An inch.
Isang pulgada nalang kasi ang layo ng ballpen ko sa mata nito.
At isang maling galaw lang ng Josh na ito ay paniguradong bulag na ang kaliwang mata nito.
I was very satisfy to see the horror in his eyes right now.
Nanlaki kasi ang mga mata nito habang nakatutok sa dulo ng ballpen ko. Kulang nalang ay maduling s'ya. Kitang-kita din ang tumutulo nito pawis sa noo at pigil din ang ginawa nitong paghinga.
Bumaling naman ako saglit sa mga kaklase ko. Parang nag 'Freeze' ang lahat ng tao sa buong classroom.
Tahimik lang ang lahat at walang nangahas na magsalita sa paligid. Kagaya rin ni Josh, halos pigil din ang mga hininga ng mga ito sa eksenang nasasaksihan.
Wari'y nag-aabang sa susunod na mangyayari.
Ohh dear, wala man lang bang gusto umawat? like hello? bubulagin ko na ang kaklase n'yo 'ohh!
Well, hindi ko naman talaga bubulagin ang isang ito. Though I was tempted, but of course, hindi naman ako ganoon kasama. Tuturuan ko lang naman ng leksyon ang suwail na batang ito.
I'm not that evil, you know.
But yeah, demonic most of the time.
I let out a signed. I mean, what am I doing? Dapat sana ngayon ay inaalam ko kung ano ang totoong nangyari sa katawan ko hindi itong nakikipag-away ako sa mga mas bata pa sa akin?
Muli, nagpakawala ako buntong-hininga bago ilayo ang hawak kong ballpen kay Josh.
Agad itong umatras palayo sa akin at mukhang bumigay yata ang tuhod nito dahil natumba ito sa sahig.
Then he looked up at me, shaking while pointing his finger on me.
" B-Baliw ka ba talaga?! Y-You almost killed me?!" nanginginig at na-uutal nitong sabi sa akin.
I rolled my eyes. " You're exaggerating, pinagtangkaan kitang bulagin, hindi patayin. It's two different things, okay?. " I said.
" But still--!"
" What? you really think I can't do it?" I cut him off. " Remember, in the first place, ikaw itong unang naghamon sa akin. Next time kid, know your opponent and please, do not underestimate me, I maybe looked weak but you never know, baka ako pa ang magpatumba sa'yo, so you better be careful next time, pasalamat ka at hindi ako pumapatol sa mga hindi ko 'ka-level'."
Wala akong narinig mula kay Josh kaya matapos kong sabihin iyon, agad ko ng kinuha ang mga gamit ko at naglakad patungo ng pintuan ng classroom para makalabas.
Tahimik lang ang lahat at ramdam kong tinitignan nila ang bawat galaw ko pero hindi ko sila pinansin. Wala akong pakialam kahit bilangin pa nila ang hininga ko!
Malapit na ako sa pintuan ng bigla kong lingunin ang mga nakatulala kong mga kaklase.
" S'yangapala, tutal, mga tsismosa naman kayo, wala akong paki-alam kung ipagkalat n'yo ang nangyari ngayon, but in case lang naman na ipagkalat n'yo, dagdagan n'yo na rin na hindi na akong pwedeng t@rantaduhin ng kung sinu-sino dito, hindi na ako ang dating Amethyst na kilala n'yo mga pisteng bata kayo!" sigaw ko sa kanila.
Tuluyan na akong lumabas ng classroom at padabog ko pang sinara yung pinto, paalis na ako ng biglang may na-alala kaya binuksan ko ulit yung pinto at sinilip yung mga kaklase ko.
" At favor naman guys, if mag-tanong si maam kung nasaan ako, paki-sabi nagpagupit ako ng bangs, thanks." At muli padabog kong sinara ang pinto at nagsimula ng maglakad palayo.
Habang naglalakad nanumbalik sa akin ang mga ilang masasayang ala-ala noong high school pa ako kaya hindi mo maiwasang hindi mapangiti.
Seryoso ako noong sinabi kong naging leader ako ng isang kilalang gang doon sa amin noong highschool ako. Pero maganda naman yung layunin namin, pagtulong sa kalikasan kagaya ng community service, feeding program at pagtulong na rin sa mga hayop na napapabayaan sa kalsada.
Nakakalungkot lang isipin na kahit gaano pa talaga kabuti ang layunin namin noon, meron paring mga tao na hindi naniniwala sa mabuting gawain namin. Mahirap din noong naging leader ako, marami rin kasing mga gang members ang kumu-question sa pinagagawa ko sa kanila at ilan sa kanila ang hindi sang-ayon. Hindi naman kasi kami yung tipo ng gang na mahilig maki-pagbugbugan sa ilang gang pero hindi rin maiiwasan ang mapasabak kami sa ilang mga gang war noon sa ibang school, kaya ayon, ilan-ilan din yung nabalian ko ng buto at napa-ospital ko.
But I swear, sila yung laging nauuna at hindi ako.
Napangit ulit ako, may pagka-demonyo rin naman kasi ako noong araw 'ehh. Ilang beses rin akong na guidance at napapatawag sa faculty ng adviser ko noong mga panahon na iyon. Ako yung numero uno na sakit sa ulo ng mga teacher ko noon ehh.
I had the most wonderful memories in high school. But it all changes...
When I met him.
Agad napawi ang ngiti sa labi ko ng maalala ko s'ya. Napa-iling ako bigla. Muntikan ko na kasing maalala ang mga pangit na nakaraan,
Mga ala-alang ayaw ko ng balikan.
Humugot ako ng malalim na hininga.
Focus Susie.
Tama, hindi ito ang oras para alalahin ang mga nangyari na, sa ngayon, kailangan kong mag-focus sa paghanap ng katawan.
Buhay man o patay.
But for now, I need to contact the person who I trusted the most.
My best friend, Ali.
Dumiretso na ako sa library para makitawag ng landline. I didn't know how to unlock Amethyst' cellphone, since it's not mine, I don't have any idea whats the password is.
Hindi nagtagal, nakarating na rin ako sa library, pumasok ako sa loob at agad nagtanong doon sa lalaking nasa front desk. Kasalukuyan itong nababasa ng libro kaya hindi nito napansin ang paglapit ko sa kanya.
"Uhm, excuse me? Makiki-tawag sana ako ng telepono?"
Mula sa pagbasa ng libro, umaangat ang tingin nito sa akin. Nang makita ako dito, nanlaki ang mata nito na labis na ipinagtataka ko.
" Amethyst!" biglang sabi nito sa akin tapos pabiro pa akong pinalo ng mahina ang balikat ko " Nabalitaan ko ang nangyari, kagagaling mo raw sa ospital? Kumusta ka na?" nakangiting tanong nito.
Hindi ako sure kong close ba sila ni Amethyst, dahil sabi nga ng katabi ko, wala naman daw kaibigan itong si Amethyst, pero mukhang sincere naman yung pangungumusta nitong lalaking ito kaya sumagot na rin ako.
" Okay na ako, salamat sa concern." sabi ko dito.
Pasimple kong tinignan ang suot nitong ID para malaman ang pangalan nito at Justine ang pangalan nito.
" Aba, himala! Sumagot ka sa pangungumusta ko," medyo gulat na sabi nito sa akin " Ayy, sorry, wala naman akong masamang ibig sabihin sa sinabi, medyo nagulat lang ako, kadalasan kasi pag kinakamusta kita ay tango lang ang sagot mo sa akin… though hindi naman tayo close para makipag-usap sa akin, ehh, nakakatuwa pa rin, dahil syempre, ilan lang naman yung mga estudyante ang pumupunta dito para seryosong magbasa, yung iba, tumatambay lang o di kaya ay matulog. Walang masyadong pumapansin sa akin.." malungkot na sabi nito.
May pagka-madaldal itong si Justine pero mukha namang mabait.
" Pasensya ka na at hindi kita masyadong kinakausap noon, medyo problematic talaga ako ehh." sabi ko dito.
Bigla namang lumiwanag ang mukha nito. " Naku ayos lang, at least ikaw, tinatanguan pa ako, hindi kagaya ng ilang estudyante dito, nagagalit pa pag kinakausap ko, porket mahirap lang ako, kung umasta yung iba dito parang wala akong karapatang huminga sa hanging nilalanghap nila!" reklamo nito.
Teka? Yung telepono lang naman yung hinahanap ko pero bakit nauwi yung topic namin sa mga hinanakit nya sa mga estudyante dito.
Pero 'di bale na, at least may chance akong malaman kung anong klaseng tao itong si Amethyst.
" Ganoon ba? " sabi ko dito " Pero ganoon ba talaga ako katahimik noon?" tanong ko dito.
" Sus! sinabi ko pa, akala ko nga dati pipi ka, yung kinakausap mo lang ay yung history teacher na si Sir Alfante..." sagot nito tapos parang biglang may naalala. " And speaking of Sir Alfante, lagi kang hinahanap ni noong nawala ka, tapos mukhang nag-alala noong nabalitaan n'yang na overdose ka raw…"
"Ha? Sir Alfante?" tanong ko dito " Close ba kami nun?"
" Oo, nakalimutan mo na? lagi mong kasama yun pag nasa library ka at siya lang rin ang bukod tanging teacher na nagtatanggol kaya kapag binubully ka, sabagay, mabait naman talaga si Sir ehh.."
" A-Ahh, Oo nga, mabait iyon " kunwari kilala ko yung tao.
" Pero sa ngayon, wala si sir, naka leave s'ya isang linggo na ang nakakaraan, ayon sa balita, naka-asidente daw yung asawa, nabigla nga ako kasi ang alam ng lahat, walang asawa yun. Nasira tuloy ang pangarap ng ilang single na teacher dito na makatuluyan si Sir, ang gwapo pa naman nun, pero syempre mas gwapo ako!"
Tapos naalala ko bigla yung telepono… Yun talaga ang ipinunta ko dito. "Uhm, yung ano, yung tele—"
" Pero diba close kayo?" pagpapatuloy nito at hindi man lang napansin yung tanong ko. " Wala man lang ba s'yang nabanggit na may asawa na s'ya? o talagang masekreto lang talaga si sir."
" Hindi ko alam, wala syang nabanggit sa akin." pasisinungaling ko. " Yung telepono sana.." paalala ko ulit sa kanya.
"Hala! Oo nga pala! Punta ka dun. " nahihiyang sabi nito at syaka tinuro kung saan may naka display na telepono.
" Thanks!" sabi ko dito at agad pinuntahan, kinuha ko ang telepono at agad tinawagan ang number ni Ali, maya-maya, nagsimula ng mag ring sa kabilang linya.
Hindi ako sigurado kung maniniwala ba sa akin ang isang iyon, may 'trust Issues' kasi ang taong iyon at ako lang ang bukod tangi nyang pinag-kakatiwalaan.
Pero paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nangyari sa akin?
Tsk. Bahala na.
Siguro naman hindi nya ako babagsakan ng telepono hindi ba?
Di ba?
Maya-maya, may sumagot na sa kabilang linya.
[ " Sino to?" ] supladong sabi ng pamilyar na boses ng lalaki na sa kabilang linya.
Wow, wala man lang 'Hello' d'yan. Huminga muna ako ng malalim ako sumagot.
"Ali, makinig ka, si Susie ito--!"
toot~ toot~ toot~
Napapikit ako ng mariin ng binabaan n'ya ako. Actually, nag-expect na talaga ako na gagawin n'ya iyon pero agad agad talaga!
Well, first trial pa naman kaya tinawagan ko ulit yung numero.
[ " Sino ka?" ]
Mabilis akong sumagot dito.
" Utang na loob, Ali, 'wag mo munang ibababa, ako to, si Susannah—"
toot~ toot~ toot~
Napapikit ako ulit ako ng mariin. Sabi na nga ba, mahihirapan ako dito eh. Pero gaya nga ng sinabi ko, matalik ko itong kaibigan.
Alam na alam ko ang kahinaan nya..
Muli, tinawagan ko ulit yung number n'ya.
["Bwisit, Sino ka sabi 'ehh--?!"] sigaw ng nasa kabilang linya.
" Alejandro Fremotivo Purgatorio!" pinutol ko ang sasabihin nito ng malakas kong binanggit ang buo nitong pangalan.
Katahimikan...
I mean, nakakabinging katahimikan.
Sigurado akong nasa kabilang linya pa ito dahil naririnig ko pa ang ginagawa nitong paghinga.
Maya-maya rin hinanda ko na ang tenga ko sa mga ' colorful words ' na isisigaw n'ya sa akin.
[ " P*STI KANG Y@WA-A KA! PANUW@YA KANG G*ATAY KA! PATYON KITANG ANIMALA KA KINSA KA?!!! "]
Inilayo ko yung telepono sa tenga ko matapos n'ya akong pinagmumura ng bisaya. Daig pang naka loud mega phone ang boses n'ya kung makasigaw s'ya sa akin.
Huminga ulit ako ng malalim at nang makakuha na ng sapat na lakas ng loob, sinagot ko na ang nasa kabilang linya.
" 11:30 PM, Plaza de San Juan, magdala ka ng kwek kwek at fishball, tapos yung sauce, dapat ma-anghang. Wag kang ma-late." dere-deretso kong sabi tapos binabaan ko na s'ya.
Siguradong lagot ako sa kanya pag nagkita kami. Ako lang ang bukod tanging taong nakaka-alam ng buong pangalan n'ya, at ipinangako n'ya sa akin na sa oras na banggitin ko ang pangalan nya, hindi na daw ako sisikatan ng araw.
At seryoso s'ya ng sabihin nya sa akin ang katagang yun, walang halong biro.
Matapos kung makitawag, babalik na sana ako doon sa front desk para magpaalam at para na rin magpasalamat kay Justine pero mukhang may kausap ito. Aalis nalang sana ako pero bigla n'ya naman akong tinawag kaya napalingon ako dito.
" Uy, Amethyst… mabuti naman at andiyan ka pa, tamang-tama napadaan si Sir Alfante dito at hinahanap ka." Biglang sabi nito sabay tingin sa kausap n'ya na mukhang si Sir Alfante nga at dahil nga nakatalikod ito, hindi ko maaninag ang itsura nito.
"Uhm, actually nagmamadali talaga ak—"
Pero agad din akong natigilan sa pagsasalita nang biglang humarap sa akin yung kausap ni Justine kanina.
" Hi there, Amethyst , kumusta ka na?" nakangiting tanong ng pamilyar na lalaki sa harap ko.
I feel my throat went dry.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
At bumilis bigla ang tibok ng puso ko at syaka napalunok bigla habang nakatitig sa kanya.
Animo'y tumigil ang oras ng magtama ang aming mga mata.
Pero alam kong hindi n'ya ako maalala at ibang tao ang nakikita n'ya sa akin.
I force myself not to cry in front of him.
Ilang taon na ba?
Ilang taon na ba ang nakalipas simula ng huli kaming nagkita?
Unti-unting bumalik sa akin ang mga masasakit na ala-ala.
Mga ala-alang pinipilit kong kalimutan at ayaw ko ng balikan pa.
Bakit?
Bakit andito ang taong ito?
Lucas Jimenez.
The first person that once I truly love and also my first heartbreak.
Malaki man ang pinagbago ng itsura ito ay makikilala ko parin ito.
Nagkaroon ng sariling buhay ang mga paa ko dahil hindi ko namalayan na dahan dahan na pala akong lumalapit sa direksyon nito.
At maya-maya lang rin ay tumigil sa ako mismong harap nya.
He was confused but didn't say a word.
Ilang segundo ko rin siyang pinagmasdan at maya-maya ay binigyan ng malungkot na ngiti.
And then…
.
.
.
.
.
I fvcking PUNCH him in the face.