Chereads / The Virgin Mary / Chapter 39 - KABANATA 37

Chapter 39 - KABANATA 37

Isa-isa ng umuwi ang mga lasing. Unti-unti naring tumahimik ang bar at kanya-kanya narin kaming naglilinis sa mga gawain. Hindi ko alam kong anong ginagawa ni Matteo sa itaas, siguro ay natulog? Panay ang sulyap sakin ni Alyana na para bang hindi makapaniwala sa ginawa ni Matteo kanina. Hindi ko naman aakalain na gagawin iyon ni Matteo sa harap ng mga tao. Hindi ba sya nahihiya na isang waitress lang ang girlfriend niya? Gusto kong magtanong pero pinipigilan lang ako ng sarili ko. May bahid parin sakin ang pagkaka'ilang kong anong meron samin ngayon ni Matteo. Siguro ay kailangan ko ng masanay at tanggapin sa sarili ko na may karapatan akong magmahal na katulad ni Matteo.

Pinupunasan ko ang bawat mesa at si Ivony naman sa mga upoan.

"Maey totoo ba yong larawan na ipinakita ni Alyana?" Tanong niya na ikinahinto ko. Nakagat ko ang labi ko dahil hindi ko rin alam kong bakit pinakita sakin iyon ni Alyana.

"Pinilit syang halikan ni Venus. Tinulak niya raw agad." Sagot ko saka lumapit sakin si Ivony.

"Mag tiwala ka kay sir Matteo, diba mahal mo sya? Edi iyan ang pang-hahawakan mo. Sa nakikita ko ay mahal ka din niya, isipin mo iyon niyakap ka niya sa harap ng maraming tao. May ibang mayaman nga dyan kinadidirian lang tayo." Salaysay niya kaya inangat ko ang aking ulo saka sya tinignan. Bawat bigkas ni Ivony ay nagpapahiwatig ng isang totoong kaibigan. Sobrang swerte ko sa kanya.

"Salamat Ivony huh? Ang bait-bait mo sakin. Kayo ng mga kaibigan ko." Sumimangot sya sa sinabi ko saka ako hinila para yakapin. Napapikit ako sa ginawa niya. Ang sakit ng aking dibdib ay dumadaloy saking isipan at naalala ulit si Nanay at Tatay.

"Nandito lang kami para sayo." Himas niya sa buhok ko. Niyakap ko rin pabalik si Ivony. Humiwalay kami sa yakap ng bumukas ang main door ng bar at bumumgad samin si Clifford at Robi. Dali-dali kaming bumalik sa trabaho bagkus ay napadpad ang tingin sakin ni Clifford. Ang kanyang mukha ay blanko ang expresyon nito. Umiwas ako ng tingin. Sigurado akong nalaman na niya ang nangyari kanin. Siguro ay papagalitan ako ni Clifford mamaya o kayay tatanggalin.

Mas lalo akong kinabahan ng lumapit sa kanila si Mam shelo. Hindi ko alam kong anong pinag-uusapan nila dahil panay ang sulyap sakin ni Clifford. Kong tatanggalin niya ako sa trabaho ay buong puso ko iyong tatang-gapin. Nagkamali ako kanina at iyon ay pinagsisihan ko ngayon.

Pagkatapos nilang mag-usap ay umakyat na sa itaas ang dalawa. Nakagat ko ang labi ko sa kahihiyan. Sigurado akong galit na galit na iyon si Clifford.

"Sige na okay na yan. Magpahinga na kayo." Palakpak ni Mam shelo saka namin binalik ang mga kagamitang panglinis sa wash room.

"Night out tayo ulit sa susunod na sabado." Bulong ni Grace.

"Sige mukhang gusto kong uminom. Umuuga na yata tong lalamunan ko." Sambit ni Ivony sa gilid ko. Mukhang interesado din si Erika at Jessica kaya hindi na ito sumambat pa.

Paakyat na sana kami ng hagdanan ng bigla akong tinawag  ni Mam shelo.

"Mary?" Kinabahan ako habang dahan-dahang lumingon kay mam Shelo.

"Mauna na kami sa itaas," Tumango ako sa saad ni Grace at kitang-kita sa mata nila ang pag-aalala.

Lumapit ako kay mam Shelo. Ang kabog ng aking dibdib ay nag papabingi saking tenga.

"Gusto kang makausap ni Sir Clifford." Taas kilay niya kaya humalukip-kip ako. Tama ako ng iniisip papagalitan at tatanggalin ako ni Clifford sa trabahong ito.

"Mam pasensya na po talaga sa nangyari kanina." Naningkit ang mata niya sa sinabi ko. Inayos niya ang kanyang damit saka ako tinaasan ulit ng kilay.

"Mary hindi porket girlfriend ka ng isa sa mag pinsan ay lumalaki na yang ulo mo. Huwag mong gawing rason yang pakikipagrelasyon mo sa boss natin. Sana naman ay ayusin mo ang trabaho mo dahil ako ang mapapahamak sayo." Mahinahon niyang sabi kaya napayuko ako. Ramdam ko ang inis at awa ni Mam Shelo.

"Mam, sorry po talaga. Labas po sa trabaho ko ang relasyon ko kay Matteo. Hindi ko ginagawang sandata iyon, dahil hindi ginagawang bala ang pag-ibig." Marahan kong sagot kaya nagtaas ulit sya ng kilay. Ang kanyang kamay ay nakapamewang.

"Sana nga.....oh sya pumunta kana sa office ni sir." Agad niya akong tinalikuran bago sya nagtungo sa kanyang office na malapit lang sa counter. Suminghap ako saglit bago napahilamos sa mukha.

Nagsimula na akong umakyat sa itaas. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hinabol ko ang hininga panandalian bago pinihit ang pintoan ng opisina ni Clifford. Bumungad sakin ang dalawa na nag-uusap ng masinsinan.

Sabay silang lumingon sakin kaya tuluyan na akong pumasok sa loob.

"Goodevening sir," Saad ko saka tumango si Clifford bilang pag pasok ko.

"Mary sit first." Lahad ni Robi sa kanyang kamay kaya dali-dali akong umupo sa kabilang upoan na nasa harap niya. Napagitnaan namin ang mesa. Pinaglalaruan ko ang dulo ng aking kamay dahil sa titig ng dalawa. Sana ay mali ang iniisip ko sana ay hindi ako tatanggalin ni Clifford.

"Sir, kasalanan ko po ang nangyari kanina. Hindi ako nag iingat kaya nabasag ko ang isang whisky. Sorry po talaga sir kong tatanggalin nyo ako ngayon ay tatanggapin ko." Yumuko ako pagkatapos sabihin iyon. Narinig ko ang tawanan nilang dalawa kaya inangat ko ulit ang ulo ko. Nagtaka ako!

"How can you say that kind of word, Mary?" Kunot noo ni Clifford. Nakagat ko ang labi ko sa kahihiyan.

"You're funny huh. Bakit mo naman iyan nasabi?" Taas kilay ni Robi na ngayon ay pinagsiklop ang mag kabilamg palad.

"Sir galit na galit ang babae kanina. Tama lang siguro na tanggalin nyo ako dito." Nagtawanan ulit ang dalawa. Hindi ko alam kong anong takbo ng iniisip nila. Dahil kahit bahid na galit sa mukha nito ay wala.

"Kesa naman si Matteo ang magalit samin diba?" Munting tawa ni Clifford na ikinagulat ko.

"Ayaw ko naman pong maging unfair sa lahat. Hindi dahil sa may relasyon kami ay pagbibigyan nyo ako. Labas ang relasyon namin ni Matteo dito. " Salaysay ko kaya kumunot ang noo nilang dalawa. Hindi ko alam kong pano ako nakapag salita ng matuwid sa harap ng dalawang gwapo'ng ito. Hindi katulad sa apat kong kaibigan na nag kakautal-utal pag kausap silang dalawa.

"Life is unfair. Nasa sayo lang iyan kong gusto mong maging fair. Unfair naman siguro kong tatang-galin ka namin dito na wala kang kasalanan diba? The girl was so over reacting, I dont really believe costumer is always right Mary kaya nga may katagang self defense diba?" awang labi ni Clifford. "Siguro tama lang na ipinagtanggol ka ni Matteo. Wala naman kaming magagawa. Natamaan yun sayo eh." Salaysay niya ulit. Ang kanilang mga ngiti ay tila naglalaro na para bang wala lang sa kanila iyon.

"Kong sa mahal ko naman iyon nangyari eh baka mas masahol pa ang gagawin ko sa lalaking yun hahaha." Tawa ni Robi kaya bahagya akong napangiti. Hindi ko alam kong sinong mahal ang sinasabi niya dahil gabi-gabi iba ang babaeng dala nito.

"Baka po kasi kumalat ang nangyari ayaw kong ma bad record ang bar nyo Sir." Wika ko kaya natahimik ang dalawa. Sumandal si Clifford sa swivel chair saka iyon pina ikot'ikot kaliwa, kanan.

"Bad Record? Anong klasing balita? Isang costumer nagalit dahil natapunan ng alak ang kanyang damit na galing pa sa Paris?" Natatawang saad ni Clifford kaya humalak-hak ng malakas si Robi. "Iniisip ko palang ay natatawa na ako."

"Sobrang nakakatawa," Sambit ni Robi kaya humalukip-kip ako. Tama sila pero may mali parin ako. "Mary hindi naman makatarungan kong ipapahiya ka pa sa ibang tao. Kaya namin syang bilhan ng isang bahay na naglalaman ng damit galing sa Paris. Sige subukan niyang magreklamo kong ayaw niyang mapuno ang bahay niya ng damit." Dugtong ni Robi bago ito lumagok ng alak.

"Salamat po sir hindi na po mauulit  Mag-iingat na ako sa susunod." Wika ko kaya tumango sila bilang sagot.

Pagkatapos ng usapan naming iyon ay bumalik na ako agad sa silid. Sobrang lapad ng ngiti ko dahil dun. Siguro ay hindi rin tama ang ginawa sakin ng babae. Sinisigawan niya ako sa harap ng mga kaibigan niya kaya hanggang ngayon nag-sisisi parin ako sa ginawa kong katangahan. Sana ay hindi na maulit iyon.

Aalis kami ngayon ni Matteo kaya dali-dali akong nagbihis.

"Saan ka matutulog mamaya?" Direktong tanong ni Grace kaya bahagya akong sumulyap sa kanya. Nagtawanan ang dalawa sa tanong sakin ni Grace.

"Dito," Kunot noo ko kaya nag sitaasan ang kanilang mga kilay.

"Talaga lang huh? Baka hindi ka na naman uuwi." Sambit ni Jessica kaya napatuwid ang aking tayo. Pinulot ko ang sling bag sa kama namin ni Ivony saka sila nginitian.

"Mga lola, uuwi ako mamaya huwag kayong mag-aalala. Promise!" Huli kong sabi saka dali-daling lumabas ng silid. Narinig ko pa ang tawanan nila sa sinabi ko kaya napa iling ako habang natatawa. Dali-dali akong lumabas ng bar.

Naaninag ko si Matteo na nakasandal sa kanyang kotse habang nakapamulsa ito. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, ang tindig at hubog ng katawan ni Matteo ay napaka perpekto. Ang puting long sleeve niyang suot habang nakatupi hanggang siko ay sobrang nababagay talaga sa kanya.

Napadpad ang tingin niya sakin kaya agad niya akong sinalubong.

Nabigla ako sa ginawa niya dahil niyakap niya ako ng mahigpit. Halos hindi ako makahinga dahil nakasub-sob ang mukha ko sa kanayang dibdib. Ang bango at ang tigas-tigas ng kanyang dibdib. Humiwalay sya sa yakap saka humarap sakin na nakasimangot.

"Parang isang taon lang hindi nagkita?" Natatawa kong saad. Ang kanyang malumanay na mata ay hinuhuli ang titig ko.

"I thought you were not going here." Simangot niya. Napangiti ako dahil ang alam ko sa sarili ko ay galit ako sa kanya.

"Sinabi mo naman sakin ang totoo diba? kaya pinapatawad na kita." Nakangiti kong saad. Inabot niya ang kamay ko saka niya iyon pinagsiklop sa kamay niya.

"May pupuntahan tayo." Hinila niya ako ng tuluyan papasok ng kotse. Sobrang laki ng mga ngiti ni Matteo habang nag dadrive. Ano kayang balak ng komag na ito at hindi mawawala ang kanyang mga ngiti.

Mas pinili ko nalang ang tumahimik habang nakasandal sa backrest ng upoan. Medyo malayo-layo narin itong na byahe namin siguro ay nasa isang oras at kalahati na. Sumulyap ako sa kanya ng kaunti at nahuli ko syang nakatitig na sakin.

"Malapit na tayo," Una niyang salita kaya tumango ako bilang sagot. Inaliw ko ang aking sarili sa labas ng bintana. Ang mga ilaw ng poste ay kay gandang tignan. Nakaka antig sa mata at hinihila ka pa antok nito. Hindi ko alam kong pano ako nakatulog sa byahe dahil ang naalala ko lang ay nilibang ko ang sarili ko sa mga ilaw sa labas.

Nagising ako dahil sa ingay sa likod ng kotse. Dali-dali kong binuksan ang aking mata at napagtanto kong wala si Matteo sa tabi ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa dilim na bumabalot sa labas.

"Matt?" Tawag ko saka lumingon sa likuran. Nakaramdam narin ako ng takot dahil sa ibat-ibang ingay ng insekto sa paligid. Lumabas ako ng kotse habang nakayakap saking sarili. Sobrang lamig ng hangin na humahampas sa balat ko. "Matt..... naman eh huwag mo naman akong takotin." Lumingon-lingon ako sa paligid, natigilan ako ng makarinig ako ng ingay ng alon ng dagat.

Ang hampas ng hangin ay pamilyar sakin. Nasa dagat kami at iyon ang napag-alam ko. Pero bakit kami nandito sa baybay?

Biglaan nalang sunod-sunod umilaw ang iilang puting series light sa harap ko. Napatakip ako sa bibig dahil sa gulat. Ang mga kandilang nakalinya sa harap ko ay nagbibigay daan para sundan ko kong saan ako tutungo. Hindi ko alam kong anong nararamdaman ko ngayon. Halo-halo, at kay sobrang gulo.

Sinundan ko isa-isa ang kandilang nakahalera sa buhangin hanggang sa naaninag ko sa unahan si Matteo na nakatayo. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa titig niya ngayon. Isang titig na may balak.

Napatakip ako saking bibig ng mapadpad ng mata ko sa mesang kay puno ng pagkain, may flower vase sa gitna at dalawang kandila. Sobrang nagandahan ako sa nakita. Para syang cottage na pinalilibotan ng puting kurtena at iilang bulak-lak sa gilid. Lalapit sana ako sa kanya ng biglang may tumunog na musika. Napahinto ako ng bahagya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil nagsimula na syang sumayaw.

Now playing: Baby please dont go by: Mike Posner

Let's run away from these lies

Back to yesterday, save tonight

I feel the sun creeping up like tick tock

Im trying to keep you in my head but if not.

Halos mabaliw ako sa pintig ng puso ko ngayon. Ang bawat galaw ni Matteo ay sobrang lambot at astig. Ang kanyang galaw na hinihila ka lang palapit. Mas lalo syang gumwapo pag sumasayaw. Ang buhok niyang sumasabay sa kanyang sayaw. Inaamin ko ang hot hot ni Matteo.

We'll just keep running from tomorrow with our lips locked

yeah, you got me begging, begging..

Unti-unti syang lumapit sakin. Habang sumasayaw ng ibang steps. Napakagat ako sa labi ko dahil sa antig at mangha kay Matteo. Hindi ipagkakaila na magaling syang sumayaw.

Baby please dont go..

If i wake up tomorrow wiil you still be here..

I dont know if  you feel the way i do

If you leave im goin find you..

Baby please dont go, go, go, go.

Baby please dont go, go, go, go.

Baby please dont go, go, go, go.

Baby please dont go, baby please dont.

Huminto sya sa pagsasayaw saka lumapit sakin. Napakapit ako ng mahigpit sa sling bag kong dala  Dahan-dahan niyang inabot ang aking kamay saka iyon ipinatong sa kanyang magkabilang balikat. Hinila niya ako sa bewang rason kong bakit dumikit ako sa bisig niya. Nakagat ko ang labi ko sa kaba. Lumalambot ang tuhod ko sa titig niya.

"Baby please dont run away

from my bed and start another day, instead." Pakanta niyang sabi saka ako hinalikan sa dulo ng ilong. Sobrang sarap sa pakiramdam.Bigla nalang tumulo ang luha ko ng hindi ko namalayan. Pinunasan niya ang luhang umaagos sa mata ko.Mahal ko si Matteo at hindi lang mahal kundi sobrang mahal. Ang sarap magmahal ng isang Edelbario.Nakakalimutan ko ang stadu naming dalawa. Pinaparamdam niya sakin ang lahat ng pagmamahal na hinahangad ko noon pa.

Now playing: Only me and you by: Dona Cruz

"Bakit may ganito pa?" nguso kong sabi na ikinangiti niya. Isinayaw-sayaw niya ako sabay ng musika kaya sumabay-sabay din ako sa kanyang galaw.

"You don't like it baby?" Seryoso niyang tanong kaya umiling ako agad. Gustong-gusto ko, gustong gusto ko.

"Baby, ito ang unang pagkakataon na may gumawa sakin ng ganito. Hindi mo alam kong gano ako kasaya. Ang saya-saya ko baby Sobrang saya." Niyakap ko sya ng mahigpit at ayaw ko ng pakawalan pa sya. Halos binuhat niya ako sa higpit ng yakap niya sakin. Humiwalay ako sa yakap saka sya siniil ng halik agad. Mas nilaliman ko pa ang halik rason kong bakit niya nakagat ang ibabang labi ko.

"Mahal na mahal kita Matteo." Bulong ko habang magkadampi parin ang labi namin. Ngumiti sya ng bahagya saka ako hinalikan ulit sa labi. Pinalupot ko ang magkabila kong kamay sa kanyang leeg saka sumasabay sa ritmo ng kanyang halik. Bawat halik niya sakin ay nagbibigay sakin ng antig.

"I love you damn much baby." Bulong niya saka ako binuhat at inikot-ikot.

"Matteo... nahihilo ako!" Sigaw ko habang nakapikit. Ang kanyang mga ngiti ay sobrang lapad na parang ene'enjoy ang pag ikot-ikot sakin. Dahan-dahan niya akong binaba kaya napadaus-os ako sa dibdib niya. Nanindig ang balahibo ko dahil sa pinaglalaruan niya ang likod ko at inikot-ikot ang kanyang hintuturo mula dun.

"Aalis ako bukas," Seryoso niyang sabi kaya natahimik ako. Aalis? naiisip ko palang yon ay nasasaktan na ako.

"Saan ka pupunta?" Simangot ko kaya pinisil niya ulit ang dulo ng aking ilong.

"May business trip kami, and I need to go there." may pag alinlangan niyang sabi. Diretso ang tingin ko sa kanyang mata habang isinusuklay ko ang aking mga dulong kamay sa kanyang buhok sa may batok.

"Babalik ka naman agad diba?" Simangot ko ulit saka sya tumango. Nag-iwas ako ng tingin at nilibang ang sarili sa mga ilaw ng series light. Hinila niya ang baba ko para iharap sa kanya ang mukha ko ulit. Ang kanyang titig na sobrang malumanay. Ang kayang pilik mata na nakakaing-ganyo. Perpekto at walang mali sa pag guhit ng kanyang magandang mukha.

Nakagat ko ang labi ko dahil sa mapula niyang labi.

"Limang araw akong mawawala, but I promise i'll be back." Hinuli niya ang mata ko para makipag laban sa titig niya. Wala eh, sa kanya parin ang bagsak ko.

"Hihintayin kita Matt. Ma mimiss lang kasi kita, ikaw kasi eh sinanay mo ako." Hinampas ko sya sa balikat kaya hinila niya ako ng mas malapit saka niya sinubsob ang kanyang mukha sa leeg ko. Nag sitaasan ulit ang balahibo ko dahil sa ginawa niya. Paborito niya ang mamahinga palagi dyan kaya hinahayaan ko nalang.

"Gusto kitang sanayin, para ako parin ang iyong hahanap-hanapin." Humble niyang sagot saka inamoy-amoy ang leeg ko. Nakikiliti ako kaya napasabunot ako sa likod ng buhok niya.

"Wala eh mahal kita, kaya sayo parin ang bagsak ko." Natatawa kong sagot kaya narinig ko ang munti niyang tawa kaya naramdaman ko ulit ang kanyang mainit na hininga saking leeg. Ang kiliti saking tiyan ay dumaloy hanggang dibdib. Humiwalay sya sa yakap bago hinawakan ang magkabila kong pisnge.

"You know I love you the best, better than anything. I want to kiss you on each big gray eyes before you go to sleep." Hinalikan niya ang magkabila kong mata kaya napapikit ako. "I am going away, but im not really going away from you." Hinalikan niya ako sa ilong kaya nakikiliti ako sa may batok. "I will hold you in my heart." Sabay halik niya sa magkabila kong pisnge. "And you will hold me in your heart." Hinalikan niya ako sa leeg ng isang mababaw na halik kaya napatingala ako. "And we cant ever be very far from each other then," Hinila niya ako sa may batok saka ako siniil ng halik.

Isang halik na sobrang lalim kaya halos dumugo ang labi ko. Sumabay ako sa halik niya, hindi ko alam kong bakit palagi kong nararamdaman ang dala-dala niya. Habang naghahalikan kami ay dumaos-us ang kanyang kamay sa ibabaw ng pwet ko saka niya tinulak ang kanyang sarili sakin.

Ang kabuohan niya sa mag kabilang hita ay nag pakaalaman kong matigas na iyon. Natawa ako habang nag hahalikan kami.

"I can't fuck you right now baby. Were both tired and I want you to rest, but in my house." Bulong niya sa labi ko saka ako siniil ulit ng halik.

Sinanay ako ni Matteo kaya hinahanap-hanap ko sya. Mahal ko sya at panghahawakan ko iyon. Walang magbabago sa nararamdaman ko para sa kanya. Sya ang rason kong bakit ako nabuo ulit, bakit ko pa papakawalan?