DALE POV
"I couldn't believe na ayaw mo na sa akin, anu ba ako sayo Dale! Hindi pa tayo tapos!" Yun lang ang sinabi ng babaeng nasa harap ni Dale at naramdaman na lang nyang may umaagos na tubig sa kanyang mukha.
Tinapunan na pala sya nito ng tubig dahil sa pinaghalong inis at galit dahil sa sinabi nyang ayaw nya na rito. Madaling magsawa sa babae si Dale, marami na rin syang pinaiyak at iniwan dahil hindi nya pa rin mahanap ang babaeng nagligtas sa kanya nung bata pa sya. Hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit ganun na lang ang ginagawa nya sa bawat babaeng pinagsasawaan nya.
Isang Ceo sa isang malaking kompanya si Dale Joshua Lagdameo, Ang kanyang kompanya ay masasabing kilala hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba't ibang bansa, halos kilala na sya sa buong Asya at nais nya na makilala rin sya sa buong mundo yun ang pangarap nya kaya nagtayo sya ng isang Kompanya na naglalayon na tulungan ang mga tao na abutin ang pangarap nila at hanapin ang kaisa isang tao na mahalaga sa kanya. Napakalaki ng opisina nya sa Makati, sakop nun ang isang floor lang at dun nya dinadala ang mga babaeng kanyang pinagsasawaan.
Halos lahat ata ng magagandang babae na empleyado sa kanyang kompanya na modelo ay nagiging kanya ngunit kapag nalaman nyang nagkakagusto na ang mga ito sa kanya at nahuhulog na sa kanyang bitag ay agad naman nyang pinagsasawaan at kapag kanya na ito ay sya namang aayawan ang mga ito at bibigyan na lamang nya ng karampatang reward upang di na manggulo sa kanya at dun sya masaya. Bipolar na syang tawagin pero wala syang pakialam.
Kinagabihan ng araw na iyon ay naiwan syang nakatulala sa salamin ng comfort room, sa lugar kung saan sila nagkita ng babae na hiniwalayan nya, wala lang sa kanya ang matapunan ng tubig dahil sanay na sya at handa na sya sa mga ganung bagay, nariyan ang paliguan sya ng wine, juice or tubig, meron ding tapunan sya ng pagkain or hagisan sya ng kung anu anung mahawakan ng mga ito.
Tanggap naman nya at hindi naman ungentlemen na bawian sya ng mga ito sa dahas na paraan. Hindi sya nananakit ng babae para gumanti sa ginagawa ng ito sa kanila, sa katunayan ay binibigyan nya pa nga ang mga ito ng second chance, nariyan ang bigyan nya ng kotse, bigyan nya ng trip to Paris, at kung anu anu pa na special rewards sa mga nakarelasyon nya kaya walang nagtatangkang lumabas para magreklamo sa kanya at kung may kumontra man ay tatanggalan ng trabaho sa kanyang kompanya or else ay mas malala pa doon.
Fired agad dahil sa una pa lang alam nya na pera lang ang habol ng mga ito sa kanya at alam nya ang mga pinanggalingan ng mga ito kaya wala silang laban kapag nagkasisihan na.
habang pinupunasan nya ng panyo ang basang mukha at ang kanyang tuxedo ay dinayal nya ang number ng kanyang assistant.
"Mr. Lagdameo?" Ani ng assistant sa kabilang linya.
"Dalhan mo ko ng plain na tshirt andito ako ngayon sa Coffee Project sa Makati", at binaba nya na ang phone.
Malapit lang naman sa office nya ang lugar na ito kaya madali lang syang matutunton ng kanyang assistant. Lumabas sya ng comfort room at dumeretso sa kanyang inuupuan, tahimik sa lugar na iyon kaya dun nya mas piniling makipaghiwalay upang walang makakita, lumabas sya sa lugar na iyon.
Habang naghihintay ay may namataan sya sa madilim na sulok, parang may anino pero ng lapitan nya ay wala ito, may kumalabit sa kanya at natakot sya, paglingon nya ay napaharap sya sa isang babae, nalaman nya na babae ito dahil sa anino nitong animo'y nakadress, madilim sa lugar na iyon kaya di nya maaninag ang itsura ng babae.
Nang yumuko sya ay naramdaman na lang nyang may malambot na dumampi sa kanyang labi, sa dami ng nahalikan nya ay ito ang pinakamatamis, kakaiba sa lasa ng mga nakahalikan nya, parang tumigil ang mundo nya, hindi nya maintindihan ang naramdaman, na parang binubuhay nito ang bawat sistema ng kanyang katawan lalo na ang nasa harapan nyang bahagi na pilit kumakawala sa kanyang basang trousers upang angkinin ito.
Napalayo ang babae ngunit dahil sa sarap ng labi nito ay kinapa nya ang mukha at muling hinalikan ang nasa harap, napakabango ng hininga nito na para syang dinadala sa langit, malinamnam, pilit nyang pinapasok sa loob nito ang kanyang dila ngunit masyadong malakas ang babaeng ito.
Nagpupumiglas ang babae at dahil siguro sa inis nito ay naramdaman na lang nyang nagdilim ang paningin nya.
"Bastos! Manyak!" Ang kanyang narinig mula dito at namalayan na lang nya ang kanyang sarili na sapo ang kanyang mata.
Magkahalong sarap at sakit ang naramdaman nya. Napatawa sya. Ngunit wala na ang babae sa harapan nya.
KEIRA POV
"BASTOS! MANYAK!", ang tanging naisigaw ni Keira ng halikan sya ng lalake, madilim at di nya halos maaninag ang itsura nito pero alam nya na matangkad lang ito sa kanya ng kaunti, sa pagkakaalam nya ay nasa 5'8 ft ang taas nito.
Naiinis sya sa pinsan nya dahil hindi sya sinipot nito sa usapan nila kaya nagmamadali syang lumabas ng lugar na iyon.
Dito sya niyaya ng kanyang pinsan dahil tahimik sa lugar na ito at wala masyadong tao dahil isa itong sikat na modelo na kung saan kapag nakita ito ay tiyak na pagkakaguluhan ito, hindi lang ng mga babae kundi pati na mga beki.
Dahil sa inis, naging masyado syang observant at pati ang babaeng gumawa ng eksena ay napansin nya. Mukhang may sinabuyan ng tubig ang babae, lihim syang naawa sa lalake pero napangisi rin sya dahil mukhang playboy naman ang lalake. Sa tantya nya gwapo ang lalake, matangos ang ilong nito, maputi ang batok, at mala-korean ang gupit sa buhok, chinito ang mata dahil kita ang guhit sa mata sa gilid.
Talagang masasabi nyang mukhang playboy dahil parang hindi matatanggihan ng mga kababaihan kapag ito ang nanligaw or kahit hindi na manligaw kusang babae na ang lalapit dito. Pero hindi sya at umiling sa sarili.
"Tsk, tama lang yan sa kanya siguro kasi playboy sya" aniya sa kanyang isip.
Sinundan nya ng tingin ang lalake at ng makita nyang lumabas ito ay lumabas na rin sya dahil mukhang wala namang mangyayare sa kakahintay nya doon at inindian na nga sya ng pinsan nya.
Pagdating sa labas ay nakita nya ang lalake na pumasok sa madilim na sulok, sinundan nya ito at nang hindi nya na makita ito ay tatalikod na sya nang may mabangga sya, at dahil nacurious sya, mas lumapit sya ngunit sa paglapit nya naramdaman nya ang pagkagulat nito at napalingon sa gawi nya.
Di nya namalayan na sobrang lapit na pala niya sa lalake dahil hindi nya nakita ang bulto nito napaangat ang kanyang mukha at naamoy ang mala-adonis na pabango nito na talagang mabibihag ka kapag di ka naging maingat. Para syang dinala ng amoy nito kung saan, nagayuma na ata sya ngunit dun nya rin naramdaman na may malambot na dumampi sa kanyang labi, nag-alburuto ang puso nya, biglang gusto mag-unahan ng daga sa puso nya na lumabas sa dibdib nya. Saglit lang ay lumayo sya dahil sa pagkabigla at naalala nya na nakareserve ang halik nya na yun para sa lalakeng mahalaga sa buhay nya.
Hindi sya mapakali. Aalis na sana sya at iiwan ito ngunit nagulat sya ng bigla na lang sya nitong hawakan sa kanyang pisngi at halikan ng mariin, pilit binubuksan ng mga dila nito ang kanyang bibig, para namang inuudyukan sya ng kanyang isip na papasukin na ang mga dila nito dahil paunti unti ng nabubuksan ang bibig nya. Naamoy nya ang mint flavor sa hininga nito. Muntik na syang magpadala dito pero dahil sa pagpupumiglas nya ay nakawala sya rito at sinapok nya kung anu man ang masapok nya sa lalakeng ito dahil sa dilim ng lugar.
"First Kiss ko to eh" naiinis at nanghihina nyang sambit. Habang hanahawakan ang kanyang labi.
"Yan ang nababagay sayo" at umalis na sya. Napalingon na lang sya ng sumigaw ang isang lalake sa likuran nya at ang tanging narinig lang nya ay "Mr. Lagdameo, okey ka lang ba?" At di na nya muling nilingon ito. Nagmamadali syang umalis sa lugar na iyon at baka habulin pa sya ng kung sino man ang tumulong sa lalakeng iyon.
DALE POV
Nabungaran ni Dale na nasa kwarto na sya, sapo ang kanya mukha dahil ramdam nya pa rin ang sakit na nagmumula sa mukha nya, inaalala nya ang nangyare ng nagdaang gabi.
"Napakamalas ko naman ata at ang pangit ng nangyare sakin kagabi" may pumasok na isang maganda at balingkinitang babae kulay blonde ang buhok nitong wavy na umaalon hanggang sa kanyang dibdib at dala ang ice pack at ibinigay sa kanya.
" Bea, ikaw pala. why are you here?" Tanung nya habang nilalagay ang ice pack sa bandang mata nya kung saan andun ang tama, tawa lang ang narinig nya mula rito,
"Hahahaha, anu ba kasing ginagawa mo Dale, ang galing naman ng sumapak sayo at sa mata mo talaga." Tumatawa pa rin at mapang asar nitong sagot.
"Nakita mo na ngang nasapak ang tao, tinawanan mo pa," aniyang parang bata na inagawan ng candy ng kapwa bata. Nakatingin lang ito sa kanya at mapang asar ang mga mata.
Si Bea ay kababata nya, maganda ito pero kahit kailan ay di nya ito tinalo, oo crush nya ito pero kahit kailan di sya umamin dito ayaw nyang masira ang kanilang pagkakaibigan, binigyan nya ito ng place sa kanyang kompanya dahil sa masalimuot nitong kwento, binigyan nya ng second chance ang life nito.
Nagmula ito sa prestihiyosong pamilya, nagrebelde ito dahil gusto ng mga magulang nito na ito raw ay maging isang doctor na pilit na kinaayawan ng dalaga. Gusto talaga ni Bea na maging modelo at sumikat dahil siguro na rin sa trato dito ng mga magulang nito. Ito ang babae na kahit modelo nila ay hindi nya pinatos. Ito ang top model niya sa kompanya, at sa tingin nya wala ng papantay pa sa ganda nito.
May crush ito na isa ring model sa kanyang kompanya at lagi nitong kinukwento sa kanya. Gasinong mapansin lang sya ng lalake ay pupunta pa sya sa office nya para ikwento lang at hindi pa yun mantakin mong may kasama pang palo at kilig ang ginagawa nya. Kung nananakit lang sya ng babae ay baka nasapok nya na ito. At kung nakakapagbigay lang ng pera ang bawat sapok nito sa braso nya ay talagang mayaman na sya.
Sabagay ito naman ang nagpapasok ng pera sa kanya kaya parang okey na rin sa kanya, di naman ganun kalakasan ang suntok nito maliban lang sa babaeng sumapok sa kanyang mata, naaalala na naman nya ang tagpo kung saan nya natikman ang halik ng babae kagabi. Masasabi nyang iba ito talaga sa lahat or baka masyado lang syang observant or unguarded, napabuntong hininga sya at ikiniling ang ulo dahil para na syang mababaliw sa kakaisip dito.
Dun lang sya bumalik sa ulirat ng tapikin sya ng babaeng nasa harapan nya, hindi nya na ulit itatanung pa kung bakit nandito ito. Isa lang ang dahilan At kaya sya pumupunta dito ay dahil yun ang topic nila. ang ultimate crush "daw" nya. Apakalande talaga.
"Maligo ka na, aalis tayo" sabay sabi nito,
"At saan naman aber?" para na nga syang alila nito eh, sunod sunuran lang sya dito kapag gusto nitong magshopping, napagkakamalan syang boyfriend nito, kaya pinagseselosan ng iba nyang ex girlfriend pero never na involved sa showbiz dahil kapag may magtangkang siraan ito ay sya ang unang nakakaalam at agad nyang pinabubura or lihim na pinaparesign ang nagtatangkang sumira sa imahe nito.
"Basta, alam mo na yun" Kinikilig na sabin nito at lumabas ng kanyang kwarto.
KEIRA POV
Naiinis na nagdabog si Keira sa harapan ng kanyang pinsan na muntikan ng ikatapon ng kapeng iniinuman nito.
"Sorry na kasi pinsan! Wag ka ng magalit sakin, eh nagkita lang naman kami ni Bea," pagpipilit nitong pakalmahin sya.
Pinaupo sya nito, "Bea, Bea, Bea puro na lang Bea, sino ba yang Bea na yan, ako pa ang inindian mo dahil lang jan, maganda ba yan kaysa sakin?" Pagtatampo nya rito.
"Si Bea yung kapwa ko modelo. Pero syempre pinsan ikaw ang mas maganda at pinakamaganda, kung di lang kita pinsan niligawan na kita eh, ang perfect mo kaya". Pambobola nito sa kanya pero tama naman lahat ng sinabi nito kaya napaamo na rin sya. Halata namang may gusto dito yung Bea na yun kaya gusto lagi magpasama or makipagkita dito. Pero wala rin syang masabi dahil maganda talaga ang babaeng nabanggit nito.
"Siraulo! Walang talo talo, Lloyd. Magpinsan tayo, kung hindi lang galit sakin sila mama eh hindi ako lumayas sa bahay namin at nakitira sayo!" Napainum sya sa kapeng iniinom nito.
"Teka, tama na drama anu ba kasi kinakainis mo jan at nagdadabog ka!" Dahil sa sinabi nito ay mas lalo syang nainis. Napatayo sya.
"Paano kung di mo ko inindian hindi sana ako mananakawan ng halik. Take note insan! Ninakawan ako ng first kiss. Syempre big deal sakin yun!" inis nyang sambit dito. Nagulat ang kausap nya, nakanganga ito at nanlaki ang mata.
"Paano nangyare yun?" Bahagyang nainteresado ito sa kwento nya.
"Sinundan ko kasi yung isang lalake sa madilim na sulok, akala ko magpapakamatay na eh , ayun ako ang nadamay, nahalikan nya ako, ang bastos ang manyak talaga!" Inis nyang sambit dito. Natawa ang kausap nya.
"Hahahahaha, ayos yun ah, si Keira na amazona, nahalikan ng lalakeng di nya kilala, hahahahaha. First kiss. How is it? Masarap ba?" pang aasar nito sa kanya,
"NOOOOOOOOOOOOO!" iritableng sigaw nya rito.
"Wag mo ng isipin yun, maligo ka na lang , magbihis at ipagshasopping kita" inis pa ring sinunod nya ang pinsan. Madali talaga syang mapasunod basta shopping ang usapan.
DALE POV
Nasa parking lot na ng mall si Dale kasama si Bea, nakasunglass sya para di makita ang kanyang black eye. Pinahinto na ni Bea ang sasakyan. Sya naman ay nasa passenger seat.
"Anu bang gagawin natin dito?" Aniya sa kaibigan.
"Let Stalk!" sabay palinga-linga sa daan, nalaman kasi ng kaibigan nito na ang crush nya ay lalabas at dito pupunta. Gusto lang malaman nito kung may jowa or wala ang crush nito. Napabuntong hininga na lang sya at sinundan ang parang bata na tumatakbo at aniya ninja sa bilis gumalaw. Natatawa na lang sya ng palihim sa akto nito.
KEIRA POV
Pumasok ng Forever 21 si Keira kasama ang kanyang pinsan, mas gusto nyang mamili dito kesa sa H&M and UNIQLO. Mas marami kasing pagpipilian dito.
"Mag-Cr lang ako pinsan ah". Sabay hanap sa labasan upang mag-cr, habang naglalakad ay napatigil sya dahil may na-sense syang kakaiba habang papalapit ang dalawang akala mo ay couple sa sobrang sweet maglakad, napatigil sya at tumingin sa mga ito.
Matangkad ang lalake, alam nya nasa 5'8 ft parang pamilyar ito pero di nya maisip kung san nya nakita ito , pero kilala nya ang babae, dahil sa daming palabas nito sa tv, Bea Alfonso, napakaganda nitong babae at alam nyang ito ang partner lagi ng pinsan nya sa mga palabas sa tv, animo'y dyosa na bumaba sa langit ang ganda nito. Pero sino ang kasamang lalake nito.
Namalayan na lang nyang lumagpas na ang mga ito sa kanya, ngunit hindi pa sya nakakalayo ay may naramdaman syang nakatitig sa kanya mula sa likod nya na ikinataas ng balahibo nya sa kanyang batok, napalingon sya at nakita nga nya ang nakasalamin na lalakeng nakatingin sa kanya, hindi na nya ito pinansin at patuloy syang tumungo sa comfort room.
DALE POV
"Huy, sinong tinitingnan mo jan", ani Bea ng nakatingin pa rin sya sa babaeng ngayon ay palayo na sa kanila. Kanina nya pa napansin ang ganda nito papalapit sa kanila, napakainosente ng mukha at akala mo anghel na bumaba sa lupa. Napakaganda nito akala nya ay wala ng mas gaganda pa sa kaibigan nya ngunit meron pa pala. Bumagay ang damit nito na humapit sa hubog ng katawan ng babae, kaya hindi nya pinalagpas at tumingin din sya, naramdaman siguro ng babae ang pagmamasid nya kaya napalingon din ito sa kanya.
"Ah wala, halika na!" sabay pagiiba nya ng topic sa kaibigan.
"Makikita ulit kita!" yun lang ang tanging mahinang nasambit nya. Pumasok sila sa loob ng Forever 21, napansin niya na kumakaway si Bea sa malayo pa lang, naaninag na nya ang isa rin nyang modelo, si LLoyd ang laging kinukwento nito sa kanya.
Lumapit sila, "Hi Bea, Goodmorning Sir. Lagdameo" bati nito sa kanya.
"Ang galang mo naman dito." Sabay turo ni Bea sa kanya.
"Bakit po nakasalamin kayo sir, eh wala naman pong araw" napatawa si Bea sa tanung ni Lloyd.
"Nasapok kas-"
"Ssshhh" tanging nasambit lang nya dito sa madaldal nyang kaibigan.
"Mamaya ko na ikukuwento sayo, anu palang ginagawa mo rito?" Tanung ni Bea sa lalake.
" Ah sinamahan ko lang ang pinsan ko, naiinis kasi at may nasapok na lalake," napalingon si Bea sa gawi nya.
"Baka ikaw yun" tinuro sya ni Bea at sabay na nagtawanan ang mga ito. Tumalikod na lang sya sa mga ito.
"Dale, Alis muna kami ni Lloyd ah, hintayin mo raw ang pinsan nya rito. May bibilhin lang ako papasama ako sa kanya"
Napakamot ulo na lang sya habang sinusundan ng tingin ang dalawa. Napailing pa sya ng kusang humawak ang kaibigan nya sa braso nito.
"Teka sakin to nagpasama pero ng makita lang ang crush nya nakalimutan na ako, mas gwapo kaya ako dun." napaupo na lang sya sa isang upuan doon habang hinihintay ang pinsan daw nito, teka di ko nga alam itsura ng pinsan nya eh. Paano ko malalaman. Hanggang sa may napansin syang babae na nagtatanung sa cashier na may sinesenyas na parang may hinahanap. Lumapit sya dito.
KEIRA POV
"Miss may nakita po ba kayong lalake dito? may itsura sya, gwapo basta ganito katangkad, modelo yun!" nagdedescribe sya at umiiling lang ang babae na kausap nya hanggang sa mapalingon ito sa malayo at tinuro ang lalakeng papalapit sa kanila.
"Sya po ba ang hinahanap nyo? " pagtingin nya ay nadisappoint sya at nahulog ang kanyang mga balikat. Hayst iniwan na naman sya ng pinsan nya kaloka talaga.
"Miss di naman nakasalamin yun eh" at napabuntong hininga na lang sya, naramdaman na lang nyang malapit na ang lalakeng kaninang tinuro ng cashier.
"Miss. Hinahanap mo ba pinsan mo?" napatingin at napanganga sya rito. Paano nito nalaman na pinsan nya ang hinahanap nya. Teka ito yung lalake na kasama ni Bea kanina.
"Paanong-" di pa sya tapos magsalita ay hinila na sya nito palayo sa cashier. Halatang kinikilig ang mga babae na nadadaanan nila sa tuwing titingin sa lalake na kasama nya ngayon kahit hindi pa nagtatanggal ng salamin.
"Teka bitawan mo nga ako, sino ka ba ha?" At tinanggal nya ang kamay na nakahawak sa kanya. Mabilis pa rin ang pagtibok ng puso nya sa di malamang dahilan.
"Huwag kang gumawa ng eksena!" sabad lang ng lalake sa harapan nya, mas malapit na ito sa kanya at dahil sa sinabi ng lalake lumayo sya ng unti.
"Gusto mo ba patigilin ko ang oras para di nila makita ang eksena ko?" Teka sino ba tong lalake na ito para pakitaan ko ng powers ko. Pinsan ko nga di ko masabi na may powers ako ito pa kayang nasa harapan ko. Gusto nya kasing makalayo dito para pag tumigil ang oras titigil din ito at di na sya masusundan pa.
Nakatitig lang ang lalake sa kanya. Pinatigil nya ang oras. Lumingon lingon ang lalake, tumigil nga ang oras. Ngunit nagulat sya bakit itong lalakeng ito hindi matablan ng powers nya. Nagtataka syang lumapit dito. Namangha ang lalake.
"Amazing!" Lumingon ito sa kanya at nakangisi sa kanya animoy akala mo nang aasar.
DALE POV
Bahagyang nabigla si Dale sa nangyare, tumigil ang oras. Paano nangyare yun? Dahil sa babaeng ito na nasa harapan nya. Napansin nyang ang babaeng ito rin ang nakita nya kanina sa labas ng Forever 21. Mas maganda itong lalo sa malapitan. Ang mga labi nito na parang pink roses ansarap halikan. Pero teka may powers sya? At lumingon lingon sya sa paligid ni isa ay walang gumagalaw. Tumingin sya sa orasan at pati ang oras ay tumigil din. Napatitig sya sa babae.
"Amazing!" Ang tanging nabulalas nya.
"Ikaw ba ang pinsan ni Lloyd? Alam ba ito ng pinsan mo? " natigilan ito at napatango at sabay ding umiling understood na sinagot nito ang una at pangalawa nyang tanong. Di nga maipagkakailang pinsan ito ng Lloyd na iyon dahil gwapo rin si Lloyd at isa sa top model nya kaya nga lagi nyang pinapartner kay Bea dahil ito lang ang bumagay sa awra ni Bea.
"Paano mo nagawa iyon" pagtatakang tanung nito sa kanya.
"Ang Anu? " pagtataka rin nyang tanung dito.
"Paanong nangyare na hindi ka nasama sa mga pinahinto ko?" may pag-aalalang tanung nito sa kanya.
"Ikaw paano mo nagagawang patigilin ang oras? " mangha nyang tanung dito, napansin nyang gumalaw na ang lahat at papalayo na ito sa kanya.
"Wait!" pinigilan nya ito. Hinawakan nya ang kamay nito at dinala sa isang Restaurant.
"Kumain muna tayo, nagugutom na ako eh, wala pa naman ang pinsan mo at ang kaibigan ko kaya hintayin na lang natin sila dito." magkaharap na sila sa isang table. Sa isang mamahaling restaurant nya ito dinala. Nakatitig lang sa kanya ang babae. Hindi nagsasalita.
"By the way I'm Dale, My name is Dale Joshua Lagdameo, Ako nga pala ang big boss ng pinsan mo and you are?" napainum ang babae ng tubig na sinerve ng waitress.
"Ikaw pala ang boss ng pinsan ko. Pasensya ka na kanina. Isipin mo na lang na hallucination mo lang yung nakita mo kanina." Pangungumbinsi nito sa kanya na ikinatango na lang nya.
"Anung name mo?" Tanung nya rito.
"Keira, Keira Marie Alessandro" hindi ito makatingin sa kanya ng deretso habang nilalaro ang gilid ng baso na ininuman nito.
"Kinakabahan ka ba?"
"Nope!" agarang sagot nito.
"Eh bakit di ka makatingin sakin ng deretso". Tanung nya rito.
"Wala, its just my first time to meet someone like you. antagal naman nila Lloyd." Sabay tingin lang nito sa labas habang nakalumbaba, na-aamaze sya rito dahil kahit anung gawin nitong aksyon sa harap nya ay wala syang makita ritong kapintasan, napakaganda talaga, maya maya pa ay dumating na ang inorder nilang pagkain. Nakakabinging katahimikan.
"Keira, can I call you Keira?" Napatingin ito sa kanya.
"Ah O-oo Naman---Yes?-- Nga pala salamat sa treat mo sa food ah, masarap pala dito" napangiti rin ito sa kanya.
Nanlambot ang puso nya. "Wag ka ngang ngumiti, naiinlove agad ako sayo eh" palihim nyang sabi habang nakatitig sa nakangiting kausap.
"Kailan mo nalaman na may super powers ka pala? Sorry, very personal na ata tanung ko." Napatitig sa kanya ang babae.
"Gusto mo bang maging modelo?" Mahinang sabi nya rito, pag-iiba nya ng usapan para hindi awkward sa pagitan nilang dalawa. Masyado naman atang mabilis kung personal agad ang itatanung nya.
KEIRA POV
"Ano sabi mo?" Hindi nya talaga narinig ang sinabi nito na pag-iiba sa usapan. Naramdaman siguro nito na hindi sya komportable sa unang tanong nito.
Napatitig sya sa tanung ng boss ni Lloyd, napansin nyang familiar ang mukha nito at nakakahumaling ang kagwapuhan nito pero mas na-distract sya sa tanung nito. Iniiwasan nya kasi ang tanung na yun pero ngayon ay may kung anu sa puso nya na dapat magsabi dito. Napainum sya ng dalawang beses.
"Miss give us red wine please!" aniya sa isang waitress na napalingon sa kanila. Napangiti ang lalake sa harapan nya na ipinagtataka nya lalo dito.
"Interesting lady!", napakagat labi ito at tumitig sa kanya, napailing na lang ito.
"Di ko kasi akalain na mapapaorder ka ng wine dahil lang sa tanung ko, dont worry its my treat, sagot mo na ang kwento!"napangiti sya sa sinabi nito.
"Okey sabi mo eh," maya maya pa ay dumating na ang inorder na wine. Nilagyan ng waitress ang kanilang mga kopita. Napainum sya.
"Miss isa pa," Aniya sa nakatalikod na waitress.
"Teka, kaya mo pa ba? Hindi maganda sa babae ang umiinom"
"Pede ba sabi mo naman na sagot ko ang kwento, akala ko ba gusto mong malaman? Kailangan ko kasing uminom para di ako umatras sa kwento" natawa ang lalake na nasa harapan nya napakagwapo nito kahit pa nakasalamin ito.
"Bakit ka ba nakasalamin, di naman maaraw?" nawala ang bakas ng tawa nito at bumalik sa pagkaseryoso.
"Ako muna ang kwentuhan mo saka na ako" defensive nitong sabi.
"Okey fine!" nakalumbaba na sya na nakatitig sa gwapong lalake.
"Anung name mo? Dale? Ang unique ng name mo ah, I like it. Wait! gusto mo ba talagang malaman?" Luminga linga sya at saka nagkumpas ng kamay na syang ikinatigil ng lahat sa paligid nila. Napalinga ulit ang lalake at lumapit na tumitig sa kanya na manghang mangha.
"Para walang makarinig sa ikukuwento ko." magsisimula na syang magkwento ng bigla nyang maanigan na parang may prob sa mata nito.
"May black eye ka ba?" Hahawak sana sya sa sunglass nito.
"Dont mind it!" sabay iwas sa tingin nya.
"Okey, I dont know how I got this power, pero ganito kasi yun. It started nung may niligtas akong batang lalake. I think mga nasa grade 6 kami nun may nakita akong batang lalake na pilit hinahabol yung bola sa kalsada at akma ko syang itutulak pero napasigaw ako at biglang huminto ang oras at napansin kong halos dipa na lang ang layo ng sasakyan sa kanya napansin kong huminto ang lahat at nakapikit lang ang bat- okey ka lang ba?."
Natigil sya sa kwento ng biglang nanlaki ang mata nito, at sumapo sa ulo.
"Lasing na ata ako" ani nito. Napatayo sya at akmang aalalayan ang kaharap ngunit umiwas ito.
"Teka di pa nga ako tapos magkwento eh, lasing ka na agad." Napainum ulit ito ng wine at natawa na umayos ng upo sa harapan nya.
DALE POV
Sumakit ang ulo ni Dale sa narinig, ito ba ang babaeng nagsave sa kanya sa rumaragasang truck ng araw na yun pero di naman nito sinabing truck talaga ang sasakyan na yun baka ibang kwento naman ang sa kanya?
Lasing na ata ako at kung anu anung naririnig ko pero pinatigil nya ang oras at ganito rin ang nangyare nung araw na yun, napahawak sya sa kanyang ulo, napatayo ang babae at lumapit sa kanya.
"Okey ka lang ba?" Sapo na nito ang ulo nya,
"O-okey lang ako, lasing na ata ako" Nauutal na pabiro nyang sabi rito.
"Teka, di pa nga ako tapos magkwento eh." ang tanging narinig nya rito at pinatuloy nya na itong magkwento, pero habang nagsasalita ito, ay napakagat labi sya ng halos parehas na parehas ang nakaraan nya sa kinukwento nito.
Napansin nyang gumagalaw na muli ang paligid. Nasisiraan na ata sya ng ulo. Hindi pa rin sya makapaniwala na makikita na nya ang matagal na nyang hinahanap sa katauhan ni Keira. Bumalik ito sa kanyang kinauupuan.
"Nakikinig ka ba sa kwento ko?" Parang nawawalan ng gana at medyo tipsy na dahil sa dami nitong nainum.
" Ah 0-oo, oo at hanggang ngayon anjan pa rin ang power mo." pagkukumbinsi nya rito na nakikinig nga sya sa kinukwento nito. Ngunit ibubuka pa lang nito ang labi para magkwento ulit ay nakatulog na ito. Nalasing na ata, bahagya syang natawa. Lumapit sya rito at aktong kakargahin ng kalabitin sya ng lalake sa likuran nya.
" Ako na bahala sa kanya boss." Ani Lloyd at kinarga ang babae.
"Uy Dale, anung ginawa mo sa pinsan ni Lloyd, Bakit mo naman nilasing? Siguro may balak ka nu? Sabagay maganda sya." Tudyong pang aasar nito at pag-alalang tanung ni Bea sa kanya, di nya namalayan na andito na pala ang mga nang-iwan sa kanila, umiling lang sya at hinila nya si Bea at umakbay dito.
"Lasing na rin tong boss natin ako na bahala dito" at naramdaman na lang nyang magkaiba na sila ng way na pinuntahan.
KEIRA POV
"Nasan ako?!" Sapo ang ulo na sobrang sakit ang tanging nararamdaman ni Leira, nabungaran nya ang pinsan nya na nagaasikaso na at mukhang may pupuntahan na naman.
"Nasa bahay ka na mahal na prinsesa, nakahanda na rin po ang almusal mo, nagluto ako ng porridge jan, pantanggal ng hang over mo, anu bang ginawa mo at nakipag-inuman ka kay Sir. Dale?" Sapo pa rin ang ulo na dumeretso sya sa comfort room at naghilamos. Tiwala sya na walang ginawa sa kanya ang pinsan nya sa isang taon ba naman nilang magkasama sa loob ng condo nito ay ni minsan di sya ginalaw nito. Subukan lang nya at makakatikim sya ng sapok. At naramdaman nyang umalis na ito ng wala man lang paalam. Galit ba to sakin?
Naalala nya ang nangyare kagabi, nagkwento sya dito, pinakitaan nya ng power si Dale. Hindi man lang sya nahiya sa inakto dito. Hindi nya alam pero pakiramdam nya, mas gwapo ito sa kanyang pinsan at nagkaroon sya ng tiwala dito sa di nya malaman na dahilan. Kinagulat nya dahil hindi na nya napanaginipan ang lalakeng tinulungan nya nung bata pa sya.
DALE POV
"Dale!" Tili ni Bea sa kanya.
"Andito si Lloyd, kakausapin ka raw!" Napatayo sya at sapo ang ulo dahil sa sakit, di naman sya masyadong uminom pero bakit ganun na lang kasakit ang ulo nya.
Naalala nya ang lahat ng kinuwento ni Keira sa kanya. Sya nga ang babaeng hinahanap nya. Wala ng iba, nakita nya rin sa wakas. At ngayon ay nagpalit lang sya ng plain na tshirt at naghilamos at nag ayos ng buhok, pagbaba nya ay nakita nyang inaasikaso ito ni Bea na hindi man lang nya naranasan dito.
"Lloyd, napadalaw ka?" Napatingin ang lalake sa kanya.
"Boss, pasensya na sa ginawa ng pinsan ko ah kung meron man." tuluyan na syang bumaba at lumapit sa kanila.
"Wala yun, wala naman syang ginawa, very interesting ng pinsan mo, pede ba kitang kausapin ng tayo lang." Napansin ni Bea na medyo seryoso na ang boses nya kaya umalis na ito.
"Bakit po boss?" uminom sya at muling nilingon ang lalake.
"May boyfriend na ba ang pinsan mo?" Straight nyang tanung dito. Direct to the point ika nga, nasamid ito.
"Boss, wag ka ngang nagpapatawa, Bakit nyo po natanung?" Nakatitig pa rin sya dito, kapag may gusto syang malaman ay di nya pinapansin ang tanung mas gusto nyang tumahimik at hintayin ang sagot. Tumikhim ang lalakeng nasa harapan nya.
"Never been boss, amazona yun eh, may hinihintay kasing lalake yun." at sino nman kaya? Tanung nya sa kanyang isip.
"Satin lang to boss ah, may matagal na kasi syang hinihintay boss, lagi daw nyang napapanaginipan yung lalake na yun, niligtas nya raw nung mga grade 6 pa sila. At kapag hindi na raw sya nakakapanaginip ng ganun it means nakita na raw nya yung lalakeng iyon." Napatitig sya rito at may umusbong na pag-asa sa puso nya. Confirmation na nga ito ng matagal na nyang hinahanap. Tumayo sya.
"Paano ko sya makikita ulit?" Napahinto ang lalake sa harap nya.
"Gusto nyo po bang pag-applyin sa office nyo as a model?" Ani Lloyd.
"Great idea!". Tila may bumbilya na lumiwanag sa bandang ulunan nya. Lumapit sya rito at binigay ang business card at hinawakan nya ito sa balikat.
"This is my reward." Binigyan nya ito ng susi ng sasakyan. Napamaang lng ang lalake sa kanya.
"Ibigay mo yan sa kanya at pumunta sya sa binigay kong business card na nakasulat ang address ng opisina ko."
KEIRA POV
Palakad pabalik naman sa gilid ng kanyang kama si Keira dahil kahit anung isip nya at nagtataka pa rin sya kung bakit di na nya mapanaginipan ang batang kanyang sinagip 16 years ago. Lalo lang sumasakit ang ulo nya. Inabot nya ang tuwalya at madaling pumasok ng bathroom upang maligo.
Nagpatianod lang sya sa lakas ng tubig at pumikit hanggang sa nawala na ang sakit ng ulo nya at nagmadaling tapusin ang pagligo dahil sa nararamdaman nya na ang lamig na bumabalot sa katawan nya. Agad syang lumabas ng banyo at nagbihis.
Bumaba na sya at nagsandok ng niluto ng kanyang pinsan na porridge. Wala syang masabi sa kakaibang panlasa ng pinsan nya. Masarap talaga itong magluto dahil nagtapos ito ng culinary arts at hindi naman nito nagamit dahil pagka-graduate ay pagmomodelo naman ang pinasok nito.
Pagkatapos kumain ay naglinis sya sa buong paligid upang mawala ang mga mumunting alaala ng nagdaang gabi. Napatigil sya sa paggawa ng may magbukas ng pinto.
Napatingin sya at napasalo sa anung bagay na pinasalo ng lalakeng pumasok ng pinto sa kanyang condo unit.