Chereads / Chasing Her Smile / Chapter 25 - Bad Timing

Chapter 25 - Bad Timing

Isinama ni Don Fernan si Ysmael sa site kung saan may mga nag lalakihang mga bahay ang ginagawa.

"Mamaya isasama kita sa factory natin para naman malaman mo ang mga ginagawa roon."

"Sige po Uncle. Pero hindi po ba ang bahaging ito ay dating gubat?"

"Sa panahon ngayon hindi na natin kailangan ng kagubatan kung ang pera ang nag papatakbo sa mundo."

"Pero Uncle hindi po ba ayaw ni Chase na may gagalawin kayong mga puno? Paano po ito?"

"Wag mo syang intindihin dahil hindi sya marunong sumunod sakin."

"Ano pong balak nyo?"

"Simula ngayon ikaw na ang mamumuno dito ibibigay ko sayo ang lahat ng ito."

"Po?"

May ibinigay si Fernan na brown envelope kay Ysmael "ano po ang bagay na ito?"

"Yan ang kasulatan na mag papatunay na sayo ko ibinibigay ang La Elmundo."

"Po? Pero hindi po ba kay Chase ibinigay yon ni lolo?"

"Wag mo ng alalahanin yon dahil hangga't buhay ako walang mapupuntang yaman ng mga Alcantara kay Chase."

"Ano po ang ibig nyong sabihin sa walang mamana si Chase?"

"Malalaman mo rin sa takdang panahon. Sa ngayon, gusto kong gawin mong lahat ng sinasabi ko kung gusto mong tumagal bilang Alcantara."

"Yes Uncle."

"That's my boy kung gusto mong lagi kang nasa taas wag mong isipin ang mga taong matatapakan mo yan ang Alcantara."

Iniisip ni Ysmael kung bakit ganun nalang ka galit ang uncle Fernan nya kay Chase kaya naman upang malaman nya sumangayon nalang sya sa lahat ng mga sinasabi nito kahit alam nyang hindi naman talaga legal ang business ng pamilya nila.

***

Konting oras lang ang na iuna nila Chase bago dumating sila Ricai knaya naman nag mamasid sila sa dalawa.

"Uncle Ninong, kala ko po ba kakain po tayo dine bakit nag tatago po tayo dito sa halaman?"

"Ha? Hi—Hindi naman tayo nag tatago gusto ko lang i-check kung maganda yung halaman dito para kasing maganda mag papalagay rin ako sa condo."

Belj smirked and he whisper "checking pala…"

"Naririnig kita Belj."

"Ha…Ha…Ha… Boss."

"Tsss… get table for us."

"Yes Boss."

At dali-dali namang umalis si Belj at patuloy na nag tatago sila Chase at Baby sa likod ng halaman.

"Hmm?" Ang reaction ni Ricai at nag pa linga-linga sya na parang may hinahanap.

"Is there something wrong?" Ang sabi naman ni Andy na napansing hindi sa kaniya naka focus si Ricai habang nag sasalita sya.

"Ano yon? May sinasabi ka?"

"Ang sabi ko kung may gusto ka pang orderin."

"Ah…. No—Nothing kung ano nalang ang sayo ganun na rin ang sakin."

"Gaya ka parin ng dati ayaw mo sa crowded."

"Ah… hindi naman para kasing may na sunod satin."

"Eh?" at nag pa linga-linga na rin sya at hinahanap ang hinahanap ni Ricai "parang wala naman akong nakikitang kakaiba. Gusto mo bang lumipat tayo ng resto?"

"Hi—Hindi na ayos na ko dito tsaka naka order ka na nakakahiya naman."

"Okay."

"Ahm… nga pala yung tungkol kay Babygirl."

Napahawak naman sa kamay niya si Andy at nagulat sya roon "wag ka ng mag alala ako ng bahala sa kaniya kaya wag nyo na syang ilipat nag school kawawa naman."

Dahan-dahan namang iniaangat ni Ricai ang kamay nya habang hawak sya ni Andy "Ah… Ha… Ha… Ha… actually hindi naman talag ako ang mag dedecide kung hindi si Chase."

Napatingin naman si Andy sa pag alis ng kamay nya sa kamay ni Ricai "ahh… Si Mr. Alcantara pala. Ahm… pwede bang mag tanong?"

"Hmm?"

"Anong relasyon mo sa kanya?"

"Ah… A---Ano…"

"Totoo bang girlfriend ka nya?"

"A… Ano kasi… Si Chase kasi at ako ay mag…"

"Asawa ko…" Bungad ni Chase kasama si Baby.

Sa sobrang kaba dahil hindi alam ang sasabihin na gulat si Ricai sa pag bungad ni Chase kaya na gaya nya nang sinabi nito "oo asawa ko…" at napatingin sya kay Chase kaya binawi nyang agad ang sinabi kay Andy "hi—hinde… hindi kami mag…"

Sumenyas naman si Chase kay Ricai para umayon ito sa kaniya na sabihin kay Andy na may relasyon sila pero biglang may dumating na order "wow… Uncle I'm hungry na po."

"Ah… O—Oo Baby kakain na rin tayo intayin lang natin si Belj."

Bigla namang sumingit si Andy "here, you can eat mine Baby."

"Talaga po teacher?"

"Yes, come here sit with me."

"Hindi na pasensya na sa istorbo halika na Baby sa iba nalang tayo kumain."

"Pero Uncle…"

"Halika na."

Napatingin naman si Ricai sa nakakaawang si Baby "hayaan mo na muna syang kumain halika dito Baby itong sakin nalang ang kainin mo sige na Andy ako ng bahala sa kaniya kumain ka na."

"O—Okay… pero paano ka? Eat me…"

"ANO?!" Ang pa sigaw na sambit ni Chase.

"I… I mean eat my mine as in food…"

Chase smirked then she held the right hand of Ricai "let's go home."

"What? Chase tumigil ka nga na pag usapan na natin ito."

"Kapag hindi ka sumama samin ni Baby wag ka ng umuwi ng condo."

"Chase! You not being fair!"

Nakisingit naman si Andy "Ri—Rica… mag kasama kayo sa iisang bubong?"

"Ha? A—Ano kasi… Andy let me explain."

Ang sama naman ng tingin ni Chase kay Ricai "you don't need to explain to him! Halika na!"

Nag pumiglas naman si Ricai "bitawan mo ko!"

"Rica!!!"

Kinuha na ni Ricai ang bag nya at lumapit kay Andy "umalis na tayo dito." Hinawakan nya ang kamay ni Andy at umalis pero bago sila umalis pinigilan pa sila ni Chase "Ricai!!!"

"I had enough Chase! Pagod na kong intindihin yang ugali mo!" Then she walked out with Andy.

"Tita Rica!!!" Ang pahabol na sambit ni Baby na pinigilan naman ni Belj.

"Hayaan mo na muna sya Baby."

"Pero tito Belj… baka hindi na umuwi sa condo si tita Rica."

Napatingin naman si Belj kay Chase na nakatulala lang "sigh… hayaan mo uuwi rin yon hindi ka naman nya matitiis."

"Sigurado po kayo?"

"Oo Baby."

Pero sinabi nya lang yon kay Baby para hindi na mag alala yung bata pero ang totoo hindi na rin nya alam ang nangyayare dahil this time galit na galit na si Ricai kay Chase.

"Bo—Boss… may nakuha na po akong table."

"Sige, umoder ka na at pakainin mo si Baby aalis na muna ko."

"Ho? Saan po kayo pupunta?"

Hindi naman sya sinagot ni Chase at iniwan na sila ni Baby sa restaurant.

"Boss!!!"

"Tito Belj, gutom na po ko bakit naman kasi inaway pa ni Uncle Ninong si tita Rica eh."

"Hayaan mo na muna sila. Sige na anong gusto mong kainin?"

"Fried chicken po."

"Ah… sige Baby maupo ka lang muna dyan ha? At hihingi tayo ng menu." At sa isip-isip nya "fried chicken lang pala gusto ng batang ito dito pa sa mamahaling restaurant na ito kami kakain."

At pag dating nung crew na nag bigay ng menu sa kanila "ano? Hindi pa bayad ang inorder nila?" Ang pagulat na sambit ni Belj dahil hindi pa pala na bayaran nila Ricai ang inorder ni Andy.

"Yes Sir, kala po kasi namin kasama nila kayo kaya hindi na namin sila hinabol."

"Anak nang! Magkano ang inorder nila?"

"2500 po ang lahat ng yan kasama na rin po ang dessert gusto nyo po bang i-serve na namin?"

"Ha? 2—2500?"

Bigla namang nanlambot ang tuhod ni Belj kaya napa upo sya sa sobrnag laki ng price na narinig nya "tito Belj…. You okay?"

"Ye—Yes…"

"Sir, may gusto pa po ba kayong orderin?"

"Wala na!!!"

"Pero tito Belj I want fried chicken."

"Ah… O—Oo sige."

Hindi naman malaman ni Belj ang gagawin nya kaya napa iyak nalang pag alis nung crew na kumuha ng dagdag pa nilang order "tito Belj are you crying?"

"Ha? Hi—Hindi naman Baby ang saya… Oo ang saya ko…. Ha…Ha…Ha…"

Pero sa deep inside gusto nalang nyang mag pakain sa lupa.

***

Gabi na at wala pang balak na umuwi si Ricai sa condo nila kaya niyakag sya ni Andy na sumama sa apartment nya at sumama naman sya rito.

"Pasensya na medyo makalat hindi pa kasi ako nakakapag ayos kalilipat ko lang kasi dito mga 2weeks siguro." Ang sabi ni Andy at nag bigay ng maiinum na tubig kay Ricai.

"Ah… nako hindi ayos lang malinis naman eh at sobrang spacious." Inilagay naman muna ni Ricai ang baso ng tubig sa lamisita doon sa sala ni Andy kung saan sila naroon.

Napatingin naman si Andy sa baso ng tubig na ibinigay nya kay Ricai dahil hindi ito ininom "ahm… uminom ka muna baka na pagod ka sa pag lalakad natin medyo malayo kasi ang apartment ko sa main gate."

"Hindi na ayos lang ako sisiw lang sakin ang pag lalakad."

"Ah… Ga—Ganun ba… Maupo ka muna ikukuha lang kita ng makakain."

Naupo naman si Ricai sa sofa pero hindi nya na pinakuha ng pagkain si Andy "oo ayos lang ako busog pa naman ako sa kinain natin kanina."

"Ah… Oo nga kahit ako busog pa rin."

"Ayoko lang talaga munang umuwi."

Naupo naman sa malapit kay Ricai si Andy "ahm… kung gusto mo dito ka nalang matulog."

"Ha?"

"I--- I mean kasi sabi mo ayaw mo pang umuwi."

"Oo pero hindi ko naman pwedeng iwan si Baby kay Chase."

"Malapit ka talaga kay Baby ano?"

"Oo kasi ako nag papatulog sa batang yun eh."

"Pero wala kayong relasyon ni Chase?"

"Like what I have said earlier hindi kami pero parang kami mahirap ipaliwanag problema kasi yon."

"Bakit hindi mo sabihin sakin malay mo matulungan kita."

"Salamat pero away kasi ng pamilya namin ito."

"Ohhh…"

Lumapit naman si Andy kay Ricai "pwede ba akong manligaw sayo?"

Kinuha naman na ni Ricai ang baso ng tubig na ibinigay sa kaniya ni Andy at ininom at naubos pa nito.

"Li—Ligaw?" umuusod naman siya dahil lapit kasi ng lapit sa kaniya si Andy.

"Oo, sorry kung ngayon ko lang na sabi pero matagal na kitang gusto."

Nakakaramdam naman ng biglang antok si Ricai "you okay?"

"Yah… para kasing bigla akong inantok."

Hindi na nga napigilan ni Ricai ang antok kaya dumantay muna sya sa arm ng sofa "sorry pero tulog lang muna ako dito kahit 10minutes lang."

Andy smirked "okay lang kahit dito ka na mag palipas ng gabi."

"Hi—Hinde. Kailangan kong umuwi sa...."

Hindi na nga naituloy ni Ricai ang sinasabi nya dahil tuluyan na syang nakatulog "I missed you so much my loves hinding hindi ko na hahayaang mawala ka pa sakin." Ang sabi ni Andy habang hinihimas ang pisnge ni Ricai at binuhat nya pa ito pa punta ng kwarto.

At sa labas ng apartment ni Andy nandun si Chase na nag tatago sa isang puno…

"Bwiset! Kanina pa sila na sa loob bakit hindi pa sila nalabas?"

May bigla namang lumapit na dalawang babae kay Chase "hi, ikaw ba si Chase yung sikat na chef?" Ang sabi nung isang babae na kinikilig kilig pa.

"Ah… He—Hello?"

"Oh my!!! Sya nga."

"Ahm… pwede bang mag tanong?"

"Ano yon? Kahit ano basta ikaw pwede bang mag picture kami sayo?"

"O—Okay lang pero mag tatanong muna ako ha?"

"Sige."

"Yung nakatira ba dyan kilala nyo?"

Nagkatinginan yung dalawang babae at sinabing "hindi bagong lipat lang kasi yun dyan."

"Ohh… ahm… anong balita nyo sa kaniya?"

"Ang sabi teacher daw yan pero nasa loob raw ang kulo."

"Hmm?"

"Oo kasi isang beses kasi may iniuwi yang babae dyan tapos nung lumabas parang wala na sa sarili."

"Talaga??"

"Um. Totoo yon maniwala ka ngayon nga may iniuwi na naman daw na babae sana lang wala syang gawin dun."

"Si Ricai…"

"Sino?" Anila.

"Ahm… Pwede bang tulungan nyo ko?"

"O—Oo sige."

"Tumawag po kayo ng pulis at tulungan nyo kong makapasok sa apartment na yan."

"Ha?"