15 minutes…
or 30 minutes…yata?.
Ewan, siguro halos isang oras ko naring tini-titignan itong diary ni Amethyst, subalit nagtatalo parin ang isip ko kung babasahin ko ba ito o hindi.
Pero sa bandang huli, nanaig parin sa akin ang kuryosidad na malaman ko kung ano ang nilalaman ng diary ng teenager na sinapian ko.
Masamang makialam ng gamit na hindi sa'yo.
But in this situation, I think, this is an exemption.
Pasensyahan na lang muna tayo Amethyst, makikibasa muna ako ng diary mo para mas lalo kitang makilala.
Kinuha ko ang diary mula sa drawer at inilapag sa study table. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan yung diary.
" ' I hate my life...' ". Ito ang unang mga salitang nabasa ko pagkabukas na pagkabukas ng diary nito.
Medyo natigilan ako saglit. May similarities din pala kami ng Amethyst na ito kahit pa-paano.
Well, Amethyst, dear… Hindi ka nag-iisa, I also hate life.
Muli, nagpatuloy ako sa pagbabasa.
" ' life has been always unfair to me… My mother died because of me, my sister hates me and it's my fault that dad is hurting right know and the person I loved, I've given him every thing but he abandoned me… me and my baby…my poor baby that I lost because of those heartless bastards …' " at muli, natigilan na naman ako sa huling pangungusap na nabasa ko.
Wait? Ano daw? Baby?!
Nagkaroon ng anak si Amethyst?! At, at bakit may word na 'lost' ? Nakunan ba ito? At sino yung tinutukoy nitong mga 'heartless bastards'? At most of all, sino yung tatay?!
Diyos ko naman! First page pa lang yan ha, dami ng revelation!
Nung medyo kumalma na ako, nagpatuloy muli ako sa pagbabasa.
" ' Napapagod na ako…Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito, I wish I am strong just like Mr. Alfante said, but I am not. Though nagpapasalamat parin ako sa kanya dahil pinipilit n'ya akong intindihin… pero wala ehh, walang nakakaintindi sa akin dahil wala namang nakaka-alam ng pinagdadaanan ko. Gusto kong gantihan silang lahat… lahat sila na umapi sa akin…pero mahina ako, hindi ko sila kaya… how I wish that I am stronger enough to face them with confidence, but I know that I am a coward... a loser just like everyone said. I feel so lost and empty inside…Sa ngayon gusto kong magpahinga, gusto kong matulog ng pagkahaba-haba, at kung pwede lang sana huwag na akong magising pa… at kung sakaling magising man, gusto ko sa paggising ko ay maging maayos na ang lahat, maging maayos na ulit ang buhay ko' ".
Binuklat ko ang ikalawang pahina para mabasa ang kasunod pero imbis na sulat, mga pictures ang nakadikit doon.
May larawan silang dalawa ni Emily, and take note, masaya silang nagtatawanan na parang sobrang close nilang magkakapatid. Malayong malayo sa relasyon nila ngayon. Meron ding picture na buong pamilya sila, masaya rin sila picture habang nagpi-picnic. May isang picture din na halos manlaki ang mata ko, bakit naman kasi hindi? meron kasing picture ng magbabarkada, pamilyar kasi yung mga tao dun sa picture, sila yung nakita kong mga kaibigan ni Emily at kasama din yung boyfriend nito, pero ang mas nakakagulat, kasama rin si Amethyst sa circle of friends nila! kuha ito sa parang cafeteria yata? at mukha din silang masayang mag-kakaibigan. May isa ring picture na magka-akbay sila ng isang pamilyar na babae, teka? Ehh, si Amanda ito ehh, yung binuhusan ko ng milk tea! Magkaibigan ba sila dati?.
Tapos may nakita rin akong isang picture na kumuha ng atensyon ko, si Amethyst ito kasama ang isang lalaki na may hawak pang gitara. Mukhang ngang ang sweet nila sa larawan. Teka? Ito ba yung tatay ng baby ni Amethyst? Tapos dumako ako sa pinakahuling larawan. Picture ng isang ultrasound and I know that there's a baby in it.
Ito ba ang baby ni Amethyst?
What actually did happened to her? Base naman sa mga pictures na nandito sa diary n'ya ay mukhang may masayang highschool life naman ito.
What happened then? Bakit nagbago bigla ang pakikitungo ng lahat kay Amethyst?
Binuklat ko uli ang kasunod na pahina at doon may nakasulat na ulit at binasa ko ang nakasulat.
" ' I am Amethyst Villaflor, 16 years of age. I am currently in highschool. Back then, I had a perfectly high school life, adorable sister, perfect friends, and a very nice best friend…but one day, everything changes, dumating s'ya, ang lalaking minahal ko ng lubusan, si ---' ".
*RRRiiinnnnngggg!!!!!
" Ayy! Pusang gala!!" sambit ko sa sobrang gulat ng biglang tumunog yung alarm clock. Napahawak pa ako sa dibdib ko ng de oras sa sobrang pagkagulat. Tinignan ko yung orasan, 5:30am na pala, hindi ko man lang namalayan..
Pinatay ko yung alarm at nag stretching saglit.
Grabeh, inumaga na talaga ako. Tinignan ko ulit yung diary at sinara ito at inilagay sa bag. As much as I want to read Amethyst's Diary, alam kong hindi ko matatapos basahin yun sa loob lamang ng isang araw.
Sa ngayon kailangan munang pumasok ng school si Amethyst.
After I read her Diary, I want to know more about Amethyst. Totoo bang nabuntis ito? Bigla tuloy akong na intriga sa nangyari sa kanya.
Something did happened to her and I am going to figure that out.
Saglit akong napatitigil sa salamin at pinagmasdan ang itsura nito.
She really need to change.
What do you think the first thing I did? of course, I cut her bangs. Since day one pa kasi ako nangigigil dito! Hindi na ako makatiis.
Kinuha ko yung gunting at ginupit ang bangs ko, buong pag-iingat kong ginupitan ang mga ito habang tinitignan ang sarili ko sa salamin. Mabuti nalang talaga at tinuruan akong gumupit ng namayapa kong lolo na dating barbero noong araw kaya may kaunti akong kaalaman sa pag-gugupit.
Medyo napangiti ako nang ma-satisfy na ako sa resulta ng bago kong bangs, pagkatapos nun ay naligo na ako at nagbihis ng uniform.
Ohh, right... Problema din pala itong uniform n'ya.
Medyo napangiwi ako sa itsura ko nang humarap ako sa salamin habang suot ang maluwag na uniform ni Amethyst.
Actually, wala ng problema sa buhok ni Amethyst, nabawasan na yung bangs kaya hindi na ako mahihirapang makakita. Make-up nalang ang kulang at ready to go na. Ang problema ko ngayon ay ang maluwag na uniform nito. Kahit gaano pa ito kaganda kung out of style naman itong suot n'ya, ehh mukhang wala pa ring nagbago sa kanya!
Napatingin ulit ako sa oras. It's still 6:42 am pa naman.
I still have time.
Hinubad ko ang suot kung uniform at naghanap ng karayom at sinulid. Mabuti nalang at may pag-asa pang ma-adjust itong uniform ni Amethyst dahil nagawan ko pa ng paraan para maging fit ito sa katawan ni n'ya. Nagpapasalamat talaga ako sa namayapa kong lola dahil tinuruan n'ya akong manahi bago ito pumanaw.
Well, wag na kayong magtaka, talented talaga ang pamilya namin kaya syempre, saan pa ba ako magmamana?
Matapos kong ma-adjust ang uniform ni Amethyst, sinuot ko ulit ito, tapos naghanap ng kahit anong pampaganda para gamitin sa mukha ni Amethyst na sa awa ng Diyos, ehh may nahanap naman. Naglagay ako ng konting make-up, lipstick, eyeliner at kung anu-ano pa. Medyo pinakulot ko rin ang straight kong buhok ng konti para naman bumagay naman sa new look ko.
Noong matapos na akong magpaganda, humarap ako ulit doon sa salamin.
At napangiti sa finish results.
" See?, " sabi ko sa harap ng salamin. " Konting ayos lang naman ang kailangan at pwede ka ng sumali sa Miss Universe 'neng. " Tapos napahawak pa ako sa mukha at nag pose sandali. " In fairness, hija, mabuti nalang at natural ka ng maganda, make-over lang talaga ang kailangan para mas lalong lumabas ang tunay na kagandahan mo, kung tutuusin, mas maganda ka pa nga kay Emily at sa lahat ng mga babae sa school mo."
Matapos kong pinag-sawa ang sarili ko sa salamin, lumabas na ako ng kwarto.
Naabutan ko si Emily na nakatayo sa labas ng kotse, kasaluyukan itong ng si-cellphone kaya hindi n'ya man lang ako napansin nang papalapit na ako sa kanya.
" Yow, Emily, kanina mo pa ba ako hinihintay?. " tanong ko dito.
Mula sa cellphone nito, dumako ang tingin nito sa akin, " The hell, Amethyst! What took you so long--?!" pero agad din itong natigilan ng mapansin ang 'new look' ko, bahagya pa nga itong napa-nganga ng makita ako, tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa.
Dahil masyadong matagal yung pagkatulala n'ya sa akin, pinitik ko yung daliri ko malapit sa mukha n'ya para naman magising s'ya. " Surprise, Surprise…" sabi ko dito. " Let's go, baka malate pa tayo. " at nauna na akong sumakay ng sasakyan.
Tahimik lang ang buong byahe namin. Naglalaro lang ako ng games sa cellphone, pero ramdam kong tinititigan ako ni ako ni Emily kaya lihim akong napangiti.
Hehe, hala, magsawa ka sa kagandahan ko 'neng...
Ilang minuto lang rin ay nakarating na kami sa school. Nagpasalamat muna ako sa driver ako bago lumabas ng sasakyan. Nauna akong lumabas kaysa kay Emily.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng sasakyan dahan dahan akong lumakad, at take note, hindi basta lakad ang ginawa ko, rumampa ako na parang kandidata ng Miss Universe.
I walk with confidence.
Lahat ng estudyanteng makasalubong ko, tumigil sa kani-kanilang ginagawa at habang nakatingin sa direksyon ko.
Tulala at laglag ang panga habang pinagmamasdan ako.
Nakita ko rin yung babaeng binuhusan ko ng milk tea kahapon na si Amanda kasama ang boyfriend nitong si Josh na masayang nag-uusap pero nang mapatingin sa direksyon ko ay kapwa silang tumigil at tumitig sa akin. Maski yung mga barkada ni Emily mukhang nagulat din sa ayos ko. May narinig pa akong mga bulong-bulungan sa paligid.
" Oh my gosh, Is it who I think it is?"
" Is that the loser Amethyst?!"
" I didn't know that she is THAT beautiful."
" Dude, she looks so hot!"
" Hala, Ba't bigla s'yang gumanda?"
" Grabeh, muntikan ko na s'yang hindi makilala."
I smirk.
Iba talaga pag-maganda.
Lihim rin akong napa evil-laugh. Hala, sige mga hunghang! Mag-laway kayo sa kagandahan ni Amethyst.
Maya-maya lang rin, nakarating ako sa pintuan ng classroom namin, mula sa labas rinig na rinig ko pa ang ingay ng mga kaklase ko sa loob, siguro ay dahil narin wala pa yung teacher.
Binuksan ko ng malakas ang pinto at pumasok sa loob.
Ang dating maingay kong mga kaklase naging tahimik ng pumasok ako. Gaya ng mga taong nakasalubong ko sa labas, tulala rin ang mga ito sa bagong ayos ko. Tinitignan nila ang bawat galaw ko habang papunta ako sa upuan ko pero hindi ko sila pinansin.
Umupo ako sa upuan ko kung saan katabi si Melissa.
" Hello there, seatmate." bati ko katabi ko.
Awtomatikong natigilan si Melissa sa Itsura ko ng makita ako. As usual kasi, nagbabasa ito ng libro nang pumasok ako kaya hindi nito napansin ang bagong ayos ko.
"A-Amethyst?." hindi makapaniwalang sabi nito.
" Of course dear, It's me, Amethyst, the one and only… " sabi ko. " Gulat ka no?"
" A-Aba, Oo naman… You, you look beautiful…" sagot nito. " Muntikan na nga kitang hindi makilala."
" Nah, I just cut my bangs a little bit.." sabi ko dito syaka tinignan ang mga kaklase kong hanggang ngayon tulala parin sa akin. " Yow classmates, enjoying the view?" tanong ko sa kanila at medyo dun lang yata sila natauhan sa tanong ko dahil bumalik na sila sa kanya kanya nilang ginagawa, pero may iba paring palingon lingon sa direksyon ko. Yung iba naman halatang pinag-uusapan ako.
Maya-maya dumating narin yong teacher namin.
" Good Morning class, " bati nito tapos biglang natigilan ng dumako ang paningin nito sa direksyon ko. " Wait, Ms. Villaflor? Is that you ?." gulat na tanong nito sa akin.
Ngumiti ako dito ng pagkatamis-tamis " Yes maam."
" Ohh, you look so beautiful today, hija…" natutuwang sabi nito sa akin.
" Thanks maam. " pasasalamat ko naman dito.
Ngumiti muna ito sa akin bago tinignan ang buong klase.
" Okay class, I have an announcement… Kailangan kong pumunta ng probinsya namin bukas dahil may emergency kaya mawawala muna ako ng mga ilang buwan, pero pansamantala, may papalit naman sa akin…" sabi nito.
Umugong ang ilang bulungan sa buong klase, naghuhulaan kung sino ang papalit bilang adviser namin.
" Class, quiet ! " sabi ni maam na ikinatahimik naman ng lahat. " Don't worry class, today, magkakaroon naman kami ng meeting ng mga teacher kung sino ang willing na pumalit muna sa akin, kaya nga aalis ako saglit ngayon, pero bago ako umalis, ipapakilala ko muna sa inyo ang bagong n'yong kaklase, ka-ta-transfer n'ya lang ngayong araw na ito." tapos tumingin sa may pintuan. " Mr. Sanchez, pwede ka ng pumasok."
Maya-maya, natigilan ako nang pumasok ang isang pamilyar na lalaki. Nakasuot ito ng makapal na salamin at medyo magulo rin ang buhok nito, makikita din sa itsura nito ang pagiging payatot at pandak.
One word to describe him? NERD.
" Hi…" nahihiyang sabi nito. " I'm Alexis Sanchez, katatransfer ko lang ngayon, nice to meet you everyone…" mahinang sabi nito.
" Thank you Mr. Sanchez, please maupo ka muna dun sa may bakanteng upuan, dun sa bandang likuran." Sabi ni maam doon sa bagong dating syaka tinuro yung upuan banda sa likuran ko, tapos tinignan ulit ang buong klase. " Okay class, be nice to him, at aalis muna ako saglit, magmemeeting lang kami sa kung sino ang papalit sa akin." paalam nito at umalis ng classroom.
Napatingin ako sa bago naming kaklase. Ang mga kagaya n'yang nerd ang kadalasang target ng mga bully.
But since kilalang kilala ko naman ang taong yan, malayong ma-bully ito ng basta-basta.
Baka siya pa ang pambully sa mga kaklase ko.
Magbago man ang get-up ng isang ito, makikilala at makikilala ko parin s'ya.
Ano kaya ang trip ang isang ito?
Habang naglalakad ang bago naming kaklase patungo sa upuan nito. Agad na s'yang binato ng nilukot na papel ng ilan kong kaklase, yung iba ay galing sa mga barkada ni Emily. May isa ring humarang pa sa dinadaanan n'ya, kaya napahinto ito sa paglalakad.
Nagmukha s'yang duwende dahil sa liit nya tapos yung kaharap nito para namang kapre.
" Hello there, Nerd…" sabi nang lalaking humarang sa kanya tapos yung iba pang kaklase ko tumawa pa sa nangyayari.
" Let me through…" mahinang sabi ng bago kong kaklase sa taong humarang sa kanya.
" What? I can't hear you nerd… Ohh, I am Karl by the way, " sabi nito. " You know what? you look intelligent…" patuloy nito syaka may iniabot na ilang mga papel sa bago naming kaklase. " Here, take this… it's the whole class Math assignments, since mukha ka namang matalino, pwede naman siguro naming subukan yung talino mo diba? Sagutan mo lahat ng yan, at sa oras na may mali kahit na isa man lang sa mga yan, malalagot ka sa akin.." pagbabanta nito. " Do I make myself clear, nerd?" tanong nito sabay tinapik-tapik pa ang pisngi ng bago naming kaklase na ikinatawa naman ng ilang estudyante sa loob ng classroom.
Samantalang ako, nakatingin lang kay Karl at napa-iling.
Tsk, tsk, tsk...
Wrong move dude. He hates it when someone do that to him.
Uhm? pipigilan ko na ba si Karl? Baka kasi mamatay s'ya ng di oras ehh at ma-witness ko pa.
He has no freaking idea who's he's messing with.
" Hey nerd, ba't di ka nagsasalita d'yan? Did you cut your tongue or something?." nakangising sabi nito.
Pero maya-maya lang rin, biglang nanlaki ang mga mata nito.
" Hey! What the fvck do you think you're doing!." biglang galit na sigaw ni Karl.
Ehh, bakit naman hindi sya magagalit?
Pinunit lang naman ng bago naming kaklase ang ibinigay n'yang papel dito.
Ohh, dear… now, you really pissed him off.
" Kid," biglang sabi ng bago naming kaklase kay Karl. " How come napunta kayo sa 'class-A' kung ganito naman pala kayo ka bobo? Akala ko ba, matatalino ang mga estudyante na nasa section na ito? Ehh, mukhang wala naman palang laman yang mga utak n'yo." Malamig na sabi nito.
Lihim akong napangiti. Now he finally drop the act.
" W-What did you say?!" hindi makapaniwalang sabi ni Karl.
" Come on! Pati ba naman ang salitang 'bobo' hindi mo alam? Ibig sabihin non, wala kang utak, stupido, mahina ang kukote, at uhm... ano pa ba? Nakakaintindi ka ba ng bisaya, bata? Sa bisaya kasi bogo ang tawag namin sa bobo." insultong sabi nito. " Ngayon bata, bago pa tuluyang maubos ang pasensya ko, umalis ka sa harap ko." malamig na utos nito.
Napasinghap ang lahat sa sinsabi n'ya kay Karl at si Karl naman, mukhang napahiya at tuluyan ng namula sa galit.
" You! Fuvking little midget! Sa pandak mong 'yan? Tingin mo ba kaya mo ako? I'm going kill you, you piece of sh*t ! " galit na sigaw ni Karl.
" No, fvcktards, " malamig na sabi ng bago naming Kaklase syaka tinitigan rin ito ng nakakamatay na tingin, na ikinatigil naman bigla ni Karl.
" Ako ang papatay sa'yo pag hindi ka umalis sa dinadaanan ko, how fvcking dare you to make fun about my height! Ang ayaw ko sa lahat yung ipinaglalandakan na pandak ako! I am really really pissed right now bastard! Now, bago mo pa pagsisihan na ipinanganak ka sa mundo, get the hell out of my way you fvcking sh*t!" sigaw nito at malakas na sinipa ang pinakamalapit na lamesa.
Na sa sobrang lakas ng sipa nito, nabali pa ang paanan ng sinipa nitong mesa.
Ohh no…
Ali, totally lost his temper right now.
I let out a signed.
That's I never mess with Alejandro Fremotivo Purgatorio.