Chereads / A Spoken Poetry / Chapter 2 - Ikalawa

Chapter 2 - Ikalawa

"ANTAGAL NA RIN PALA"

Antagal na rin pala

Antagal na mula nang nagkakilala tayo

Antagal na mula nang una tayong nagkausap

Antgal na mula nang makita ko yang mukha mo

Sa sobrang tagal sawang sawa na ako

Sawang sawa na ko,

kasi antagal na pala mula nang minahal kita

Habang nagmamahal ka ng iba

Antagal na mula nang sinabi mong 'crush kita'

Pero never mong pinaramdam na ako lang talaga ang nag-iisa

Antagal na mula nang makausap kita ng matino

Kasi ganun ka naman talaga di'ba?

Dinadaan mo lang ako sa biro

Tapos makikiride-on na lang ako kahit ang hapdi-hapdi na sa puso

Kasi pagdating sayo, seryoso ako

Antagal na rin pala mula nang umpisahan mo kong saktan

Paulit-ulit hanggang sa masanay na lang ako matulog ng luhaan

Antagal na rin pala mula nang pinakita ko sa'yong mahal kita

Pero antagal na rin pala,

mula nang isampal mo sa'king wala akong halaga

Ba't kasi kailangan pang tumagal nang gan'to?

'Yung tipong ikaw na ang pang habang buhay ko

Habang sakaniya umiikot 'yang mundo mo

Habang masaya kayo

Habang naglaladian kayo

Habang anlaki-laki ng ngiti mo

Heto ako, umiikot ang mundo sa taong di ako gusto

Pilit na nagpapakasaya kahit sa loob-loob ang sakit sakit na

Nakikipaglandian sa iba pero maya-maya hahanap hanapin ka

Tapos ang dulo pilit akong ngingiti

Habang makikita kung gaano ka kasaya,

kapag kasama siya

Minsan ako na 'tong sumasapak sa sarili ko

Paulit-ulit kong sinasabing tama na

Kasi seryoso, ang sakit na talaga

Kung gaano katagal yung pagmamahal ko sayo

Ganun ata katagal malimutan 'tong nararamdaman ko

Pero titigil ako

Alam ko,malilimutan din kitang paasa ka

Pag ako naka move on ako who u ka

Hintayin mo lang, mau-unlove rin kita

Balang araw, iikot rin ang mundo ko sa iba

Sasaya rin ako sa piling ng taong mahal rin ako

Makikipaglandian rin ako, pero on that time, sa taong kaya na akong panindigan

Makakangiti na rin ako ng totoo, yung walang halong kaplastikan dahil may gusto akong masabunutan

Balang araw, masasabi ko rin ang mga katagang, "Antagal narin pala,

mula nang makalimutan kita."