Chereads / Kaliwa, Kanan / Chapter 5 - Kabanata 3

Chapter 5 - Kabanata 3

Lumipas na ang kinabukasan pero hindi pa rin nagkakamalay si Maximo. Wala naman si Marco sa kanilang munting tirahan. Naghanap kasi ito p'wedeng pagkakitaan dahil wala silang kakainin ngayong araw. Ngayon ay araw ng biyernes. Mas doble ang dami ng tao sa Quiapo dahil misa. Kaya sasamantalahin niya na ang pagkakataon para makabingwit ng biktima. Pero hindi na ito katulad ng dating nakagawian, wala na kasi ang kanyang kasangga kaya mahihirapan siyang kumilos na mag-isa. Kaya naman nag-pasiya siyang mamalimos na lamang at maghintay ng taong maaawa sa kanya at abutan ng kahit kaunting tulong manlang.

Pulutong ng mga delivery boy ang kanyang nakita sa 'di kalayuan kaya pinuntahan niya ito at nag-baka-sakaling ipasok siya ng mga ito sa ganoong trabaho.

"Sir! P'wede ba mag-apply kahit taga-buhat lang?" tanong nito sa isang manong na may naka-sukbit na tuwalya sa balikat.

"Sa payat mong 'yan papasok ka sa trabahong 'to? Mabigat pa sa 'yo 'yung mga bubuhatin mo dito kaya umalis kana dito." tugon ng matabang matanda.

Hindi na ipinagpilitan pa ni Marco ang kanyang sarili. Umalis na lamang siya at hindi na inisip ang mga kasama niya sa bahay. Ayaw na niya magnakaw dahil hindi na kaya ng konsensya niya. Mas gugustuhin pa niyang kumita ng maliit basta marangal ang trabaho.

Bumalik si Marco sa kanilang tahanan para suriin ang lagay ng kapatid. Hindi siya nakatulog kagabi dahil sa kaiisip sa mga posibleng mangyari sa kanyang kapatid.

Katulad ng inaasahan. Naka-pikit pa rin si Maximo, namumuti na ang labi pero humihinga pa. Hindi naman niya madala sa hospital ang kapatid dahil wala rin silang ibabayad.

Hindi na alam ni Marco ang gagawin. Gusto na niyang kitilin ang kanyang buhay pero iniisip niya ang kanyang mga kapatid na umaasa sa kanya. Kaya naglakas loob na siyang kaharapin ang kanyang sariling kinatatakutan. Ang magnakaw.

Naglakad-lakad ang bata sa kahabaan ng eskinita sa Quiapo kung saan maraming ibinebentang mga appliances. Takaw-mata ang kanyang nararamdaman. Maraming p'wedeng kunin dahil nagkalat sa kalsada ang iba't-ibang klase ng gamit.

Dahan-dahan siyang naglakad at hinablot ang speaker bago tumakbo palayo. Nakita siya ng nagtitinda kaya hinabol siya nito. Binilisan niya ang kanyang takbo at may nakakasalubong na iba't-ibang mukha. Si Marco ay pa-norte samantalang ang mga taong nakakasalubong niya ay pa-timog. Habang bitbit ang speaker na na-kubra nagtungo siya sa hide out na siya lamang ang nakakaalam.

Huminto ito at inilapag ang bitbit na speaker. Naghahabol ito ng hininga at pag-angat ng ulo ay isang malakas na suntok ang tumama sa mukha niya. Naabutan siya ng tindero. Hinawakan nito ang damit ng paslit at paulit-ulit na sinuntok ang tiyan.

"Tama na po! Parang awa niyo na!"

"Gag* ka, pinahirapan mo ako! 'Yan ang nababagay sa 'yong hayop ka!"

Binitiwan nito ang paslit at paulit-ulit na tinadyakan. Napuno ng galos at pasa si Marco dahil sa marahas na pambubugbog sa kanya. Nakarinig ito ng papalapit na Police Mobile kaya hindi na nagawa pang maka-takbo ng kawawang paslit.

"Tang*na ka! Nahuli rin kita! Nasaan 'yung kapatid mong tarantado?" sabi ni SPO1 Mansalta.

Hindi na kumibo si Marco kaya nakatikim siya muli ng malakas na suntok na naging sanhi para lumabas ang dugo sa kanyang bibig.

"Putang*na ka! Sinasabi ko sa inyo dati pa na 'wag kayo magpapahuli sa akin kasi talagang malilintikan kayo!" sigaw nito.

Kinaladkad nito ang bata at nilagyan ng posas ang nanginginig na mga kamay. Isinakay sa loob ng mobile at dumeretso sa presinto.

"Nahuli ko na rin 'yung isa sa mga tarantadong tirador sa Quiapo!" sabi ni SPO1 Mansalta sa mga kasamahan nito.

Tumingin ang mga ito sa batang nanginginig sa takot at namumuo ang dugo sa bibig. Tuwang-tuwa ang mga ito na inilabas ang batang paslit at inilagay sa isang selda.

Wala ng nagawa si Marco. Ito na ang kinakatakutan niya. Nahuli na siya. Paano na ang mga kapatid niyang naghihintay sa kanya. Mga kapatid niyang nagugutom.

Nakikita ni Marco ang ginagawa ng mga pulis sa kanyang harapan. Pinaghahati-hatian ang mga hawak na alahas na nakalagay sa T-shirt.

"Anong tinitingin-tingin mo d'yan hayop ka?!"

Nag-iwas ng tingin si Marco at nagsumiksik sa may sulok. Iniisip kung ano ang ginagawa ng kanyang mga kapatid sa mga oras na ito. Luha nalang ang nagawang pakawalan ni Marco dahil sa labis na pagka-trauma.

•••••

"Nasaan na kaya si Kuya Marco, gabi na wala pa rin siya nagugutom na ako." tugon ni Berna habang hawak-hawak ang kumakalam na sikmura.

Nakatingin naman si Neneng Sarah sa bintana dahil siya rin ay hinihintay ang pagdating ni Marco. Alas-S'yete na kasi wala pa silang nailulutong hapunan at wala pa ring malay si Maximo.

"Dito lang kayo ah, 'wag kayong lalabas hintayin niyo akong makabalik para makakain na tayo." bilin ni Neneng Sarah sa mga bata.

Tumango naman ang mga ito at inayos ni Neneng Sarah ang sarili. Ito na ang gabi para mag-trabaho siya. Wala na siyang ibang magagawa dahil hindi naman niya kayang tiisin ang mga batang namimilipit na sa gutom.

Alam naman niyang laspag na siya pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na may kumuha sa kanya. Malaki na rin kasi ang limang-daang piso para makabili ng pagkain para sa mga bata.

Makapal na make-up at mapulang labi ang inilarga niya habang naglalakad sa gilid ng Recto. Naghihintay ng mga makakating lalaki na kukuha sa kanya para sa isang bangungot na gabi. Hapit na hapit ang suot at kung maka-kembot ay parang wala ng bukas. Sa maiksing salita. Palong-palo.

Ilang minuto rin ang hinintay nita bago may lumapit na customer.

"Libre ka ba ngayon?" Tanong ng lalaking uhaw na uhaw sa aliw ngayong gabi.

Tumango si Neneng Sarah at inilahad ang kamay nito sa lalaking abot tainga ang ngiti.

Sino nga naman ang makatatanggi kay Neneng Sarah dahil sa angkin nitong kagandahan at ganda ng katawan. Ang kaibahan lang ay bilasa na. Kaya mga hindi kilalang tao na lamang ang nagiging customer niya. Hindi na rin kasing lakas ng kitaan niya dati pero ang mahalaga naman ay kumikita.

Pumasok sa loob ng isang motel sina Neneng Sarah at ang lalaking sabik na sabik na matikman ang kanyang katawan.

Alam na alam na niya ang kanyang gagawin. Agad na nagtungo siya sa C.R para linisin ang katawan. Tumingin siya sa salamin at tumitig ng maiigi sa kanyang katawan. Tumulo ang kanyang luha dahil panibagong bangungot nanaman ang kanyang kahaharapin sa kamay ng ibang lalaki. Huminga siya ng malalim at inayos ang gulo niyang buhok.

Narinig niyang kumakatok ang kanyang costumer kaya agad din siyang lumabas. Nakasuot ng tuwalya pinuntahan ang lalaking nakaupo sa kama.

Gusto niyang umatras pero nandito na. Eto na ang pera. Iniisip nalang niya ang mga kasamahan niya na nagugutom. Tumingin ang lalaki sa kanya at agad na hinawakan nito ang dalaga. Hinayaan na lamang niya na samantalahin siya ng lalaking uhaw na uhaw sa laman.

•••••

"Maraming salamat po!" Bati niya sa lalaki dahil Isang libo ang ibinigay nito. Nagustuhan daw kasi nito ang kanyang galaw kaya naman dinagdagan.

Nagmamadaling umuwi si Neneng Sarah at bumili ng makakain ng mga bata.

Halos magkandarapa ang mga bata sa kanilang hapunan. Dalawang balot ng letchong manok ang dala niya.

"Saan po kayo kumuha ng pambili niyan?" tanong ni Pitoy.

Hindi alam ni Neneng Sarah ang isasagot niya sa bata. Ilang segundo rin siyang napatigil bago nakaisip ng magandang dahilan.

"Nangutang ako." maiksi niyang tugon.

Hindi na umimik pa ang bata, kumain nalang ito at kumuha naman siya ng pinggan para kumain na rin.

Pakiramdam ni Neneng Sarah kadikit pa rin niya ang katawan ng lalaki dahil sa trauma. Kahit na palagi na niyang ginagawa ang gano'ng gawain ay hindi pa rin niya maiwasang pandirihan ang sarili. Hindi mabilang na lalaki na ang nakatikim sa kanya at naiiyak na lamang siya sa ganitong pangyayari.

Matapos kumain ay lumabas siya para magpahangin. Hindi na nakabalik si Marco at hindi iyon mawala sa isip niya. Nag-aalala na siya para kay Marco at kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya.

"Marco nasaan kana ba, hinihintay kana ng mga kapatid mo." Bulong niya.

Tumingin siya sa kalangitan at huminga ng malalim. Ipinagdarasal ang kasalanang ginawa niya ngayong araw at isinama na niya sa kanyang dasal si Marco na kanina pa nawawala.

Damang-dama niya ng hirap na nararanasan nila Marco at Maximo. Kung tutuusin mas bata ang mga iyon sa kanya pero naitatawid ng dalawa ang pangangailangan ng mga nakababata nitong kapatid sa araw-araw. Tunay nga silang magkasangga at kailan man ay hindi matitibag kahit na may hindi pagkakaintindihan.

Tumulo ang luha ni Neneng Sarah at umagos iyon sa kanyang pisngi. Inalala ang mga panahon na kasama ang ina at ang mga oras na kasama niya si Marco. Si Marco na laging nandyan para sa kanya at handa siyang damayan sa kabila ng hirap ng buhay.

Bumuntong hininga na lamang si Neneng Sarah at ipinikit ang kanyang mga mata.