Chereads / My Amazing Girl / Chapter 3 - CHAPTER 3 - THE COFFEE PROJECT

Chapter 3 - CHAPTER 3 - THE COFFEE PROJECT

DALE POV

Nakatitig lang sya sa babaeng kaharap nya ngayon habang bumubulong ito at itanung kung bakit ito ang napili nyang place para sa lunch nila. Napainum sya ng tubig dahil hindi pa rin matanggal sa kanyang isipan ang ginawa nyang paghalik dito nung nasa elevator sila.

Naisip nya lang na yun ang tanging paraan upang mawala ang takot nito sa pagbaba sa elevator pero hindi nya namamalayang nadadala na sila parehas ng sensasyon ng halik na iyon. Napakasarap talagang humalik nito. Naging familiar sa kanya ang labi nito na parang natikman nya na ito hanggang sa lumiwanag sa isip nya kung san nya ito nakahalikan at andito na nga ulit sila sa lugar kung san naganap ang di inaasahan at di rin naman makakalimutan na pangyayare sa buhay nya.

"Keira Alessandro" banggit nya sa kanyang isip. Hindi pa alam nito na sya ang batang iniligtas nito. Masyado pang maaga para ipagtapat nya sa babaeng ito kung sino sya. Pero sobra na ang galak nya ng malaman na ang mga halik pala ng babaeng ito ay nakareserve sa batang iyon.

"Ako ito, Keira. Ako ang batang tinulungan mo. Matagal na kitang hinahanap." Sa isip nya ngunit hindi nya masabi, May parang tumitigil na huwag muna nyang sabihin ngayon. Sa ngayon ay mageenjoy muna syang makasama ito. Gagawin nya ang lahat makasama lang ito at kung papalarin ay mag-stay na ito sa buhay nya FOREVER.

Ganon nya pinapahalagahan ang babaeng ito. Ganun ito kaimportante sa buhay nya at habang nasa poder nya ito ay gagawin nya ang lahat makabawe lang sya sa pagliligtas nito sa kanyang buhay.

Hanggang ganun lang ba yun? Yun ang hindi nya pa alam at hindi nya masasagot ngayon. Natapos ang pagiisip nya ng dumating na ang kanilang inorder na lunch.

"Nakakatawa ka nung araw na iyon?" Napatigil sya sa kinakain ng bigla itong nagsalita at ngumingiti ngiti. Kumunot ang noo nya.

"Ah---wala sige kain ka na, babalik ka pa ba ng office?" Tinapos muna nya ang kanyang nginunguya, pagkalunok ay uminom sya ng tubig at ng masigurong wala ng laman ang kanyang bibig ay umiling sya bilang sagot sa tanung nito.

"Hindi na ako babalik ng office. Ang gagawin natin after this is pupunta tayo sa condo ng pinsan mo, magiimpake ka na and you will stay in my house starting tonight." Or stay in my life forever. napangiti sya sa naisip. Anu ba tong iniisip ko. Bakit masyado naman ata akong nagiging romantiko magisip dito.

Kung di namin napigilan ang halikan namin kanina sa elevator, paano pa kaya kapag nakatira na ito sa bahay nya. Parang naexcite ang puso nya sa isiping iyon. Should I taste her. No! Behave Dale! You are not a pervert anymore. Sabagay marami lang syang naging jowa in his past pero never naman sya na-engage sa sex. As in virgin pa sya.

Hanggang kiss at yakap lang ang ginagawa nya sa mga ex nya. Pero bakit ngayong kaharap nya itong babaeng ito bakit parang nabuhay na ang katawang lupa nya. Nagising na rin ang alaga nya na matagal ng natutulog.

"As in Now na? Alam na ba ito ng pinsan ko?" Napatango ito at napaisip.

"Sabagay kung nasa condo ako ni pinsan, hindi sya makagawa ng move sa girlfriend nya. Matanung ko lang, Si Bea ba at si Pinsan sila na ba?" Napasamid naman sya sa tanung nito. Oo alam nyang crush ng kaibigan nya ang pinsan nito pero hindi nya alam kung nagka-aminan na ba sila or hindi pa. At malay nya ba sa mga buhay nila.

"Are you okey boss?" Nag-abot naman ito ng panyo sa kanya. Kinuha nya ito at pinahid sa kanyang bibig. Tumango naman sya at nagpasalamat.

"Yes Im fine, thank you. And please don't call me Boss. Ilang taon ka na ba?" Tanung nya rito na bigla na lang pag-iiba nya sa usapan na parang di narinig ang tanung nito.

Ngumunguya pa ito at nag-sign na wait lang. Napainum naman ito ng tubig at nagpahid ng tissue sa kanyang labi.

"I'm 26 years old. Wala namang masama kung maging sila ni pinsan di ba unless girlfriend mo si Bea?" susubo na sya ng matigilan sya sa tanung nito at napatawa. Binaba nya ang hawak na spoon at umiling.

"No. Bea is not my girlfriend. She's a friend of mine. And yes tama ka wala namang masama kung maging sila. Actually They were compatible enough to create an intimate relationship between them. So you're 26 years old. Im turning 26 this coming October. So you are a month older than me." Bahagyang gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.

Napatitig lang ito halatang namula ang mga pisngi nito. May naalala siguro ito kasi napansin nyang napatingin ito sa kanyang labi habang nagsasalita siya.

"Hmmm, do we have a mutual feelings right now? I don't think so" naisaisip nya lang. Masyado naman atang napapabilis ang paglabas ng mga nararamdaman nya sa rito. Or baka nabibigla lang nya dahil sa pagkakaalam nya na ito ang nagligtas sa kanya.

"Alam mo nakakatawa talaga yung lalakeng nakaupo dun banda nung nakaraang araw." napatigil sya sa pagiisip ng bigla itong magsalita at basagin ang katahimikan. Tapos na pala itong kumain.

Tumingin din sya banda sa itinuro nitong lugar at bigla syang nilamig ng maalala ang nangyare na yun. Bigla naman syang napatitig sa babae. It means tinitingnan na sya ng babaeng ito nung araw na iyon. Hmm...

"Bakit anu bang nangyare?" Nagtanung sya na parang walang alam sa nangyare na ikinataka naman nito.

"Wag mong sabihin na na-amnesia ka na. Nakaka-amnesia pala ang pagsaboy ng tubig." at bigla itong natawa takip ang bibig ng panyo.

"So?! Ilang oras ka namang nakatitig sa lalakeng iyon at mukhang kabisado mo ang nangyare sa kanya." Hindi dapat sya magpatalo dito.

"So the whole time, nanunuod ka lang sa nangyare? I can't believe na nakuha ko ang atensyon mo nung araw na iyon kaya pala sinundan mo ako sa labas at hinalikan mo ako." Tanung nya ulit rito nang hindi ito makapagsalita

"Excuse me! Ikaw ang humalik sa akin. One more, di lang naman ako sinipot ng ka-date ko kaya nakuha ng scene ng babaeng kasama mo ang atensyon ko." Napadabog ito sa lamesa sa harap nya.

"Easy ka lang. So may ka-date ka pala nun. Kung alam ko lang ikaw na lang pala ang ginawa kong date after ng babaeng yun?" Umamin na rin sya. So what kung ibalik sa kanya nito ang di pag-amin. Malaman lang nya kung sino ang ka date nito nung araw na yun. Bakit bigla syang nagselos?

"Si Lloyd dapat! Magkikita dapat kami pero inuna nya yang kaibigan mo na si Bea. Eh di ba mas maganda naman ako kay Bea?" Pagdadrama nito. Nakakadala sya maghayag ng saloobin.

"Easy lang. Hayaan mo na lang. Tapos na yun eh. Nangyare na." Pag-amo nya rito.

"Pero kasi kung di nya ako inindian hindi sana mangyayare yung first kiss ko. Kaloka!" 'Ouch' para namang sinabi nito na ayaw nya na ako ang kumuha ng first kiss nya. Second kiss na nga if I recall eh. Kanina lang sa elevator di ba?

"Sorry." Napansin ata nito yung nararamdaman nya.

"Hindi naman sa ayaw ko na ikaw ang nakakuha ng first kiss ko pero kasi nakareserve ito dun sa lalakeng kinuwento ko sayo nung nakaraang araw." Napakaderetso naman nito magsalita parang di nito kasama yung taong kumuha ng first kiss nya.

Pero sa kabilang banda nakakatuwa na malaman na sya yung first kiss nito, hindi lang yun sya pa yung pinagrereserve nya ng first kiss na yun. 'Hay ang sarap naman sa feeling' habang nakalumbaba syang nakikinig sa kanyang kaharap.

"Tara na? Isurprise natin yung pinsan mo?" Tumayo na sya, uminom muna ito ng tubig at sumunod na sa kanya sa paglabas.

Paglabas ay napansin nya ang lugar kung san nya ito nakahalikan. Kahit hindi nya nakita ang mukha nito nung gabing iyon sapat na yung nakasama nya ito ngayon.

"Araw-araw ba tayong sasakay ng elevator?" Mahinang tanong nito habang nakatanaw sa malayo. Habang sya ay nagpatuloy na maglakad at ito naman ay nakasunod sa kanya.

Sumakay na sya sa passenger seat at ito naman sa driver seat. Nagsimula na nitong paandarin ang sasakyan.

"Salamat pala dito sa Rolls-Royce na binigay mo ah. Ang ganda. Hindi ko akalain na makakapagdrive ako ng ganitong sasakyan akala ko sa movie ko lang to makikita." Napangiti naman syang nakapikit habang nakikinig sa sinasabi nito.

"You're welcome my dear!by the way, Every Monday, Wednesday and Friday lang ang punta ko ng office. So no need to worry." Pagtitiyak nya dito.

"So 3 days lang kita mahahalikan---- este Akala ko di mo ko sasagutin jan. So dahil Saturday bukas. Wala akong pasok? Teka wala ka bang lakad bukas?" Tama ba ang narinig nya mula rito? 3 days na mahahalikan? Ah sa tuwing baba sila ng elevator. Lihim syang natawa sa sinabi nito at may unting excitment na umusbong sa kanyang puso dahil sa sinabi nito. Napakibit balikat lang sya at nag-isip sa sinabi nito.

"Dahil driver slash bodyguard kita, lagi kitang kasama kahit san ako magpunta except sa bathroom." Natawa naman ito habang nakatutok pa rin sa daan ang mga mata.

"Copy roger! Naeexcite na ako magwork!" At pinabilis nito ang pagmamaneho patungo sa condo ng pinsan nito.

KEIRA POV

Malakas syang kumatok sa pinto ng condo unit ng pinsan nya. Tatlong magkakasunod na katok ang ginawad nya ngunit wala pa ring bumubukas sa kanila ng pinto.

Bumunot na ang kasama nya ng cellphone at dinayal ang number ng pinsan nya. Maya maya lang ay may sumagot na sa kabilang linya dahil nilagay nito ang daliri sa labi na ibig sabihin wag maingay.

"Hello Llyod? Where are you?" Ang unang narinig niya mula rito.

"Yes were here in front of your door. Wait! who are you with?" Kumunot ang noo nito.

"Is Bea there?" Tumango tango na ito at tumalikod. Wala na syang marinig sa sinasabi nito. Mahina syang napangiti. Ang pinsan nya talaga. Gusto lang pala mag da'moves sa kaibigan nitong boss nya di na lang sya sinabihan. Sumilay ang mapang asar nyang labi.

Lumapit muli sya sa pinto at kumatok ng napakalakas. "Hoy pinsan alam kong nandyan ka, wag ka ng magtago. Bistado ka na!" At tumatawa pa sya. Habang lumapit naman sa kanya ito at pinipigilan sya.

"Eh Dale, di ba si pinsan andito naman sya sa loob? Bakit di nya pa tayo pagbuksan?" Iniharap naman sya nito sa kanya.

"Hayaan na lang natin sila, ang sabi ng pinsan mo, Dadalhin na lang daw nya ang mga gamit mo sa bahay ko." At hinila na sya nito papuntang elevator hindi na sya makahindi.

Pagbaba ng elevator. Napaisip sya bakit parang di na sya natatakot sa loob ng elevator? Pero di talaga nya magamit ang power nya sa loob ng elevator. Di naman nagtanung itong kasama nya dahil tahimik lang sila na naglalakad patungo sa sasakyan.

Tahimik lang sa loob ng sasakyan at mukhang napagod itong kasama nya dahil nakapikit na ito. Teka di nya alam kung san to nakatira. Wait matanung nga. Kinalabit na ito.

"Speak! Di naman ako tulog. Pinapahinga ko lang ang mata ko." Saad nito. Nagulat ata dahil sa kalabit nya rito. Ang seryoso naman nito ngayon. Anu kaya inaalala nito? Baka dahil nalaman nya na kasama ng pinsan ko ang kaibigan nitong si Bea.

"Sorry! Akala ko tulog ka na. San nga pala tayo ngayon?" Alam na nito siguro ang tinatanong nya kaya binuksan nito ang screen sa may stereo at may pinindot-pindot lang at ayun nakalagay na sa waze ng address nito. Buti alam nya yung address nito.

"Thank you! Pahinga ka muna jan. Isang oras pa hehe" Sabi nya habang nakatuon pa rin ang mata sa daan. Mukhang malayo ata bahay nito ah. So it means kung Monday, Wednesday at Friday. Umuuwe ito ng bahay ng Friday at matutulog dun sa office na mukha na ring bahay kapag Monday.

Sabagay isang oras lang naman ang pagdadrive. Yakang yaka nya na yun. Masasanay din sya sa lifestyle nito.

Lumipas ang ilang oras ay huminto ang sasakyan niya sa isang malaking bahay at matataas na sementong bakod at makikita ang matataas na puno sa likod ng bakod. Bumukas ang gate upang papasukin ang sasakyan. Siguro tumawag na ito sa bahay nito para maging handa sa pagdating nila. Ipinasok na nya ang sasakyan sa loob.

Napalingon sya sa passenger seat kung saan nakapikit pa rin ang kasama nya. Napagod nga talaga siguro to. Napakagwapo talaga nito lalo kapag tinititigan. Napatigil lang sya sa pagtitig ng may kumatok sa pinto ng passenger seat. Kinalabit nya ang katabi at agad naman itong nagising.

"Were here na boss! Napasarap ang tulog mo eh." Umayos ito ng upo at tinanggal ang seatbelt. Binuksan nito ang window ng pintuan at nag-senyas na to move.

"Lets go!" Agad naman itong bumaba. At nagpatiuna. Nahiya siguro kasi napansin nitong matagal na syang nakatulog. Napailing na ngumiti sya.

"Marami pa akong makikitang emosyon mo. Mr. Lagdameo and excited na akong makita yun araw araw na kasama kita" aniya sa isip. Sumunod naman na syang lumabas dito.

Itinuro naman ng isang ginang sa kanya ang way papunta sa magiging kwarto nya.

"Hi! Good afternoon po. My Name is Keira. Kayo po?" Bati nya rito ng huminto sila sa isang pinto. Napakalaki ng bahay ng boss nya kaya parang napagod ang ginang na naghatid sa kanya at parang hinihingal pa.

"Sobrang laki ng bahay ni Boss. Mukhang nakakapagod po maglinis ng ganitong bahay." Napanganga naman sya habang iniikot ang mata sa paligid.

Binuksan ng ginang ang pinto at sobra syang namangha ng makapasok sa loob.

"Wow! Ang ganda! Ang laki!" Guest room lang ito? Eh dalawang size na ng condo unit ng pinsan nya itong room na ito. Grabe! Nakanganga lang sya at napaupo sa kama.

"Wow ang lambot ng kama!" sabi nya sa isip habang ibina-bounce ang pang upo nya sa kama. Sarap!

"Did you liked it?" Napaayos sya ng upo ng marinig ang boses na yun. Nakita nya itong nakasandal sa pintuan at nakapamulsa ang parehas na kamay sa bulsa ng trousers nito. Nagpalit na ito ng plain white t-shirt na humahapit sa mala-muscle nito sa loob. Makakakita kaya sya rito ng 8 pockets or kahit 6 pockets na lang. Para itong model na pinipicturan sa studio. Ang lakas ng appeal!

Tumango sya rito ng makita nyang nakatitig ito sa kanya.

"Ang laki nito Dale, sigurado ka ba na dito ako matutulog. Hindi ba dapat kasama ako sa mga maidens room?" Umiling ito at natawa.

"You are my body guard Keira kaya dapat katabi mo lang ang kwarto ko." Napatayo sya rito at lumapit.

"You mean katabi lang kita ng kwarto?"

Tumango naman ito. Sabagay kung malayo nga naman sya dito paano sya makakatakbo kapag may nangyare na dito.

Bigla syang nagkainteres sa kwarto nito.

"Can I see your room?" Request nya rito na pumipikit pikit pa ang mata. Naamuse siguro ang kaharap nito kaya napangiti ito.

"Sure pero magshower ka muna para pagtingin mo sa kwarto ko baba na tayo para sabihin ko sayo ang mga rules ang regulation ko." Ngumiti naman sya dito.

"Paano yung mga gamit ko?anung susuutin ko?" Ngumisi naman ito. Oo nga pala medyo revealing yung damit nya kaya siguro tinitingnan pa sya nito ng nakakalokong tingin. Inikot nya lang ang mata nya rito.

Ngumiti naman ito at lumabas na. Sabay dating naman ng ginang na naghatid sa kanya dito sa room kanina at may dalang damit para sa kanya. Lumapit ito sa kanya at iginiya sya sa bathroom. Sumunod naman sya rito.

May bath tub, may shower, may iba't ibang uri ng shower gel, shampoo. Lahat ng hinahanap nya ay nandito na. Napatango naman sya dito.

"Thank you po Maam---"

"Tawagin mo na lang akong Nay Ling, short ng Darling " Napatango sya.

"Ang ganda po ng name ninyo Nay Ling. Darling. Sweet Endearment" ngumiti sya rito.

"Kayo po ang bodyguard ni Sir. Dale?" Tiningnan sya nito mula ulo hanggang paa.

"Eh mukhang mas bagay po kayo na maging girlfriend ni Sir." Napalawak lalo ang ngiti nito at parang nahihiyang sinabi nito.

Nasamid sya sa sinabi nito. "Nay Ling. Malabo yun! Pero talagang kaya ko pong ipagtanggol ang boss nyo. Mukha lang hindi. Pero disguised ko lang po ito." Napakamot sya sa ulo habang tumatawa.

"Malay mo maam, iba kasi tingin sayo ni Sir eh. Nakukumpara ko po kapag nandito si Maam Bea." Nagpeprepared sya ng mga gagamitin nya sa pagligo habang nakikinig dito.

"Pumupunta po rito si Bea? Yung model?"

Nagtaka sya. Lagi kaya pumupunta sa bahay nito yung Bea? Sabagay kaibigan naman nya kaya wala syang dapat itanung pa. Siguro close talaga sila.

"Oo, lagi syang narito maam. Ngayon lang ata hindi napunta yun dito." Tuloy nitong kwento.

"Paanong di makakapunta dito eh may ginagawa na sila ng kababalaghan ng pinsan ko." Bulong nyang sabi.

"Anu po yun Maam?" Tanung nito.

"Wala po. Liligo na po ako Nay Ling kita na lang po tayo sa baba." At binuksan na nya ang shower para basain ang katawan.

"Sige po maam. Maiwan ko na po kayo.ariin nyo na po itong bahay nyo" At narinig na lang nyang nagsara ang pinto. Nagpatuloy syang maligo.

Pagkatapos maligo ay sinuot nya ang binigay ni Nay Ling kanina. Isa itong pink na pajama at tshirt na may drawing na emoji smiley face. Siguro naiwan ito na damit ni Bea. Sabi kasi ni Nay Ling lagi itong nandito.

Nasan kaya ang pamilya ng Boss nya. Nakakalungkot naman tumira dito at ang unti lang ng nakatira. Masarap tumira dito kapag may pamilya ka na maraming anak.

Kinilig ata sya ng malamang si Dale ang magiging ama ng anak nya at marami silang anak. Napailing sya. "Behave Keira! Behave" sa isip nya.

Natatawa na lang sya habang pinapatuyo ang buhok gamit ang tuwalya.

Pero instead na magsuklay ay inipit nya ito ng papusod at hinayaan lang matuyo habang nakaipit. Nag iwan sya ng buhok sa magkabilang gilid ng kanyang ulo. Sobrang fresh nya na at mas komportable na sya sa damit nya kasi di na masyadong revealing ang suot nya at hindi na mapang-asar ang itsura ng boss nya pag tumingin sa kanya.

Lumabas na sya at hinanap ang kwarto ng boss. "San kaya yun?" Tumingin sya sa kanan at may isang kwarto. Pagtingin din nya sa kaliwa ay may nakauwang naman na pintuan. San kaya sya pupunta? Syempre dun na sa nakauwang. Masyado syang curious sa mga ganung kwarto. Tila may mahuhuli syang nakakainterest. Kaya lumapit sya sa pinto na nakauwang.

"Boss?" Kumatok sya. Tatlong beses. Pero walang sumasagot. Sumilip sya at nakita nya ang isang silhouette. Nakita nyang may kausap ito at nakatalikod sa kanya kaya hindi sya nito napansin. Pumasok sya at umupo sa sofa nito habang hinihintay itong matapos na magsalita. Ito ba ang kwarto nya? Umupo sya ng naka-dekuwatro na parang sya ang boss. Pinalibot nya ang mata sa lugar. Mukhang hindi ito ang kwarto nito. Dahil wala namang bed dito mukhang office room nito iyon.

Napaharap na ito sa kanya at napansin niyang nagulat ito. Pero saglit lang iyon at tinapos na ang kausap sa phone.

"Yes. Lets make it by Monday. See you sharp 8am. Okey bye then" kahit kailan talaga pag nagsalita ito may power. Talagang maiintimidate ka at susunod ka talaga sa utos nito. Hindi pa rin sya nagiba ng posisyon sa pagkakaupo. Mas inilagay nya pa ang baba sa kanyang chin na nakapatong naman ang siko nya sa upuan habang nakatitig dito.

DALE POV

Manghang napatitig sya sa babaeng nasa harapan. Nakaupo ito ng nakadekwatro at nakalumbabang nakatitig sa kanya. Nakakabighani talaga ito. Yung mga tingin nito na nakakatunaw. Buti na lang at alam nya kung paano umakto ng di sya nahahalatang nakakatunaw itong tumingin. Ano kayang iniisip nito?

Lumapit sya rito. "Do you like the view?" Habang nakatingin pa rin ito sa kanya. Siguro nagagwapuhan ito sa kanya. Ikiniling nito ang ulo at tumayo. 'Wait umupo ka muna ng ganun.' Mas bagay talaga dito ang model eh, pero mas gusto ko na makasama siya at nakikita lagi.

"Sorry! Kasi sabi mo puntahan kita kapag tapos na akong maligo eh." Nag-ipit ito ng buhok sa tenga at bumagay sa hugis ng mukha nya ang mga buhok na nakatikwas sa kanya kahit hindi sya nagsuklay. Ang ganda pa rin.

"This is my office room as you can see. My room is at the right side of your room." Tumango naman ito at inilagay ang mga kamay sa likod. Habang nililibot nito ang mga mata sa kabuuan ng place. Naamoy nya ang shower gel na ginamit nito ang bango na light lang sa ilong nya hindi gaanong matapang hindi rin naman nakakasawa. Napalingon pa sya sa basang buhok nito at tumulo ang basa nito sa bandang leeg nito. Napalunok sya ng magkakasunod sunod. Nanunukso ba ito?

Nanggigigil na ang ibaba nyang bahagi. Gusto ng kumawala. Biglang uminit at ipinampaypay nya ang tshirt malapit sa kolar nya.

"Lets go to my room." Sabi nya rito na ikinalingon naman nito. Mukhang mali ang sinabi nya rito. Parang doble ang meaning ng sinabi nya. Wrong move Dale. Tumango naman ito. Pinauna nya itong lumabas at naglakad na ito, sumunod naman sya dito.

Nakahinga sya ng malalim ng makalabas na ito. Mahihirapan ata sya magpigil kapag lagi itong nandito. Paglabas nya ay naghihintay ito sa kanya sa tapat ng kanyang kwarto.

'Dale, gusto nya lang makita ang kwarto mo, wala kang gagawin sa kanya okey! Baka makatikim ka naman ng sapok nya' ani nya sa isip.

Pumasok na sya sa kanyang kwarto at pinapasok ito. Nakanganga naman ito ng makita ang loob ng kanyang kwarto. Paano very manly ang kwarto nya at napakalaki nito. Maaliwalas pero talagang peaceful katulad ng paraiso nya sa office sa company nya.

"How is it?" Para itong bata na umiikot ikot. Pati sa bed. Sa bathroom, sa sala, sa kanyang wardrobes. Pati ang kanyang mga collections. Napatingin ito sa collections nyang mga 3d Anime Naruto.

"Mahilig ka sa Naruto?" namamangha itong tumitingin sa mga collections nya. Bawat makita nito na karakter ay napapa-Wow ito.

Naaaliw syang tinitingnan ang reaksyon nito habang nakatingin sa kanyang mga collections. Ito lang ata ang nakakaalam ng mga ganitong anime. Nawiwirduhan kasi sa kanya si bea sa tuwing papasok sa kanyang kwarto.

"Ang galing naman. Nakakatuwa. Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Sabi nila weird daw kapag nagiipon ng ganito pero para sakin sobrang amazing kaya mga taong may collections. I find them awesome in my eyes! Like you!" Nagapprove sign pa ito sa kanya. Na-touch naman ang heart nya sa sinabi nito.

"Pwede ba akong bumalik balik dito sa kwarto mo para lang tingnan itong collections mo? Ang ganda ng kwarto mo. I find peace in here pero ganun din naman sa kwarto na binigay mo sakin. Breathless. Ganun ko sya idescribe. Haha" mangha nitong pagsasalaysay.

"Sure. You may come here anytime." Very fond sya sa pinapakita nitong emosyon.

"Lets go?" Pag-aayaya nya dito.

"Thank you Dale for showing me this side of you." At lumabas na ito ng pinto. Napatigil naman sya sa sinabi nito. Did I share her my personality? Ako na kilalang playboy at madaling magsawa sa mga babae. Siguro magsasawa din ako dito. I dont think so baka nadadala lang ako dahil ito ang nagligtas sa kanya, napakasarap ng mga halik nito at nadadala siya ng mga salita nito. Umalingawngaw ang mga salitang 'I want to protect you.' Sarap ulit ulitin sa kanyang tenga. Naiimagine nya tuloy na binubulong nito ang mga katagang iyon sa tenga nya. Napapikit sya at inaalala ang oras na yun.

I want to protect you

I want to protect you

I want to protect you

"Boss! Tara na po. May paguusapan pa po tayo di ba?" Natigil lang sya sa pagrereminisce ng kalabitin sya nito.

"Okey! Lets go!" Nauna na syang lumabas dito. Nahiya sya sa inakto nya sa harapan nito. Para syang batang may sariling mundo.

Natawa na lang sya sa sarili habang umiiling iling.

Sa pagbaba nila ay binati sila ng mga tauhan. Akala mo ilang araw na ang lumipas sa dami ng nangyare at ngayon kasama na nya ito. Sya pa rin talaga si Dale Joshua Lagdameo at kung ano ang gusto nya ay yun ang masusunod. Walang kokontra dahil hindi nila alam kung paano magalit ang isang Lagdameo.

Tumango sya sa mga ito at nagsenyas na pede na silang mawala sa kanyang paningin. Medyo strikto sya sa kanyang bahay kaya marami syang ginawang policy na dapat sundin ng mga nagtatrabaho sa kanya. Anu kaya magiging reaksyon nito kung malaman nito ang mga policy na iyon. Naeexcite na sya. Meron lang naman syang sampung policy at kailangan walang lalabag dun.

"Take your seat Ms. Alessandro." Formal nyang utos dito. Umupo naman ito sa harapan nya at focus na nakatingin sa kanya. Para itong kabayo na may nakalagay na pantakip sa mga gilid ng mata para isa lang ang tinitingnan nito mukhang handa na ito sa mga sasabihin nya.

"First, I want to congratulate you and you got this job." Nag-snap sya ng daliri at dumating ang isang katulong na may dalang dalawang baso sa isang tray at isang bote ng red wine. Ibinaba nito ang tray at inilapag ang mga baso sa kanilang tapat. Marahan din nitong nilagyan ang mga baso ng wine. Para silang nasa isang restaurant dahil sa ginawa ng kanyang katulong. Proud sya dahil ang mga katulong nya ay talagang may etiquette dahil pinadaan nya talaga ito sa isang training on how to serve their master. Masyado syang metikuloso pagdating sa pagpili ng mga tauhan.

"Lets make a toast for that." Kinuha nya ang basong nasa harap at ganun din ito. Itinaas at parehas nilang pinatama ang baso sa isa't isa.

"Cheers!" Napangiti naman ito sa ginawa.

"Well, I want you to know that being my Bodyguard slash Driver, you should be in a proper care. Gusto ko healthy ka at gusto ko marami kang alam na skills, like pagluluto este skills when it comes to self defense and because you have the knowledge in Boxing. Ipapasok naman kita sa Martial Arts, Arnis, How to handle guns, karate at taekwando. Gusto mo ba yun?" Habang nagsasalita sya ay nakikita nya sa reaksyon nito na parang pabor dito ang lahat ng sinabi nya.

"Mukhang exciting ang magtrabaho sayo Boss. Pabor sakin lahat ng sinabi mo. Wala akong kontra and I will not let you down." Di nga ako nagkamali. We are in the same page. Mas gaganahan syang magbigay kapag ganito ang kausap nya. Maganda pa. Though nag-aalala naman sya sa mukha nito kasi maaari itong masuntok. Sabagay may power naman ito pero hindi ko na ipapagamit dito yun dahil nandito na sya Hindi na nya kailangan nun. Tumango tango sya.

"Plus you have benefits and bonus like Health cards na may kasamang dependents mo, SSS, Philhealth, Hospital Benefits, insurance, Medical allowance (includes dito ang vitamins, medicines mo) you will also have a personal doctor, Travels dahil sa lahat ng lakad ko dapat kasama ka. Kasama na yung kotse mo sa labas, Accommodations dahil dito ka na titira hanggat bodyguard kita at Driver , transportation, like what I've told you ipapasok kita sa mga self defense trainings, Foods, Shopping, sagot ko. By the way here is my black card. You can buy whatever you want." Iniabot nya ang Black card dito at nanginginig nitong tinanggap yun at napakagat labi pa ito. "Wag ka ngang ganyan nakakaakit ka!" Saway nya rito sa isip.

Habang sinasabi nya dito ang lahat ng benefits. Napapalunok ito at sunod sunod ang paglagok nito ng wine. Napapapikit at napapakurot pa ito sa sariling balat.

"Sobra-sobra naman po ata Boss yung benefits. Parang nalulunod ako Boss. Mas Breathless pa ito kesa dun sa pagpasok ko sa binigay mong kwarto sakin. Sigurado ka ba Boss? Hindi ka ba muna mag-papa background check sakin bago ka magbuhos ng tiwala sakin?" Pagkatapos nitong sabihin ay napainum na naman ito ng wine ngunit pinigilan nya na itong uminom.

"Keira enough! Baka hindi mo na ako maintindihan kapag uminom ka pa. I saw you last time na naginum tayo at hindi ko gusto na matulog ka habang nagsasalita ako because I don't want to repeat myself when I say something. Okey?" Ibinaba na nito ang wine at umayos ng upo.

Napapaypay naman ito ng palad na para bang nainitan. Naka-aircon naman sila pero bakit sya naiinitan? Baka sa iniinum nitong wine. Umayos na rin sya ng upo.

"Hindi sobra sobra ang binigay ko sayo. Kapalit ng mga yan ang buhay ko na nasa iyong kamay. Simula ng tanggapin kita bilang driver slash bodyguard ko buo na ang tiwala ko sayo. Kulang pa ito sa gagawin mo na pagpoprotekta mo sa buhay ko. Kaya hayaan mong ibigay ko lahat ng ito sa iyo ng libre. Dahil kung wala ako. Paano kita mabibigyan ng ganitong buhay di ba? Alalahanin mo ako ang source ng mga pangangailangan ng pamilya mo or ikaw mismo. Kaya mabigat ang responsibility mo, mabigat ang job na nakaatang sayo at accountability mo ako." Naging seryoso ang mukha nito. Lihim syang natuwa dahil sa inakto nito. Naintindihan nito ang gusto nyang sabihin.

"Yes Boss, gaya ng sinabi ko sayo. I choose to be your Driver slash Bodyguard because I have this gut na I live with this purpose. A purpose To protect you and to serve you with all my heart and mind. Nabuhay ako sa mundong ito para protektahan ka. I'll be your Knight Shining Armor." Na ikinatawa nya dahil habang sinasabi nito ang Knight Shining Armor na word ay ipinalo nya pa ito sa dibdib. Attractive Amazona Isn't? Maybe I like her na. Tatlong araw pa lang Dale. Apakalande talaga!

Tumango sya sa mga sinabi nito. "Thank you for trusting me Boss." Nabigla sya sa sinabi nito at napangiti na rin ng ma-absorb nya ang mga sinabi nito. Sino ba naman di gaganahan kapag naririnig mo pa itong mag-thank you. Ramdam na ramdam mo dito yung sincerity sa bawat salitang lumalabas dito.

"Now for my rules." Nawalan ito ng gana. Nagtaka naman sya. Biglang bumagsak ang mga balikat nito. Nawala ang excitement sa mga mata. Should I say or I shouldn't? Parang di nya gusto na makita ang ganitong side nito. Napansin naman nito ang pagtataka nya kaya umayos din ito ng upo.

"I'm ready Boss, sorry kung nakitaan mo ako ng ganung side ko. In my life kasi, I live with my own rules. Its hard for me to submit. Pero syempre I am under your care kaya I'll try my best po, Go on boss. Tell me!" Napaisip naman sya. Kung gawin ko lang light sa kanya yung rules.

Maiintindihan naman siguro ako ng mga employees na nagwowork sakin. Tumayo sya at umikot sa likod ng sofa at nangalumbaba.

"First Rules! Kailangan mauuna kang magising sakin. I always wake up sharp 7am. So you should wake up by 5am." Napakamot ito ng ulo.

"Ahm, boss gawin mo na lang 6:30am. Anu kasi hirap ako gumising ng umaga, sinasabi ko na sayo para in the future di ka na umasa please?!" Request nito. Napaisip sya.

"Hmmm🤔 okey! Basta kailangan mauna ka saking magising. Wala ng oras. Basta gusto ko pagmulat ng mata ko ikaw ang bubungad sakin okey?!" Utos nya rito at sumaludo naman ito.

"Yes boss!" Naexcite naman ito sa susunod nyang rules. Mukhang maraming mababago sa rules nya kapag ito ang kausap nya.

"Second Rules! You must be always by my side. Wherever I go, whatever I do, unless I told you na wag mo akong sasamahan at syempre sa pagligo ko yun ang mga exemption ng hindi mo pagsama sakin." Nagtaas ito ng kamay.

"Boss, I object!" Wait san sya nagobject? Dun ba sa pagligo nya. Kailangan kasama nya pa rin ito. Ang naughty Keira ah. Napangiti sya rito.

"At anu sa mga sinabi ko ang kinokontra mo?" Napataas ang kilay niya rito. Inaabangan nitong sabihin na gusto sya nitong samahan kahit sa pagligo. Biglang nais nyang batukan ang sarili sa naisip.

"Dun sa sinabi mong Unless you told me na di ka magpapasama boss, hindi ko kasi maaatim na wag kang samahan Dale, dahil nangako ako sayo na poprotektahan kita eh, baka yun pa ang magdala sayo sa kapahamakan di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyare sayong masama na hindi man lang kita nagawang protektahan." May bahagi dito na pag-aalala habang sinasabi ang mga katagang iyon.