Ikatlong araw ng makauwi si Chase sa condo nila ni Ricai....
"Yes Miss babalik nalang po ako bukas ng umaga para bisitahin kayo ni Boss umorder na rin po ako ng pang hapunan n'yo para di na kayo mag luto." Ang sabi ni Belj kay Ricai na nakasalagmak sa sofa na para bang hinang hina.
"Okay sige salamat..."
"Sige po alis na ko. Wag kayong mag alala dahil may nakabantay sa inyo dito 24/7."
"Yah... okay..."
Napansin naman ni Belj na walang energy si Ricai kaya umalis na sya para makapag pahinga na rin ito.
"Makatulog nga muna antok na antok na ko bwiset na Chase kasi yun na puyat ako kaka utos nya kala mo naman wala ng bukas gusto lagi tuwing hating gabi gising ang buong sambayanan kaloka." Sambit ni Kelly habang kinuha ang throwpillow para gawin nyang unan at mabilis nga syang nakatulog at nung nasa kasarapan na sya sa tulog tsaka naman nag buzz itong si Chase.
May costumize buzzer si Chase na ipinagawa ni Belj dahil nga bagong opera ito at di pa kayang gumalaw ng ayos.
Pa pungat-pungat pa ang mata ni Ricai ng pumasok sya sa kwarto ni Chase "ano pong kailangan n'yo kamahalan?" Then she yawn.
"Gusto ko ng tubig bilisan mo nauuhaw na ko."
Ricai smirked "yun lang po ba? baka may ipag uutos pa po kayo sabihin n'yo na...kung ayaw n'yong masampiga ko yang tahi n'yo sa tyan." Ang naiinis nyang sambit pero yung huli nyang sinabi mahina lang yon na para bang ito ay pa bulong-bulong lang.
"Wala na bilisan mo at nauuhaw na ko."
"Opo eto na."
Nang makainom naman si Chase nagutom naman sya kaya inutusan nyang muli si Ricai na kumuha ng makakain sa ref pero wala itong laman kung hindi tubig lang at itlog at maraming noodles sa may pantry nila.
"Kainis bakit kasi puro noodles ang nandine? Kala ko ba nag groceries na ang tukmol na yon?"
"Hoy Ricai!!!"
"Oo andiyan na! Kainis talaga."
Pumasok namang muli si Ricai sa kwarto ni Chase at ang dala nya lang ay isang balot ng biscuit "ano? Nagugutom ako at bago akong opera gusto mong yan lang ang kainin ko?"
Pabulong bulong naman si Ricai "sinabi na ngang wala pa yung order na pagkain tatanong nya pa kung bakit yun lang? Buraot talaga ang isang ito kahit kailan."
"Ricai!"
"Ano?! Sabi ko naman kasi sayo intayin mo nalang yung inorder na pagkain ni Belj! Nang hindi ka diyan nag rereklamo!"
"Oo nga ang sabi ko buksan mo yung biscuit paano ko mabubuksan yan maga pa nga ang kamay ko."
"Ah... O— Oo sige."
Dahil sa swerong tinggal kay Chase medyo maga pa ang kanang kamay nito kaya kapag nakain sya ay sinusubuan sya ni Ricai o kaya naman ni Belj pero madalas pa rin ay si Ricai.
"Oh? Anong gusto mong gawin ko? Biscuit nalang yan hindi mo pa ba kaya ng ikaw lang? Baldado ka ba? Sobrang pahirap ka namang lintek ka!" Ang galit na galit na sambit ni Ricai pero hindi nya iyon sinabi ng rekta kay Chase dahil iniisip nya lang ang nga linyang iyon.
"Tubig, ano gusto mong mabulunan ako?"
Sa isip-isip ni Ricai "sana nga mabulunan kang bwiset ka."
Nang makainom naman si Chase hinila nya ang buhok ni Ricai "a— ano na naman bang kailangan mo?"
"Paano kapag sinabi kong ikaw? Ibibigay mo ba ang sarili mo?"
Napaatras si Ricai at tinangka niyang sampalin si Chase pero napigilan sya nito "pervert!"
"Pervert? Gusto mo ba talagang makita kung ano ang pervert?"
Hinila nya papalapit sa kaniya si Ricai at hinalikan nya ito ng pwersahan "bastos!"
At sa pagkakataong iyon na sampal na ni Ricai si Chase at nagtatakbo sya papalabas ng silid.
"Napaka bastos nya talaga! I hate him!!!!" Ang galit na galit na sambit ni Ricai at nag tungo na sya sa kwarto nya at hindi na nag pakita kay Chase ng gabing iyon.
"."
Madaling araw nakaramdam ng gutom si Ricai kaya lumabas sya ng kwarto nya at nag tungo sa kusina ng biglang "KABANG!"
May kumaluskos na kung ano sa kusina kaya humanap si Ricai ng pwede nyang gamiting pang dipensa kaya ang kinuha nya ay ang vase ni Chase na nag kaka halagang 550k.
Dahan-dahan syang lumapit sa kusina at pinukpok nya yung lalaking nakita nya sa may table at nung napukpok nya ito nawalan ng malay yung lalaki pero laking gulat nya na ang lalaking yon ay si "Cha— Chase?"
***
Kinabukasan ang agang nag tungo ni Gino sa condo nung dalawa pata bisitahin si Chase at na check up na rin ang ulo nito na pinalo ni Ricai.
"Bakit naman kasi nagtatago ka habang nakain? Hindi ba sabi ko sayo hindi ka pa pwedeng mag lakad ng mag lakad baka mamaya bumuka yang tahi mo." Ang sambit ni Gino kay Chase na naka higa sa kama nya at ang sama ng tingin kay Ricai na naka upo lang doon sa sofa sa loob ng kwarto ni Chase pero naka tungo animo'y hiyang hiya sa ginawa nya.
"Paano may isa kasi diyan na walang pakialam sakin hindi nya na isip na iniligtas ko naman ang buhay nya tapos hindi nya ako inaalagaan!" Ang nag pa parinig na sambit ni Chase.
"Sighhh... tama na nga yan inumin mo sa tamang oras ang mga gamot mo kapag may sumakit o nag dugo yang sugat mo tawagan mo lang ako o kaya si Belj para madala ka na agad sa hospital."
"Okay."
"Oh sya, kailangan ko ng umalis at may kailangan pa akong asikasuhin sa hospital."
Nag paalam naman si Ricai kay Doc Gino bago ito lumabas "huh! Ano kaya yun? Bye Doc Gino ingat po kayo." Ang nag iinarteng sambit ni Chase na ginagaya mag salit si Ricai. "Biglang nag ka brace ah kahit walang braces bakit gusto mo si Gino?"
Hindi naman kumibo na itong si Ricai at tinitigan lang ng masama si Chase.
Sa isip-isip ni Ricai "kung hindi lang talaga kasalanan ang pag patay baka hindi na ko makaramdam ng awa sa bwiset na ito."
"Matulog ka na." Ang sabi ni Chase kay Ricai.
"Ha?"
Nag talukbong ng kumot si Chase para maiwasan si Ricai "nung problema mo? Bahala ka, mag buzz ka nalang kapag may kailangan ka."
Umalis naman na si Ricai at tinggal naman ni Chase ang kumot nya at napangiti.
***
Nag punta si Belj sa mansion ng mga Alcantara na hindi namamalayan ni Don Fernan o ni Eulla.
"Ayos!" Ang masayang sambit ni Belj na dumaan sa may balcony ng kwarto ni Chase.
"Ibang klase rin itong si Boss pati ang binta may code." Dagdag pa ni Belj pag pasok nya ng kwarto at hinanap agad niya ang mga papeles na iniutos sa kaniya ni Chase.
Habang nag hahanap naman si Belj may narinig syang kakaibang tunog na parang may gustong pumasok sa kwarto ni Chase.
"Sabi na hindi mapagkakatiwalaan ang isang ito." Ang pabulong bulong na sambit ni Belj na naka tingin sa monitor sa loob ng kwarto ni Chase at nakita nyang tinatanggkang buksan ni Eulla ang kwarto ng Boss nya.
"Huh! As if naman makakapasok sya."
Bigla namang narinig ni Belj ang pag bukas ng lock ng room ni Chase.
"Nalintikan na hindi lang pala kerida ang isang ito technician pa paano nya na buksan ang pinto? Bwiset kailangan ko ng makaalis dito bago nya pa ko makita."
Nakalabas naman na sa may balcony si Belj kung san sya dumaan bago pa makapasok si Eulla sa kwarto ni Chase.
"Huh! Walang kwenta mabilis ko lang na napasok ang kwarto ng Chase na yon." Ang sabi ni Eulla hindi pa naman noon umaalis ng tuluyan si Belj tinitignan nya pa kung anong gagawin nito.
"Hindi ko akalain na ganitong kalaki ang room nya dapat pala sya nalang ang inatupag ko kesa ang hukluban nyang tatay."
Habang nakikinig naman si Belj nakita nyang humiga si Eulla sa kama ni Chase at inaamoy amoy pa nito ang unan ng kaniyang boss "ano sya pscho?" Ang pabulong na sambit no Belj.
Tumayo naman na rin agad si Eulla at nag bukas ng mga kabinet at may kinuha pa syang ilang relo ni Chase pati isang damit na inamoy amoy pa nito. Tapos napahinto ito dahil nakita nya ang picture ni Ricai at Chase sa isang picture frame "bakit sya ang pinili mo?! Bakit hindi ako???!!!" then she throw the picture frame doon sa basurahan.
"Diyan kayo nababagay sa basurahan!"
Nakita at narinig naman ni Belj ang lahat kaya ang sabi niya "may gusto sya kay boss?"
Napatingin naman si Eulla sa may bintana kaya lumapit ito "sinong nandiyan?" Aniya pero hindi naman nya nakita si Belj na nagtago sa may gilid at naka hang lang sya roon.
Dali-dali rin namang lumabas si Eulla ng kwarto ni Chase dahil nakita nya mula sa balcony na paparating na ang kotse ni Fernan "bwiset dumating na ang matandang hukluban. Sabi pa ni Eulla bago sya lumabas ng kwarto no Chase.
"."
Pagkagaling ni Belj sa mansion ng mga Alcantara nag punta agad sya sa condo nila Chase at Ricai.
"Boss? Tulog ka ba?"
Inangat ni Chase ang kumot nga ng nalaman nyang hindi si Ricai ang nag bukas ng pintuan "hinde, ano kamusta nakuha mo?"
"Yes boss eto po."
Iniabot ni Belj ang isang short brown envelope kay Chase "anong nangyare sa mansion nakita ka nila?"
"Hindi po boss pero ako nakita ko si Eulla na pumasok sa kwarto n'yo."
"Ano?! Paano nangyare yon? Eh fingerprint lang at face lock ko ang pwede don para mag bukas."
"Hindi ko po alam boss pero mukhang may hinahanap sya sa kwarto n'yo."
"Sigurado akong ipinaguutos ni dad na kunin ang mga papeles na ito."
"Ahm..."
"May problema?"
"Sa tingin ko po may ibang nag uutos kay Eulla at sa tingin ko hindi si Don Fernan ang taong yon."
"Ano ang ibig mong sabihin? Na hindi si daddy ang kakampi ng keridang iyon?"
"Base po sa nakita ko kanina parang ganun na nga po narinig ko rin habang nandun sya sa kwarto n'yo na may lihim syang pag tingin sa inyo boss."
"Huh! Baliw ang babaeng yon simula ngayon pa matyagan mo sya."
"Yes Boss. Nga po pala sabi ng Dr. Montoya nagkakaroon ng progress ang Lolo n'yo kaya may pag asa pa raw pong muling magising ito."
"Mabuti kung ganon wag na wag mong hahayaang may ibang papasok sa kwarto ni Lolo bukod sa doctor nya at sa mga nurses nya siguraduhin mo ring kapag nag pupunta doon si dad may titingin sa kaniya kahit ang kerida ni dad siguraduhin mong maayos ang kalagayan ni lolo."
"Yes Boss masusunod."
"Nasan si Ricai?"
"Po? Hindi ko po alam pumasok nalang po kasi ako dito wala po kasing nag bubukas ng pinto. Kaya ginamit ko po ang binigay niyong extra key card."
"Ano? Nasan ang babaeng yon? Bilis tulungan mo kong makatayo."
"Opo."
Nang makatayo si Chase nag punta agad sila sa kwarto ni Ricai pero hindi nila ito nakita.
"Bilis hanapin mo, tignan mo sa cr."
"Ye— Yes boss."
Pumunta naman si Chase sa may balcony pero wala doon si Ricia pero nakita nya ito sa isang sulok sa malaking cabinet ng damitan na walang malay "Ricai? Belj!!! Dito!!!"
Nakita ni Chase na walang malay si Ricai dahil inaapoy ito ng lagnat "pero Boss hindi n'yo po sya pwedeng buhatin baka bumuka ang tahi n'yo."
Ang sama naman ng tingin ni Chase kay Belj "siguraduhin mong hindi sya mahuhulog bilis ibaba mo sya sa kama tapos tawagan mo si Gino papuntahin mo syang agad dito."
"O— Opo Boss."
Lumabas naman muna si Belj pag ka higa niya kay Ricai sa kama para kumuha ng cold compress "paano ko naman ihuhulog si Miss? Sa tingin nya palang parang gusto na nya kong ibaon ng buhay. Bakit kasi ang sungit nya kay Miss tapos ngayon alalang alala naman sya. Haysss... ang hirap nyang intindihin!" Ang sabi ni Belj pagkalabas nya ng kwarto ni Ricai samantala alalang alala naman si Chase kinumutan nya agad ang nilalamig na si Ricai.
"Don't worry you'll be okay... please be strong Rica. Wag mo kong iiwan." Ang sambit ni Chase na hawak pa ang kamay ni Ricai.
"Wag!!! Wag kayong lalapit!!!" Ang sinasabi ni Ricai habang syang nag dedeliryo.
"Rica? BELJ!!! YUNG COLD COMPRESS!!!"
"Chase tulungan mo ko!!!" Dagdag pa ni Ricai na nanatiling nanaginip at nag dedeliryo sa mataas na lagnat.
"Rica, ayos lang andito ko wag kang matakot... BELJ!!!"
"Eto na po Sir sorry natagalan po ako sa pag hahanap ng ice bag n'yo." Ang bungad naman ni Belj at kinuha naman agad ni Chase yung cold compress at inilagay sa noo ni Ricai.
"Rica, andito ako hindi kita iiwan." Ang alalang alala na sambit ni Chase at nakatingin lang sa kaniya si Belj na para bang gulat na gulat sa boss nya dahil noon nya lang ito nakitang alalang alala.
"Belj, dalhin na kaya natin sya sa hospital?"
"Po? Pero boss papunta na po dito si Sir Gino."
"Pero si Rica kasi baka mapano sya baka dengue na yan baka kailangan na nyang salinan ng dugo."
Sa isip-isip naman ni Belj "ibang klase nilagnat lang kailangan ng salinan ng dugo? Lakas ng trip nito ni Boss."
"Belj buksan mo ang heater ng kwarto ni Rica para pag pawisan sya tapos kumuha ka ng maraming kumot para lalo syang pag pawisan naalala ko may napanood ako nun sa YouTube eh baka maging okay si Rica."
"O— Okay po? Pero Boss hindi po kaya sobra naman yon? Bubuksan ko na po yung heater tapos lalagyan n'yo pa sya ng kumot na napakarami? Baka naman po hindi na makahinga si Miss pag nagkataon."
"Nasan na ba kasi si Gino?!" Ang pagalit ng sambit ni Chase.
"Ta— Tawagan ko po ulit sandali lang po."
"Sige sabihin mo bilisan."
"Opo Boss."