Chereads / Chasing Her Smile / Chapter 19 - RiChase The New Cat and Dog

Chapter 19 - RiChase The New Cat and Dog

"Salamat sa pagkain...." Ang sambit nila Ricai at Belj habang naka masid lang naman si Chase kay Ricai dahil natutuwa syang masayang nakain ito.

Kinulbit naman ni Belj si Chase "boss, bakit di kayo kumakain?"

"Busog na ko makita ko lang syang kumakain."

Belj smirked and he thought "huh! Ibang klase talaga ang tama ng isang ire kay Miss. Malala na sya."

Napansin naman ni Ricai na nakatingin sa kaniya si Chase kaya napahinto sya sa pagkain "anong tinitingin tingin mo dyan?!"

Pandalas namang kumain si Chase para umiwas kay Ricia "si—sino namang nakatingin sayo? Wag ka ngang feelingera diyan."

"Tsss... Whatever..."

Nang bumalik sa pagkain si Ricai bumalik na ulit sa pag titig itong si Chase habang sya'y nakain rin.

Makalipas ang ilang minuto nag serve na ng dessert yung crew ng favorite ni Ricai ang bingsu isang uri ng sweets na mula Korea...

"Wow!!!" Ang reaction ni Ricai at masayang reaction naman ang naging expression nung dalawa sa kaniya.

"Miss, paborito n'yo po?"

"Um. Grabe ang tagal ko ring di nakakain nito. Tagal ko na kasing wala sa bangko kaya sobrang na miss ko ito kaya I need to take a pic its a food art kasi. Emeged ang ganda niya parang ayokong kainin."

"Edi wag mong kainin titigan mo nalang at i-display." Ang sabi naman ni Chase habang kinukuhanan naman ni Ricai yung mango bingsu nya ng picture.

"Kahit kailan talaga basag trip ka eh. Oh, bakit wala pala kayong dessert?"

"Ah... kasi Miss hindi naman ako mahilig sa ganyan si Boss naman bawal pa lam mo na may tahi sya."

"Ay, oo nga pala tsaka baka ako pa sisihin ng isang yan kapag sumama ang pakiramdam nya."

"Naririnig kita."

"Eh ano naman? Bleeh..."

Chase smirked and napangiti rin siya nung sinimulan ng kainin ni Ricai yung bingsu nito "oh my, kinikilig ako sa sarap..." kumuha sya ng konti para ipatikim kay Belj "sige na tikman mo ang sarap di ka magsisisi."

"Ah...eh kasi Miss..."

Tumayo ng bahagya si Chase at sya na ang kumain ng ibinibigay ni Ricai kay Belj "bakit ikaw?! Kay Belj ko inalok at hindi sayo!"

"Bakit? Ako naman mag babayad n'yan ah kaya ako dapat bigyan mo."

"Haysss... epal!"

Napatingin naman si Chase sa pag subo ni Ricai ng kutsara kasi naisip nya na parang nag indirect kiss silang dalawa.

"Ahem... bilisan mo nga dyan gusto ko ng umuwi."

"Tsss... KJ ang dami nito ano gusto mo? ubusin ko ng 1minute lang? Kauma!"

Hinawakan naman ni Chase ang kamay ni Ricai na may hawak ng kutsara at nag scoop ng bingsu at kumain ulit.

"Hoy!"

"Oh, bakit na naman tinutulungan na nga kitang maubos yan."

"Pero bawal nga sayo!"

"Ayos lang yan konti lang naman sige na subuan mo pa ko."

Nagalit si Ricai kaya pabagsak nyang ibinaba ang kutsara nya "THUD!" Na ikinagulat naman nung dalawa tapos tumayo si Ricai.

"Sa— San ka pupunta?"

"Sa cr ayoko ng kumain! Kainis."

"Hoy!!!"

At umalis na nga si Ricai at hindi pinansin si Chase.

"Anong problema nun?"

Kinuha naman ni Belj yung bingsu at nag scoop ng para sa kaniya dahil curious sya sa lasa nito "ginalit n'yo eh tapos tatanong nyo kung anong problema nya?"

Nanlaki naman ang mga mata ni Chase ng isusubo na ni Belj yung bingsu tapos kutsara ni Ricai ang gagamitin nito kaya dali-dali nyang inagaw at sinubo ito sa sarili nya.

"Bumili ka nalang ng sayo treat ko sige na."

Belj made a facepalm "wala na suko na ko sa kaniya." Ang pabulong nyang sambit.

"."

Nakauwi na sila Chase sa condo at nag paalam na rin si Belj para umuwi pero hindi pinapansin ni Ricia si Chase.

"Ano na naman bang problema ng babaeng yon? Bakit kaya di nya ko pinapansin simula nung umalis kami ng Restaurant?" Ang sambit ni Chase habang nakahiga sya sa kama nya at hindi na nga nya namalayan na nakatulog na sya at gabi na nung na gising sya.

"Eh? 8pm na pala pero dapat 7pm naka inum na ko ng gamot ah, ni hindi man lang ako ginising ng babaeng yon?! Hindi na tama ito ako parin ang Boss nya!"

Tumayo sya at nag tungo sa kwarto ni Ricai...

"Knock! Knock!"

"Buksan mo ang pinto!"

Pero walang na sagot at nag bubukas ng pintuan para kay Chase.

"Kapag di mo binuksan to i-aadd ko yung kinain mo kanina sa resto sa utang mo!"

Kaya mabilis naman syang pinagbuksan ng pintuan ni Ricai at hindi maipinta ang itsura nito ng makita nya.

"Ano na naman ba ang kailangan mo kamahalan?"

"Kailangan ko pa bang sabihin? Alam mo ba kung anong oras na?"

"Ano naman ngayon? May relo rin ako kaya malamang alam ko ang oras!"

"Huh! Ano naman ngayon? 8pm na at iinum ako ng gamot 7pm! Ni hindi mo man lang ako binigyan ng gamot ko?!"

Ang sama ng tingin ni Ricai sa kanya habang papalapit "una, hindi ako ang nurse mo! Pangalawa, may kamay ka at nasa tabi lang ng kama mo ang gamot mo may tubig ka na rin don! Dahil nakakahiya naman sayo!"

At nung pangatlo na ang sinabi ni Ricai ni wall thump nya Chase "pangatlo, you ain't let me finish my bingsu! Tapos aartehan mo ko ng ganyan?! Gusto mong..."

Hindi naman na ituloy ni Ricai ang sinasabi nya dahil na realized nya na sobrang lapit na pala nya kay Chase "cough... o—okay sige ku— kunin ko lang ang gamot mo. Do— Don't move..."

Napatid siya sa paa ni Chase kaya muntik na syang bumagsak pero nahawkan sya nito agad kaya di sya tuluyang bumagsak.

"Bulag ka ba? Matuto kang tumingin sa dinadaanan mo." Ang naiinis na sambit ni Chase at itinayo nya ng ayos si Ricai.

"Humph! Kasi naman ayaw mong iayos yang paa mo." At pandalas na syang umiwas kay Chase at nag tungo sa kwarto nito para kunin ang mga gamot.

Pangiti ngiti naman si Chase na para bang kinikilig naka tingin pa sya sa kamay nyang humawak sa bewang ni Ricai...

"Anong ginagawa mo?" Ang bungad ni Ricai na may dalang gamot ni Chase.

"Ha? A... Ano wa— wala..."

Pandalas naman ng tago ng kamay niya itong si Chase pero duda si Ricai kaya ang sama ng tingin nya dito "maupo ka na para makainum ka na ng gamot. Kamahalan! Humph!!"

"Pero gusto ko munang kumain."

"Ano? Di ba nakakain na tayo sa labas?"

"Kanina pa yon! Kaya gutom na ko!"

"Tsss... ang bisyo mo! Mag antay ka magluluto lang ako."

"Gusto ko ng chicken pastel."

"Ano? Mag adobo nga ng manok di ako marunong tapos pastel pa? Mag drawing nalang ako tapos kukulayan ko ng color pastel. Tapos kainin mo!"

"Aba't sumasagot ka na talaga!"

"Humph!"

"Bilis umorder ka ng kakainan ko!"

"Humph! Mag intay ka! Ano bang gusto mo kamahalan? Kainis!"

"Bingsu."

"Ano?"

"Bingsu nga! Binge ka?!"

"Pe— Pero bawal sayo yon."

"Hindi naman para sakin eh para sayo."

"Hmm? Sabi mo nagugutom ka?"

"Makita lang kitang kumakain parang nabubusog na rin ako."

"H— Ha?"

"Cough... don't get me wrong wag kang assuming diyan gaya nga ng sabi mo hindi pa pwede sakin ang ganon kaya papanoodin nalang kitang kumain."

"Ano? Bahala ka pero favor naman sakin kasi makakain ulit ako ng bingsu. Kaya sige diyan ka na kukunin ko muna ang phone ko para maka order na ko. Ciao!"

At masayang masaya nga ng pumasok si Ricai sa room nya at kinalinutan nya ng painumin ng gamot si Chase "huh! Iba din talaga sya eh ang babaw ng kasiyahan nya simpleng dessert lang masaya na sya sana nga simpleng dessert lang ang pwedeng maging sagot sa lahat ng problema."

"Ring... Ring..."

May biglang tumawag sa phone ni Chase...

"Oo ako nga si Chase Alcantara. Sino to?"

"Hindi mo na kailangan pang malaman pero tandaan mo wag mong iiwang mag isa si Ricai kung ayaw mong mawala sya sa tabi mo." Ang sagot nung tumawag kay Chase na boses lalaki.

"Bakit? Sino ka ba? Bakit kilala mo si Ricai? Hello?"

At biglang nag hang up na yung kausap ni Chase...

"Hello? Hello? Hello!!! Bwiset!"

Tinawagan agad niya si Belj para matrack yung number na tumawag sa kaniya.

"Oo sa tingin ko gumamit rin sya ng voice changer para hindi mahalata ang boses nya."

Belj: Sige po Boss ako ng bahala.

Chase: Siguraduhin mong matatrack mo agad yan bago mag umaga.

Belj: Wag kayong mag alala tatawagan ko agad kayo kapag may nalaman ako.

Salamantala...Sa kabilang condominium kung san tanaw ang condo unit nila Ricai at Chase sa di kalayuan naka tanaw ang babaeng nanggaling sa hospital kung saan naka admit ang lolo ni Chase na si Don Arnulfo.

"Oo nagawa ko na hindi ako matetrace ni Chase wag kang mag alala." Ang sambit nung babae sa kausap nya sa phone.

"Siguraduhin mo ring walang mangyayareng masama sa Chairman ako ng bahala kay Fernan."

***

Kinabukasan...

Maagang nag bihis ng pang alis si Chase at paalis na ito ng makita sya ni Ricai...

"Oh? Aalis ka?"

"Oo at sasama ka."

"Ano? Nasisiraan ka na ba ng bait? Eh hindi ka pa okay bakit ka aalis? At saan tayo pupunta?"

"Wag ka ng maraming tanong sumama ka nalang sakin bilisan mo at mag bihis ka na."

"San nga kasi tayo pupunta? Napaka formal ng suot mo mag ni-ninong ka ba sa kasal?"

Pinitik naman ni Chase ang noo ni Ricia at sinabing "wala pa ko sa 40's para maging ninong sa kasal gusto mong dagdagan ko yang utang mo?"

Bigla namang nag iba ang mood ni Ricai at inayos naman nya ang necktie ni Chase "alam mo bagay naman talaga sayo ang suot mo eh ayusin natin yang tie mo tabinggi. Ha... Ha... Ha..." at kumaripas ng takbo si Ricai sa kwarto nya.

"Tsss... ang bilis din talaga mag iba ng mood ng isang yon."

"Naririnig kita!!!"

"Tsss... bilisan mo diyan within 5minutes aalis tayo! Kung ayaw mong mag add aking 10k sa utang mo."

"Ewan ko sayo, baliw!"

"RICAILEE!!!"