"Hoy! Stalker!" Sigaw sa akin ni Lexord kaya naihampas ko sya ng unan dahil sa gulat.
"Wag ka ngang sumigaw, kapag nagising ang asawa ko ikukulong kita kasama ang aso ko." Seryosong sambit ko kaya naman natakot siya agad.
"Sabi ko nga, hindi na." Tinignan nya ang picture nang tinitignan ko bago sya ngumisi. "Hulog na hulog ka pa rin talaga diyan sa asawa mo!"
Ngumisi lang ako sa kanya nang maalala ang nakaraan namin. When I was in high school. I'm the 'Nerdy' guy called at school. Hindi ko rin aakalain na makukuha nya ang atensyon ko at kung paano niya ako ipagtanggol noon sa court.
Tinitignan ko lang sya noon at hindi maiwasang mamangha dahil sa katapangan nya. Palagi ko rin napapansin na kasama niya ang dalawang babae na kaibigan nya at buntot lagi sa kaniya.
"Tama na ang pag d-day-dreaming pre, hindi bagay sa'yo!" Biglaang sigaw niya kaya natauhan ako at agad siyang binatukan.
"Tanga! Palibhasa ay wala ka pang asawa" Nasabi ko bigla dahil sa pang-aasar niya.
Bigla niya akong sinamaan nang tingin kaya naman natawa si Paris sa tabi nya at nanonood ng funny cat videos sa YouTube ng cellphone nya.
"Hoy, wag mo ako tawanan. Wala ka rin asawa no!" Sumbat nya kay France na nakitawa lang pero nadamay na.
Nandito sila ngayon sa bahay namin ni Irish at bumisita ang dalawang tukmol para lang mang gulo o makikain. Hindi ko malaman sa dalawang to at may sarili namang bahay pero ayaw nilang tumambay doon dahil malungkot daw.
"Pero may nililigawan ako!" Tinanggal nya ang earphone nya. Pustahan, magtatalo itong dalawang to.
"Hindi ka nga magawang sagutin! Ilang taon na nakalipas pero wala pa rin kayong label!"
"Foul kana ah, hindi kana nakakatuwa." Parang naiiyak na sambit ni France.
"Bobo mo kase pare eh, may isang tao na nandiyan pero nagpapakabulag ka sa taong hindi naman makita ang halaga mo," Biglang sumeryoso si France ng sabihin iyon ni Lexord.
"So magsusumbatan tayo dito?"
"Joke lang-" Sabay bawi nya.
"Magiging broken ka nang apat na taon dahil hindi mo binigyan nang-"
"Ang ingay nyo naman!" Sabay sigaw ng pinaka mamahal ko mula sa taas kaya agad akong tumayo para alalayan ko sya pababa ng hagdan.
"Pasensya na po, Mrs Silvion." Paghingi ng dalawang tukmol ng tawad sa asawa ko.
"France, tara dito bili" Excited na sambit ng asawa ko kaya napa irap ako nang makitang parang takot na takot syang lapitan ang asawa ko dahil sa sama ng tingin ko sa kanya.
She's always like that and she was pregnant at 7 month. Our first baby is a girl.
Masaya naman ako dahil magiging ama na ako at ang magiging ina nang anak ko ay ang babaeng pinakamamahal ko. Pero kung hindi ako yung pinaglilihian ay nag-iinit ang ulo ko.
Ako ang ama nang magiging anak namin pero sa iba siya naglilihi? Hindi yata tama yon. Baka paglabas ay si Paris pa ang maging ama imbis na ako dahil baka maging ka mukha nya.
"Aray ko! Huwag mong hilahin ang damit ko" Sigaw ni Lexord kay France kaya naman umagal ito.
"Sabi ko nga hindi na muna ako pupunta dito hangga't di pa nanganganak si Irish." Nag ayos ito nang gamit at handa nang umalis kaya natawa si Lexord sa isang tabi.
"Bakit ba parang takot na takot ka? Hindi naman kita kakainin ano, ke arte neto!" Ayun na nga, bigla nang nagtaray kaya naman niyakap ko na lang sya patalikod para kumalma siya.
Nang tignan ni Irish si Lexord ay tumayo na rin ito bago magpaalam na uuwi na. Natakot din siguro dahil ako ang boss nila noon at nakita na nila akong pumatay dati.
"What do you want to eat?" Tanong ko kasabay ng pag ayos nang buhok nya dahil kakagising lang.
"Anything, inaantok pa ako. Gisingin mo na lang ako kapag luto na." Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo bago alalayan sa sofa naming nagiging higaan.
"Sure baby," Papikit na siya ng halikan ko rin ang tyan niya bago pumunta sa kusina bago mag luto.
****
After a month passed and Our son was born in September.
I almost cried that day because I saw my two important person crying and specially to my love.
"Welcome to the Family, Jayron Kyle Silvion." Nanghihinang sambit ni Irish habang natutulog ang anak namin sa dibdib nya.
Wala na akong masabi at mahihiling pa. Dahil natupad na ang pangarap ko noon. Humingi na din ako ng tawad sa mga nagawang pagkakamali ko at nagsimula muli nang panibagong buhay kasama ang Pamilya ko.
"I love you," Sambit ko at hinalikan ang dalawang mahal ko.
I am happy and contented now and this is the final on my story.
A/N: Happy Anniversary! 🥳 Thanks for all reading my stories, I always appreciated it!
Ps: Sorry for the wrong grammars or typos especially to my other stories, wala pa pong time mag edit dahil busy 😁. Again, Thanks po sa lahat.