KEIRA POV
Nakita nya ang kanyang pinsan na nakapamulsa at napatingin din sya sa kaninang sinalo nya na kung anung bagay. Napaumang ang bibig nya ng makita na susi ito ng sasakyan. Bumili na naman ba ng sasakyan ang pinsan ko? Pero bakit? Para sakin?
"Teka, anung gagawin ko dito? Bumili ka na naman ng sasakyan eh meron ka na ah?" Takang tanung nya rito. Umiling lang ito at ngumisi.
"Bigay yan ni Boss pero may kondisyon daw." Nagtataka naman syang lumapit dito habang pinaglalaruan ang susi sa kanyang palad na pinaiikot ikot nya.
"At anu naman yung kondisyon na yun?" Lalong lumawak ang ngisi nito lumabas na ang mapuputing ngipin nito sabay kindat sa kanya. Minsan talaga nakakatakot na tong pinsan ko eh. Parang laging may masamang balak.
"Binebenta mo ba ako? Bugaw ka talaga." Hulang tanong nya dito. Medyo naaalarma sya sa mga tingin nito.
"Pinsan wag ka magalala trabaho ang binibigay ko sayo dahil hanggang ngayon, magiisang taon ka ng nakatira sakin wala ka pa ring work, di naman pedeng ako ang bubuhay sayo diba? Di naman kita anak or asawa?" Kumunot ang noo nya , teka ayaw na ba nyang narito ako? Bakit parang ansakit naman ata ng sinabi nito. Tagos hanggang puso "Ouch' sapo nya sa kanyang puso.
Sabagay totoo naman, isang taon na buhat ng lumayas ako sa mga bahay ng magulang ko at hanggang ngayon wala pa rin akong trabaho baka nga nahihirapan na si pinsan sa mga gastusin dito sa bahay. Hindi naman nakakatulong ang pagiging financial advisor ko at sa panahon ngayon ay hindi ito indemand sa mga tao.
Wala naman akong makitang future sa ganung trabaho. Napaisip ako buti nga at may isa akong pinsan na matulungin at dapat tulungan ko rin sya. Hininto nya ang paglalaro sa susi at tumalikod.
"Sorry pinsan kung nararamdaman mo ng nagiging pabigat ako sayo." Pagdadrama nyang sabi rito.
"Buti na lang at ginising mo ako sa pagkakatulog ko at naisip ko na dapat na akong magbanat ng buto at huwag laging umasa sayo kasi di habang buhay kasama kita dahil may balak ka palang magpamilya." Pagkaharap nya ay tumatawa na ito.
"Si pinsan talaga ang drama sa buhay. Hindi naman ako may gusto magwork ka eh." napamaang sya sa sinabi nito.
"Eh Sino?" Maang nyang tanung dito.
"Si Boss ko gusto ka nya maging modelo. Tinamaan ata sayo si Boss at akalain mo tinatanung nya kung may jowa ka na raw." sunod sunod nitong sabi na ikinasamid ko.
"Anu raw? Yung boss mo gusto akong magwork as a model? Sabagay maganda naman ako pero hindi para dun ang ganda ko." napahampas sya ng buhok at ibinagsak ang katawan sa sofa. Lumapit naman ito at akmang itinatayo sya sa pagkakasalampak sa sofa.
"Ooo Teka , bakit ba?" Napaanod sya sa pagpapatayo sa kanya.
"kaya binigay ko sayo yang susi na yan dahil magdadrive ka papunta dito." at iniabot ang business card na nakasulat ang pangalan ni Dale Joshua Lagdameo, CEO. Ang company adress at Contact number. Napatitig naman sya dito.
"Seryoso ka ba pinsan? " napansin na lang nya na tinutulak na sya nito palabas ng pinto
"At seryoso sya magalit pinsan." yun lang at namalayan na lang nyang nakasara na ang condo unit nito. Teka pinalabas ba sya ng pinsan nya. Napasandal sya sa pintuan at tinitigan pa rin ang business card sa harapan nya.
"Wala namang masama kung magtatry di ba?" bulong na sabi nya sa sarili at pinaikot ikot ang susi na binagtas ang hallway.
Nasa ika-labing pitong palapag sila ng condominium kaya pagsakay nya sa elevator ay pinindot nya ang basement. Hanggang ngayon sa isang taon na pamamalagi nya rito ay hindi pa rin mawala ang pagkalula nya kapag bumababa ang elevator. Para pa rin syang nasusuka at naiiwan ang kaluluwa nya sa ere.
Pagdating sa parking lot ng basement ay pinindot nya ang unlock sa susing hawak at nagulat sya ng malakas itong tumunog at nakita nya sa di kalayuan ang Metallic Maroon na Rolls-Royce, teka iilan lang ang may kakayanang bumili ng sasakyan na ito. Napakayaman siguro talaga ng boss ng pinsan nya at kayang magbigay ng ganito.
Namamangha sya habang hinihimas ang sasakyan na nasa harap nya. "Seryoso idadrive ko ang sasakyan na ito?"
Kumikislap ang kanyang mata na nakatitig dito. Binuksan nya ang pinto sa driver seat at ng makaupo na sya ay sinipat nya ang manibela. Napakasarap umupo sa driver seat hindi pa rin sya makapaniwala na maidadrive nya ang sasakyan na ito. Mas lalo syang namangha ng ilagay na nya ang susi sa gitna ng steering wheel at buksan ang makina.
Napaka-smooth lang at automatic pala ang sasakyan. Tinted din ang glass ng mga pintuan ng sasakyan at bukod tanging sya lang ang nakakakita sa labas. Nagbukas pa sya ng stereo na talagang ang sarap sa tainga. Sinimulan na nyang patakbuhin ang sasakyan at dahan dahan nya itong inilabas ng parking lot.
Gamit ang kanyang Waze ay binagtas nya ang kalsada na papunta sa address na nakalagay sa business card. Nakaramdam naman sya ng kaba at excitement dahil makikita na nya ulit ang lalakeng nagbigay ng sasakyan na ito sa pinsan nya at take note bibigyan din daw sya ng trabaho.
Napaisip sya, ayaw nya kasing maging modelo dahil wala talaga sa bokabolaryo nya ang bagay na yon kaya naoagpasyahan nyang kahit mababang posisyon ay tatanggapin nya magkaroon lang ng trabaho para naman makatulong sya sa pinsan nya sa mga gastusin sa kanilang condo.
Napahinto sya sa isang malaking gusali na katapat ay isang malaking fountain. Napakaganda ng building na ito. Kakaiba rin ang taste ng boss ng pinsan nya sa isip isip nya dahil sa structure ng labas. Siguradong kilalang arkitekto ang gumawa ng blueprint nito dahil para syang nasa ibang bansa habang tumitingin dito, dinaig pa nito ang tower of pisa sa italy at skyscraper tower na nakikita nya lang sa movie.
Bakit Tower of Pisa dahil sa parang pabagsak na ang tingin nya rito sa di kalayuan pero kapag nasa malapitan ay napakataas ito na derecho parang binubulag lang sya ng mata nya sa nakikita. Natigil lang sya sa pagkamangha ng makita nya ang repleksyon ng itsura nya sa salamin ng harapan niya. Naalala nyang nakashort lang sya at sleeveless na see through . Teka buti na lang at nakapagsuot sya ng bra pero para na rin syang nakahubad sa suot nya.
Nakaramdam sya ng hiya sa suot nya at napayakap teka trabaho ang pinuntahan nya at hindi sa bar lang na naghahanap ng maikakama. Naramdaman nya ang pagkainit ng mukha nya. Akma nyang kukunin ang cellphone sa bulsa ngunit naalala nya ring wala syang dala nung pinalabas sya ng pinsan nya sa condo at tanging susi lang ang hawak nya ng mga oras na yon.
Napakamot sya sa ulo at "Ang tanga mo talaga Keira," mahina nyang sambit. Tatalikod na sya at akmang babalik sa sasakyan ng may bumusinang sasakyan sa likod ng kanyang sasakyan nakita nya ang isang Black na Mustang. Napahinto sya at papasok na sana sya sa loob upang umalis na sa lugar na iyon nang mapansin nyang may lumabas sa pinto ng sasakyan.
Nakasuot ito ng tuxedo without a bow tie at nakabukas ang dalawang butones nito at magulo ang buhok nito na nahaganginan ng hangin na nanggagaling sa fountain sa harapan ng prestihiyosong gusali. Halatang walang meeting ito at ginusto lang na bisitahin ang napakagandang office.
Napahinto ito sa harapan nya at gumuhit ang labi nito dahilan upang mapansin nya na nakangiti ito. Nakasalamin din ito na tulad pa rin ng dati at mas feeling nya lalo itong tumangkad. May unti rin itong stabbles na nagpadagdag sa gwapo nitong hugis ng mukha. Napansin nyang tumaas ang isang bahagi ng kilay nito at sinipat ang kabuuan ng kanyang kasuotan. Alam nyang litaw na litaw ang flawless nyang katawan dahil sa suot nya.
Nakaramdam sya ng init sa buong katawan nya at bigla syang pumasok sa loob ng mapansin nyang lumalapit ito sa kanya pero bago pa lang nya maisara ang pinto ay naramdaman nyang may humarang at nakita na lang nya ang lalake na nagtatatalon sa labas at hawak ang parang naipit na daliri. Teka naipit nya ba ang daliri nito. Napalabas sya bigla.
"Hala! Naipit ka ba? Sorry! Di ko naman kasi alam na haharang ka." Pag-aalala nyang tanung dito at inabot nya ang daliri kung saan ito naipit at bigla naman naglapitan ang mga bodyguards nito na kusa ring tumigil ng senyasan nito na wag syang pigilan sa gagawin.
"Okey ka lang ba? Halika nga rito." At isinakay nya ito sa kanyang sasakyan sa bandang passenger seat at akmang lalapit pa ang mga guards pero sya na rin ang pumigil dito.
"Huwag kayong mag-alala at hindi ko kikidnapin ang boss nyo, nakaharang lang ako dito sa sasakyan nya kaya ipapark ko lang." Aniya na ikinahinto ng mga ito at tumingin sa kanilang boss na sa kanya pa rin nakatingin.
Sumakay na sya sa driver seat at kinabitan nya ng seatbelt ang katabi. Nararamdaman nyang nakahawak pa rin ito sa daliri at parang tumigil ang mundo ng huminto ang oras dahil sa nararamdaman nyang pagkatitig sa kanya nito sa ginagawa nya.
Pagkatapos nyang masuutan ito ng seatbelt ay inilahad nya ang kanyang palad at napatingin naman sa kanya ang katabi. Matagal bago naghinang ang kanilang mga mata at natigil lang yun ng umiwas sya ng tingin at iniharap ang sarili sa daan ngunit nakalahad pa rin ang kamay nya rito.
"May driver ka ba nung pumunta ka rito?" Tanong nya rito. Umiling lang ang lalakeng nasa tabi nya at kitang kita pa rin sa mga mata nito ang sakit.
"Kung gayon akin na ang susi mo?" Mas lalong nakita nyang nanlaki at nagulat ang mga mata nitong nakatitig lang sa kanya. Bigla naman syang natawa sa inakto nito.
"Nakakatawa ka naman Mr. Lagdameo, akin na yung susi mo para maipark ng body guard mo yung sasakyan mo alang naman na iwan natin dito sa harap ang sasakyan mo di ba?" Napansin nyang bumalik sa ulirat ang lalake at nakita nyang napa- 'Ow' ito humugot sa kanyang bulsa ng susi at inihagis sa isang bodyguard sa labas.
"Park my car, Thank you". Sa baritono nitong boses na makikitaan mong may authority kapag nag-utos. Napapangiti sya ng palihim dahil sa kaaliwan sa nakikitang reaksyon sa lalake. Araw araw iba iba ang nakikita nyang reaksyon dito at mas napansin nya ang sarili na nagkakainteres pang malaman ang ibat iba pa nitong reaksyon.
Pagkatango ng lalakeng sumalo ng susi ay sinarado nya ang bintana sa passenger seat gamit ang automatic na button sa tabi nya at pinatakbo ang sasakyan. Wala pang ilang minuto ay nasa parking lot na sila. Huminto ang sasakyan sa B1-G17 na nakasign sa isang poste. Nilingon nya ang lalake,
"Maganda ba ako?" Deretso nyang tanung dito na parang matagal na nya itong kakilala napamaang naman ang lalake at matagal na di nakapagsalita at tumitig lang sa kanya.
"Mukhang Okay ka naman." Pagiiba nya ng topic. Mukhang naalala nito ang sakit kaya bumalik din sa pagkakahawak sa daliri. Natawa naman sya sa inakto nito.
"Nakakaaliw kang tingnan Mr. Lagdameo. How interesting na ang isang Ceo shows different emotions. But seriously, Im so sorry. Ikaw naman kasi bakit mo naman hinarang yung daliri mo sa pinto ayan tuloy."
DALE POV
"Its Hurt you know!" Hawak pa rin nya ang daliri nya sa sakit dahil sa kagagawan ng babaeng nakaupo sa driver seat. Kung bakit ba naman kasi nya hinarang ang kanyang daliri sa pintuan nito. Hindi naman din nya alam na malakas ang pagkakasara nito sa pinto. Anu bang gusto nyang mangyare. At bakit ba kasi ganito ang suot nito.
Parang nang-aakit na di mo mawari at ang sarap pa tingnan ng kanyang pagtawa. Kanina nya pa ito tinititigan at tila ba may nabubuhay na sistema sa kanyang katawan na pilit nyang pinipigilan. Sya rin naman ang may gustong makita ito na ngayon ay nasa harapan nya at tumatawa.
"She's one of a kind!" bulong nya sa sarili. Hawak pa rin nya ang naipit na daliri. He find this girl amusing at parang mutual feelings na silang dalawa dahil kung anu ang sinasabi nito ay yun din ang nasa isip nya.
"Lets go to your office." Anito na ikinatigil nya sa pagtitig dito. Wala syang ginawa kundi ang magpatianod sa sinasabi ng babae katulad kanina na hinihingi pala nito ang susi nya pero sya parang nakamagnet lang ang mata at isip sa napakagandang mukha nito.
Natigilan din sya kanina ng magtanung ito kung maganda ba ito. Bakit di sya agad nakapagsalita at para syang napipi sa harapan nito. Ceo kaya sya pero bakit sa harap nito ay para syang batang walang muwang sa mundo. Nagugulo ang sistema ng isip at puso nya. Naiinis sya sa sarili kung bakit di sya makakilos ng maayos sa harap nito.
Napansin na lang nyang lumabas ang babae at naglalakad patungo sa side nya na madali naman nyang tinanggal ang seatbelt at binuksan ang pinto ng sasakyan dahil baka pagbuksan pa sya nito ng pintuan. Natuwa naman ang babae at para syang mahal na hari ng mag gesture ito ng pagyukod habang nakalagay ang kanang kamay sa bandang tyan nito at inilahad ang kamay na nagsasabing "This way sir" lihim syang natawa sa ginawa nito at naglakad sya na parang di pinansin ang ginawa nito at nagpatiuna na sa babae.
"Please, Follow Me." Ma-awtoridad nyang sabi dito. Naramdaman nya naman ang pagsunod nito ngunit wala pa sa kalahati ang kanilang paglalakad at dahil hindi sya mapalagay sa suot nito sa pagkaalala nya kaya huminto sya at sya namang bangga ng babae sa likuran nya.
Paglingon nya ay sapo na nito ang noo nya. Mabilis nyang hinubad ang kanyang tuxedo at ipinatong sa magkabilang balikat ng babae na ikinatulala naman nito habang sapo pa rin nito at nakayuko. Ginulo nya ang buhok nito at naglakad na muli. Napapangiti lang sya habang binabagtas ang elevator na maghahatid sa kanila patungo sa kanyang opisina.
Nasa 40th floor pa ang opisina nya kaya matagal tagal nya pa itong makakasama sa loob ng elevator. Tanging sila lang ang tao sa loob ng elevator ng makapasok sila at confident sya na walang sasakay dito dahil exclusive lang ito sa kanya as CEO. Pinindot nya ang 40 na number na nakasulat sa gilid ng pintuan ng elevator at sumara na ito
"Masakit pa rin ba?" Napatingin sya ng marinig ang sinabi nito. Tumango naman sya ngunit ang mas kinagulat nya ng hawakan nito ang kanyang kamay.
"San ang masakit?" Habang hinahanap nito ang daliri na naipit. Mukhang nakita na nito dahil hinaplos nya ang namumulang daliri nito at nasa hinalalato nya ito tumigil. Napatitig ito sa kanya at parang tumigil ang mundo ng makita na lang nya ang daliri na nasa dulo na ng labi nito. Bumilis ang tibok ng puso nya dahil hinalikan ng babae ang kanyang daliri. Pilit nyang inaalis ang kanyang kamay dito ngunit mahigpit lamang nitong hawak ang hinlalato nya.
Nabuhayan ang bawat sistema ng kanyang katawan at gumapang ang kuryente sa kaniyang buong katawan hanggang sa kanyang ibaba ng ipasok ng babae ang kanyang hinlalato sa loob ng bibig nito. Hindi pa ito nasiyahan at pinaglaruan pa ng dila nito ang daliri niya. Napakainit ng pakiramdam sa loob ng bibig nito.
Masyado pa namang malikhain ang kanyang isip at kung anu ano ng larawan ang nakikita nya sa babaeng nasa harap nya. Alam nyang centralize ang aircon kaya dapat ay malamig ang elevator na sinasakyan nila ngunit napalitan ito ng init at binalot ng sensasyon ang buo nyang katawan. Gusto nyang halikan ang babae at ikulong sa kanyang bisig. Ninais nya ring matikman ang nasa loob ng see through nitong damit. Pinigilan nya ang kanyang sarili.
Iwinaksi nya ang pagiisip, umiling iling sya at kita nya nakatitig pa ito sa kanya habang ginagawa iyon. Tumagal pa ng ilang minuto at napansin nyang pinupunasan na nito ang kanyang daliri ng marahan.
"Why?" Tanging nasambulat nya habang nakatitig sa daliri na pinupunasan ng babae.
"Why did you do that?" Tumigil ang babae sa pagpupunas at akmang sasagot sa tanung nya ngunit bumukas ang pinto ng elevator pagtingin nya ay nasa 29th flr pa lang, may matandang babae na pumasok parang nasa 40's na tinitigan lang sila at tumalikod. Nagtaka naman sya dahil dapat CEO lang ang nakasakay dito.
"Is it going down?" Tanung ng babae na nasa harapan nila.
"No Maam, it is going up!" Sagot ng kanyang katabi na hawak pa rin ang kanyang daliri. Inalis nya agad ang pagkakahawak dito dahil ng bumalik sya sa ulirat napansin nyang dito pala nakatingin ang babae na pumasok. Nagkaroon sya ng pagkapahiya sa sarili.
Pagdating ng 30th flr pinindot ng babae ang 35th flr at bumaba rin ng dumating na sa floor na iyon. Ngiti lang ang iginawad nito ng humarap sa amin at saka lumabas ng elevator. Binalikan nya rin ito ng ngiti at muling sumarado na ang pinto.
"Masakit pa ba? Sorry ah yan lang kasi alam kong gawin dahil wala namang alcohol dito or anything to ease your pain." Pagsisimula nito sa pagsasalita. Nakikinig lang sya habang nakatingin sa itaas ng umaandar na numbers.
"Nagulat ka ba? Yan kasi yung ginawa sakin ni mama nung napaso ako sa mainit na kawali nung bata ako. Kiniss nya yung daliri ko para daw mawala yung sakit at nung kiniss nga ni mama yung daliri ko nawala nga agad ang sakit kaya hanggang ngayon yun ang pinaniniwalaan ko. Kaso sayo parang hindi pa nawala kaya isinubo ko baka sakaling gumaling ng tuluyan" nahihiya nitong saad ng sabihin ang huli.
"Ah---pati ba yun turo rin ng mama mo?" Napatawa naman ng mahina ang babae.
"Hindi ah. Sarili ko ng experiment yun. Kasi nga feeling ko hindi sapat ang kiss lang sa laki ba naman ng mga daliri mo sa gitna" natatawa pa rin nitong saad. Napangiti sya ng malaman na experiment lang pala ng babae yun ngunit bumilis ang tibok ng puso nya ng nag echo sa kanya ang huking sinabi ng babae.
Sa laki ba naman ng daliri mo sa gitna
Sa laki ba naman ng daliri mo sa gitna
Sa laki ba naman ng daliri mo sa gitna
Napahawak sya sa puso dahil sa bilis ng tibok ng puso nito bigla rin syang natigilan teka baka kapag nakita nito na humahawak sya sa kanyang puso ay agaran naman nitong halikan ang kanang bahagi ng dibdib nya at gawin din ang experiment na dilaan nito ang kanyang dibdib. Mababaliw na ata sya sa kakaisip.
"Behave Dale behave! Yan kasi napapala mo sa ka-ELan mo eh. Masyado kang ma-iginative person." Sabi nya sa kanyang sarili at inihilig ang ulo upang bumalik sa kasalukuyan nyang pagiisip.
Naiinip na sya bakit ba ang tagal ng oras at ang tagal ng pagbukas ng pinto nitong elevator na ito. Kapag di pa nagbukas tong floor na ito baka kung anu ng magawa nya sa babaeng nasa tabi nya. Ramdam na kasi nya ang paglaki ng nasa ibaba nya. Kailangan nya mag muscle control. Hindi pede to at baka maisumbong pa sya sa pinsan nito na ang boss nito ay pervert. I should behave like a respected CEO.
Nagpapasalamat na lang sya ng biglang tumunog ang elevator sign na magbubukas na ito at nasa 40th flr na sila lumabas na siya ng pinto at sumunod naman ito sa kanya. Natigilan sya ng maramdaman na humawak ito sa longsleeve nya.
"Anu---Ahm--dito rin ba tayo bababa mamaya?" Nagtaka syang lumingon dito. May bahid ng takot ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.
"Wala namang ibang way na mas mabilis makababa unless bagtasin mo ang hagdan from 40 until basement kaya mo ba?" Sabay turo nya sa exit na nasa kanang bahagi lang ng elevator. Nakita nyang napalunok ang babae. Bigla ay nag-alala sya sa mukha nitong parang tinakasan ng kulay sa putla.
"A-Aanu, pede mo ba akong samahan sa pagbaba?" Pagmamakaawa nitong sabi.
Nagustuhan nya bang kasama ako sa loob ng elevator o baka naisip nya rin yung gusto kong gawin kanina. "Behave!" Saway ng kanyang konsensya.
Nagpatuloy syang naglakad sa kanyang opisina at pumasok sa napakalaki at napakalawak nyang paradise. Yun ang tawag nya sa kanyang office. Dito lang sya nakakaramdam ng peace at nawawala ang anxiety nya kapag narating na nya ang kanyang paraiso. Nakasunod naman sa kanya ang babae na halatang namangha sa nakitang kagandahan ng kanyang paraiso.
"Have a seat." Naglakad ito at naupo sa kanyang sofa. Lumilibot pa rin ang mga mata nito sa paligid. Maaliwalas ang paligid hindi sya. Minima lang aang kagamitan na gamit niya. At kitang kita sa malaking glass window ang mga ulap at mga ibon na nagliliparan sa himpapawid. Di nya pinalagyan ng kurtina dahil didilim lang sa loob kaya ito ang nagsisilbing ilaw nya kapag umaga at mga bituin at buwan naman sa gabi.
"Mas maganda siguro dito kapag gabi" napatayo ito at humakbang patungo sa glasswindow. Napaatras ito at parang nalula. Natawa naman sya sa inakto nito.
"Oo sinabi mo pa, napakaganda dito kapag gabi. Makikita mo ang mga ilaw ng mga gusali sa malayo at ang liwanag ng buwan at mga bituin sa kalangitan. I find peace here. Welcome to my paradise!" Pagbati nya rito. Napatingin naman ito sa kanya at ngumiti. Ngumiti rin sya rito.
Muli itong bumalik sa pagkakaupo at pumikit. Naupo naman sya sa harapan nito at pinakatitigan lang ang babae. Naaaliw talaga sya sa babaeng ito. Hindi nya mawari kung bakit simula ng makita nya ito sa Forever 21 hanggang sa malaman nyang ito pala ang nagligtas sa kanya ay iba na talaga ang tingin nya rito.
There is something in this woman. Siguro nga kasi may powers ito hindi lang yun kundi yung ginawa nito sa loob ng elevator na hindi nya makakalimutan.
Lumapit sya rito pero hindi pa rin nya tinatanggal ang salamin sa kanyang mata. Di nya maiwasan ang mga mapupulang labi na nagaanyaya sa kanya para halikan ito ngunit nagulat sya ng dumilat ang mga mata nito. Napatalikod sya.
"Nga pala, sabi ni pinsan pinapapunta mo raw ako dito? Sabi nya bibigyan mo raw ako ng trabaho?" Naramdaman nya ang presensya nito mula sa kanyang likod.
Tumikhim sya. "By the way, nasabi sakin ng pinsan mo na naghahanap ka raw ng trabaho kaya ako na mismo ang nagsabi sa kanya na bibigyan kita." Hindi nya pa mabanggit ang isang bagay na matagal na nyang hinahanapan ng katugunan.
Napagawi ulit ang tingin nya sa suot nito at ayos ng buhok nito. "And can you explain to me , why are you wearing that kind of outfit?"
"Ah ito ba?" Napatayo ito habang nakayuko.
"Loko kasi yong pinsan ko ni hindi man lang ako pinaayos eh galing ako sa paglilinis ng condo nya. Pati nga cellphone ko nakalimutan ko dahil agad nya akong pinalabas ng condo unit nya. Di ko naman akalain na ganito pala ka-prestige ang office na pupuntahan ko. Bigatin pala! Nakakahiya tuloy." Inis nitong paghahayag.
Napatango-tango sya at kumbinsing pinakinggan ang mga pahayag nito. Umupo sya sa kanyang swivel chair at umupo ng formal.
"Do you want to be a model?" Pagsisimula nya na hanapan ng magandang trabaho ang nakaupo sa sofa. Nakayuko lang ito.
"No! I dont want to be a model. What if gawin mo na lang akong driver mo? Or Bodyguard. I can use my power to protect you from danger!" Nagulat sya sa suggestion nito bahagya syang nagkainterest sa mga sinabi nito. Kung magiging driver ko sya lagi ko syang makikita at kung bodyguard naman pati sa bahay makakasama ko sya and tanging itong babae lamang ang may kakaibang sagot sa kanyang interview. She wants to protect me? Like what she did when I was a child? Biglang may parang humawak sa puso nya.
"Hmmm🤔" napaisip sya.
"Sa lahat ng magandang babae na nakilala ka ikaw lang ang kakaiba. Lahat sila gusto maging modelo at ikaw gustong maging driver or bodyguard? Sounds interesting!" Sabagay nakita ko na syang magdrive at smooth naman at alam ko na rin ang powers nya kaya alam kong magiging mahusay na bodyguard sya pero hindi sapat na kaya lang nyang magpahinto ng oras.
Kailangan nya ring matuto sa martial arts. Tumayo sya at pinasadahan ang buong katawan nito. Mukhang may alam naman ito.
"Do you have any knowledge in self defense?" Sumandal sya sa kanyang table ng magtanung sya. Tumango ito.
"Boxing lang." Habang nagiisip ito ay napatango sya.
"Not bad! You're hired!" At lumapit sya rito.
"Talaga? As what?" Umaliwalas ang mukha nito.
"As my driver/bodyguard! In one condition!" Ikinulong nya ito gamit ang kanyang palad sa sofa na kinauupuan nito. Nabigla naman itong napatitig sa kanya.
"Ano yun?" Mahina nitong tanung.
"You'll be leaving your cousin's place today and you are going to stay in my house tonight. As my Driver and as my Bodyguard! You'll serve me 24hrs a day but I will give you an off. don't worry. Every sunday and You'll start tomorrow. Ako na ang bahala sa mga needs mo." Mas pinalapit nya pa ang mukha nya sa mukha nito. Natutukso talaga syang halikan ang babaeng ito.
"You mean, titira na ako sa place mo? Iiwan ko ang pinsan ko?" Napaisip ito na inilagay pa ang daliri sa sentido nito. Nadistract sya kaya tinanggal nya rin ang mga palad nya sa sofa.
Napangiti ako ng tumango sya.
"It is settled then! Congrats Miss Keira Marie Alessandro and Welcome to Lagdameo Group of Corporation!" Or should I say Welcome to my life! At inilahad ang kanyang kamay dito na agad namang tinanggap nito.
"Are we done?" Nakatayo na ito pero pansin ang kaba sa mata nito.
"Why? Na-bothered ka ba sa work mo na binigay ko? First of all its your suggestion not mine." Agad kong tanung sa kanya. Settled na eh baka bawiin nya pa.
"Nope! Hindi yun. Yakang yaka ko yung job na binigay mo! Ang sakin lang. Pwede mo ba akong samahan sa pagbaba ng elevator?" Napamaang syang tumingin dito at waring nagtatanung ang kanyang mga mata na tumitig dito.
"Why Miss Keira? Wag mo sabihin saking takot ka sa elevator?" Or gusto mo lang akong makasama sa loob ng elevator. Sana yung huli na lang ang isagot nya.
"Well, the truth is weakness ko yung elevator. I dont know why. Hindi gumagana ang powers ko sa loob ng elevator at nalulula ako lalo na at pababa ito." Natawa sya sa narinig.
"Tumatawa ka ba Mr. Lagda-" pigil nya rito
"No, its Dale. You can call me Dale! And Im not laughing at you. Na-amuse lang ako na ang isang tulad mo is may weakness pala." Ngumisi sya rito.
"Please." Nagpacute naman ito. At sa unang beses natalo siya ng maamong mukha nito.
"Yes. I"ll be your body guard kapag nasa elevator tayo." Mukhang seryoso nga ito na takot sa elevator. Bakit kaya? Isa na namang bagay na gusto nyang malaman mula dito.
"Nagugutom na ako. Its already lunch time. Lets go!" Pag-aanyaya nya rito at sumunod naman ito.
KEIRA POV
Pagpasok sa elevator napahawak sya sa longsleeve nito. Masaya na sana dahil may trabaho na sya pero isang challenge sa buhay nya ang pagsakay sa pisting elevator na ito. Kung bakit ba naman sa lahat ng sinasakyan dito pa sya takot. Siguro dahil hindi talaga gumagana ang powers nya rito at parang may humaharang sa kanya sa tuwing susubukan nyang palabasin ang kanyang powers dito.
Simula nung grade 6 na may iniligtas syang batang lalake at nadiskubre nya na may powers sya at kahit sang lugar ay sinusubukan nya hanggang sa ma-trap sya sa elevator at subukang ilabas ang kanyang powers pero walang ubra dito ang ginagawa nya bakit kaya? Para syang nasa ibang dimension kapag nasa loob sya ng elevator. Nalulula sya at nanghihina pero kapag pababa lang naman ng elevator.
"Wait!" Nang aakma ng pipindot ang lalake ng basement ay pinigilan nya ito. Naramdaman nyang tinakasan na naman sya kulay sa kanyang mukha at pinagpapawisan sya. Napadiin ang hawak nya sa braso nito.
"Sorry! Kinakabahan lang ako!" Nerbyos nyang sabi dito. Hinawakan sya nito at nagulat sya ng yakapin sya nito.
"Don't worry! Im here." Pag-aassure nito. Pinindot na nito ang button ng B1 at ganun na lang kabilis ang tibok ng puso nya ng maramdaman nyang umandar ito. Napahigpit ang yakap nya rito at pigil hininga. Kung yung 17th floor nga hindi sya humihinga paano pa kaya itong 40th floor Mukhang hindi na sya makakatakas pa dito gayong araw araw na syang aakyat dito.
Kumalma ang puso nya ng halikan sya nito sa labi. "Eeh" saad nya sa isip. Familiar itong halik na ito. Ginawa ba nito yun para mawala ang kaba nya at takot sa pagbaba ng elevator. Unti unti ay nadala sya sa mga halik nito. Tila tulad ito ng lalakeng humalik sa kanya nung nasa coffee project sya. Hindi nya namalayan na sumasagot na sya sa mga halik nito. Napahawak na rin sya sa batok nito.
Samantalang ang lalake ay humahaplos na sa pababa sa kanyang braso.
Nang bumalik sa kanyang balintataw ay Napahiwalay sya at aakmang sasampal dito ng maramdaman nyang huminto ang elevator at tumunog na ito senyales na nasa basement na sila. Kapwa sila humihingal ng matapos ang mainit na halik na iyon.
"Ikaw?" Aniya
"Ikaw?" Sambit din nito.
Inalis nya ang salamin nito na kanina pa nito suot. Lumabas sya ng elevator at humarap sa nakalabas na ring boss nya na ngayon. Nakita nya ang mga mata nito may bahid pa rin ng black eye sa kanang mata nito. Napatitig lang sya rito. Ito nga yung lalake na humalik sa kanya sa coffee project. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Talaga bang nakatadhana na magkakilala kami.
"Masakit pa ba?" Sabay turo nya sa kanang mata nito. " Sorry ikaw naman kasi eh. Hinalikan mo ko nun eh." Ngumisi naman ito.
"So ikaw pala ang babaeng yun. Akalain mo nga naman. Are we match made from heaven?" Nakangisi pa ring saad nito sa kanya.
"Here. Suot mo na." Yumuko sya at tumalikod pagkatapos iabot ang sunglass dito. Wala naman syang dapat ikalungkot dahil ito ang nakahalik sa kanya pero hindi naman sya ang niligtas kong batang lalake nun. Nasaan na kaya iyon? Habang naglalakad ay nakita nyang sumabay ito ng lakad sa kanya.
"Bakit parang natalo ka ata? Nadisappoint ka ba na ako ang unang nakahalik sayo?" Saad nito. Paano nya nalaman na First kiss ko yun? Napatingin ako sa gilid kung saan kasabay ko syang naglalakad. Sino naman kaya ang nagsabi nun sa kanya. Napaisip sya at napatigil. Grrr lagot ka sakin Lloyd Terrence Taylor. Gigil nyang sambit sa pangalan ng pinsan.
"What did you say?" Ngumiti lang sya at umiling sa tanung nito.
"Sorry. Yeah. Its my first kiss. Im just reserving it for someone." Pagkasabi nito ay malalaking hakbang na ang iginawad nya makaiwas lang sa mga itatanung pa nito.
Pagdating sa sasakyan ay sinimulan na nyang ipagdrive ito at tahimik nilang binagtas ng bell air street. Dito kasi matatagpuan ang place kung saan sila maglalunch. Tinuro ng kanyang katabi ang isang malaking gusali nagulat sya ng mabasa ang malaking sign na "COFFEE PROJECT."
Nakita nyang ngumisi ito. Nang-aasar ba ito. Eh sa lahat ng place ito ang ayaw nya ng puntahan pero bakit sya dinala rito ng mismong sasakyan na sya ang nagdadrive. Balak sana nyang iliko sa susunod na eskinita ang sasakyan ngunit tinitigan sya nito ng matalim na tipong sinasabi na wag syang aangal.
Sabagay tahimik naman sa lugar na iyon.
Kung gusto nito ng asaran pwes makikipagasaran sya dito. Pagbibigyan nya ito. Naaalala pa naman nya ang gabing nangyare iyon. Tatlong araw mula nun. Wala isa man sa kanila ang pumili ng dati nilang pwesto kaya nauwe sila sa gitna at umupo.
Lihim syang napapangiti ng maalala ang ginawa ng ka-date nitong babae sa lalakeng kaharap. Tahimik lang sila na nagpasadahan ng menu at kanya kanyang nagorder.
Wala isa man ang umiimik sa kanila kaya naging awkward na ang katahimikan. Tumikhim sya.
"Dale Bakit mo naman naisipan na dito maglunch?" Pabulong nyang saad dito. Ngumisi ito at uminom ng tubig.