Chereads / The Old Cupboard / Chapter 3 - Kabanata 1: Ang Lumang Aparador

Chapter 3 - Kabanata 1: Ang Lumang Aparador

Kabanata 1

Ang Lumang Aparador

I just frowned as I adjusted my clothes, putting them in Lola's Old Gift Wardrobe. Ayaw ko pang gamitin ito nung una, sobrang luma na kasi at baka pa papakin lang ng ipis at daga ang mga gamit ko. Pero ng buksan ko ito, nagulat ako dahil napakaayos pa ng loob, makintab pa ang mga tablang ginamit at mukha ring matibay.

Wala rin naman akong choice at ito lang ang pwede kong paglagyan ng mga gamit ko. I put on my clothes first. I didn't fix my shoes yet kasi inaantok na ako.

Pagkatapos magayos, kinuha ko na ang tuwalya ko at nagtungo sa banyo upang maligo.

Buti nalang may sarili akong banyo dito, ang hirap kasi nung kailangan mo pang lumabas para magbanyo.

Then you will come out covered only with a towel, it would be nice if this house of Lola was fully covered. My neighbor might even peek at me.

Mabilis lang akong natapos maligo, binalot ko ng tuwalya ang aking katawan at lumabas. I took the lotion out of my bag and faced the mirror.

"Sana pala nagdala ako ng salamin." Nakasimangot kong sabi habang nakatingin sa salamin.

Ang labo kasi nito, mas malabo pa salamin ni Lola o mas malabo pa sa relasyon ni Mama.

I placed the lotion in my bed first and took a clean rag. I also took my Alcohol and went back in front of the mirror. I sprayed it with Alcohol before wiping. Matagal din bago ako natapos sa paglilinis dito.

Inayos ko muna 'yong ginamit kong panlinis bago tiningnan ang salamin na ngayon ay malinis at makintab na. lumapit ako doon at namaywang.

"O ayan malinis kana." I said. Nasisiraan na ako ng bait dahil sa salamin na 'to.

I took my lotion again and started applying it on my body while still in front of the mirror.

"Psst!"

"Psst!"

"PPSSTT!!" Tumayo ako at luminga sa paligid. Kanina ko pa naririnig 'yong sumisipol na 'yon.

"Sino 'yan?" Tanong ko.

"Lola ikaw ba 'yan?" Lumapit ako sa pinto at binuksan 'yon, nagbabakasakaling nandoon siya sa labas ngunit wala siya.

"Psst!" Nagsimula na akong matakot.

"Sino 'yan!? Sino ka ba?" Galit kong sigaw kahit na nanginginig na ako sa takot. Sinulyapan ko ang bintana at nakitang nakabukas 'yon. Naginit ang aking ulo matapos isiping may manyak na bumubuso sa akin.

Lumapit ako doon at dumungaw. Makita lang kitang hayop ka! Huhugutin ko 'yang mata mo!! But I did not see anyone. I sighed to calm myself down. Isinara ko ang bintana at nagtungo sa Aparador upang kumuha ng damit.

"Dala lang siguro ito ng pagod."

Binuksan ko ang Aparador at kumuha ng pajama at t-shirt. Isinara ko na 'yon at sinimulang magbihis. Nilugay ko ang aking buhok at tinanggal ang tuwalyang nakatakip sa aking katawan.

From the mirror, I stare at my naked body. I often do this every time I get dressed, ewan ko kung bakit pero nagagandahan ako sa aking sariling hugis. Oo alam ko! Alam kong over-confidence 'yon. But this is what God gave me. If you have it too! then flaunt it!

Ngumiti ako at pinaglandas ang aking paningin mula paa ko hanggang sa aking mukha. Lumapit pa ako do'n hanggang sa isang dangkal nalang aking layo, at tinitigan ko ang aking mga mata.

Thick eyebrows, thick eyelashes, rounded and green...

Wait..what?

Kulay green?

Hindi kulay green ang aking mata!!

"HOLY HELL!!" Sigaw ko at mabilis pa sa alas kwatro akong lumabas ng kwarto, wala na kong pakealam kung wala akong damit.

"LOLA!! LOLA!! MULTO! MAY MULTO SA SALAMIN!!!" Sigaw ko habang binabalibag ang pinto ng kaniyang kwarto.

"Anong nangyayari Apo at bakit ka nagsisigaw!" Bungad sa akin ni Lola matapos akong pagbuksan ng pinto. Bumakas ang pagalala sa kaniyang mga mata matapos makita ang itsura ko.

"Bakit...wala kang damit? Anong nangyari?" Nagaalala niya pang dagdag.

"Lola 'yong Aparador... 'yong Aparador Lola may multo."

Nanginginig kong sagot. Nangunot ang kaniyang noo at bigla na lamang siyang tumawa ng malakas.

"Lola totoo po ang sinabi ko may multo po dun sa Aparador.. Sa salamin Lola...nakita ko siya sa salamin." Sabi ko pa at hinawakan ang kaniyang kamay upang makumbinsi siyang nagsasabi ako ng too.

"Apo. Mabuti pa, bumlik ka na sa kwarto mo at magbihis. Pagod lang 'yan." Natigilan ako sa kaniyang sagot. Binitawan ko ang kaniyang kamay at yumuko.

"L-Lola..." Pumiyok ang boses ko ng tuluyang na akong umiyak.

"Samara, Hindi totoo ang multo. Pagod ka lang kaya kung anu-ano ang iniisp mo't nagiilusyon ka o baka guniguni mo lang iyon."

She grabbed my hand and pulled me back to my room, ngunit nagmatigas ako at nanatili lang na nakatayo habang umiiling sa kaniya.

"Ayoko pong bumalik doon. Please Lola, dito po muna ako matulog sa inyo." Bumuntong hininga siya at binitawan ang aking kamay. Tinignan niya ako gamit ang galit niyang mata. Yumuko ako.

"Samara, Hindi ka na bata para kailangan pang pagalitan. Ang tanda tanda mo na! Halika na rito at bumalik kana sa kwarto mo! Anong oras na't hindi ka parin natutulog, kaya kung anu-ano iniisip mo diyan!" Galit niyang sigaw. Agad akong tumalima at bumlik sa kwarto ko.

Tangina, mas nakakatakot pa siya kesa sa multo.

Pagpasok sa kwarto ko, walang lingon likod akong dumiretso sa kama at nagtaklob ng kumot. Hindi na ako nagabalang magdamit, bukas nalang.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakataklob sa kumot. Malalaking butil ng pawis ang lumalabas sa aking noo at mariing nakapikit ang aking mga mata. Nakakapit ng mahigpit ang aking mga kamay sa kumot, dinig na dinig ko ang kabog ng aking dibdib dahil sa takot.

Makakatulog pa ba ako nito?

Wala na akong ibang magawa kundi ang magdasal at magtawag ng kung sinu-sinong santo sa aking isip.

Kasalanan 'to ni Lola. Ayaw ba naman akong patulugin sa kaniyang tabi kung tutuusin, siya ang may kagagawan nito.

Dala ng matinding takot, tuluyan na rin akong natulog.

I was dazzled by the light hitting my face. I slowly opened my eyes and looked out the window. Ang taas na ng araw, medyo mainit na rin. I searched my cellphone to check the time. When I could not see it, I got up.

Kumabog ang dibdib ko sa kaba ng makitang wala man lang akong saplot sa aking katawan.

"Bakit wala akong damit?" Kinakabahan kong tanong sa aking sarili. Unti unti kong inalala ang nangyari kagabi at mabilis na bumangon ang takot sa aking buong katawan. Humigpit ang hawak ko sa kumot at huminga ng malalalim.

Totoo kaya 'yong nangyari?

O baka nagiilusyon lang ako, tulad ng sabi ni Lola?

Guni guni ko lang ba 'yon?

Paano kung too?

At paano kung hindi?

Many questions entered my brain but none of them I could answer. I took a deep breath and calmed myself.

"Walang multo, okay? walang multo." Pagpapakalma ko sa aking sarili.

"Tss..Baliw."

Nagbara ang lalamunan ko dahilan upang tumigil ako sa paghinga, tinatambol ng malakas ang dibdib ko sa kaba at takot.

Sino 'yon? Sino 'yong sumagot?

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, damang-dama ko ang panginginig ng aking balikat maging ang aking buong katawan.

"Hey! Stop crying." Ani ng baritonong boses na nanggagaling parin sa Aparador.

Tangina naman nyan, bakit nagsasalita ang Aparador? Lord kunin nyo na po ako, now na.

I just stayed in that position. I also stopped crying but the fear still lingered in my chest.

Pinakiramdaman ko rin ang Aparador kung may kakaiba pa rin doon.

Nang maramdamang wala na, humugot muna ako ng isang malalim na malalim na hininga at nagbilang muna ng tatlong beses bago iminulat ang aking mga mata at dahan dahang tiningnan ang Aparador.

I stiffened in my seat, almost every hole in my face was open maging ang aking mga porses.

"You're so ugly." The man in front of the mirror said. Prente siyang nakatayo at nakapamulsa. His physique is elegant... and his eyes were green...

And the fucking hell!

Nasa loob siya ng salamin!!

______________________________

The Old Cupboard