" Ang tagal naman ng Ali na ito. Kanina pa ako pinag pi-pyestahan ng lamok dito ehh...." bulong ko sa sarili ko habang kinakamot ang braso kong kinagat ng lamok.
Kasalukuyan akong nasa Plaza de San Juan ngayon.
Hinintay ang kaibigan ko na dapat sana ay kanina pa dumating!
Gaya ng usapan namin ni Ali kanina, wala pang 11:30 ay andito na ako at halos dalawang oras na akong naghihintay dito pero maski anino nito wala!
Alam ko naman na walang kasigiruduhan na pupunta ito gaya ng napag-usapan, pero gayon paman, pumunta parin ako at ipinagdasal na sana mas manaig ang curiosity n'ya na makita ako at ng sa ganon ay siputin ako.
Dahil gabi na, wala ng masyadong tao sa plaza, kung meron man, yun lang yung mga 'Homeless' na walang matutuluyan at ginagawang tulugan itong plaza pagsapit gabi. Malalim man ang gabi, ay hindi ako nakakaramdam ng kahit ano mang kaba o takot sa plaza na ito kahit pa sabihin na mag-isa lang ako at walang kasama. Lagi kaming tambay ni Ali dito kaya ganon, meron kasing mga gabing nag-iinuman kami at nag-fo-foodtrip kami dito habang pinag-uusapan namin ang mga problema at hinanakit namin sa buhay.
Napatingin ulit ako sa relo na suot ko. 12:49 na, malapit ng mag-ala una ng madaling araw, pero wala parin hinihintay ko.
Dadating pa kaya iyon?
Napabuntong hininga ako. Kapag hindi parin ito dumating after mag ala una, aalis na ako. Sa ngayon, hihintayin ko nalang muna s'ya kahit konti.
Habang hinihintay ko yung kaibigan kong iyon, hindi ko maiwasang hindi isipin yung nangyari kanina sa library.
~~~×~~~×~~~×~~~
~ Flashback ( A few hours ago) ~
" DIYOS KO PO! Amethyst! Anong ginagawa mo?!" natatarantang tanong ni Justine habang tinutulungan si Lucas na makatayo.
Mukha kasing napalakas ang suntok ko kay Lucas dahil bahagya pa itong tumilapon.
Ha! Buti nga sa kanya!
Hindi ako tinubuan ng kahit katiting na konsensya sa ginawa kong pagsuntok sa kanya.
Kasing lakas ng suntok ko ang galit ko sa kanya.
Ang hayop na ito! Walang ideya ang lalaking ito kung anong pinagdaanan ko dahil sa kanya! Pasalamat s'ya at iyan lang ang natamo n'ya!
"Sir Alfante, Okay lang ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Justine dito habang ina-alalayan sya.
" I'm fine Justine, " sabi ni Lucas kay Justine, tapos hinawakan yung baba n'yang nasuntok ko, natigilan s'ya saglit nung may namuong konting dugo mula dito.
" Hala Sir! May dugo! Dalhin na muna kita sa clinic Sir!" natatarantang alok ni Justine dito tapos maya-maya tumingin sa akin.
" Ba't mo naman kasi sinuntok si Sir?!" pasigaw na tanong ni Justine sa akin.
Class hours ngayon kaya kami lang ang nasa loob ng library, so, kahit magsisigaw pa kami dito, walang makakarinig.
Hindi ko pinansin ang tanong ni Justine at nanatili parin akong galit na nakatingin kay Lucas.
" Ang kapal ng mukha mo! Diba sinabi ko na sa'yo na sa susunod na magkita tayo susuntukin kita ng malakas talipandas ka!" galit na sigaw ko dito tapos akmang susuntukin ko ulit ito pero mabuti nalang at inawat ako ni Justine.
" Amethyst, ano ba ang nangyayari sa'yo?At ano yung talipandas?" awat sa akin ni Justine na may halo ng pag-mamakaawa.
Hindi ko sinagot ang tanong nito bagkus ay sinusubukan kong makaalis sa pagkakayakap nito.
" Lintek! Justine! Wag mo akong pipigilan! Bubugbugin ko yang isang iyan!" sigaw ko habang nagpupumiglas at pinipilit na kumawala sa yakap ni Justine.
Piste! Nangigigil ako sa lalaking yan!
" Amethyst! Ano bang nangayayari sa'yo?" halos maiyak na si Justine sa pag-awat sa akin tapos pasimpleng sumulyap kay Lucas.
" Sir, pagpasensyahan mo na po itong si Amethyst, nabalitaan n'yo naman po na kagagaling lang n'ya sa ospital 'diba? Mukang hindi n'ya pa po kasi naiinom yung gamot n'ya kaya nagkakaganito s'ya, intindihin n'yo nalang po muna sir." halos magmakaawa na si Justine kay Lucas at ngumiti lang si Lucas dito.
" It's okay Justine…" sabi ng mokong na si Lucas, " I understand, hindi madali yung pinagdaanan n'ya dito sa school.." tapos malungkot itong tumingin sa direksyon ko. " I'm very sorry about what happened to you, Amethyst, hopefully maging okay ka na."
" Sorry? Sorry mo yang mukha mo! Pagkatapos mo akong iwan sa ere lintek ka!" galit na sigaw ko dito.
Nakita kong medyo nagtaka ang dalawa sa sinabi ko pero hindi ko nalang sila pinansin. Sobra-sobra ang galit na nararamdaman ko ngayon kaya hindi na ako nakakapag-isip ng maayos.
" Hala, Amethyst, nag di-dileryo ka na… kung anu-ano na yang pinagsa-sasabi mo.." nababahalang sabi ni Justine.
" Amethyst, " biglang tawag sa akin ni Lucas. " It's okay, ilabas mo lang yang hinanakit mo, pinapangako kong hindi ka namin huhusgahan." malumanay na sabi nito na para bang bata akong kinakausap nya. Nginitian n'ya ako ulit. " Now, tell me… Ano ba ang problema, Amethyst, sabihin mo at baka makatulong ako.?" sincere na tanong nito.
" Aba? Problema? At nagtanong ka pa! Ikaw ang problema ko! Ulyanin lang brad? Nakalimutan mo na ba ang nangyari noon, nang dahil sa ginawa mo, you almost ruined my life! Hindi kita mapapatawad kahit magsorry ka pa! " halos hinihingal pa ako sa kasisigaw dito.
" Ha? Ang alin Amethyst? Alin ang hindi mo mapatawad? " nagtatakang tanong ni Justine.
" He fvcking betrayed me! He---!"
At bigla akong natigilan.
Realization hits me.
Tapos napapikit ako ng mariin.
Oh.My.God.
I FVCKED Up.
I can't believe I almost let myself get caught!
Me and my stupid big mouth!
Nakikisapi ka lang Susannah! Anong pumasok sa utak mong babae ka!
Napatingin ako sa direksyon nina Lucas at Justine, makikita sa mga mukha nila ang pagtataka, marahil iniisip ng mga ito kung bakit ako tumigil sa pagsasalita at natahimik.
Agad akong tinablan ng hiya.
" Yes Amethyst?" biglang natong ni Lucas ng hindi na ako umiimik.
Hindi ko s'ya sinagot bagkus tinignan ko lang sya ng matalim.
Kasalanan ito ng lalaking ito ehh!
Sinubakan n'ya akong lapitan pero agad din akong napaatras, pero ganoon pa man ay nahawakan n'ya ako sa braso at siguro dahil nabigla ako, walang anu-anoy sinipa ko yung binti nya. Narinig ko pa itong napa 'Aray' pero hindi na ito napansin dahil wala din naman akong pake basta pagkatapos non, kumaripas na ako ng takbo.
~ End of Flashback ~
~~~×~~~×~~~×~~~
Napabuntong-hininga ako matapos inalala ang nangyari kanina.
Grabeh, nakakahiya yung ginawa ko. Ipinahamak ko pa ang sarili ko gamit lang ang malaki kong bibig.
Maya-maya sinabunutan ko yung sarili ko na parang baliw. Kasalanan ng Lucas na 'yon ehh! Kung hindi ko lang sana nakita ulit yung ungas na yon, sana hindi ko napapahiya si Amethyst. Mas lalo ko tuloy sinabunutan ang sarili ko nang maalala ulit ang nangyari.
" Psstt! "
Nasa ganung sitwasyon ako ng may marinig ako ng pamilyar na boses. Nakaupo kasi ako sa isang bench doon sa park kaya umangat ang tingin ko sa taong nakatayo sa harapan ko.
" Uhm, pasensya na kung na-esturbo ko ang, uhm, ' kabaliwan moments ' mo, " sabi nito na mukhang hindi sigurado sa sinabi, pero nagpatuloy parin ito sa pagsasalita.
" Magtatanong lang sana ako Sadako, may napansin ka ba ditong babae?, kulot yung buhok tapos medyo may katangkaran, nasa 23 na iyong edad pero hindi masyadong halata dahil yung itsura nya, uhm, parang laging stress? at mukhang din s'yang suplada."
Medyo napangiwi ako sa description na sinabi n'ya. Dahil medyo madilim na hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito.
Pero hindi ko na kailangan pang makita ang mukha nito dahil boses at height palang kilala ko na ito.
Si Ali.
Ang nag-iisa at pinakamatalik kong kaibigan.
Pinagmasdan ko ang itsura nito. Halata sa mukha nito ang pagkabagot. Nagtataglay ang lalaking ito ng maganda at maamong mukha. He almost looked like a woman. Nasa 21 years old na ito pero yung height hindi mo masabi kung highschool ba o elementary, kaya nga minsan, lagi itong napapagkamalang kinse ayos. Pero huwag na huwag kang magpapaloko dito dahil sa likod ng maamong nitong mukha at ng maliit nitong height, nagtatago ang isang mabangis at nakakatakot na dragon.
"Uy, Sadako? " tanong nito sa akin ng mapansin na hindi ako umimik at nanatili lang nakatitig sa kanya.
Alam kong noong isang araw palang nung huli kaming nagkita pero dahil sa mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw, bigla ko s'yang na miss.
"Tsk. Mukhang sinto-sinto pa itong napagtanungan ko." Pabulong na sabi nito pero sapat na para marinig ko. Nakita kong napabuntong hininga ito tapos sinulyapan ako saglit, maya-maya, inabot nito yung dala n'yang kwek kwek at fishball sa akin. " Ohh, sa'yo na yan tapos ito rin…" at kumuha ng singkwenta pesos sa bulsa nito at iniabot sa akin " tapos itong singkwenta pesos, ibili mo nag pagkain o di kaya'y magpagupit ka 'neng, ang haba na ng bangs mo, mapagkakamalan kang si Sadako niyan 'ehh. "
Napa 'teary eyes' ako bigla. Kahit hindi gaanong maganda ang ugali ng pandak na ito, alam kong may kabutihan paring nakatago sa puso n'ya.
"Wahhhh, Alllliiiiiiii!!!!" napatili ako bigla at syaka napatayo sa kinauupuan ko at akmang yayakapin s'ya.
Pero bago ko pa s'ya tuluyang mayakap, napigilan n'ya na ako gamit lang ang hintuturo n'yang idinikit sa noo ko syaka itinulak ako gamit non at binigyan n'ya ako ng nakakamatay na tingin.
" WHO the HELL are you? at bakit mo akong kilala?." diretsong tanong nito. Kalmado pero madiin ang pagkakasabi n'ya.
And He is not asking. He demands for a right answer.
Napalunok ako. Somehow, it's scares me. I know him so much and I know how scary he is. Sugal ang pakikipagkita ko sa kanya dahil hindi ako sigurado kung paniniwalaan ba ako nito o hindi.
Mukhang dito na magsisimula ang mahaba-habang paliwanagan.
I took a deep breath and then looked him straight in the eyes.
" Ali, ako to si Susie." seryoso kong sagot dito.
Katahimikan.
Nakakabinging katahimikan.
Lumipas rin ang ilang minutong walang nagsalita sa aming dalawa at kapwa nagkatitigan lang. Maya-maya, nang hindi parin nagsalita si Ali, ako yung unang nag-volunteer na unang magsalita.
Mas natatakot kasi ako pag-tahimik ito ehh. Hindi ko malaman kung ano yung nasa utak n'ya.
" Uhm, Alejandro? Wala man lang bang comments d'yan o di kaya'y violent reaction? but on the second thought, scratch the violent reaction part, nakakatakot iyon, but please, magsalita ka naman dyan maprin, " sabi ko dito, tinawag ko pa s'ya sa tawagan naming dalawa maprin or my friend, tapos nagpatuloy ako sa pagsasalita " Sa totoo lang, mas natatakot kasi ako pag tahimik ka 'ehh—"
Then all of the sudden, he cut me off.
" Bata, ako ba? Pinagtritripan mo?" walang ka emo-emosyong tanong nito.
He looked so pissed already but still I continued, I have to continue even though he scares the hell out of me.
" Ali, maniwala ka, totoo ang--!"
" Teka, parang pamilyar yang boses mo 'ahh…" biglang sabi nito " Hold on a fvcking second kid, are you the one who called me on the phone earlier?" he coldly asked.
I cleared my throat and then continued.
" Ahhh, ehhh, Uhm... Oo, ako nga, pero—"
And all of the sudden, inambahan n'ya ako ng suntok and thank God, agad ko namang nailagan.
Diyos ko, ito na nga ba ang sinasabi ko ehhh…! Kahit bata o matanda, papatulan talaga nito kapag nagagalit ! talagang walang pinipili ang maliit na taong ito!
Maya-maya, nagsalita ito.
" 'Neng, alam mo bang masamang magbiro sa mga mas nakakatanda sa'yo? " sabi nito syaka dahan dahang lumapit sa direksyon ko samantalang ako naman, unti-unti ring lumalayo sa kanya. " Ahhh, now I remember, ito na pala yung uso ngayon diba? Yung 'prank-prank' yata ang tawag dun ehh… Pwes bata, mali kayo ng taong pinag-diskitahan! "
At muli sumugod ito sa akin at binigyan ako ng high kick na syempre agad ko ding nailagan, he looked amused when I did that.
" Aba bata, magaling ka ahh, " he complemented " Si Susie ba ang nagturo sa'yo n'yan? Teka nga, asan ba ang babaeng yun? Ilang araw ko ng di ma contact ang isang iyon 'ahh.."
"Maprin! Ako nga si Susie!" sabi ko ulit dito.
At muli sumugod na naman ito.
" Kung akala n'yong dalawa ni Susie na maloloko n'yo ako, pwes! nagkakamali kayo! "
He kicked again and I blocked it, thankfully.
" Ali, utang na loob, makinig ka muna sa akin! Si Susie nga ito!"
" Hindi ko alam kung anong trip n'yong dalawa pero paki-sabi mo sa kanya, hinahanap na s'ya ng supervisor n'ya at paki bayaran na rin yong utang n'yang dalawang libo sa akin dahil kung hindi ipapa blotter ko s'ya!" sigaw nito.
At akmang susugurin n'ya na naman ako pero sorry nalang s'ya, I came prepared.
Hayy, naku! Ayaw ko sanang gawin ito sa kanya pero pinipilit n'ya ako! Sorry Ali, pero pinipilit mo ako.
" ALEJANDRO FREMOTIVO PURGATORIO! " buong lakas kong sigaw sa buong pangalan n'ya.
Sa sobrang gulat nito sa pagkakasigaw ko at sa pagtawag pa ng buong pangalan n'ya mismo, bigla itong na out of balance ng magtangka itong magbigay ng high kick sa akin kaya hindi sinasadyang napatumba ito sa lupa ng di oras.
Then I grab the opportunity.
Iniilabas ko yung dala kong tali na nasa ilalim ng beach na inupuan ko kanina.
Sa totoo lang, inihanda ko na talaga ang sarili ko sa ganitong eksena at mabuti nalang girls scout ako, laging handa!.
Mabilis ang ginawa kong pagkilos, nang bigla ito tumayo mula sa pagkakatumba, agad ko na s'yang inikutan ng tali, hindi na s'ya nagkaroon ng pagkakataon na makaiwas. Nagsisigaw at pinagmumura n'ya pa ako tapos nagpupumiglas pa, pero sa huli, naitali ko naman s'ya ng maayos at pinaupo ko s'ya sa isang bench doon sa plaza.
" Wala kang galang bata ka! Pag ako nakawala dito! Patyon gyud tikang bataa ka! ( translation : Papatayin talaga kitang bata ka!) "
" Ali, parang wala mo na! Pakinggan mo muna kasi ako! Ako to si Susannah Lopez Alcantara! Ako yung kaibigan mo! Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin basta nasagasaan ako noong isang gabi tapos pag-gising ko, nasa katawan na ako ng batang ito! " paliwanag ko dito.
" Ha! Ano kamo? nasagasaan ka at pag-gising mo nasa katawan ka na ng batang iyan? " halos matawa ito sa sinabi ko, " Did you really think that I would believe such a story? Come on kid, I'm not that stupid! "
Of course, hindi s'ya maniniwala. Sino ba naman ang tangang maniniwala sa kwento ko?
But that is truly what happened!
Humugot muna ako ng malalim na hininga at syaka diretsong tinignan s'ya sa mata.
" Alejandro Fremotivo Purgatorio a.k.a Alec Sandoval, 21 years old, namatay ang mama mo sa panganganak sa'yo, leader ng sindikato ang Papa mo, ikaw ang bunso sa limang magkakapatid, lumayas ka noong 15 years old ka pa lang at napadpad ka sa Cebu kung saan tayo nagkakilala. Marunong kang gumamit ng baril and some other deadly weapon. Wala ka ng kontak sa pamilya mo at nagtatago ka sa mga ito kaya binago mo ang pangalan mo, well in the first place napapangitan karin naman sa pangalan mo kaya isa rin iyon sa mga dahilan. Ikaw ang gumawa ng fake documents para sa requirements ko sa trabaho dahil hindi ako napagtapos ng pag-aaral at required sa kanila ang college graduate…at ano ba pa, uhm, hacker ka rin tapos fake rin yong documents na ipinasa mo sa employer mo para makapasok ka sa bangkong pinagtratrabahuan mo ngayon…" Halos pigil yung hininga ko dahil diri-diretso yung pagkakasabi ko sa kanya " At lahat ng binanggit ko sa'yo ngayon, ako lang ang tanging tao ang nakaka-alam dahil ako lang naman ang sinabihan mo tungkol d'yan at syempre, ako lang rin naman ang kaibigan mo."
Seryoso lang na nakatingin sa akin si Ali matapos kung sabihin lahat ng iyon.
" Hindi, hindi parin ako naniniwala…Pwede naman sabihin ni Susie ang lahat ng iyan sa'yo." sabi nito.
I silently curse under my breath.
" Ali naman eh! Alam mo naman na kahit tutukan pa ako ng baril hinding hindi kita ilalaglag at hindi ko rin basta basta ipag-sasabi ang mga iyon! Alam mo naman ikaw lang rin ang nag-iisang kaibigan ko diba? at ikaw lang rin ang mapagkakatiwalaan ko!"
He didn't say anything and just looked at me with his cold eyes.
Kainis naman ehh! Halos lahat na yata nasabi ko na!
Pero natigilan ako bigla.
May isa pa akong bagay na hindi sinasabi dito.
Napakagat ako ng kuko sa mga daliri ko. Isa ito sa mga habit ko na hindi ko na mamalayang nagagawa ko na pala, nagagawa ko lang ito kapag hindi ako sigurado sa isang bagay o kapag kinakabahan ako ng sobra.
Alanganin akong tumingin kay Ali tapos siya naman, tinignan ako lang ako ng nakakamatay.
Ito na ang huling alas ko para maniwala sa akin si Ali, pag hindi parin ito naniwala, wala na akong magagawa. Actually, malaking 'taboo' ang topic na ito para kay Ali at alam kong kapag nabanggit ko ito sa kanya...
It would hurt him so much and the last thing I want is to see him in pain.
Pero kailangan ko talaga s'ya sa mga panahong ito.
Sorry for being Selfish… I'm very sorry, Ali.
Napalunok muna ako bago nagsalita.
" N-Nakapatay ka na…" mahinang sabi ko habang nakapikit ng mariin, hindi ko man nakikita ang itsura si Ali, ramdam ko naman na natigilan ito bigla, ng hindi parin ito nagsalita, nagpatuloy ako. " Napatay mo si---"
And then he immediately cut me off.
" Stop!, please stop right there…"
Napadilat ako bigla at nakita ko itong sunod sunod ang ginawa nitong paghinga, nakapikit lang ito ng mariin na para bang pinapakalma ang sarili tapos maya maya, dumilat ito at tinignan ako.
" So, ano na? uhm, naniniwala ka na ba sa akin? " alanganin kong tanong dito.
There was a silence first before he answered.
" Naniniwala na ako sa'yo... I don't know what happened, but now I know, that you are really Susannah..." he said, then continued " At alam kong kahit mamatay ka Susie, hinding-hindi mo sasabihin 'yan sa iba."
Matapos n'yang sabihin yun niyakap ko s'ya bigla. " I'm very sorry Ali, I shouldn't have said that."
" It's okay, I understand... now please, untie me, woman.." he said, but I know that he is not angry anymore.
I'm so glad, Ali finally believe me.