Chereads / Under The Moonlight Completed / Chapter 24 - Chapter 20

Chapter 24 - Chapter 20

POLYAMOROUS

Lunes na lunes ay ang daming homework na pinapauwi ang mga teachers namin.

Badtrip! Tapos may long quiz pa sa history!

Kaya naging matandang dalaga si Miss Alajar eh!

Hindi nakamoved on sa past niya!

Nagpalit ako ng maikling cotton shorts at maluwag na tshirt na may mukha ni Katy Perry.

I love her so much talaga. Punom puno nang songs niya ang phone ko.

Nang makapagbihis ay kinuha ko na ang mga books at notebooks ko.

Nasagutan na namin nina Gia yong iba. Itong math lang talaga ang hindi ko maintindihan kahit anong gawin ko.

Nang mainis ay sumandal na ako sa upuan ko.

Sakto namang tumunog ang cellphone ko.

I reached for it and saw Coles name flashing on the screen.

Napangiti ako agad at sinagot ito.

"You home?"Namamaos ang boses na bungad ni Coles.

"Oo.. ahmm.. bakit?"Maliit na boses kong sagot.

I should act as a classy, well behaved and sophisticated woman like what Shanelle said. Yon daw kasi ang hilig ni Coles.

"I'm outside."

"Ha?!"Pasigaw kong tanong at napasilip sa bintana.

Nakita ko ang range rover nyang sasakyan sa may tapat ng bakuran namin.

"I'm outside."ulit niya.

"T-teka! Bakit ka nandito?!"sigaw ko ulit at nataranta na nang labasin siya ni Mommy.

Ay putek naman!

"You asked for my lasagna baby.."

"Hi. I saw your car parked here. Are you lost or something?" Dinig kong tanong ni Mommy kay Coles.

"Good evening Mrs Relano. I'm here for Megan."buo ang boses na sagot ni Coles.

"Oh.. What a handsome man. Oh wait.. I think I've seen you before.."

"In her school Madame."

"Oh right. Are you courting my daughter?"Halata ang excitement sa boses ni Mommy.

Napatakbo na ako agad sa hagdan nang hindi hinihintay ang sasabihin ni Coles.

Nakakahiya.

Bakit kasi pabigla bigla itong lalaking ito?!

Hindi ko man lang nasabihan sina Mommy.

Habol ang hininga ko nang makarating ako sa baba. Sakto namang papasok sina Coles.

He was carrying two big paper bags while Mommy was talking to him animatedly.

Sabay silang napatingin sa akin.

My mom with a knowing look while Coles has this amused expression.

"B-bakit ka nandito?!"tanong ko ulit.

He just gave me a lopsided grin then lifted the bags.

Pinagdikit ni Mommy ang mga kamay niya at hinarap si Coles.

"Thank you anak sa pagdala ng favourite dish ni Megan. Kaya lang baka hindi niya yan makain kasi diet siya."

Napanguso ako.

"So I've heard." Coles said then walked towards me to hand me the bags.

Agad ko itong tinanggap at sinilip.

Mas lalong nanghaba ang nguso ko. Malalaking toblerone at cadbury chocolate bars ang laman nong isa.

Parang nananadya pa. Sinabi na nga kasing diet ako.

"Ang sweet naman ng manliligaw mo anak."magiliw na sabi ni Mommy.

Napangiwi ako. Alam ko na ang tono niya. Kailangan kong magpaliwanag sa kanya mamaya.

Tumabi si Coles sa akin at itinabi ang mga buhok kong napunta sa mukha ko.

Tumingala na ako sa kanya.

"Sabi nang diet ako Coles."

Tinaas lang niya ang isang kilay niya at pinakatitigan ang mukha ko.

Palagi siyang ganito.

Kung makatingin parang napakaganda ko..

"Ahem.. ahem. Nandito pa ako mga kids." Pagtatawag ng pansin ni Mommy.

Sabay kaming napalingon sa kanya.

Nang sulyapan ko si Coles ay bahagyang namumula ang mga pisngi niya.

Naiinitan na?

"Tutal nandito kana Coles.. join us sa dinner. Marami akong nailuto..at baka maconvince mo si Megan na hindi na nya kailangang magdiet." Natutuwang sabi ni Mommy.

"Nakakainis naman. Itong pigil na pigil na akong lumamon eh. Mga tukso kayo."naiinis kong sabi at lumakad na papunta sa kusina.

Naramdaman ko agad na sumunod si Coles sa akin.

Inabot ko ang isang paperbag kay Manang. At ang isa ay diniretso ko sa fridge.

Nang umikot ako ay may nakabunguan ako.

Si Coles.

Nang sulyapan ko ang kusina ay wala nang katao tao.

Nasaan yong mga yon?

"You looked like someone played with your hair." Coles said with a small smile on his lips.

Napatingala ako habang kinakapa ang buhok ko.

Kulot kasi ako kaya madali lang akong magmukhang bruha kapag nagulo ito nang konti.

"Ay ang sama.."kunwari ay pikon kong sabi.

He chuckled then pulled my ponytail down.

"I liked you better if you let your hair down baby.."he said tenderly.

"Nagmumukha akong bruha.."mahina kong sabi.

Nakakalunod ang mga tingin niya sa akin. At ang sarap magpatangay..

"No.. i love your long wavy hair."he said while caressing it. Then he cupped my face with both of his hands.

"I love your blushing cheeks.."

"Your eyes.. your cute little nose.. and these lips.."he said while caressing each part of my face with his long thumb.

"Parang napakaperpekto ko naman kung magsalita ka."napapalunok kong sabi. Nakapikit dahil patuloy siya sa paghipo sa mga mata ko.

"Yes baby.. your perfect for me."he said then pulled me closer to his body.

Agad niyang pinaikot ang mga braso niya sa likuran ko at tinulak ako sa katawan niyang matigas at mainit.

"I missed you."he whispered while kissing my hair.

Hinayaan ko lang siyang maglambing. Kasi gusto ko ring magpalambing..

Nakokontentong yumakap din ako sa likuran niya at dinama dama ito. Napakatigas. Siksik sa muscles.

"Stop groping me if you don't want me to make love to you here."paos na boses niya.

"Eh?" Tangi kong nasabi at tumingala.

He was looking at me with his dilated pupils.

Napalunok na naman ako at tinigil ang pagdama sa kanya.

"Good girl."he said then crouched down to kiss me on my lips.

Napakapit ako sa damit niya nang lumapat ang mga labi namin sa isa't isa.

Bumabalik na naman ang init sa katawan ko. At ang mumunting kuryente na nagtutulay mula sa kanya.

Ang sarap. Humalik ako pabalik at mas yinakap siya ng mahigpit.

I pushed him away when I became breathless.

"I love you."bulong niya habang magkadikit ang mga noo namin.

Napadilat ako sa kabiglaan. Nakapikit pa rin siya at may mumunting ngiti sa mga pulang labi.

"I love you Mrs Wright."ulit niya. Ngunit ngayon ay tinawag na niya ako gamit ang apelyido niya.

Bumaha ng katuwaan ang puso ko. Ibig bang sabihin non, ako ang napili niyang maging kabiyak hanggang dulo?

"C-Coles.."naiiyak kong tawag sa kanya.

"Sshh.. I'm not in hurry. Take your time." Dumilat siya at muli akong nalunod sa mga tingin niyang puno nang pagmamahal.

Ngayon ay napatunayan kong pagmamahal talaga ang nakikita kong emosyon sa abo nyang mga mata.

Hindi ako nagkamali.

Paano niya ako minahal?

Kakakilala lang namin.

"No pressure baby.. I'll wait for you until you fall deeply for me. So deep that you'll be drowning and all you can do is to hold onto me. I can wait.. i will wait."he said while his eyes sparkling with so much love.

Napayakap ako sa kanya at sumandal sa dibdib niya.

I heard him sigh deeply.

"Coles.. I think-"

"What's happening here?"malakas na boses ang nagpagising sa akin.

Agad akong kumalas sa yakap ni Coles at nilingon si Daddy na kakarating lang mula sa trabaho at nakalong sleeves pa.

Sa likuran niya ay sina Mommy at Manang na may malalaking ngiti.

"Megan!" Malakas na tawag sa akin ni Daddy at matalim na sinulyapan si Coles.

Bigla akong natakot sa mangyayari kaya napatakbo ako kay Daddy para sumalubong.

Hinila niya ako papunta sa likuran niya at hinarap si Coles.

"What are you doing here young man?"galit na sita ni Daddy.

Tila balewala lang kay Coles ang galit ni Daddy.

He even put his hands in his pockets.

"Good evening Mister Relano."Magalang pa rin na bati niya.

"Answer me!"kinakabahan na ako sa sobrang galit na pinapakita ni Daddy. Naninigas na ito sa matinding galit.

Tinignan ko si Mommy para mapaamo siya.

Nakakaunawang hinawakan niya si Daddy at hinaplos sa braso.

"Daddy.. He's Megan's suitor."masayang sambit ni Mommy.

Napalingon si Daddy sa kanya. Hindi makapaniwala.

"You let him here Mommy? How could you?"tila nanghina ito. Bumagsak ang balikat.

"Hayaan mo na ang mga bata."inakay na siya ni Mommy palabas.

"Magbihis ka na at nang makakain na tayo."

"But Mommy!"protesta ni Daddy.

Napangiti ako sa dalawa.

Kahit tigasin si Daddy ay si Mommy pa rin ang batas sa bahay.

Naramdaman ko agad ang init nang katawan ni Coles sa tabi ko. At sumunod ang pagkabig niya sa akin para mapasandal sa kanyang dibdib.

Nakokontentong pinanood ko ang mga parents kong umakyat ng hagdan. Naglalambingan na.  Gusto ko rin ng ganitong pamilya. Buo at punong puno nang pagmamahal ang bawat isa..

Nakangiti akong humarap sa gwapong lalaki na katabi ko.

I found him looking at me intently.

"I can give you everything you want and more baby." he said huskily. Like he could read what's in my mind.

Napatango ako at kontentong yumakap.

Wala na akong pakialam kung masabihan akong garapal ng mga kaibigan ko.

Pero akin lang si Coles.

Tahimik kaming nagdinner.

Ramdam ko ang tensyon sa mesa. Or kay daddy lang?

Dahil si Coles ay parang walang pakialam na pinagsasandok pa ako ng makakain. Parang siya ang nakatira dito at ako ang bisita kung makaasta siya.

Unfortunately, naka tatlong slice ako ng lasagna niya, dalawang cup ng rice , adobo at ginataang alimango! Kainis! Talagang pinaubos niya sa akin yong pagkain sa plato ko.

At tuwang tuwa naman sina Mommy atDaddy dahil sa ginawa niya.

Nagkampihan pa silang tatlo laban sa akin!

Bahala sila! Bukas talaga magda diet na ako!

"Ano ngayon kung magto-two piece ka anak? Sexy ka naman na!"my mom said when we were sitting by the pool.

Pagkatapos kumain ay sinabihan ni Daddy si Coles na mag usap daw sila sa library namin.

So ngayon ay naghihintay na lang ako na matapos sila.

"Hindi kasi Mommy! Ang lalaki ng mga pata ko!"tanggi ko.

"Hindi uubra kung diet lang! Mag exercise ka rin."napanguso na ako at tiningala ang katapat naming kwarto sa itaas.

"H'wag kang mag alala, walang gagawin si Daddy kay Coles. Usap lang yon."nakakaunawang saad ni Mommy.

"Pero kasi.. parang galit na galit si Daddy.."nag aalala pa rin ako.

Baka sa pinapakita ni Daddy.. biglang tabangan si Coles..

Ganito na sa panahon ngayon..

Aayawan ka ng mga lalaki kapag nakita nilang hindi sila gusto ng parents ng mga nililigawan nila..

Gusto nila yong smooth at easy lang. ayaw nila ng complicated.

"Sapalagay mo ba, aayawan ka ni Coles dahil lang tinakot siya ni Daddy? Anak.. magkasing katawan lang sila ni Daddy mo. "Tatawa tawang sabi ni Mommy.

"Marami kasing mga babae na pwede niyang makuha.. yong gusto rin siya ng mga parents nila.."

"Ramdam ko na hindi basta basta sumusuko si Coles. When men fall in love, they'll do everything. They might look easy going.. tough and strong.. but when they love a girl, they'll give everything. They'll even bare their souls..they'll be vulnerable from pain. Weak..Kaya yong iba.. iniiwasan na magmahal. Pero kay Coles, kitang kita ko sa mga mata niya na mahal ka niya. And he's ready to take the risk. He has fallen."nakangiting untag ni Mommy.

Kahit pala si Mommy ay nakikita ang mga emosyong nakikita ko kay Coles..

"Thanks Mommy.."umalis ako mula sa pagkakaupo at yumakap sa kamya.

Nakaramdam ako ng kasiyahan.

"Kaya h'wag kang mag alala. Yong pananakot ni Daddy mo, bale wala lang yon sa kanya."tinapik tapik na niya ang likod ko.

"Anyway.. bakit hindi ka magpaturo ng math sa manliligaw mo? Para hindi ka na mabaliw sa pagsosolve."

Masaya akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

"Pero h'wag muna sa kwarto mo. Manliligaw pa lang yan Megan." Paalala niya.

Napanguso ako.

Ano kayang mangyayari kapag nasabi ko yong ginawa ni Coles sa sakin sa stockroom?

Baka pati si Mommy palayasin na si Coles!

Pumasok na kaming dalawa at dumiretso ako sa kwarto para magshower at mag toothbrush.

Pagkatapos ay kinuha ko na ang pesteng math book ko at notebook, pati pad paper at ballpen.

Mabilis akong bumaba at nakita ko agad si Coles na tahimik na tinitignan ang mga photo albums ko sa may coffee table. Katabi niya si Mommy.

Nahihiyang tumabi ako kay Mommy.

"Bakit mo pa pinakita yan Mommy!"bulong ko. ramdam ko ang pag iinit ng mukha ko sa kahihiyan.

Sa isang album ay puro nudes ko. Cute pa ako non. Dahil one month to five years old pa lang ako.

"Hayaan mo na. Para alam nya ang magiging itsura ng mga babies nya kapag ikaw ang napangasawa niya."bulong din ni Mommy.

Napasimangot na ako at kinipkip ang libro ko.

Pinanood ko si Coles na nagniningning ang mga matang tinitignan ang mga pictures ko.

Halata ang amusement. Nang matapos siya sa isa ay agad na iniabot ni Mommy ang isa pa.

At ang kumag, kinuha naman. Nagpasalamat pa.

"Coles!"tawag ko nang aktong bubuksan na niya. Ito yong mga nudes ko.

He looked at me with a smile on his lips.

Natigilan ako.

Halatang nag eenjoy siya sa pagtingin tingin sa album ko..

"Sige. Maiwan ko na kayong dalawa. Marami pang albums si Megan. Kung gusto mo pa, ipakuha mo na lang sa kanya."tumayo na si Mommy at tinapik ang tuhod ni Coles. He also stood up and thanked my mommy.

"You're welcome anak. Just continue what you're doing for my Megan and we'll be good."

"T-thank you po. Makakaasa kayo."Coles said after clearing his throat. I saw his eyes sparkled.

"Nako! Payakap nga."sabi ni Mommy at hinila si Coles para yakapin.

He just stood stiffly at first. But then he relaxed and hugged her back.

"Thank you Mrs Relano.. for accepting me."

"Mommy na lang tawag mo sa akin. At daddy sa asawa ko. Welcome to the family."

"T-thank you M-mommy." He cleared his throat again.

Naluluha akong pinanood sila.

Ang gandang tignan na magkasundo ang mga mahal ko sa buhay..

Nang maghiwalay sila ay niyakap na rin ako ni Mommy bago umakyat sa itaas. Sexy time na raw nila ni Daddy.

Eiw!

Natatawang binalingan ko si Coles na nakayuko at pinupunasan ang mga mata.

Parang may humaplos sa puso ko.

Tumayo ako at tumabi sa kanya sa couch.

He looked away to hide his face.

Napalabi ako at sinubukang tignan ang mukha niya.

Tigas siya sa pag ilag.

"Patingin nga ang mukha ng mama." I said playfully.

He just shook his head.

"Hay nako! Hindi naman mababawasan ang pagkalalaki mo kung makita kitang umiiyak. Duh."sabi ko. Pilit pinapagaan ang usapan.

Nabigla ako nang tuluyan siyang tumingin sa akin.

My heart squeezed in pain when I saw his tears.

Nataranta ako at niyakap siya.

"Teka. H'wag kang umiyak." He hugged me tight. Like he never wanted to let me go.

"Your mother's so warm and welcoming."

"Mommy natin." Tangi kong nasabi.

"Y-yes.. o-our m-mommy.."Hinayaan ko siyang ikalma ang sarili.

Hindi ko akalain na may emotional side pala ito. Tama nga si Mommy. Men looked tough and strong.. pero deep inside.. mahihina rin.

Nang kumalas siya ay pinunasan ko agad ang mukha niya. Pinagpawisan at may luha pa rin sa mga mata.

"Gwapo naman ng manliligaw ko."tukso ko sabay tusok sa pisngi niya.

"Boyfriend. I'm your boyfriend."sagot naman niya.

"Excuse me. Hindi ako nadadaan sa palasagna lang. I deserve more." Kunwari ay nagsungit ako.

Napaismid siya. "Future boyfriend then."

Napakunot ang noo ko nang maalala yong pictures niya.

"Teka. Namamangka ka sa dalawang ilog!" I exclaimed.

He looked at me with his furrowed eyebrows.

"May girlfriend kana ah!"

"What the fuck? Sinagot mo na ba ako?"he asked but I covered his mouth with my hand.

"Bawal ang magmura dito. Itatapon ka palabas ni Mommy!"

Tumango naman siya kaya tinanggal ko na ang kamay ko.

"Hindi ako! Yong babae na kasama mo sa pictures. Yong kadry humping mo!"

Nabigla siya sa sinabi ko at mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya.

"What the f-"

Dinuro ko na siya at pinanlakihan ng mga mata. "Subukan mo, ako na ang sisipa sayo palabas."

"What are you saying?"naiinis na tanong niya.

Napairap ako. Typically na sa mga lalaki na mainis kapag nahuhuli.

"Teka lang ah! Dyan ka lang at kukunin ko yong cellphone ko!" Pasuplada akong tumayo at tinakbo ang kwarto ko. Nang makuha ang sadya ko ay tumakbo ulit ako pababa.

Nakasandal na si Coles habang tinitignan ang mga nudes ko.

Napangiwi ako. Nakalimutan kong kunin ito at itago.

Nang iangat nya ang mukha ay may naglalarong mga ngiti sa kanyang mga labi.

"You looked so adorable here."

Umirap ako.

I sat beside him, leaving a space enough for another person then looked for the message on my phone.

Nang maopen ko ang link ay pasampal kong ibinigay ito kay Coles sa dibdib niya.

"Ow!"he murmured then took my phone.

"So violent.."

Hindi ko na siya pinansin.

Nang tignan niya ang phone ko ay napakunot ang kanyang noo.

"Ano? May girlfriend ka na tapos nilalandi mo pa ako!"

Umiling iling siya at ipinatong na sa mesa ang phone ko.

"That's a long time ago."

"Huh?"

Bumuntong hininga siya at kinuha muli ang phone ko bago itinuro ang maliit na date ng article.

Second of March twenty ten.

Hala! Tinignan ko ulit. Ngayon ko lang napansin na hindi pa nga sila gaanong matured tignan dito.

Napakunot ang noo ko.

"So?" Lumingon ako kay Coles.

"Playboy ka sabi ni Shanelle! At nakita ko pa mismo na may dino-Do ka sa unit mo-"napatakip ako ng bibig.

Ang katangahan ko ang magpapahamak sa akin. Imbes nabaon na yon sa limot eh!

Tumayo na ako, balak na siyang iwan pero hinila niya ako paupo.

"That was nothing."

Nakahinga ako ng maluwag nang hindi niya ako sinita sa pamboboso ko dati.

"That was pure sex. Whenever I'm stressed, I use sex as my way to relieve the tension in my body."

"S-so.. kapag s-stress ka, k-kukuha ka ulit ng iba para marelieve mo yang s-sarili mo?"utal utal kong tanong.

Tinaasan niya ako ng isang kilay.

"Why? You don't want to make love to me?"He asked as if he was just asking for some candy!

"Nanliligaw ka pa lang tapos may pa make love ka na dyan! Kups mo!" I shouted my nervousness then scooted away from him.

He chuckled and pulled me back.

"Just kidding. Sinusubukan lang. Baka kasi pumayag ka."

Umirap ako at hinampas ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

He let go off me immediately.

Pinagkrus ko ang mga braso ko at hinintay siyang sagutin ako.

Tila naintindihan niya ang aking kilos kaya tinapik niya ang mga labi niya gamit ang daliri.

"Hmm.. occasionally? If I can't handle your sexiness anymore?"Seryoso niyang sagot.

Nakaramdam ako nang disappointment at sakit sa aking puso kaya napaiwas ako ng tingin.

Bakit ganito ang mga lalaki?

Hindi ba nila alam na masakit malaman na may ibang babae sila kahit pa sabihin nilang pure sex lang yon.

Ano kayang mararamdaman nila kapag mga babae din ang nagsabi nang ganito sa mga mukha nila.

Pure sex din. Baka maghalo ang balat sa tinalupan!

Masuyo akong hinila ni Coles palapit sa kanya.

Nagmatigas ako.

I heard him sigh. Then came closer to me.

"Joke lang. Of course I won't do that to you. I love you."tahimik pa rin akong nag isip ng mga scenarios.

Paano pala kung hindi ko siya masatisfy sa sex?

Or baka magsawa siya agad sa akin?

Men are polyamorous.

The more.. the better.

Hindi ko naman alam kong makakaya kong may kahati kay Coles.

Masyado siyang mainit..

And playboy will always be a playboy..

Maghahanap at maghahanap pa rin siya..

Kahit pa ako ang legal..

"Hey.. what are you thinking?"Malambing niyang tanong. Binuhat niya ako at pinaupo sa kandungan niya.

He then hugged me from behind.

"Are you still thinking of that woman I had sex with?"he asked in his gentle voice.

"Will it makes you feel better if I tell you that she was the last woman I had?"

Napayuko na ako.

Ang sakit naman kasing isipin..

na nainlove ako sa playboy..

"I've waited for years for you to be in my arms baby. I won't throw this chance away."he said soothingly.

"I love you okay?..I'll love you till the very end."he said.

Pinaharap niya na ako sa kanyang katawan at sinuklay ang magulo kong buhok.

"I love you baby."masuyo niyang sabi.

Yumakap na ako sa kanyang batok.

I heard him sigh.

We stayed like that until I felt better.

Until my heart and my mind got filled up with his soothing voice telling me how much he loves me.

(polyamory-practicing or being open to intimate relationships with more than one person.)

Poly-many(greek)

Amor-love(latin)