Kabanata 7
Galit
"Kanina ko pa nga naririnig na may mga tao, I thought it was a visitor... si Mama lang pala. " He said after I announced that Mama and her new boyfriend were here. My annoyance returned when I remembered that old man's face again!
"Hayaan mo na siya. Mama is old enough, she knows what she is doing. Doon siya masaya, maging masaya ka na rin para sa kaniya." He added.
"Hindi naman sa ayaw ko siyang sumaya. Wala lang talaga akong tiwala sa mga nagiging boyfriend niya.'Yang Lucio na iyan? Sigurado akong may ibang motibo lang iyan kay Mama."
"Hayaan mo muna 'yong tao na patunayan ang kaniyang sarili. Baka nagkakamali kalang ng impression sa kaniya. Malay mo, iba pala siya sa mga naging boyfriend ni Mama. Diba nga kadalasan, kabaliktaran ang first impression natin sa mga tao?" Okay, may punto naman siya pero iba talaga ang instinct ko sa Lucio na iyon at ganito rin ang instinct ko sa mga naunang boyfriend ni Mama kaya hinding hindi ko ibibigay ang tiwala ko sa matandang 'yon.
"Nakakainis lang talaga. Ngayon pa talaga niya ipinakilala ang matandang 'yon." Isa pa ito sa ikinagagalit ko, imbes na best day ever ang araw na ito naging worst day ever tuloy.
"Alam mo, 'wag mo ng masyadong isipin ang tungkol sa boyfriend ni Mama," Teka, kanina pa siya Mama ng Mama ah! "Isipin mo nalang iyong pagtuturo mo. Anyway, how was your first day?"
The joy slowly returned to my chest as I remembered the joy on the faces of my students earlier.
"Napakasarap sa pakiramdam na natutuwa at nagustuhan nila ang aking regalo. Nakakaa-overwelm din ang mainit nilang pagwelcome sa akin. Did you know that I am not the only one who surprises them? They even prepared a surprise for me."
Pagkatapos ng Flag Ceremony kanina, agad silang nagsitakbuhang pumasok sa kanilang classroom. Narinig ko pa ang isa sa kanila na kailangan na daw nilang magmadali. I was still wondering at first but when I went inside, I realized why. Many balloons are scattered on the floor and there is also a banner with some pictures of me and a 'Welcome Teacher Samara' are printed on it.
Hindi ko alam kung paano nila pinagplanuhan at nagawa 'yon, siguro nagpatulong sila sa ibang teacher o kaya sa mga magulang nila na naghatid sa kanila.
"Umiyak pa nga ako e," I added emotionally.
"I wish I would be there. Kinuhanan sana kita ng litrato habang umiiyak," panimula niya. "Maganda rin iyon, mabisang panakot sa mga daga." Dagdag niya at tumawa ng malakas.
Hinampas ko siya. Pero slight lang, hindi lang siya ang masasaktan kapag nilakasan ko. Remember? Aparador siya, mas magiging masakit sa part ko kung hampasin ko siya ng malakas.
"Kahit kalian talaga puro kalokohan iyang nasa isip mo." Sinamaan ko siya ng tingin pero mas lalo lang siyang tumawa.
"Siguro playboy ka noon no?" Tanong ko.
"Ano sa tingin mo?" Nakangisi niyang tanong. Tignan mo 'tong multong to! tapos sasagutin ulit ng tanong ang tanong mo.
Pinaningkitan ko siya ng mata. Bahagya ko pang nilapit ang aking hintuturo sa gilid ng aking labi at patagilid na tumingala. Kunwari, pinagiisipan ng mabuti ang aking isasagot. Well, based on his personality, it is not difficult to determine whether he is a playboy or not. Add to that his handsome face and muscular physique, surely many women will fall for him only if he is here... in reality.. physically.
"Pl...."
Naputol ang aking sasabihin ng biglang may kumatok. Agad akong naranta at mabilis na tumayo at binuksan ang pinto.
"Apo..kakain na." Nakangiting bungad ni Lola pagbukas ko ng pinto. I stared at her and I noticed that his smiles were strange and they seemed to have a strange meaning.
"A-Ahh.. sige po Lola susunod po ako." Nauutal kong sagot. Kinakabahan ako baka narinig niya kami ni Kael kanina. Kanina pa kaya siya nandito?
Akala ko aalis na siya ngunit nagulat ako ng akma siyang sisilip sa loob ng aking kwarto. Bago pa niya makita ang loob, agad kong hinarang ang aking katawan at mahigpit na hinawakan ang dahon ng pinto.
Good thing I did not open it completely.
Lola looked at me with a strange smile still plastered on her lips. Parati ko naman siyang nakikitang nakangiti ngunit kakaiba ang sa ngayon, they are so sweet and there is a trace of joy on her whole face. She seems to have won millions in the lottery.
Gusto ko pa sanang bumalik kay Kael upang magpaalam, sa halip ay tuluyang na akong lumabas. Maiintindihan niya naman siguro ako.
"T-Tara na po, Lola. Baka kanina pa naghihintay si Mama sa baba." Hinawakan ko siya sa braso at inalalayang bumababa.
"Saktong pagalis mo kaninang umaga, ang siyang pagdating ng iyong ina. Tatawagan sana kita upang ibalita sa iyo, ngunit pinigilan niya ako. E, balak ka raw niyang I surprise." Kwento niya habang tinatahak namin ang hagdanan pababa.
"Naku La, na-surprise talaga ako. Sayang nga e, hindi niyo tuloy ako nakita kung paano ako na -Surprise." Diniinan ko 'yong salitang surprise.
Humalakhak siya. "Kahit na hindi mo sabihin. Alam kong salubong na salubong nanaman iyang kilay mo at nagkakamatis nanaman iyang mukha at tenga mo matapos mong ma-surprise." Sagot niya habang tumatawa. Ayos din itong si Lola, may ganang pang mang-asar.
My Lola really knows me. Kapag nagagalit kasi ako, namumula ang aking buondg mukha at tenga, lalo na kapag pinipigilan kong sumabog. Sabi pa niya sa akin, para daw akong si Dragona, kulang nalang magbuga ako ng apoy.
"Hindi magtatagal, aalis din iyang Lucio na iyan. Kung hindi siya hihiwalayan ni Mama, ako na mismo ang gagawa ng paraan upang siya na ang kusang umalis sa buhay ni Mama... sa buhay natin."
Una palang, tutol na ako sa pagbo-boyfriend ni Mama pero kahit isang beses, hindi ako gumawa ng paraan upang palayasin sila sa buhay ni Mama. Madalas ko lang pagsabihan si Mama nuon ngunit ayaw niyang makinig. Sino ba naman ako para sundin niya diba? Anak lang naman ako.
But now, I will not allow it. If Lucio thought that I would accept him, never in my sexy body! Akala niya lang iyon! Wait and see.... you are also the one who voluntarily leaves.
Tuluyan na kaming nasa hapag. Ang daming niluto ni Mama pero isa lang ang kinatatakaman ko sa lahat.. ang aking paboritong adobong atay. May cake rin sa gitna na may nakasulat na 'Congratulations ma'am Samara'.
"Salamat po, Mama." Kinalimutan ko muna ang inis ko sa kaniya. Nilapitan ko siya at hinagkan.
"Basta para sa iyo, Anak," Hinalikan niya ang aking noo. "Bago kumain, magwish ka muna Anak." Bumitaw siya ng yakap sa akin and took the small candle and lit it after niyang itusok iyon sa gitna ng cake.
"Ma, hindi ko naman po birthday."
"Hindi lang naman tuwing birthday ang pwedeng mag wish, Anak,"
Hinarap niya ako at hinawakan sa magkabilang braso. "O kaya mag thank you wish ka nalang." Dagdag niya at iniharap niya ako sa nakasinding cake. Hindi nalang ako nagsalita at ginawa ang kaniyang gusto.
"Yehey!!" Pumalakpak pa siya at nakipalakpak din si Lucio. Bahagya ko siyang sinulyapan at ng magtama ang aming paningin, inirapan ko siya at agad na umiwas.
Umupo na si Lola sa tabi ni Mama. 4 seater at round table ang mesa ni Lola, kaya naman ang bakanteng upuan lang ay iyong katabi ni Lucio.
"Umupo ka na, Apo at kakain na."
Magsasalita na sana ako ng biglang tumayo si Lucio at hinila ang katabi niyang upuan. "Here." Ika niya at iminuwestra ang upuang kaniyang hinila.
Ngumiwi ako. "Lola, pwede po bang doon nalang kayo at dito nalang po ako." May bahid na inis kong sambit.
Mabuti nalang at agad nakuha ni Lola ang aking inasta. Tumayo siya at umupo doon sa tabi ni tandang Lucio.
Tumikhim si Mama. "'Etong kanin, Anak. Kumain ka ng marami upang ganahan ka sa iyong pagtuturo." Nilagyan niya ng maraming kanin ang aking plato. Aabutin na sana niya ang adobo, ng unahan siya ni tandang Lucio.
"Nabangiit ni Sarah na paborito mo ito. Tinulungan ko rin siyang iluto ito kanina." 'Sarah' ang pangalan ng aking ina. Habang nagsasalita siya, nilalagyan niya ng ulam ang aking pinggan.
Pagkatapos niyang lagyan ng ulam ang aking plato, mabilis ko iyon nilayo sa akin. "Ayaw ko na niyan. Kaya kong kumuha ng ulam magisa. Saka baka may virus pa iyan. Mahirap na, uso pa naman ang covid." Inirapan ko siya.
"Samara," Diin na tawag ni Mama.
I knew she was threatening me but I was not scared. I got up and took another plate and spoon and went back to the table.
Gusto ko sanang kumuha nalang ng aking kakainin at doon kumain sa kwarto ngunit kabastusan iyon at ayaw ko namang tuluyang sirain ang araw na ito at ang effort ni Mama.
Kumain nalang ako ng tahimik, mabuti rin at wala ng nagsalita pa sa kanila.
After eating, I immediately went up to my room. I just let Mama wash the dishes. Tsaka nandoon si tandang Lucio, baka batuhin ko pa siya ng mga plato instead na hugasan.
"Alam ko kung ano ang kinain mo kanina." Bungad sa akin ni Kael.
"Ano?"
"Sinigang," kumunot ang noo ko. Walang sinigang na niluto ni Mama.
"Paano mo nasabi?"
"Ang asim kasi mukha mo." He uttered and laugh. Inirapan ko siya.
"E kasi naman ang tandang Luc..."
"Samara," I jumped in shock when someone suddenly called out.
Kasabay ng pagtawag na iyon ang paglaho ni kael. Agad na sumiklab ang galit sa aking dibdib matapos marinig ang nakakadiring boses na iyon.
"Anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba marunong kumatok?" Galit kong tanong.
"Hindi kasi nakalock an...."
"Kahit na!" Sigaw ko. "Nakita mo namang nakasara diba?"
"Sorry... may gusto sana akong sasa..."
"Umalis ka na rito! Wala akong pakealam sa sasabihin mo!"
"Sam.."
"LEAVE!" umalingawngaw ang sigaw ko sa buong kwarto. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking buong mukha dahil sa matinding galit.
Nakarinig ako ng mabibilis na yabag. Hinihingal na si Mama at Lola ang pumasok sa aking kwarto.
"Anong nangyayari rito? Samara, Anak. Bakit ka nagsisigaw?" hinihingal na tanong ni Mama.
"He entered my room without even bothered to knock!" Nagulat siya sa aking sigaw, maging si Lola ay gulat na gulat din.
"Ang akala ko kasi eto ang kwarto natin." Nanginginig niyang sagot at tumingin kay Mama.
"Stupid Fucking Reason!!" Ang alam kong sinabi niya kanina may sasabihin siya sa akin, tapos ngayon irarason niyang nagkamali lang siya ng pinasukang kwarto?
"Anak, sinabihan ko siya kanina na pumasok muna sa aming kwartoo upang magpahinga. Bago lamang siya rito kaya nalilito pa siya." Pagtatanggol ni Mama sa kaniya.
"Imposible iyang sinasabi niyo, Mama. Tatatlo lang iyong kwarto rito." Maiintindihan ko pa sana kung mansyon itong bahay ni Lola.
Nilapitan ako ni Lola. "Kumalma ka, Apo," Sumulyap siya kila Mama. "Sarah, iwan niyo na kami rito. Ako na ang kakausap sa kaniya, magpahinga na kayo."
Sumulyap muna sila sa akin bago sila tuluyang umalis, nakita ko pang parang naluluha iyong tandang Lucio na iyon. Ang galing niya namang um-acting! He's really getting on my nerve!
"I can't believe it, Lola... Hindi ako makapaniwala..."
"Apo, inulit mo lang iyong sinabi mo." I know! Isa pa itong si Lola e.
I closed my eyes tightly and sighed to calm myself.
"Sige na po, Lola. Huwag niyo na po akong intindihin. Magpahinga na rin po kayo."
"Sigurado ka, Apo?" may halong pagalala niyang tanong. Tumango ako.
"Alam mo, wala rin akong tiwala diyan sa Lucio na iyan pero huwag kang magalala, Apo. Hindi rin siya magtatagal.."
Talaga! Because I'll do everything just to fend him off of our life!!!
Niyakap ko siya at hinalikan sa noo bago siya tuluyang lumabas. Ini-lock ko ng mabuti ang pinto, buti nalang at doble lock iyon. Pero hindi parin ako mapanatag, bukas dadagdagan ko pa iyon.
"He's an Ass!" komento ni kael matapos kong I lock ang pinto. "Tama pala ang hinala mo, may kakaiba sa lalaking iyon."
Lumapit ako sa kaniya at umupo sa kaniyang harap.
"I'm scared.. Kael." Nanginginig ang labi kong sambit. I am a brave woman but no matter how brave I am, I can not deny that I am afraid of that old Nympho! hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kaniyang isip at ang kaniyang binabalak. Malakas ang kutob kong hindi iyon maganda.
"Don't worry.. Samara.. I'm here. I will protect you."
I met his green eyes. His eyes are the best thing I have ever seen in my whole life. The mixture of anger and fear I was feeling slowly disappeared. Sa sandaling nakatitig ang aking mga mata sa kaniya ay unti unti akong nakaramdam ng kiliti at kapayapaan sa aking dibdib.
"Salamat.. Kael."
______________________________
The Old Cupboard