"BALANG ARAW"
Balang araw, mararanasan ko rin,
Kung paano ngumiti na para bang walang pasanin
Dahil sa'yo,
Na handa akong samahan kahit magunaw pa mundo
Balang araw, mararanasan ko rin,
Ang biglang pagtigil ng oras, ang kabog sa dibdib na napakalakas
Dahil sa'yo, na handang pahintuin bawa't segundo
Masilayan lang ang isang ngiti sa aking labi
Balang araw, mararanasan ko rin,
Ang malunod sa titig, mabalutan ng mainit na yakap, at marinig ang mga salitang 'mahal kita'
Dahil sa'yo, na nagmahal ng lubos
Walang labis, walang kulang, pero 'di nauubos
Balang araw mararanasan ko rin
Kung paano magmahal, kung paano sumugal
Huwag lang makabitaw sa'yo
Na makapagbubura ng walang kulay na ako
Balang araw makikita rin kita
Nananalig ako na magtatagpo landas na'ting dalawa
Makakadaop palad rin kita
Hindi man ngayon, bukas o makalawa,
Asahan mo, hindi ako susuko
Dahil alam kong istorya nati'y mabubuo
At sa larangan ng pagibig 'di na ako maliligaw,
Balang araw.