" Wait, hold on a second.." putol sa akin ni Ali kaya bigla akong napatigil sa pagsasalita.
Kasalukuyan ko kasing ikinukwento dito ang mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw. Simula noong gabing na-aksidente ako, tapos noong pag-gising nasa ibang katawan na ako, pati na rin iyong mga nangyari sa school ni Amethyst, hanggang sa pangayayari doon sa library at pag-suntok ko kay Lucas.
Pero yun nga, sa gitna ng pagkukwento ko, pinahinto ako ni Ali.
" So, let me summarize your story…" sabi nito syaka nagsimula ng i-recap yung mga nangyari.
" Na-aksidente ka dahil sumagip ka ng pusa, tapos pag-gising mo, nasa ibang katawan ka na which is Amethyst, who is just 16 years old, na may mabait na tatay at suwail na kapatid na nag-ngangalang Emily, at itong Amethyst na ito, may pagka suicidal din dahil ayon sa nakalap mong inpormasyon, kagagaling lang nito sa ospital dahil na overdose ito ng sleeping pills at na discover mo rin na biktima ito ng bullying, tapos nitong araw lang rin may teenager kang bihusan ng milk tea dahil binangga ka at dinuro-duro ka pa, kaya nang araw ding iyon, sinugod ka ng boyfriend nitong leader ng fraternity para gantihan ka sa ginawa mo sa girlfriend n'ya na sa huli ay muntikan mo ng saksakin ng ballpen, because he pissed you off... then at the end of the day nalaman mong nagta-trabaho pala ang first love mo noong high school bilang isang history teacher sa school na pinapasukan mo..." walang prenong pagkakasabi nito na dinaig pa ang nagra-rap tapos napatingin ulit sa akin na parang amaze na amaze " Whoah, Susannah…So much happened just in a day 'huh…and really? Sinuntok mo yung highschool sweetheart mo? I thought you moved on already? Well, I must say, mukhang bitter ka parin sa nangyari sa inyong dalawa."
Medyo natigilan ako sa huli n'yang sinabi kaya napasulyap ako dito.
" Uy, excuse me lang ha? Hindi ako bitter at matagal na akong naka move on sa kanya!" depensa ko sa sinabi n'ya.
" Owwsss? Ehh ba't mo sinuntok?" tanong ni Ali sa akin na para bang naghahamon.
Medyo napa-isip din ako bigla sa tanong ni Ali.
Oo nga, bakit ko nga pa pala sinuntok ang mokong na 'yon?
" Well, I guess first love never dies ika nga…" natatawang sabi ni Ali nung hindi ako nakaimik.
"Hoy, wala na akong nararamdaman para sa lalaking iyon at kung meron man, galit nalang sa ginawa nga sa akin!"
And hello? It's been seven years already! I mean, I thought nakalimutan ko na iyong mga nangyari noong highschool pero nang makita ko s'ya ulit kanina, nanumbalik sa akin ang lahat ng masasakit na ala-ala.
" So, Susie, ano na ang plano mo? " biglang tanong nito sa akin. " Hindi ka pwedeng manatili sa katawan ng Sadako—este, sa Amethyst na iyan habang-buhay. "
" I know Ali, I'm not that selfish naman, hindi ko aangkinin ang katawan ng batang ito…That's why I need your help."
Napabuntong hininga nalang si Ali habang nakatingin sa akin, " Ano pa nga ba ang magagawa ko? Ako lang naman talaga ang maasahan mo diba?"
" Malamang, ikaw lang naman ang kaibigan ko and I know you have your sources, marami kang mga galamay kaya alam kong matutulungan mo ako."
" Uy, kung makapagsalita ka naman para naman akong sindikato n'yan. "
" Dude, nasa lahi n'yo talaga yan."
" Whatever Susie.."
" Pero back to the topic tayo, kailangan kong malaman kung anong nangyari sa katawan ko, kung buhay pa ba ako o patay na."
" Wala naman akong nababalitaang may nangyaring hit and run sa news nitong mga nakaraang araw at kung nagkataon man na nabalitaan kong na hit and run ka nga, tingin mo ba bubuhayin ko kung sino man ang gumawa sa iyo nun? " seryosong sabi ni Ali.
Of course, there's no doubt that Ali will revenge me if that the case. Hindi man halata, but I know he cares about me naman. But I won't appreciate, if makapatay s'ya ng dahil sa akin.
Naalala ko ulit bigla ang katawan ko and there's so many negative thoughts na pumapasok sa utak ko na ikinakatakot ko.
" P-Pero what if kaya wala tayong nababalitaan na nasagasaan ako dahil…, dahil pagkatapos kong masagasaan, inilibing na pala ako agad para walang makaalam.." kinakabahan kong sabi dito. " My God Ali! Paano kung somewhere pala, na-aagnas na ang bangkay ko ng hindi natin alam?! "
" Pwede ba Susie… Tinatakot mo lang ang sarili mo ehh, wag kang mag-alala, buhay man o patay, mahahanap natin yang katawan mo.." sabi nito. " Kaya wag kang masyadong mag-isip d'yan."
" Wow ha, mukhang hindi ka man lang nag-alala na baka patay na nga ako! Hindi ka ba natatakot na baka patay na nga ako?! "
" Believe me, Nag-aalala rin ako sa'yo. Ayoko ko lang sabayan yang pagpa-panic mo ngayon. I also need to calm down so that I can help you, right? ".
Napabuntong hininga ako. Right. Isa si Ali sa taong nananatili paring kalmado sa mga ganitong sitwasyon.
" I, I just wish that I am still alive Ali…" malungkot kong sabi syaka napatingala sa mga bituin. " Hindi pa ako handang mamatay…marami pa akong gusto gawin at marami pa akong mga pangarap na hindi ko pa naaabot... and I don't want to die -- "
" At marami ka pang utang na hindi nababayaran kagaya nalang ng utang mong dalawang libo sa akin." biglang singit nito kaya agad akong napatingin sa kanya.
" Teka nga, tungkol d'yan… Sa pagkakaalala ko, 1,800 lang naman ang utang ko ahh.." reklamo ko dito.
" Yep, 1,800 lang sana pero nagpabili ka ng kwek kwek at fishball ngayon so, dalawang libo na. " pasimpleng sagot nito.
" Wow, kwek kwek at fishball lang, umabot na sa 200?!"
" Hindi naman, pinang-taxi ko lang yung sobra papunta dito, pero teka nga, maiba uli tayo, yung pamilya ba ni Amethyst, alam na andito ka? " tanong nito s'yaka tinignan ang relo nito. " Mag-a-alas dos na ng madaling araw, hindi ka ba hahanapin sa inyo? "
"Wag kang mag-alala, hindi nila alam na andito ako, tumakas lang rin ako no.." sabi ko dito " Uhm, syangapala… kumusta pala sila ng wala ako? " alanganin kong tanong dito.
Bakit? Hindi natin alam baka may nakakamiss pala sa akin. I mean tatlong araw din akong hindi nagpaparamdam.
" Sinong 'sila' ang kinamusta mo? Yung mahal mong trabaho? Yung walang hiya mong supervisor? O yung lasingera mong nanay o baka naman yung g@go mong boyfriend?"
As expected from Ali, a very nice choice of words, as usual. Alam kasi nito ang halos buong buhay ko ehh at iisang building lang rin ang pinagtatrabahuan namin.
" Uhm, pwede bang all of the above ? "
" Well, let's start from your work, ayon…hindi ka naman masyadong kawalan sa kompanya, gumagana parin kahit wala ka pero malaking kawalan ka sa supervisor mo, daig pa ang baguhan, at halos puro nalang kapalpakan simula noong nawala ka, ni walang ideya kung anong job description n'ya, palibhasa, ikaw ang gumagawa ng trabaho n'ya, hinahanap ka nga n'ya sa akin ehh, ayon nagsinungaling nalang ako at sinabing, namatayan ka ng aso kaya isang buwan kang leave dahil nagluluksa ka pa…"
" Ali, wala akong aso." Bored na sabi ko dito. Ang lame naman kasi ng ginawa n'yang excuse para sa leave ko. Buti nga naniwala sila.
" I know, kaya nga may word na 'nagsinungaling' hindi ba? " sabi nito at nagpatuloy " At kung itatanong mo pala ang sitwasyon ng nanay mo, ayon, gaya ng dati, lasing na naman, kung sakaling may pa contest ng 'lasingera ng taon' tiyak panalo na ang nanay mo, and sorry to offend you, pero hindi ka n'ya hinahanap…mukhang wala ngang ideya ang isang iyon na nawawala ka.. Noong hinanap nga kita sa inyo dahil hindi nga kita makontak ng isang araw, binato pa ako ng bote ng alak, mabuti nalang at nakailag ako, dahil kung hindi naku, ewan ko nalang kung anong magagawa ko sa nanay mo, pasalamat s'ya kamo dahil kaibigan ko ang anak n'ya."
Ali hates my mother with passion. Alam n'yang napagbubuhatan ako ng kamay ni nanay kapag nalalasing s'ya at nasasabihan n'ya rin ako ng masasakit na salita kaya malaki talaga ang galit ni Ali sa nanay ko, pero natigil na ito sa pananakit sa akin simula ng binantaan s'ya ni Ali na ipapatumba n'ya ito sa oras na saktan pa n'ya ako ulit kaya ayon mukhang natakot yata.
" Pagpasenyahan mo na si nanay…bayaan mo, pag naging okay na ang lahat, nagpaplano akong ipa rehab na iyon. " sabi ko dito. " Ehh yung g@go kong boyfriend may balita ka ba?"
" Ayon, gaya ng dati, g@go parin sa lahat ng g@go. Ewan ko ba kung bakit mo sinagot ang Kevin na iyon, ehh halata namang hindi n'yo mahal ang isa't-isa, sinabi ko naman sayong hiwalayan mo na ang babaerong iyon, pero mabuti narin yan, ikaw mismo ang nakahuli na tino-two time ka ng hayop na iyon, hindi ba talaga pwedeng sapakin ko s'ya ulit?" tanong nito.
Pinigilan kong matawa sa sinabi ni Ali. Malaki kasi ang atraso ni Kevin kay Ali dati. Alam ko namang babaero talaga si Kevin nung sinagot ko s'ya pero hindi ko naman alam na pati si Ali, pupurmahan n'ya ng panahong iyon, akala kasi nito binabae si Ali, kasi nga mukha ring babae, and guess what Ali did? Binugbog n'ya ang kawawang si Kevin at halos isang buwan ding hindi makalakad ng maayos ang taong iyon. Pinaki-usapan ko nalang na huwag idemanda ng tuluyan ang kaibigan ko.
Mabunganga at walang preno lang talaga si Ali but I'm telling you, he is not a gay.
He is straight as a pole.
Though laging s'yang napagkakamalang binabae dahil sa maamo n'yang mukha at sa maliit nitong height, tapos dumagdag pa yung slim n'yang katawan tapos wala pang ka muscle-muscle, talagang aakalain mong highschool pa talaga kahit nasa bente na iyong edad, sa katunayan nga, maraming nagkakagusto dito, mapababae man o lalaki. Sa pagkakaalam ko rin, dati rin itong president ng debate team noong highschool kaya lagi itong may sagot sa lahat ng usapan.
Napabuntong hininga nalang ako. " Wag mo ng patulan si Kevin, baka idemanda ka pa nun ulit…" sabi ko dito. " Sa totoo lang, ewan ko ba kung bakit ko sinagot ang walang hiyang iyon, siguro sa pag-aakalang makakaramdam ulit ako ng sparks, pero wala ehh…nasayang lang rin yung ibinigay kong relo sa kanya, mahal pa naman 'yon tapos ikaw pa ang inutusan kong bumili 'non."
Right, kung iisiping mabuti, pareho naman naming alam ni Kevin na wala kaming nararamdaman sa isa't-isa. Nagclick lang talaga yung mga ugali namin at sinubukan namin maging kami, pero for the last three years of our relationship, wala akong naramdaman pagmamahal para sa kanya, at maging siya alam yun. Ni hindi nga ako umiyak or nasaktan nung nalaman kong may ibang babae s'ya, siguro na insulto lang ako, kasi akala ko mababago ko yung pagiging chickboy n'ya pero hindi pala.
Ibang-ibang sa nararamdaman ko noon para kay Lucas.
" It's okay, fake naman yung binili ko. " biglang sabi ni Ali kaya agad akong napatigil at napatingin sa kanya.
"What?!"
" My instinct told me that sooner or later, magbi-break din kayo, kaya bakit bibilhan mo pa sya ng mamahaling regalo, diba? "
" So asan na yong sobrang pera? "
" Wala na, inihulog ko na sa insurance mo?"
" Wala naman akong insurance ahh… "
" Pinagawan kita, puro kasi ibang tao ang inaatupag mo kaya minsan wala ng natitira sa'yo, pasalamat ka at may mabuti kang kaibigan na laging nakakaalala sa'yo." Sabi ito.
" Whoah, Ali, I'm touch… ginawa mo yung para sa akin?. "
" Uhm, Nope, ginawa ko yon para sa sarili ko, ako yung beneficiary mo, so in case na mamatay ka na.. ohh, wait .. diba? Sabi mo baka patay ka na? Baka pwede ko ng gamiton yon?"
" Ali naman ehh!!! " sabi ko dito tapos pinalo ko pa s'ya at tumawa lang ito.
" Binibiro lang kita maprin…" natatawang sabi nito. " Teka, hindi ka pa ba uuwi? Madaling araw na at baka hanapin ka na sa inyo. "
" Actually, Uuwi na talaga ako, may pasok pa ako bukas…"
" I'll contact you tomorrow Susie, I'll do my own investigation about what happened to your body. So don't think too much about that, okay?. "
" Thanks, maprin." nakangiti kong pasasalamat dito.
Sabay kaming sumakay ng taxi, pagkatapos ay inihatid n'ya na muna ako sa bahay ni Amethyst bago umuwi sa kanila. Namangha pa nga ito sa laki ng bahay ni Amethyst. Matapos magpaalam sa isat isa ay bumaba na ako ng taxi at dahan dahang pumasok ng gate.
Nang makarating na ako sa pintuan ng mismong bahay, dahan dahan ko ring binuksan ang pinto. Patay lahat ng ilaw dahil nga tulog pa nga lahat tao sa bahay. Palihim akong pumasok sa loob.
Paakyat na ako ng hagdan nang biglang bumukas ang ilaw na sobrang ikinabigla ko. Sa sobrang gulat ko, muntikan pa nga akong madulas sa hagdan mabuti nalang at napahawak ako sa gilid.
" Hello there, Sis. " Biglang sabi ng pamilyar na boses.
" Holy sh*t! " napamura ako bigla dahil sa gulat doon sa nagsalita.
Napatingin ako don sa may sala kung nangagaling ang boses at doon, nakita ko ang mataray na kapatid ni Amethyst na si Emily na nakaupo ng de kwatro sa isa sa mga upuan doon habang malamig na tumingin sa akin.
" Good Evening, Sis… or let just say..." sabay tingin sa wall clock sa sala tapos tumingin ulit sa akin, " Good Morning... since almost 3:00 am na…" sarkastikong sabi nito. " By the way, saan ka galing? "
Naparoll eyes nalang ako sa pagiging sarcastic nitong Emily na ito.
" Sa labas, nagpapahangin…" pasimple kong sagot.
" Ng ganitong oras? "
"Wala kang pake 'neng… ehh sa trip kong magpahangin ng ganitong oras ehh, ikaw? Anong ginagawa mo dito? Ba't gising ka pa ng ganitong oras? " balik na tanong ko dito.
" Well, to be honest, I'm waiting for you." Mataray na sabi nito.
" Ows? " sabi ko " Well, I'm quite surprise to hear that.."
Bahagyan kong nakita ang gulat at inis sa mukha nito pero agad din naman nawala.
" You've really change… Amethyst." Sabi nito " Mula sa pagiging tahimik patungo sa pagiging matapang…"
" Kasi nga diba? Na overdose ako ng sleeping pills, marahil naalog ang utak ko o ano, at ano ba sa tingin mo Emily?, Tingin mo ba, habang buhay akong magpapa bully doon sa school, samantalang ikaw… nanonood lang habang ginagawan ng masama ang sarili mong kapatid?. Of course!, I really have to change…! "
" I knew it," biglang sabi nito " You goody two shoes! Sabi ko na nga ba't nagbabait-baitan ka lang, yun pala may itinago ka pa lang sungay!"
" Wag kang mag-alala, mas mahaba parin yang sungay mo kaysa sa akin."
" You b*tch! "
I don't know what's the issue between the two sisters. Mukhang grabe ang galit ng Emily na ito kay Amethyst 'ahh. Pero ito ang masisiguro ko, hindi ako papayag na api-apihin lang si Amethyst ng kung sinu-sino, kahit pa sa mataray n'yang kapatid.
" You know what kid, I don't what your problem is, but one thing is for sure, I am done being nice here…" sabi ko dito bago ko s'ya talikuran at nagpatuloy na umakyat ng hagdan at pumasok ng kwarto.
Nang makapasok ako sa loob ng kwarto, umupo ako sa study table na nasa gilid ng kama. May nakatapat itong salamin kaya kita ko ang reflection ni Amethyst dito.
Ilang segundo ko ring pinagmasdan ang mukha ni Amethyst.
" Huwag kang mag-alala Amethyst… Hangga't nasa katawan mo ako, hindi ko hahayaang may manakit pa sa'yo…" sabi ko habang nakaharap sa salamin tapos napansin ko na naman yung bangs n'ya kaya napasimangot ako. " But for now, kailangan mo na talaga ng make-over gurl…at sisimulan ko sa paggupit nitong bangs mo.." at binuksan ko yung mga drawer nito, nagbabasakaling may mahanap akong gunting.
Sa awa naman ng Diyos, may nakita naman akong gunting… but at the same time, I found something interesting inside Amethyst's drawer…
It was Amethyst's DIARY…