Chapter 24 - PART 24

TATLONG araw ang lumipas, hindi na nagpakita pa sa kanya si Alfred kaya inisip niyang marahil ay nakapag-isip-isip na ito. Linggo ng hapon, excited siyang nagbihis dahil may date sila ng kanyang nobyo. Nagpagkasunduan kasi nilang sa simbahan nalang ng San Jose magkita dahil iyon ang iginiit niya. Umaga na rin kasing natapos ang kwentuhan nila sa telepono kaya iniisip niyang male-late ng gising ang binata. Ayaw naman kasi niyang mapilitan itong bumangon ng maaga para lang sunduin siya.

Thirty minutes ang pinalipas niya sa paghihintay ng masasakyang traysikel. Nang mabigo ay noon siya nag-decide na maglakad nalang. Pasado alas-singko palang naman at alas seis pa ang usapan nila ni Dave. Noon niya kinuha ang cellphone sa kanyang bag, para lang mapangiwi nang mapunang drained ang baterya niyon. Nakalimutan nga pala niya iyong i-charge kagabi.

Nasa parteng sabana na siya nang marinig ang paparating na sasakyan mula sa kanyang likuran. Mabilis ang takbo niyon kaya agad na nakalapit sa kanya. Pamilyar ito sa kanya kaya noon nagsimulang ragasain ng matinding kaba ang kanyang dibdib. Bukod sa malawak na palayan, mga puno at talahib ay wala ng iba pang makikita sa kinaroroonan niya. Kaya kahit tumili siya alam niyang walang makakarinig sa kanya.

"A-Alfred?" hintakot niyang sambit saka humakbang paatras.

"Pinuntahan kita sa inyo, wala ka daw sabi ng tita mo" anitong inilabas ang isang patalim mula sa suot nitong maong pants.

"A-Anong gagawin mo sa'kin?" iyon ang sa halip ay naisatinig niya dahil sa takot.

"Sumakay kana" mariing utos sa kanya ng binata saka sinimulang paglaruan ang hawak nitong balisong.

Umiling siya saka umakmang tatakbo pero mabilis na napigil ni Alfred ang braso niya. "Sumakay kana kung ayaw mong masaktan Audace. Porke alam mong patay na patay ako sayo masyado mo akong pinahihirapan."

"Ayoko! Tumigil ka! Tama na!" noon siya napahagulhol ng tuluyan. "hindi na kita mahal! Pabayaan mo na ako!" habang pilit na binabawi ang sariling braso.

Sa sinabi niyang iyon ay nanlilisik ang mga mata siya sinakal ni Alfred. "Sumakay kana sabi eh! Sakay!" noon siya napasunod.

UNATTENDED. Kanina pa niya tinatawagan si Audace pero iyon ang paulit-ulit niyang naririnig. Nag-aalala na siya, ano kaya ang nangyari at bakit isang oras ng late sa usapan nila ang dalaga? Hindi na niya kayang maghintay, kung tatayo lang siya roon alam niyang lalo siyang papatayin ng nerbiyos at pag-aalala kaya nagmamadali siyang sumakay ng kotse. Noon naman tumunog ang kanyang cellphone.

"W-What?" mabilis na nilamon ng matinding takot ang kanyang dibdib. "s-sige papunta na ako diyan" aniya.

Nang maputol ang linya ay mabilis siyang muling nagdayal. "Hello, Police Station?"

"B-BAKIT mo ako dinala dito Alfred? Anong gagawin mo sa akin?" aniya sa pagitan ng patuloy na pagluha.

"Sa tingin mo, bakit kaya kita dinala rito?" nakangising sagot ni Alfred saka hinubad ang suot ng tshirt.

"Sige pagsawaan mo ulit ang katawan ko! Napakahayop mo! Kahit kailan wala ka ng ibang inintindi kundi 'yang sarili mo! Demonyo! Baboy!" humahagulhol niya sabi.

"Hindi lang katawan mo ang gusto ko Audace! Mahal kita! Bakit ba hindi mo maintindihan, nagagawa ko ang lahat ng ito dahil mahal kita!" anitong niyakap siya ng mahigpit pagkatapos.

Malakas niyang itinulak palayo sa kanya si Alfred saka pagkatapos ay sinampal. "Huwag mo akong hahawakan, nandidiri ako sayo!" aniyang nagpatuloy sa malakas na pag-iyak.

Nakita niyang nangalit ang bagang ng binata sa ginawa niya. Halos panawan siya ng ulirat nang gumanti nang mas malakas ring sampal si Alfred na ikinabuwal niya sa sahig. Nahilo siya saka pa nalasahan ang dugo sa gilid ng kanyang labi. Pero parang hindi pa yata nakuntento doon ang lalaki dahil napa-aray siya nang maramdaman ang mahigpit na pagkakasabunot nito sa kanyang buhok. Hinila siya nito patayo saka inihiga sa naroong kama.

Diyos ko, mamamatay yata ako ng walang kalaban-laban.

Sinamantala niya ang pagkakataon nang makitang naghuhubad ng pantalon nito si Alfred. Bumangon siya at kahit hilo pa ay tumakbo patungo sa pinto. Pero hindi pa man siya nakakahakbang muli na siyang naitulak pahiga ng binata.

"Sinabi ko naman sayo hindi ba? Akin ka lang, at walang ibang pwedeng makinabang sayo. Lalo na ang Estriber na iyon!" pagkasabi niyon ay walang sabi-sabi nito pinunit ang suot niyang polo kaya nagtalsikan sa sahig ang mga butones niyon.

"Saklolo! Tulong!" sigaw niya nang umibabaw sa kanya si Alfred.

"Walang makakarinig sayo! Kung meron man iisipin nila nasasarapan ka lang kaya ka sumisigaw!" parang demonyong humalakhak si Alfred pagkatapos saka ipinagpatuloy ang ginagawang paghalik sa kanya. At dahil nga nakaibabaw sa kanya, hindi kaagad nakahuma si Alfred nang biglang bumaladra pabukas ang pintuan ng silid.