Chereads / My Amazing Girl / Chapter 4 - CHAPTER 4 - THE RULES

Chapter 4 - CHAPTER 4 - THE RULES

DALE POV

'Bakit ganun, sa simple nyang mga comment na-didistract ako. Hindi dapat ako madala sa mga sinasabi nya. Focus Dale!' Remind nya sa sarili.

Masyado syang nadadala ng mga sinasabi nito at hindi sya masyadong makapag-isip ng maayos lalo na kapag nagsimula na itong mag-comment, kumontra or magsalita at magpa-cute sa harapan nya.

'Teka cute?' Napatitig sya sa babaeng kaharap, 'Oo nga cute ito, hindi lang yun maliit ang ilong nito na medyo pointed, ang mata nitong nangungusap, kilay na hindi na kailangan pa drawingan, pisngi na namumula at labi na mapupula' napatitig sya sa mga labi nito.

"Boss, Hello to Earth! Dale?!" Tawag nito sa kanya habang kumakaway ang mga palad sa harapan nya ang nagpabalik sa kanyang ulirat. Teka matagal na ba syang nakatulala dito. Iwinasiwas nya ang ulo at tumutok sa nakaharap.

"Sorry! Where are we now?" Tanung nya rito.

Bumalik ito sa pagkakaupo. Nakadequatro na ito at uminom na ng kape? Wait kape eh kanina lang wine iniinum namin. Gaano na ba sya katagal nakatulala at hindi nya na pansin ang nangyayare. Nakakahiya ka Dale anu ba.

"Kape? Nagpatimpla ka ba ng kape?" Natawa naman ang kaharap ng maibaba ang tasa ng kape.

"Boss, kanina pa yang kape na yan. Nag-space out ka. San ka na nakarating? We are still here on Earth, Dale. As I were saying, Im your bodyguard kaya kahit pa sabihin mo na di ako pede sumama sayo, I need to go wherever you are. Hindi pede yung sinasabi mo. Bodyguard nga eh." 'Yes ayun nga yung pinaguusapan namin. And yes nag space out nga sya.' Tumikhim sya at umupo ng formal sa harap nito. Ibinalik nya ang pagiging composure.

"Ok if thats what you want! I like your guts! So kahit sabihin ko na wag kang sumama you can convoy on me!" Tumaas ang kamay nito pero tinaas nya ang kamay.

"Thats my rule! If I told you na wag mo kong sasamahan atleast sundan mo na lang ako. No buts!" Bumalik din sa normal ang kilay nito na palihim nyang ikina-relieve.

"And for my Third Rules!" Papaiksiin nya na lang tong rules na to. Masyado ng mainit ang pakiramdam nya at kapag nagtagal pa to baka mapahiya na naman sya. Tahimik lang ito na nag-aabang.

"Express your feelings like what you are doing to me right at this moment!" Na bahagyang ikinangiti nya sa reaction nito na nagtataka.

"What do you mean Boss?" Napailing ito.

"Hindi ko gets! Can you elaborate it?" Napapangiti sya at pasimpleng kinuha ang kape at uminom kahit alam nyang malamig na ito hinipan nya pa rin para lang maiayos ang sasabihin sa kaharap na ngayon ay nagaabang ng kanyang sasabihin. Ibinaba nya ang tasa at pasimpleng binasa ang labi.

"I want you to tell me kapag may nakikita kang hindi mo nagugustuhan. You can comment anytime na may mali kang nakikita. And you can tell me everything whats in your head. It means wag kang mahihiya na ipakita sakin kung sino ka talaga. Just be yourself. I don't need you to act like somebody and do not hesitate to tell me your feelings toward me." Naiintindihan na kaya nito yung gusto nyang sabihin.

Gusto nya na magpakatotoo lang ito sa harapan nya at hindi nya pedeng sabihin dito yung madalas sinasabi ng ibang boss na 'Don't you dare fall in love with me' because who knows what will happen next di ba? Mahirap magsalita ng tapos at sa huli ay kinakain naman ang sinasabi.

Hihintayin nya na ito ang unang mag-confess at magkagusto sa kanya dahil wala syang balak na umamin dito kahit kating- kati na syang sabihin na gusto nya ito. Kung darating man ang araw na yun.

Napasandal naman ito sa sofa at derechong tumingin sa kanya. Naninimbang ang mga tingin nito ngunit walang salita na lumalabas dito. Nakikitigasan din sya ng titigan dito ngunit may something sa mata nito na di nya mawari ngunit nag-alis din ito ng tingin at pumikit at tumango tango.

"Na-gets ko na boss." Dahan dahan itong idinilat ang mata at tinitigan syang muli ngunit ngayon ay nakakalumbaba na ito gamit ang mga binti na nakaharap sa kanya.

"Gusto mo akong magpakatotoo sa nararamdaman ko sayo?" Sumilay ang ngiti nito sa kanya.

"I see, is it telling me in an opposite way na madalas sinasabi ng mga Boss na 'Don't you dare to fall in love with me'?" Natigilan sya sa sinabi nito. Bakit ganun. 'Im just telling her in a simplest way bakit nya ginagawang complicated. Mga babae talaga'.

"If thats what you think, then be it." Tumango tango naman ito.

"Wag kang mag-alala Boss reserve to." Turo sa sarili. Na lihim nyang ikinatawa.

"Reserve for who?" Kahit alam nya na ang sagot ay tinanung pa rin nya ito para sa kumpirmasyon sa sarili at katiyakan na rin na wala itong ibang lalake sa buhay nito kundi ang lalakeng niligtas nito nung bata pa ito.

"Alam ko medyo weird ang sasabihin ko Boss, childish may it seems but I want you to know that I am reserve for someone boss. At kapag nakita ko na sya siguro thats the time na magreresign na po ako sa inyo." Napakunot ang noo nya.

So kapag umamin sya rito na sya yung batang iyon, magreresign na ito. Mawawala na ito sa kanya? Di na nya ito makakasama forever. Hindi pede yun. I want to be with her. Stop Dale! Kilalanin mo muna sya.

"And why?" Interesado nyang tanung dito.

"Boss, ang dami nyo namang tanung. Sabi mo naman sakin express my feelings." Natawa ito.

"Okey! Lets call it a night!" Tumayo na sya at di na nya ito kukulitin kung ayaw nitong magsalita. Hindi na lang nya sasabihin na sya ang niligtas nito nung bata pa ito dahil baka mawala pa ito sa paningin nya. I will respect her decision kung dumating man yun. Pero bakit ganun mabigat sa loob. Gusto pa rin nya malaman ang dahilan nito.

"Welcome again Bodyguard Kei!" At iniabot nya ang kamay dito para makipagkamay.

"Thank you Boss Dale!" Mabilis nitong sagot. Pinahid ang kamay sa suot nitong damit at Inabot nito ang kamay sa kanya at naramdaman nya ang malambot nitong palad. Bahagya nya pang pinisil ito.

"Manang Ling, handa na po ba ang hapunan?" Tawag nya sa matandang babae na mabilis na lumabas rin galing sa kusina.

"Yes Sir. This way please." At inilahad nito ang kamay na itinuturo ang kusina. Isa ito sa mga train nya na para silang naglilingkod sa mga hari at reyna sa palasyo. Kaya isa ito sa pinagmamalaki nyang tagapag-alaga ng kanyang tahanan.

"After you." Saad nya rito. Yumuko ito at nagpatiuna sa lugar na itinuro ng kanyang katulong at sumunod sya rito.

Tahimik lang silang kumain at maya't maya rin ang titig nya sa kaharap. Mabilis nyang tinapos ang kanyang pagkain at tumayo.

"Mauna na ko. Gudnyt Miss Keira. Mukhang nakalimutan na ng pinsan mo na ipadala ang mga gamit mo. Tawagan ko na lang sya na ipadala bukas." Napasilip naman sa kanya ang ngumunguyang babae at tumango. Nang umalis sya ay napansin nyang sinusundan sya nito ng tingin kaya itinaas nya ang kamay ngunit nakatalikod pa rin na tinungo na ang kanyang kwarto.

KEIRA POV

Napanguya sya ng mabilis ng mawala na ito sa paningin. Kanina pa sya naiilang sa mga titig nito habang sya ay kumakain. Anu bang nasabi nyang masama at parang biglang nanahimik ito. Di ba dapat sampu ang rules nito pero bakit naging tatlo na lang? Sabagay nakakaumay naman kasi kapag marami syang rules parang ang hirap gumalaw nun.

Lalo na yung first rule. Ang hirap kayang gumising ng umaga. Papagisingin nya pa ako ng 2 hrs before sya magising. Tapos 7am daw gising nya. Grabe naman. 'Halos 9am na nga ako magising pero magbabago ang lifestyle ko dahil may work na ako. Yes! May work na ako! Mukhang mabigat ang responsibilidad ko sa kanya. At kailangan nyang patunayan dito na hindi sya basta-bastang bodyguard lang'

Yung sa 2nd rules naman bahala ito basta kung ayaw nito magpasama susundan na lang nya ito. Hindi ito pedeng mawala sa mata nya at yun ang trabaho nya para dito. Tama naman ang ginawa nya, kailangan nyang protektahan ito sa abot ng kanyang makakaya. 'Bakit nga ba? Basta pakiramdam ko gusto ko syang protektahan. Kusa kasi itong pumasok sa isip ko kaya siguro nagulat ito sa pasya ko.'

Natawa na lang sya sa naisip.

'Good job Keira.' Sambit sa sarili.

At ang pangatlo nitong rules mukhang madali namang magsalita dito kapag may napapansin siyang against sa kanyang will. Ang luwag nga nito sa kanya eh. Pero yung word na 'don't you dare fall in love with me' napanuod nya lang yun sa No Other Woman. Kaya natawa na lang syang iiling iling habang dinadala ang pinagkainan sa kusina at hinugasan ang mga pinggan nilang dalawa.

"Ay shemai!" Napahawak sya sa puso dahil sa gulat halos mapatalon din sya dahil dito kay Manang Ling na nakatingin sa kanya.

"Manang naman. Wag po kayo nanggugulat." Sapo nya sa puso. Bahagya namang kumunot ang noo ng matanda.

"Maam, anu pong ginagawa nyo dito? Bakit po kayo ang naghugas ng pinggan?" Napahinga naman sya ng malalim at naglakad patungo sa ref upang kumuha ng tubig, naglagay sya sa baso at uminom.

"Ah maliit lang na bagay to manang. Unti lang naman ang hugasin---" napatigil sya ng bigla itong magsalita.

"Eh Maam pag nakita kami ni Sir na kayo ang naghugas ng pinggan malalagot po kami. Kabilin bilinan po nya sa amin na wag kayo paggagawain ng kahit anung gawaing bahay dito po sa kanyang tahanan." Habang pinupunasan ni manang ling ang lababo kahit napunasan nya na iyon bago pa ito dumating.

"Ay sorry po manang. Sige po aakyat na po ako sa kwarto para matulog. Day off ko po bukas kaya kahit late na po ako magising. Pasabi na lang po kay boss. Goodnight po manang salamat po sa masarap na pagkain." Nagmano pa sya rito bilang paggalang. Nagulat naman ito sa inakto nya. At madali syang umakyat ng hagdan patungo sa kanyang kwarto.

Habang naglalakad sya papunta sa kanyang kwarto. Napansin nya ang nakaawang na pinto na sa pagkakaalam nya ay kwarto ng kanyang boss. 'Bakit kaya ito nakaawang?' dahan dahan syang lumapit at sisilip sana ng bigla itong bumukas.

Napatayo sya ng tuwid. "Hey Boss!" Napasaludo sya ng bigla itong humarap sa kanya. Napatitig lang ito sa kanya na parang may tinatago. 'Akala mo nahuli na may ginagawa na kung anu.' Nakitaan nya ulit ito ng bagong reaksyon na ikinatuwa nya.

"Ssshhhh" nag-sign ito ng silence. Niyaya sya nito sa loob ng kwarto. Kusa namang pumasok ang mga paa nito na sumunod sa kanya. Kahit alangan ay wala syang nagawa kundi ang magpatianod. Nakita nya pa itong sumisilip silip sa labas. Nilapitan nya ito.

"Huy Boss, bahay mo kaya ito." Kalabit nya rito.

"Para ka namang may ginagawang milagro jan kung makapagtago ka sa kanila. Anu bang kinakatakot mo jan." Bigla naman itong nagsara ng pinto at nag-ayos ng tayo.

"Sorry! Darating kasi si daddy. At sinabi ko kasama ko ang mapapangasawa ko. Kaya pedeng ikaw muna ang umakto." nagulat naman sya sa sinabi. Bigla bigla. Eh parang kanina lang bodyguard/driver trabaho niya ngayon girlfriend for hired na.

"Parang ang hirap naman ata ng ipapatrabaho mo sakin boss. Okey na ako sa bodyguard at driver. Baka mahuli pa tayo ng daddy mo." Niyaya sya nitong umupo sa sofa kaharap ang maayos na mga miniature ng Naruto collections nito.

"Minsan lang kasi si papa dito at may ipapakilala daw kasi sya sakin. Eh ayoko naman ng fix marriage eh, hindi ako sang -ayon sa gusto nyang mangyare. Kaya please help me with this." Iniharap sya nito sa kanya.

"Anu po bang gagawin natin?" Takang tanung nito.

"Once na bumukas yang pinto na yan. Hahalikan mo ko." Nanlaki naman ang pupil nya sa mata. 'Sabagay sanay na sya nitong nakahalikan pero bakit pa nila uulitin yun di ba?"

"I'll do everything Keira. Please help me with this." Hindi man nya maintindihan ang kanyang boss ay napatango na lang sya dito.

"Okey!" Aniya. Kung di lang to gwapo eh. Mapagbigyan na nga. Kawawa naman eh.

"Anung okey?" Na parang kabado pa ring nakatingin sa pinto.

"Pumapayag na ako Dale." Nagulat sila ng may mga yabag na palapit sa pinto kaya ng unti unti itong lumapit sa kwarto ng Boss at pininid na ang doorknob ay iniharap nya sa kanya ito at biglang hinalikan.

DALE POV

Bahagyang nagulat sya sa ginawa ng babae na ngayon ay nakahalik na sa kanya. Nakapikit ito at nararamdaman nyang ninanamnam nito ang labi nya. Hawak nito ng mahigpit ang kanyang tshirt.

Nang tumingin sya sa pinto ay nakabukas na ito at tanging ang katulong lang nila na nagsasabing may bisita sya. Pinaalis nya gamit ang pagkumpas ng kanyang kamay habang ang isang kamay nito ay napayakap sa bewang ng babae.

Nang makaalis ang katulong ay bahagya syang gumalaw upang sagutin ang mga halik nito. Namiss nya ang halik nito na ginawa nila kanina sa elevator. Diniin nya lalo ang pagkakayakap dito upang mas lumapit pa ito ng maigi sa kanya. Tinutulak ng kanyang dila ang bibig nito upang bigyan sya ng access para makapasok ito sa loob ng babae.

Kakalas na sana ang ito ng bigla nyang hinila palapit ulit ang babae sa kanyang labi.

Sinimulan nyang sagutin ang mga labi nito at narinig nya itong umungol nang maramdaman nyang bahagyang umuwang ang bibig nito ay nagkaroon sya ng pagkakataon na maipasok ang dila sa loob nito.

Naramdaman nyang nanghina ang babae gawa ng ginawa nyang paghalik dito at kusang pumulupot ang mga kamay nito sa kanyang batok.

Gustong gusto nya ang ginagawa ni Keira sa kanya at ayaw nya itong huminto. Pinipigilan nyang igalaw ang mga kamay sa bawat bahagi ng katawanan nito. Mas lalo syang agresibo ng bumukas ang pinto at iluwa nun ang kaibigan nyang si Bea at si Lloyd.

"Dale?---" nagulat sya at napatayo pagkarinig sa boses ni Bea. Nakapameywang na ito sa kanilang dalawa.

"Keira?--" banggit naman ni Lloyd. Lumawak ang pag awang ng pinto. Napangisi nman ito ng makita silang dalawa na huling huli sa akto.

"What are you two doing here?" Hindi pa rin nyang hinahayaan na humarap si Keira sa kanila.

"Dale, akala ko ba daddy mo ang darating." Kinukulit sya nito. Panay ang palo nito sa kanya.

"You mean? Kayo na ng pinsan ko?" Nakangising tanung nito sa kanila at biglang umakbay kay Bea.

"Babe, mukhang hindi lang tayo ang manunurprise kundi sila rin." Proud na sabi nito at nakaharap kay Bea. Saglit namang napaawang ang kanyang bibig at pagkatapos ay hinarap nya si Keira sa kanila.

"Yes. Kami na nga." Nakatingin namang nagtatanung ito sa kanya. Lumapit ang pinsan ni Keira at pinatong nito ang kamay sa shoulder nito na ikinagulat ng katabi nya.

"Congrats pinsan! akala ko kami lang ni Bea. Kaya nga hindi na nami pinagpabukas eh kasi gusto na namin sabihin sa inyo kasi alam ko nagaalala ka sakin kanina pero wala naman pala akong dapat ipag-alala dahil masaya ka na dito sa piling ng aking boss." Nagtataka ang mga mata nitong nakatitig sa kanya at bumalik sa pinsan. Napayuko na lang ito na tipong sumuko na sa pagpapaliwanag.

"Congrats din sa inyo ni Bea. Lloyd ingatan mo si Bea ah." Pinaupo nya lang si Keira at hindi na hinayaang makalapit ang pinsan dito. Agad nyang sinara ang pinto ng makalabas na silang tatlo.

"Where are her things?" Tinuro naman nito sa kabilang kwarto sa kanyang kaliwa.

"Dyan pinadala ni manang yung mga gamit ng pinsan nito ni Babe". Yakap na yakap naman ang babae dito.

"Hey Bea, umayos ka nga. Halata namang inlab na inlab ka jan kay Lloyd." pinitik nya ang ulo nito. Sapo naman nito ang noo na kanyang pinitik.

"Aray ko naman. Ikaw nga jan naghahalikan pa kayo ng mahuli namin. Buti nga kami nakahuli sa inyo eh paano kung ang daddy mo na." huminga sya ng malalim.

"Sige na malalim na ang gabi. Titira ka na ba kay Lloyd?" Tumango naman ito. Buti naman at nagkaaminan na itong dalawa para hindi na sya kulitin nito na mang stalk pa sa lalakeng nakatayo pa rin at nakatitig sa pinto ng kwarto nya.

"Okey lang sya. Nagtatampo pa rin sayo. Hindi mo kasi pinagbuksan ng pinto kanina." Pagkasabi nya ay nagkatinginan ang dalawa.

"Ah Sige Dale, mauna na kami ah. May shooting pa kami ni Lloyd bukas. Enjoy and goodnight." Saka sabay na bumaba ang dalawa. Napansin nyang namula si Bea sa sinabi nya.

"Boss pakisabi na lang kay pinsan na dadalawin ko sya sa linggo. Sorry naistorbo namin kayo." At sumaludo ito. Napatakbo naman ang mga ito ng humakbang sya para paluin ang mga ito. Natatawa na lang syang bumalik ng kanyang kwarto.

Ngunit pagbukas nya ng pinto ay wala na syang naabutan na anino nito. Siguro ay nahiya ito kaya pumunta na sa kwarto nito.

Pumunta sya sa harapan ng pipinto. Kakatok sana sya sa pinto. Itinaas na nya ang kanyang kamay ngunit pinigilan nya ang kanyang sarili. Nag-uumpisa pa lang itong pumasok sa kanyang buhay ngunit dahil sa ginagawa nya ay mukha nilalayo nya pa ito sa kanya. Tumalikod sya at bumalik na sa kanyang kwarto.

KEIRA POV

Naramdaman nya ang pagkawala ng anino sa likod ng kanyang pinto kaya dahan dahan nyang binuksan ang pinto at wala na syang nakita na bulto nito.

Laking pasasalamat nya ng dumating ang kanyang pinsan at ang kaibigan nito na si Bea dahilan para matigil ang kanilang halikan. Kung hindi pa ito dumating ay madadala na sya sa sensasyon na bumabalot sa kanya ng mga halik na yun.

Halik na nagsasabing huwag nya itong iwan, halik na nagsasabing manatili sya rito at halik na nagsasabing protektahan nya ito. 'Bakit anu bang meron sa lalakeng ito?' Hinawakan nya ang kanyang labi. Damang dama pa rin nya ang mga halik na nakalapat sa kanyang labi. Mariin syang umiling at bumaba para uminom ng tubig dahil nauhaw sya sa ginawa nila kanina.

Sa pagbaba nya ay may nararamdaman syang nakamasid sa kanya. Dahan dahan syang pumunta ng kusina. Kumuha ng tubig sa ref at naglagay ng tubig sa baso. Mabilis din nyang tinungo ang kanyang kwarto dahil sa pag-iwas na makasalubong ito.

Natutuwa sya para sa pinsan dahil naging sila na ng matagal na nyang nagugustuhan at buti naman nagkaaminan na sila. Pero nahiya lang sya rito ng mahuli silang naglalaplapan sa mismong kwarto nito. Hiyang hiya sya sa pinsan at sa kaibigan nito. Mas nahiya sya ng sabihin pa ng kanyang Boss na may relasyon sila.

Agad nyang sinara ang pinto at nilock ito.

Mabilis nyang tinuntun ang kama upang isalampak ang kanyang katawan dito.

Napakalambot ng kama ngunit wala ng mas lalambot pa sa labi nito. Whaaa! Keira Behave. You are only his Bodyguard and Driver. Nothing more than that. Wag kang assuming at isa pa you are reserve.

Kanino ba sya reserve. Antagal tagal na nya hinahanap yung lalakeng yun pero di pa rin nya makita at isa pang nakakapagtataka ay hindi na nya ito napapanaginipan pero baka nung nakaraang gabi lang nya ito hindi napanaginipan at baka dalawin muli sya nito sa kanyang pagtulog. Ipinikit na nya ang kanyang mata at ilang saglit lang ay dinalaw na sya ng antok.

DALE POV

Ilang beses ng nagpaikot -ikot sa kanyang kama si Dale ngunit hindi naman sya dalawin ng antok. Anu bang kalokohan ang ginawa nya ngayong gabi at ginamit nya pa ang kanyang daddy para gawin itong girlfriend for hire.

Ang totoo hindi naman talaga dadalaw ang kanyang ama ngayong gabi pero naglaro na naman ang utak nya at bigla nyang namiss ang mga labi nito. Hindi nya rin naintindihan ang sarili bakit sya nadala ng mga halik na iyon. Halik na nagbibigay buhay sa kanyang maselang bahagi. Halik na nagbubuhay sa bawat sistema ng kanyang katawan. At Halik na di nya masabi ngunit parang ayaw niyang pigilan.

Kung hindi pa dumating ang pinsan nito at si Bea wala talaga syang balak ihinto. Ang totoo nabitin sya sa halikan na yun. Binatukan nya ang kanyang sarili. 'Bakit ka naman nagsabi na may relasyon kayo ni Keira. Nasisiraan ka na ba ng bait Dale? Isa kang CEO at kahit sinong babae pede mong makuha pero bakit kay Keira pa.

Hindi nya rin alam ang nangyayare sa kanya simula ng malaman nyang ito ang nagligtas sa kanya nagkaroon ito ng puwang sa puso nya.

Simula ng malaman nya na sya ang first kiss nito ay may umusbong na bagong pakiramdam sa kanyang kalooban na hindi nya pa naramdaman sa 25years na nabubuhay sya sa mundong ito.

Simula ng sabihin nito na nabubuhay ito para protektahan sya ay parang may humipo sa kanyang puso na nagsasabing ito na ang babaeng kanyang hinahanap at Simula ng makilala nya ang babaeng ito ay hindi na sya nito pinapatulog sa gabi.

Maraming nangyare sa kanila ngayong araw. Sinasariwa nya ang mga pangyayare simula ng makita nya ito sa kanyang kompanya. Maipit sya nito sa pintuan ng binigay nyang sasakyan at sa elevator ay gawaran sya nito ng halik sa daliri at isubo pa nito ang kanyang daliri na lalo nyang ikinakilig. Parang may tumigas sa bandang baba nya. Napatitig sya at gising na gising na pala ang pagkalalake nya. Ssshhhh Dale Behave! Masyado mo namang pinapantasya ang babaeng yun.

Pagbaba nila sa elevator na hinalikan nya muli ang babae, kumain sa Coffee project kung san sila unang nagkita, pumunta sila ng condo unit ng pinsan nito at dumerecho dito sa kanyang bahay at naganap muli ang halik na parehas nila ayaw pigilan.

Napapangiti sya habang hinihimas ang labi na hanggang ngayon ay ramdam na ramdam pa rin nya ang mga halik nito. Napakatamis, napakalambot, napakabango.

Napabuntong hininga na lang sya at mariing niyakap ang unan dahil sa kilig na nadarama. Ngunit paano sya aakto dito bukas. Baka magkailangan sila. Kailangan nyang ayusin ang pakikitungo niya rito.

Dumapa sya at inilagay ang unan sa kanyang ulo. At dinalaw na rin sya ng antok.

KEIRA POV

Nagising si Keira na magaan ang kanyang pakiramdam. Naalala pa rin nya ang nagdaang gabi ngunit hindi nya na alintana sapagkat nilagay na nya sa isip na gagawin lang ito bilang trabaho at malaki ang utang na loob nya rito. Dahil dito nagkaroon sya ng panibagong simulain sa buhay. Kaya hahayaan na lang nya kung paano ito makikitungo sa kanya.

Paano kung halikan sya ulit nito o sya naman ang humalik dito. Bigla naman syang kinilig sa naisip. 'Talande mo talaga Keira. Kailan ka pa natutong lumandi?' Pinagalitan nya ang kanyang sarili. "Ngayon lang naman." Mahina nyang sambit sa sarili sabay kurot sa kanyang pisngi.

Tumayo na sya at dumerecho sa banyo upang maligo. Nawalan sya ng time na mag ayos ng mga gamit nya na dumating kinagabihan na dala ng kanyang pinsan. Tiningnan nya ang kanyang phone ngunit wala syang message na natanggap mula rito. Nakakatampo. Tsk.

Inilapag nya ang kanyang cellphone sa isang table na malayo sa kanyang pagliliguan. Binuksan na nya ang shower at nagsimulang maligo.

DALE POV

Nagising si Dale na pupungas pungas pa ng mga mata. Napuyat sya kagabi dahil hindi sya nakatulog kaya parang ansakit parin ng mata nya. Dumerecho sya sa banyo upang maligo at para magising ang natutulog nyang diwa.

Pagbaba nya sa kusina ay nakahanda na ang mga pagakin for breakfast. Nakita nyang wala pa ring galaw ang pagkain na nakahanda para kay Keira. 'Hindi pa ata gising ang babae, napuyat din ba ito katulad nya?' Napangiti sya sa naisip.

Pagkaupo nya at nakita nya itong bumaba sa 2nd floor na bagong ligo na rin. Nakashort lang ito at maluwag na tshirt. Nakalugay ang basa nitong buhok at liptint lang kulay nito sa labi. Namumula na rin ang mukha nito pero hindi naman blush on. Natural na sa face nito ang mamula mula.

Nang titingin ito sa gawi nya ay napayuko sya at sumubo upang di sya mahuli nito.

Narinig nya ang yabag nito na papalapit sa kanya at dun lang sya kunwa ay mapaharap dito.

Nakangiti ito ng pagkatamis tamis.

"Good Morning Boss!" Masigla nitong bati sa kanya. Napatulala sya rito. Teka di ba dapat naiilang ito sa kanya. Di ba dapat ito ang mahihiya sa kanya. Bakit ganun bumaliktad ata ang mundo. Nabilaukan ata sya sa kinain kaya lumapit ito sa kanya at hinagod ang kanyang likod at pinainum sya ng tubig.

"Sorry Boss, Naistorbo ko ba kayo sa pagkain?" at mukha ng nag-aalala ang nakita nya rito. Sarap naman nito maging bodyguard. Para nya na rin itong Personal Nurse/Girlfriend at asawa na rin.

"I'm Okey. Thank you Keira! Talagang start na ng work mo sakin as Bodyguard ah." Tanging nasaad nya ng makainom na sya ng baso at mahimasmasan sa ginawa nito.

" Syempre para sayo Boss. Trabaho ko ang alagaan ka at protektahan." Ngumiti muli ito at umupo sa harapan nya at nagsimula ng kumain.

Tahimik lang silang nagpatuloy kumain.

At tanging ang mga tibok lang ng kanilang puso ang naririnig ng bawat isa. Walang nais magbasag ng katahimikan.

Tumunog naman ang landline sa tabi ng sala at sinagot ito ng isa sa kanyang katulong at sabay nilang tiningnan. Napatingin ito sa gawi nya at tinawag sya.

"Tawag po Sir Dale para sa inyo." At saglit lang itong may sinabi at inaktong ibibigay ang phone. Uminom muna sya ng tubig at nagpunas ng labi saka lumapit sa kinaroroonan ng phone.

"Yes?" Napansin nyang napapatingin sa kanya ang babae habang kumakain ito kaya tumalikod sya para di makita ito dahil sa totoo lang ay hindi sya nagiging matino sa harapan nito.

"Okey! So hows the shooting goes?" Tumatango naman sya.

"Okey, How is she? Kasama ba nya si Lloyd? Okey will be right there. Kindly send me the details where to go. Thank you. Bye!" Kalmado nyang binaba ang phone na mawala na ang boses sa kabilang linya.

"Magbihis ka may pupuntahan tayo." Mabilis syang dumerecho sa kanyang kwarto. Nakita naman nya itong napainum ng tubig at sumunod sa kanya.

Walang sabi sabi na sinarado nya ang pinto.

At madaling nagbihis. Naitakbo kasi sa ospital si Bea dahil daw nahilo ito habang nagshoshooting. Mabuti na lang at kasama nito ang nobyo at madaling naisugod sa ospital.

Matagal na nyang alam na may anemia ito. Matagal na rin nyang sinasabihan ito na magpatingin sa doctor dahil hindi na normal ang madalas nitong pagkahilo na sinamahan ng pagsusuka ngunit ngayon ay iba na ang nararamdaman nito. Hilo at agaran na nahimatay ito kaya naidala agad sa ospital. Matagal na nitong iniinda yung sakit ngunit pasaway ito.

Nang lumabas sya ay sabay din itong nakalabas ng kwarto. Nakasumbrero ito at nakafitted white tshirt ito at tucked in sa fitted jeans nito. Natatakpan naman ng ang white shirt ng maong na jacket at pinartner nito sa white rubber shoes. Simple lang itong manamit pero anlakas ng dating.

Sabay silang lumabas ng bahay. Dala lang nito ay cellphone at susi ng sasakyan. Sumakay sya sa passenger seat at ito naman sa driver seat. May tinipa sya sa waze monitor na address at tahimik lang nitong sinundan ginawa nya. Tumango ito at mukhang alam na ang pupuntahan. Walang tanung-tanung na binuksan nito ang makina at pinaandar ang sasakyan habang kinakabit naman nya ang seatbelt habang nagpapaandar ito ng mabagal.

Nang masigurong naka seatbelt na sya ay mabilis nitong minaneho ang sasakyan. Napahawak naman sya sa hawakan ng sasakyan na malapit sa bintana. Mabilis naman nitong naiwasan lahat ng sasakyan sa gilid. Kusa itong tumabi ng may marinig na wang wang na siren ng ambulance.

Nakita nya ang etiquette nito sa pagmamaneho. Mukhang masunurin ito sa lahat ng rules ng isang driver. Swabe lang itong nagmaneho hanggang sa natunton na nila ang lugar kung saan sila pumunta.

Nasa Herrera Medical City hininto nito ang sasakyan. Swabe rin ang pagkapark nito sa sasakyan. San kaya ito natutong magdrive?

Ngunit bago pa man sya sumailalim sa pagiisip at mawala na naman sa ulirat ay napansin nyang bumaba na ito ng sasakyan. Kakatukin sana sya nito pero binuksan na lang nito ang pintuan ng kanyang sasakyan para makalabas sya na dapat sya ang gumagawa.

Dumerecho sila sa Room 413 pagkasabi ng Nurse sa Nurse station na pinanggalingan nila. Nakita nya si Lloyd. Nakasumbrero rin ito at parang nagtatago.

"Lloyd!" Tawag nya rito. Kakalabas lang nito ng Room kung saan naka-confined ang kaibigan nya at kasintahan ng pinsan nito. Lumingon naman ang binata at maaliwalas na tumingin sa kanila ngunit may bahid pa rin ng pag-aalala sa mata nito.

Nang makalapit ay agad itong yumakap sa katabi nya na pinsan nito. Matagal din at hinihimas nito ang ulo ng pinsan.

"Kamusta na sya?" Tanung nya rito ng di pa rin naghihiwalay magyakap ang dalawa. Napatango naman ito at kumalas sa yakap sa pinsan nito.

"Sabi ng doctor okey na sya, yun nga lang wag daw muna sya masyadong pagtatrabahuin at wag masyadong magpuyat dahil lalo daw babagsak ang hemoglobin at baka mauwe sa cancer sa dugo." Napayuko naman ang kanyang kinausap.

Hinihimas pa rin nito ang pinsan. Hinawakan nya ito sa balikat at pinatiuna na nya si Keira sa loob ng Room.

"Matagal ko ng alam na ganyan sya kaya ang putla putla ng pagkaputi nya, pero di ko akalain na lalala ng ganito." Napaupo ito sa upuan malapit sa room habang sinasabi ang mga katagang iton.

"Matagal ko na syang sinasabihan na magpatingin na sa doctor at huwag ikabahala ang sakit nya pero pasaway pa rin sya. Dapat alagaan nya sarili nya ngayong may nag-aalala na para sa kanya." Hinawakan nya ulit ito sa balikat at tinapik tapik.

"Nahihirapan ako sa sitwasyon nya Boss. Bakit sya pa ang tinamaan ng ganung sakit? Kung kailan magsisimula pa lang kami. Bubuo pa lang kami ng mga pangarap na magkasama. " Napakunot noo naman siya rito. Anu bang meron bakit ganito na lang ang reaksyon nito?

"Bakit anu bang sakit nya?" Normal lang na tanung nito.

Umiling-iling naman ito. At ikinulong sa palad ang mukha.

"Possible daw sa baba ng dugo nya ay di na sya magkababy or mahirapan daw manganak. At kapag nagkababy naman ay magiging 50/50. Possible na mabuhay ang isa sa kanila." mas lalo nitong ikinuyom ang mga kamay.

"Magpapahangin lang ako sa labas Boss." Huminga ito ng malaman. Kakasimula pa lang ng relasyon nila ay ganito na agad ang pagsubok nila. Napapiling na lang syang tumungo sa room kung san ito naka-confine.

"Dale." Gising pala ito at ngayon ay nakaupo na ito sa hospital bed at suot ang hospital gown. Nakaupo naman si Keira sa tabi nito. Lumapit sya rito at yumakap. Binatukan nya ito na ikinagulat ni Keira.

"Ouch!" Tili ni Bea habang sapo ang ulo na binatukan nya.

"Pasaway ka kasi eh. Sinabihan ka nang magpatingin sa doctor hindi ka nakikinig. Tingnan mo tuloy may isa kang tao na pinag-alala. Kung mahal mo sya dapat inaalagaan mo sarili mo hindi ganito na sya pa mag-aalaga sayo. Sinagot mo lang ata sya para may mag alaga sayo eh!" Parang tatay nitong pangaral sa kaibigan. Natatawa namang nakatingin sa kanila si Keira.

"Ang cute nyong tingnan para kayong mag-ama." napatingin naman si Bea dito at parang humihingi ng kakampi dito.

"Don't worry Keira, boto naman ako sa inyo. Kaya ikaw na mom ko from now on." At yumakap sa kanya. Napatitig naman ito sa kanya. Ngingisi lang syang tumitingin sa dalawa na magkayakap.

"Si Lloyd nasan?" Hanap nito sa nobyo.

"Magpapahangin lang daw muna sa labas." Aniya. Nalungkot naman ito.

"May good news ako sa inyo?" Nagkatinginan silang dalawa ni Keira at tumingin dito.

"Buntis ako! At si Lloyd ang ama." Masaya nitong anunsyo na ikinagulat niya pero nakita nyang masaya si Keira at binabati pa ito.

Nakita nya pang nagyakapan ang mga ito.

'It means alam na ng binata kaya sobrang bigat ng problema nito ngayon na kinakaharap.' Ang hirap ng sitwasyon nila. Ibig sabihin matagal na palang may nangyayare dito. Bakit ngayon nya lang nalaman. Naikuyom niya ang kanyang palad dahil sa problemang kinakaharap ng kaibigan nya at ng pinsan ni Keira.