Chereads / The Virgin Mary / Chapter 38 - KABANATA 36

Chapter 38 - KABANATA 36

Galit na galit si Matteo sa tawag kanina. Sinabi ko sa kanya ang totoo ngunit mas lalo lang itong nagalit. Tinatawanan ko sya pero lagi niya lang tinatawag ang pangalan ko ng paulit-ulit. Hindi ko rin alam kong anong sinumbong ng kanyang dalawang body guard. Pagkatapos naming mag-usap non ay bumalik na ako sa trabaho. Hindi pa ako nakakalapit sa counter ay rinig na rinig ko na ang boses ni Alyana kasama ang mga kaibigan nito. Dumaan ako sa harap nila sabay ng pagsalita niya na ikinahinto ko.

"Poor Mary, alam mo bang mag kasama si Maam Venus at sir Matteo kanina?" Sumulyap ako sa kanya at tinititigan ito mula ulo hanggang paa. "They dating actually, at nakita ko sa isang resto. Sobrang sweet at tila nag mamahalan ng totoo." Dugtong niya kaya mas lalo kong hinawakan ng mahigpit ang tray na dala ko.

"Assumera ka kasi, Mary. Pinagsabihan ka na namin pero ang lakas ng loob mong lumaban. Ano ngayon? Sinong nasaktan? Diba anf sakit? Masyado ka kasing feeling." Sambit ng kaibigan niya na sobrang pula ng labi. Sobrang sikip ng dibdib ko kaya pilit kong itong ikinakalma.

"Meron pa ba kayong sasabihin? Kong wala na ay maiwan ko muna kayo." Aakmang aalis na ako ng hinila ni Alyana ang braso ko. Napaatras ako sa ginawa niya kaya nag laban kami ng titig. Hindi ako naniniwala sa sinasabi nila dahil alam ko sa sarili ko na ako ang mahal ni Matteo.

"Ayaw mong maniwala?" Taas kilay niya. "Oh ayan siguro naman ay maniniwala kana?" Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa larawang pinakita niya sakin. Si Matteo at Venus na naghahalikan sa isang resto. Ang sakit sa dibdib at tila dinudurog ang puso ko ng paulit-ulit. Ayaw kong maniwala pero sa nakita ko ay dahan-dahan kong niluluko ang sarili ko sa paniniwalang mahal niya ako. "Ano? Bakit di ka makasagot? Gandang-ganda ka kasi sayong sarili, akala mo hindi ka niluluko ni Sir? In your dream Mary."

May namumuong luha sa magkabila kong mata kaya pinipigilan ko lang yon. Naramdaman ko nalang ang kamay ni Ivony sa balikat ko tska niya kinuha ang phone na hawak ni Alyana.

"Gosh!? Ano ito? bakit---'" literal na nagulat si Ivony tska binawi ni Alyana ang kanyang phone.

"Nakita ko si Sir matteo kanina sa isang resto kasama si Mam Venus." Sagot niya kay Ivony kaya tinulak siya ito sa balikat. Pumagitna ang dalawang kaibigan ni Alyana at tinulak rin pabalik si Ivony. Madalian kong hinila si Ivony.

"Sinisiraan molang ang kaibigan namin Alyana kaya tumigil ka na." Bulyaw ni Ivony kaya tumawa si Alyana ng malakas.

"Bakit naman ako maninira? Para saan pa? Ikakaganda ko ba yan lalo? Mag pasalamat ka nalang Mary dahil nahuli ko si sir Matteo. Kayo pa ang may ganang magalit sakin." Umirap si Alyana tsaka kami tuluyang tinalikuran kasama ang kaibigan nito.

Sobrang sikip ng dibdib ko. Napapikit ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Nakagat ko ang labi ko at pilit pinipigilan ang luhang gustong tumulo.

"Maey huwag kang maniwala sa bruhang iyon. Baka nga hinalungkat niya lang iyon sa google eh. Alam mo namang sikat si Matteo, kaya maraming social media ang naka palibot sa kanya." Hindi ko alam kong maniniwala ako kay Alyana. May bahid saking isip na isang playboy si Matteo at hindi iyon mawawala sa isang katulad niya, dahil ganon sya noon.

Pero sabi ng puso ko ay mahal niya ako at iyon ang pinang-hahawakan ko ngayon. Anh hirap maniwala kahit meron ng ebedensya.

Bumalik ako sa trabaho na bagsak ang mag kabilang balikat. Hindi ko magawang mag concentrate kong pumapasok sa isipan ko ang larawang iyon. Bawat hatid ko sa iilang bote sa iilang costumer ay pilit kong ngumingiti kahit alam kong sobrang bigat ng aking dibdib. Nakagat ko ang labi ko dahil sa luhang gusto ng pumatak. Panay ang iling ko para lang mawala ang luha sa gilid ng aking mata.

"Maey Okay ka lang?" Tanong sakin ni Grace. Umiling ako dahil sa pahina ng pahina ang katawan ko.

"Huwag kang maniwala sa impaktang yun. Naiing-git lang iyon dahil may gusto sya kay sir Matteo." Iritasyon na sambit ni Jessica. Hindi ko sila pinansin habang nakatuon ang tingin sa mga taong nagsasayawan. Mas lalong humapdi ang mata ko dahil sa usok sa paligid. Tinaas ko ang noo ko at pinipigilan ang luhang ito.

"Maey pakihatid sa number one." Lumapit ako agad kay Erika saka kinuha ang limang whisky. Tumango ang mga kaibigan ko kaya nagsimula na akong maglakad patungo sa numerong nakasaad dito.

Panay pilig ko saking ulo dahil pumapasok parin sa utak ko ang halikan nila sa larawan. Siguro ay nag dudugo na itong labi ko sa kakakagat kanina pa. Naaninag ko ang iilang babae na nagtatawanan sa unahan. Suminghap ako bago tuluyang lumapit sa kanilang direskyon.

"Goodevening," Isa-isa kong binaba ang bote sa mesa kaya panay ang titig nila sakin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sabay ng pangi-nginig ng aking mga kamay. Naririnig ko silang nag-uusap at mukhang nag kakatuwaan sa usapan nila.

"Oh ayan na pala si Matt---" nagulat ako sa narinig rason kong bakit ko nabitawan ang huling bote sa mesa. Nabasag iyon kaya isa-isa silang nag'sitayuan sa gulat.

"What the hell!" Tumayo ang isang babaeng nataponan ng alak. Kumuha ako ng tissue mula sa table nila saka ko pinunasan ang kanyang damit. Tinulak niya lang ako kaya napaatras ako ng bahagya. "What kind of waitress you are, so careless. Look what you've done to my beautiful dress. Fuck!" Sigaw niya sakin kaya paulit-ulit akong yumuko para mang hingi ng sorry.

"Maam pasensya na po talaga, hindi ko sinasadya. Pasensya na po." Lumapit sa kanya ang isang lalaking medyo payat at matangkad. Yumakap ang babae na natapunan ko kanina sa lalakeng ito.

"Matty-----," Maarte niyang saad kaya napatingin sakin ang lalake na mukhang boyfriend niya.

"Miss ayusin mo naman yang trabaho mo," bulyaw niya sakin kaya isa-isa akong tinignan ng mga kaibigan niya. Ang titig nila na para bang ako ang napakasamang tao sa buong mundo.

"Sir pasensya na po talaga hindi ko sinasadya." Yumuko ako bilang paumanhin pero sinigawan lang ako ng babae.

"Makakabili ba yang sorry mo sa ganito kamahal na damit?" Sigaw niya sakin. Nakagat ko ang labi ko sa kahihiyan. Tuluyan na talaga akong nawala sa isipan kanina. Kapangalan lang sya ni Matteo pero para na akong baliw at literal na naapektohan. Siguro ay malaki ang impact sakin ng larawan na iyon.

Umusog ako ng naramdaman ko ang kamay ni Manong Nono sa balikat ko isa sa mga janitor namin..

"Ako na ang bahala dito Mary," Tumango ako bilang sagot saka sya nagsimulang magpunas sa sahig at mesa. Mas lalo akong kinabahan ng papalapit samin si Mam Shelo. Kunot noo syang tumingin sakin.

"What happen here Mary?" Taas kilay niya sakin. Hmalukip-kip ako sa takot. Sasagot na sana ako ng humirit ang babae na natapunan ko kanina.

"Ikaw ba ang Manager dito?"  Iritasyon na tanong ng babae.

"Yes, Maam ako nga. Im really sorry for the mess. Pagsasabihan ko nalang po ang waitress namin." Sagot ni Mam Shelo saka sumulyap sakin.

"Pag sasabihan? Dapat dyan tinatang-gal. Fired her!" Turo sakin ng babae. Napayuko ako sa kahihiyan. Ngayon sa nagawa kong katangahan ay maalis na ako sa trabaho.

"Sorry maam, pero ang may-ari lang ang makakagawa niyan. Manager lang po ako." Mahinahong saad ni Mam Shelo ngunit mas lalong tumaas ang kilay ng babae.

"No..... I want you to take her out of work. Sobrang tanga ng waitress na yan. Alam mo ba kong gano kamahal 'tong damit na suot ko? Baka nga kulang pa yang kaluluwa niya para bayaran ito." Sigaw niya sakin. Gusto kong sumagot at iyon ay pinipigilan ko lang. Sumulyap sakin si Mam Shelo saka ako tinaasan ng kilay nito. Alam kong galit na galit na sya sakin ngayon.

"Mary ano bang katangahan ang ginawa mo?" Mahina pero may pagbabantang sabi sakin ni Mam Shelo. Hindi ako makasagot dahil nasa akin ang titig nilang lahat.

Lumapit sakin ang babae saka tinulak ako sa balikat. Napaatras ako sa ginawa niya kaya pumagitna si Mam Shelo.

"Maam pwede nating pag-usapan ito ng masinsinan. Sa office nalang po tayo mag-usap." Pigil ni Mam Shelo ngunit agad sumambit ang boyfriend nito.

"Simple lang naman ang gusto ng girlfriend ko, tanggalin nyo yang babaeng waitress na iyan at tapos na ang usapan na to." Galit na sambit nito bago ako tinignan. Ang kanina'y luha kong gusto ng pumatak ay isa-isang umagos. Yumuko ako saka dali-daling pinunasan ang mga luha sa mata.

Tinulak ulit ako ng babae kaya napaatras ako saglit.

Ang kanyang mata na sobrang bilog dahil sa eyelashes nito. Ang kanyang tindig at ayos ay mukhang mayaman. Mag kasing tangkad lang kami.

"Bayaran mo ang damit ko!" Sigaw niya sabay turo sa kanyang damit na kumikinang at mamahalin nga ito. Ang kanyang mga alahas na sumisigaw ng karangyaan sa buhay. "Ano? Bayaran mo ang damit ko cheap waitress." Sigaw niya saking mukha. Halos magulo ang table nila dahil sa paulit-ulit niyang tulak saking balikat. Ang mga kaibigan niyang nanunuod lang sa eksena at mukhang gusto ng gulo.

Kitang-kita sa gilid ng mata ko na gustong-gusto ng lumapit ng mga kaibigan ko ngunit pinipigilan lang iyon ni Mam Shelo gamit ang kamay niya.

"Fucking waitress kahit pa mag trabaho ka ng ilang taon sa bar na ito ay hindi mo mababayaran ang damit na ito na galing pa sa Paris. Wala kang hiya, walang kwentang waitress." Bulyaw niya ulit rason kong bakit nag tawanan ang kanyang mga kaibigan. Ang sakit isipin dahil malaki ang problema nila sa pagiging waitress ko. Ang hirap bagkus ito ay marangya at hindi masamang trabaho pero sinasama nilang lahat. Oo mahirap ako mayaman sila kaya ang hirap ipagbuklad, ang hirap makilevel kong pareho lang naman kaming mga tao.

Gusto pang tumulo ng luha ko ngunit. pinipigilan ko lang iyon. Napahawak ako ng mahigpit sa dulo ng aking damit at hindi ko magawang sumagot. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko sa kahihiyan.

Bigla nalang may humigit sa bewang ko rason kong bakit napaatras ako. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil nasa gilid ko si Matteo habang hawak niya ng mahigpit ang bewang ko. Ang kanyang mata ay sobrang sama ng tingin sabayan mo pa sa igting nitong mga panga. Naka puting long sleeve sya at nakatupi ito hanggang siko. Ang kanyang jeans na kulay blue ay mas lalong nagbibigay kaputian sa balat niya. Ang kanyang buhok na nakatayo sa harapan. Titig na titig ako sa kanya at alam kong galit na galit ito.

"How much is your dress?" Hamon ni Matteo kaya literal na nagulat ang mga babaeng kaibigan nito. "I can pay that fucking dress woman." Galit na saad ni Matteo.

"Omg diba sya yung sikat na business man? Anak sya ni Mr. Antonio Edelbario."

"Nakita ko ang malaki niyang billboard sa edsa at sobrang gwapo niya pala sa personal."

"Gosh bakit niya pinaglalaban ang waitress na iyan?"

Rinig na rinig ko pa ang bulong-bulongan nila sa gilid namin. Alam kong narinig iyon ni Matteo ngunit hindi niya lang iyon pinansin.

"Magkano ang damit mo?" Ulit niya kaya napalunok ang babae. Siguro ay kilala niya si Matteo yun ang naiisip ko ngayon.

"Mahal ito---," Tipid nitong sagot kaya sumambit ulit ang boyfriend niya.

"Bakit di nyo nalang tanggalin yang babaeng waitress na yan dito. Napaka tanga!" Umigting ang panga ni Matteo sa sinabi nito. Humiwalay si Matteo sakin saka niya kwenelyohan ang lalaki rason kong bakit lumapit ang ang dalawang bouncer.

"Dont should ever call my girlfriend stupid you fucking ugly creature. Did you know who I am? "  Pag babanta niya kaya halos hindi makagalaw ang lalake. Halos hindi lumaban. Pinigilan si Matteo ng dalawang bouncer at sa wakas ay binitawan ni Matteo ang lalaki. "I can pay your dress more than yourself. Kaya kitang bayaran isali mo pa yang boyfriend mong panget." Hinila ko si Matteo sa braso kaya napalapit sya sakin. Umiling ako bilang ayaw ko ng gulo. Sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Anong sabi mo?" Aakmang lalapit ang lalake ng hinarangan siya ng kanyang girlfriend.

"Babe? lets go home, umalis nalang tayo dito. I know him please dont." Mahinang sabi ng babae kaya unti-unting kumalma ang kanyang boyfriend. Naglaban ng titig si Matteo at ang lalaki. Pareho lang sila ng tangkad gunit sobrang layo ng kanilang katawan dahil mas malaki si Matteo.

"Sir pasensya na po talaga. Hindi na ito mauulit." Yumuko si Mam Shelo sa kanila ngunit sinigawan lang ito.

"Pasensya? Hindi namin yan matatanggap-----" Bulyaw nito ng lalaki.

"Then ugly is not allowed here so you better go." Nanlaki ang mata ng mga babae sa sinabi ni Matteo.

Nagalit ang lalaki sa narinig. Gusto pa sana niya manapak pero hinila na sya ng tuluyan ng kanyang girlfriend at sumunod ang mga kaibigan nito. Napayuko ako sa kahihiyan na nagawa ko ngayong gabi. Sigurado akong kakalat ito at ma aapektohan ang record ng bar ni Clifford.

"Are you okay?" bumalik ang diwa ko ng magsalita si Matteo. Inabot niya ang kamay ko pero umatras lang ako ng bahagya. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko. Lumingon ako kay Mam Shelo at nahuli ko syang nag taas ng kilay.

"Mam Shelo pasensya na po talaga, kasalanan ko po ang nangyari kanina. Hindi po ako nag-iingat. Patawarin nyo po ako." Yumuko ako bilang paumanhin.

"Mary sana naman eh huwag---"

"Shelo shut up!" Putol ni Matteo sa kanyang sasabihin. Humalukip-kip si Mam Shelo. "You can go, orelse." Bagsak boses ni Matteo kaya tumango agad si Mam shelo at dali-dali kaming tinalikuran.

Sumulyap ako kay Matteo na ngayon ay nakatitig parin sakin. Ang kanyang maamong mukha ay nag papatinag ulit saking puso.

"Kasalanan ko ang lahat, hindi ko sinasadyang matapunan sya ng alak. Tatanggapin ko----"

"Im asking you Mary, are you okay?" putol niya sa sinabi ko. Lumapit ulit sya sakin pero umatras ulit ako. Naningkit ang kanyang mata. Ayaw kong isipin ng lahat na lumalaki ang ulo ko dahil boyfriend ko sya. "There is something wrong? Bakit ayaw mo akong hayaang hawakan ka?" Naikuyom ko ang kamao ko sa naalalang larawan kanina.

"Babalik na ako sa trabaho. Sorry!" Tinalikuran ko agad sya pero hinila niya ang kamay ko rason kong bakit nadikit ako sa bisig niya. Hinawakan niya iyon ng mahigpit at kita sa mata niya ang galit at pagtataka sa inasta ko.

"I am not done talking to you." Pagbabanta niya. "Can you please tell me, if may nagawa ba akong kasalanan sayo?" Umiwas ako ng tingin dahil sa malumanay niyang titig. Ang kanyang boses na pagod na pagod.

"Kailangan ko lang talagang bumalik sa trabaho Matteo." Saad ko kaya mas lalo niyang hinigpitan ang kamay ko.

"Is that an excuse?" Taas kilay niya kaya nakagat ko ang ngipin ko sa galit. Inagaw ko ang kamay ko na hawak niya saka ako umatras. "Baby?" Mahina niyang boses at aakmang aabotin ulit ako. Sobrang sakit ng dibdib ko dahil pag sya ang kaharap ko ay naging mamon ang puso ko. Pero pilit ko paring iniisip ang larawan kanina. "Just tell me if I made a mistake or nasaktan ba kita? The way you act now is the way my heart crazy. Ayaw na ayaw kong nasasaktan ka."

Napapikit ako bago suminghap ng sandalian. Naglaban kami ng titig pero alam kong matatalo lang ako. Mahal ko sya eh, kaya sa kanya parin ang bagsak ko.

"Babalik na ako sa trabaho, naiintindihan mo ba ako Matteo?" Galit kong sabi kaya natahimik sya. Ang kanyang tindig ngayon ay bagsak. "Kong may kasalanan ka mang ginawa dapat alam muna iyon sa sarili mo, hindi yung nagtatanong ka pa sakin." Huli kong sabi bago ko sya tinalikuran.

Dali-dali akong nagtungo sa counter. Ang mga mukha ng mga kaibigan ko ay may malaking question mark. Nagtutulakan pa silang tatlo kong sino ang unang mag sasalita. Kalaunan ay wala akong narinig galing sa kanila. Siguro ay natatakot o hindi ko alam dahil wala ako sa pustora ng mukha ngayon. May halong galit, hiya at panghihinayang.

"Maey sa number five ito pakihatid please." Tinanggap ko ang bote na binigay ni Erika na walang ngiti. Kumunot ang noo niya sa inasta ko kaya tinignan niya isa-isa ang tatlo. Nagtungo ako sa mesang nakasaad dito. Mga grupo ng matatanda at mukhang lasing narin. Nilapag ko ang bote pagkatalos bumati sa kanila. Nasanay na ako sa titig nila pero iba ang sa titig ni Matteo ay hindi ako sanay, sya ang kahinaan ko.

Pinilig ko ang ulo ko dahil sa pumapasok na naman sya sa isip ko. Agad akong bumalik sa counter. Wala ang tatlo at mukhang naghatid din ng mga alak sa ibang costumer. Humarap ako sa counter at nilibang ang sarili sa ginagawa ng bartender.

Naramdaman ko nalang na may humawak sa bewang ko at hinalikan ako mula sa ulo kaya nagsitaasan ang mga balahibo ko. Niyakap niya ako mula sa likuran saka niya ipinatong ang kanyang ulo sa balikat ko. Amoy palang ng pabango niya ay kilang-kilala ko na.

"Matteo ano bang gingawa mo?" Pilit ko syang tinutulak pero nag mamatigas ito. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkayakap mula sa likod ko at hinuli ang magkabila kong kamay.

Kulong ako sa bisig niya kaya napapatingin na samin ang ibang kasamahan ko.

"I want everyone to know that this woman is mine," Inamoy-amoy niya pa ang buhok ko kaya nakaramdam ulit ako ng tensyon. Ang kiliti sa tiyan ko patungong dibdib ay nag simula ulit.

"Matteo nasa trabaho ako," Giit kong sabi ngunit tumawa lang ito.

"I know, im not stupid, Mary." Sarkastiko niyang sagot kaya nakagat ko ang labi ko sa galit. Ang bartender ay panay ngiti saming dalawa kaya nginitian rin ito pabalik ni Matteo. "Now, tell me may problema ba tayong dalawa?" Bulong niya sa tenga ko.

"Sasagotin kita, pero bitawan mo muna ako." Saad ko ngunit tumawa ulit sya.

"No, I will never let you go. Unless you tell me what is the problem. Orelse i will hug you until the bar close." Nakagat ko ang labi ko sa sinabi niya. Kita sa gilid ng mata ko ang lapad ng ngiti ng mga kaibigan ko. Ang mga kasamahan kong kinikilig narin samin.

"Nagkita kayo ni Venus kanina?" Sumulyap sya sakin ng kaunti kaya nabangga ng pisnge ko ang ilong niya. Para na akong lumlipad sa hangin dahil sa nararamdaman ko ngayon.

"Yes, were just talking about the investment of her family." Mahinahon niyang sagot.Para bang wala lang sa kanya ang lahat at relax na relax niyang binigkas iyon. Nagalit ako.

"So? Nag-uusap lang?" Taas kilay ko kaya tumawa sya ng mahina. Ang mainit niyang hininga ay ramdam ko saking pisnge.

"She kiss me," Direkto niyang sabi kaya tinulak ko sya ngunit nagmamatigas ito. Ang dali naman sabihin para sa kanya yon. Samantalang ako ay nasasaktan na. "But I push her emediately baby, no one can ever touch my lips except yours" Dugtong niya kaya dahan-dahan akong huminahon.

"Maniwala!" Bagsak boses ko.

"Yes its true... Hinalikan niya ako bigla, kaya tinulak ko sya agad. Hindi ko alam kong bakit ginawa niya iyon. I dont like it, i promise." Marahan niyang sagot bago bumagsak ang balikat ko sa lambot ng kanyang sinasabi. Ang kaninay galit kong nararamdaman ay unti-unting naghilom. Binangga niya ulit ang kanyang ilong sa pisnge ko ng ilang ulit kaya napapikit ako sa ginawa niya. "After all baby, I have a right to you. You are the last of my line and my list. And I expect you to know every little of mine." Hinalikan niya ang likod ng ulo ko bago ako hinarap sa kanya. "Go back to your work, I have something to give you after this. I love you baby!" Dahan-dahan akong tumango saka niya ako tinalikuran. Iniwan niya akong kabog parin ang puso. Mas lalo niya akong pina pa'inlove at pinapakilig sa sinabi niya. Bagsak ang balikat ko sa panghihina. Sapat na ba yong eksplenasyon niya? Hindi ko alam dahil nawala bigla ang galit ko sa nalaman.

"Grabe besh. Harap-harapan maglandi. Ikaw na talaga Maey." Tinapik ni Grace ang pwet ko kaya nag tawanan silang lahat.

"Yun na eh. Talbug lahat ng mga sexy model sa isang magandang waitress. At kay Maey talaga bumagsak si sir Matteo." Kilig ni Ivony.

"Respito naman sa mga walang lovelife oh. Ang sakit sa mata eh nakakainggit." Nang-aasar na sambit ni Jessica.

Napapangiti ako habang tinitignan silang masaya. Ang importante lang naman sakin ngayon ay masaya ako at masaya si Matteo sakin.