Chereads / The Old Cupboard / Chapter 12 - Kabanata 10: Save

Chapter 12 - Kabanata 10: Save

Kabanata 10

Save

Alas dyes pasado na kaming nakauwi ni Kael. Sinundo lang kami ni Manong no'ng mapagdesisyunan na naming umuwi. Bakas ang pagtataka sa mukha niya ngunit kahit isang tanong, hindi siya nagbitaw. Mabuti na rin 'yon at hindi ko rin naman siya sasagutin.

"Samalat po, Manong." Medyo mabigat sa bulsa ang ibinayad ko, kawawa naman siya. Mahirap 'yong ginawa niyang pagbubuhat kay Kael at iniakyat niya pa ito sa bundok kanina.

"Salamat, hija. Sige aalis na ako." saglit pa siyang sumulyap sa Aparador bago tuluyang umalis.

"I can see the curiousity in his eyes. Sana, nagsabi ka man lang sa tao. Curiousity kills people baka mamatay iyon sa sobrang pagiisip." Hindi ko alam kung seryoso siya sa mga sinasabi niya o nagpapatawa lang siya.

"Sira, e kung sinabi ko ang tungkol sa iyo baka isipin niyang baliw ako."

"Hindi pa nga ba? Sinong matinong tao ang papasyal na may kasamang Lumang Aparador?" sabagay, may punto siya pero wala akong pakealam. Walang pwedeng makaalam sa kaniya kundi ako lang. Pati si Lola...

"Sige, matutulog na ako, Kael. Maaga pa akong gigising bukas." Lumapit ako sa aking kama at agad na ibinagsak ang aking katawan. Sa sandaling lumapat ang aking likod sa kama, ramdam ko ang pagod na aking buong katawan.

"Goodnight, Samara." Marahan niyang sabi. Naginit ang aking dibdib sa sandaling marinig ang kaniyang napakagandang tinig.

Nilingon ko siya't ngumiti.

"Goodnight, Kael." Itinaklob ko ang kumot sa aking kalahating katawan. Dala ng kapaguran, agad din akong nakatulog.

"Sabado ngayon, Anak. Wala ka bang balak lumabas? Sumama ka sa amin ni Lucio kung gusto mo." Mama asked me Saturday in the morning while eating our breakfast. Tiningnan ko siya, nakangiti siya sa akin, nangungumbinsi. Mabuti na lang at hindi na rin niya ako kinulit na tawaging Tito o Papa ang lecheng Lucio na 'to na ngayon ay nakangiti na rin ng nakakadiri sa akin.

"Hindi na po, Ma. Nakapasyal na po ako nung Martes. Rest day ko muna ngayon." Sumubo ako ng kanin.

"Gano'n ba, bukas na lang din, Anak. Magsisimba tayo nila Lola mo." at gagamitin niya pa talaga si Lola para lang sasama ako. Tumingin ako kay Lola. 4 days na rin ang nakalipas mula nung namasyal kami ni Kael, at hanggang ngayon hindi ko pa kinompronta si Lola tungkol sa napagusapan namin. Maybe later or tomorrow nalang.

"Okay, wala pong problema basta kasama si Lola." Hindi ko ata kakayanin kung kami tatlo lang ang lalabas. Paano nalang kung may pagkakataon na mapag-isa kami ng matandang kulubot na ito?

"Yes! Thank you, Anak." Nginitian ko siya't pinagpatuloy ang aking pagkain.

Pagkatapos kumain, dumiretso na ako sa kwarto ko't naligo.

"Nakausap mo na ba si Lola?"

"Hindi pa, mamaya nalang siguro." Sagot ko habang sinusuklayan ang aking buhok sa harap niya.

"Don't you want to go out today? It's okay with me kung iiwan mo muna ako rito."

"Hindi. 'saka wala naman akong pupuntahan. Hindi rin naman nag-aya si Analynn, so dito muna ako." magbasa-basa muna siguro ako ng libro.

After I combed, I picked up a book. I also took a pillow and comforter and laid it down in front of kael. Pumwesto ako roon and started reading.

I just read all day, Kael did not complain either. He just watched me all day. Well, at least he was watching me, right? That is not a bad thing either.

I took my phone and see the time. It's already 5:32 in the evening. Narinig ko rin na dumating na si Mama at ang peste niyang boyfriend. Bumangon ako't inayos ang sarili.

"Bababa muna ako, Kael. Kakain lang ako. Sorry ah? Baka kasi magalit si Mama kung dito ako kakain." Simula nang nandito si Mama, madalang nalang akong kumakain dito sa kwarto ko. kung bakit kasi nandito pa sila. Kailan ba sila aalis? Kailan ba sila babalik sa Maynila? Hindi naman sa ayaw kong nandito si Mama. Ayaw ko lang iyong leche niyang boyfriend.

Sabagay, may plano nga pala akong palayasin iyong manyakis na iyon sa buhay ni Mama. At hindi ko maisasagawa ang plano kung nasa Maynila sila. Magtitiis nalang siguro muna ako. Konting panahon nalang naman.

"Halika rito, Anak. May ibibigay ako sa iyo." Kinuha ni Mama ang palpulsuhan ko at pinaupo sa sofa. Binitawan niya naman agad ang kamay ko at may kinuha siyang paper sa pinamili nila at inabot iyon sa akin.

Tinanggap ko ito't ngumiti. "Salamat, Ma."

"Buksan mo na, Anak. Si Lucio ang pumili niyan." Excited na rin sana akong buksan ito ngunit nang sinabi niyang si Lucio ang pumili nito, parang ayaw ko nalang tignan.

"Mamaya na lang po, Ma. Bubuksan ko po sa kwarto."

"Ikaw bahala, pero sana magustuhan mo." nginitian ko na lang siya.

Napatingin ako kay Lucio. Bigla akong nangilabot nang makitang titig na titig siya sa akin. Iginilaw niya ang bilog ng kaniyang mga mata mula sa aking ulo hanggang paa. Bahagyang tumigil ang kaniyang paningin sa aking hita at hindi nakatakas sa akin ang bahagya rin niyang pagdila sa kaniyang bibig.

Nabitawan ko ang regalo dahilan kung bakit ibinaling niya ang paningin sa aking mata. Nagsitayuan lahat ng aking balahibo nang makitang punong puno iyon ng pagnanasa. Kinagat niya ang kaniyang bibig at ngumisi.

Tumayo ako. "Ma, tawagin niyo nalang po ako kapag kakain na."

"Okay ka lang ba, Anak?" nagaalala niyang tanong ng mapansin ang aking pagkabalisa.

"Ahh.. opo, Ma. Sige, akyat na ako." hindi ko na siya hinintay na magsalita at agad na akong kumaripas ng takbo papunta sa aking kwarto. Narinig ko pang tinawag ako ni Mama pero hindi ko siya pinansin.

Hindi ko na rin nagawang lingunin ang pesteng maniyakis na matandang iyon!

"Please stop crying. Don't worry hindi ako makakapayag na may gagawing masama sa iyon ang demonyong iyon." Diin na sabi ni kael matapos kong ikwento sa kaniya ang nangyari kanina. Halatang galit siya, kanina pa kasi ako umiiyak. Buong buhay ko, ngayon lang ako nabastos ng gano'n. Feel ko, hindi na iyon matatanggal sa isip ko.

Hindi ko siya sinagot, nanatili lang akong nakayakap sa tuhod ko habang humihikbi. Kinatok din ako ni Lola kanina pero hindi ko siya pinagbuksan. Hindi nalang ako umimik para isipin nilang tulog na ako.

Ilang minuto pang nagtagal ang katahimikan bago 'yon binasag muli ni Kael.

"Samara, matulog ka na..please huwag kang magalala I'll watch you.."

Inangat ko ang aking ulo at tiningnan siya. Medyo masakit ang gilid ng aking mga mata dala ng matinding pagiyak. Tumayo ako't nagtungo sa aking kama, humiga ako at muli siyang tiningnan. Nakangiti siya sa akin ngunit hindi ko 'yon magawang suklian. Humiga ako at bago tuluyang ipikit ang aking mga mata, muli ko akong sumulyap sa kaniya.

"Goodnight, Samara." May halong lungkot ang kaniyang boses.

I'm sorry Kael, masyado kasi akong naapektuhan sa nangyari kanina. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isip ko kung paano ako binastos ng manyak na Lucio na iyon.

Hindi nga niya ako hinawakan ngunit ang paraan ng pagtitig at pagdila ng kaniyang labi habang nakatitig sa aking hita, nagdala iyon ng kilabot at kakaibang pakiramadam, nakaka-trauma iyon para sa akin.

Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko at tuluyang na ring natulog...

Kanina pa ako paiko't-ikot sa aking hinihigaan, kanina lang ang sarap ng tulog ko pero bigla nalang akong nagising. Bumuntong hininga ako at muling pumikit. Kakaiba ang aking pakiramdam parang may matang nakamasid sa akin. Tiningnan ko ang Aparador at hindi ko nakita si Kael, siguro nagpapahinga na rin siya. Kung gano'n, sino ang nakatitig sa akin?

Napabalikwas ako ng bangon ng may narinig akong tunog mula sa pintuan ng aking kwarto. Nanginginig akong lumingon do'n at halos malagutan ako nang hininga ng may makita akong pigura ng lalaki do'n. At hindi ako nagkakamali, ang pesteng manyak na Lucio iyon.

"A-anong ginagawa mo rito?" sa kabila ng aking panginginig, pinilit kong patigasin ang aking boses.

Hindi siya sumagot sa halip ay dahan dahan siyang lumapit papunta sa akin. Diniinan ko ang pagkakahawak sa kumot, sa loob loob ko, nagdarasal ako. Nasisimula nang bumuo ang malalaking butil ng pawis sa aking noo.

"Hayop ka! Bakit ka nandito!" nilakasan ko ang aking boses upang may makarinig sa akin.

K-kael...

Kahit na medyo madilim, naaninag ko ang kaniyang pag-ngisi. Nangilabot ako.

Nang maradaman kong yumuko siya, mabilis akong umalis sa aking kama.

Ngunit hindi pa ako tuluyang nakababa ng bigla niya akong kabigin dahilan upang mapahiga ulit ako sa kama.

"Mama!! Lola!! Tulong!! Tul.." naputol ang aking pagsigaw ng sikmurain niya ako.

Bahagyang tumigil ang aking mundo.

"Huwag kang sumigaw, Samara. Hindi naman kita sasaktan, basta makisama ka lang sa akin." Punung-puno ng pagnanasa niyang sambit. Bumuhay ang pandidiri sa aking buong katawan ng maramdaman ko ang kaniyang magaspang na palad sa aking hita.

Nangilid ang aking luha. Sa kabila ng aking panghihina, humugot ako ng malalim na hininga at buong lakas ko siyang tinulak. Nabuhayan ako ng loob ng mapagtagumpayan ko siyang ilayo sa akin. Dali dali akong lumapit sa Aparador at niyugyog iyon.

"Kael! Kael! Tulong! Tulungan mo ako.." hindi ako sigurado kung matutulungan niya ako. Pero hindi ko na alam ang gagwin ko, takot na takot ako, parang nawawala ako sa aking katinuan. Tumalikod ako't nagtungo sa pintuan, abot kamay ko na ang siradura ng may biglang humila sa aking braso at pinaharap sa kaniya.

"Aaahhhh!!!" napasigaw ako sa gulat at takot.

Pagkaharap ko sa kaniya, sinuntok niya ng malakas ang aking tyan. Binuhat niya ako at isinalampak sa kama.

"Alam mo bang kaytagal ko nang gustong tikman ka? Mama mo na nga sobrang sarap, ikaw pa kaya na dalaga pa't fresh na fresh?" at gigil niyang isiniksik ang ulo sa aking leeg.

"Bitiwan mo ko! hayop Ka! Mama! Lola! Tulungan niyo po ak..hmm!!" tinakpan niya ang aking bibig.

Nagpupumiglas ako ngunit masyado siyang malakas. Hindi ko siya kayang labanan.

"Tumigl ka kung ayaw mong masaktan muli!" sigaw niya sa nanlalaking mata at galit na boses.

Humagulhol ako sa takot. "Kael.." mahina kong sambit at tumingin sa Aparador. Dinig na dinig ko ang tibok ng aking puso, dumagaundong iyon sa sobrang kaba at takot. Kahit na hindi sigurado, taimtim kong ipinagdarasal na sana ay magpakita na siya, na sana tulungan niya ako.

Muli akong napahagulhol nang makitang unti unti iyong gumalaw hanggang sa siya'y lumitaw. Gulat na gulat siyang tumingin sa amin. Maya maya biglang nagdilim ang kaniyang mata at kumuyom ang kaniyang kamao. Sa boung pagsasama namin, ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit. Kung hindi ko lang siya kilala baka pati ako matakot sa kaniya kapag ganyan ang itsura niya. Para siyang mamamatay tao...

Muli akong napabaling kay Lucio ng bigla siyang umalis sa pagkakaibabaw sa akin, akala ko pakakawalan niya ako ngunit nagulat ako ng bigla niyang tanggalin isa isa ang kaniyang suot. Matapos iyon, para siyang Leon na tumitig sa akin at makalipas ang ilang sandal, marahas niya akong hinubaran.

Nagpumiglas ako. "Huwag!!"

"Samara!" sigaw ni Kael. Mama, Lola tulungan niyo po ako.

"Bitiwan mo siyang hayop ka!" ngunit hindi siya narinig ni Lucio, nabibingi na siya sa kaniyang matinding pagnanasa. Masyado siyang abala sa paghuhubad sa akin.

Hinuli niya ang aking mga kamay at dinala ang mga ito sa itaas ng aking ulo. Idiniin niya iyon ng mabuti para siguruhing hindi ako makakapag-pugmiglas.

Matapos iyon, sinimulan niya akong hinalikan na parang sabik na sabik at gutom na gutom.

"Hhhuuwwagg!!! " humahagulhol kong sambit.

"Samara!" muli kong nilingon si Kael. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang gumagalaw ng mabilis ang Aparador. Ibinaling ko ang aking paningin sa kaniyang mga mata, habang ginagawa iyon, patuloy na tumutulo ang aking mga luha at patuloy na nagpupumiglas sa hayop na nasa aking harapan.

"Diba sabi ko sa iyo ililigtas kita?" bahagya akong natigilan sa pagiiba ng kaniynag boses. Magkahalong kaba at takot ang aking nararamdaman.

"Ka-kael.." nanginnginig ang labi kong sambit.

Matamis niya akong nginitian.

Umiling ako sa kaniya.

"Huwag... K-kael.."

Nanlalabo ang aking paningin dahil sa mga luhang nakapalibot sa aking mata.

Bumuka ang kaniyang dibdib. "I love you, Samara." Mahina niyang sambit.

Matapos niyang sabihin iyon, mas lalong bumilis ang paggalaw ng Aparador. Unti unting iyon nagkaroon ng liwanag hanggang sa nasilaw ako at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

Kasabay ng pagbukas ng pinto ng aking kwarto ang pagmulat ng aking mga mata.

"Anak, anon.." nilingon ko si Mama at nakita ko siyang nakanganga at gulat na gulat, maging si Lola.

Dahan dahan akong bumangon at para akong namatay sa mga oras na iyon ng makita ko ang itsura ni Lucio. Walang malay, duguan, at maraming nakatarak na salamin sa kaniyang buong katawan.

Ang salamin...

Napatakip ako ng aking bibig at muli nanaman akong napahagulgol. Nanginginig ang mga balikat kong nilingon ang Aparador.

Nanigas ako sa aking kinauupuan nang makitang nagbago ang itsura no'n at... wala nang salamin.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Naririnig ko si Mama na umiiyak at si Lola naman ay nanatili lang sa kaniyang kinatatayuan.

Yumuko ako. Parang dinudurog ang aking puso. Pagtingin ko sa ibaba, may nakira akong isang kapiraso ng salamin. Saglit ko muna iyon tinitigan bago pulutin sa nanginginig na kamay.

Tinitigan ko iyon sa aking palad, kita ko ang repeksyon ng mata ko sa salamin. Sumikip ang aking dibdib ng maalala si Kael. Humagulhol ako't tmulo ang aking luha roon.

"Kael.." humihikbi kong sambit at itinapat ang kapiraso ng salamin sa aking dibdib.

Iniligtas niya ako... tinupad niya ang pangako niya sa akin...

Bigla kong naaalala ang sinabi niya. "I love you too, Kael.."

Ang pira-pirasong puso ko ay dinudurog pa iyon ng pinung-pino. Hindi ko man lang nasabi sa kaniya na mahal ko rin siya.. na mahal na mahal ko siya..

Dala na sobrang panghihina, unti unti akong nahulog sa sahig. Napaluhod ako.

Muli kong tiningnan ang kapiraso ng salamin sa aking palad.

I thought nothing would break my heart even more when I saw it slowly turning to ashes.

At the same time, my world darkened when the ash in my palm slowly disapear...

to be continued...

______________________________

The Old Cupboard