na sa kwarto si Gu Jingze.

Patakbo siyang lumabas. Mula sa pinto ay nakita niya si Gu Jingze na nasa kusina at kumakain ng almusal.

Medyo hindi maganda ang mukha nito. Para bang hindi ito nakatulog nang maayos kagabi.

Nagi-guilty na lumapit si Lin Che. Naalala niya na nakatulog pala siya kagabi nang nakaunan sa braso nito. Pero hindi na niya naalala pa kung ano na ang nangyari pagkatapos noon. Tinanong niya si Gu Jingze, "Bakit? Hindi ba maayos ang pagkakahiga ko kagabi? Sa totoo lang, malikot talaga akong matulog…"

"Hindi naman."

Medyo naninigas lang ang kanyang mga braso dahil sa magdamag nitong pagkakaunan sa mga ito.

Resulta na rin iyon nang hindi niya paggalaw magdamag.

Mabilis namang naghain ng almusal ni Lin Che ang mga katulong. Nagpasalamat naman ito sa kanila.

Pagkatapos kumain ay papunta na si Lin Che sa trabaho. Sinabi ni Gu Jingze, "Isasabay na kita. Tara na."

Kaagad namang tumayo si Lin Che. "Talaga? Sandali lang magpapalit lang ako ng damit."

Napailing nalang si Gu Jingze habang tinitingnan si Lin Che na tumakbo papasok sa kwarto.

Hindi talaga ito makakilos nang banayad lang.

Nakangiti naman ang katulong habang inililigpit ang kanilang pinagkainan. "Sir, kailangan ho ba talaga naming palitan ang lahat ng damit na ipinadala ni Ma'am para kay Madam?"

Naalala ni Gu Jingze ang mga weirdong damit na iyon. "Itapon niyo lahat ng mga iyon."

"Okay po. Pero sayang naman. Kasya pa naman po ang mga iyon kay Madam."

Sabi pa ng katulong, "Itinabi na po namin ang ilan sa mga iyon."

Tumango lang si Gu Jingze. Narinig ng katulong na para bang may tinatawag si Lin Che. Mukhang naghahanap na naman ito ng damit na susuotin.

Nayayamot na nasabi ni Gu Jingze, "Kahit kailan talaga."

Ngumiti lang ang katulong at nagsalita, "Lahat naman po ng tao ay may kanya-kanyang imperfection. Napakabait na tao po ni Madam. Kaya, wala lang po iyon sa amin kahit ganito siya kumilos minsan."

"Mabait?" Nakataas ang kilay na tanong ni Gu Jingze.

Sumagot ang katulong, "Opo. Kahit kailan ay hindi nagmataas dito sa amin si Madam. Itinuturing niya kaming pamilya kahit mga katulong lang kami dito. Kahit ano ang gawin namin, lagi lang sinasabi ni Madam na mabuti, okay lang iyan, magaling. Minsan pa nga po ay binibigyan niya kami ng mga damit na hindi niya nagagamit. Kapag umuuwi po siya galing sa isang kainan, hindi niya po nakakalimutang magdala para sa amin. Napakabuting tao po talaga ng Madam."

At siya namang paglabas ni Lin Che. Walang imik na tiningnan lang ni Gu Jingze ang kanyang katawan. Pinagtagpo ang mga mata at mas lalong nilaliman ang pagkakatingin sa kanya.

Nang makalapit na sa kanila ay nagtanong si Lin Che, "Ano'ng nangyari?"

Tumayo na si Gu Jingze, kaswal na kinuha ang suit at isinuot. "Wala naman. Tara na."

May sasalihan pang isang promotional event si Lin Che ngayon kaya nakasuot siya ng plain na damit. Ganoon pa man, pag nandoon na siya sa kompanya, magpapalit pa siya ng damit at maglalagay na din ng kanyang make-up.

Related Books

Popular novel hashtag