Kabanata 5
Feelings
I do not know how many hours had pass, I looked out of my bedroom window and there I saw that darkness was slowly reigning. It was late at night, I just realized that we had stayed in our position for a long time.
Ibinalik ko sa kaniya ang aking tingin at tinanggal ko na rin ang pagkakalapat ng aking palad sa salamin kung saan nakatapat sa kaniyang mukha.
"Gabi na pala.." i said.
Just like I did, he also looked outside and he smiled as he looked back at me. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso, masaya ako at nakangiti na siya ulit na wala ng halong lungkot.
"Thank you for your time, Samara. Even though we were talking a bit dramatic, I'm still happy and I enjoyed the moment. "
"Ako rin, Kael. Nagenjoy din ako at masaya ako sa tuwing naguusap tayong dalawa." Nagningning ang kaniyang mga mata at lumapad ang kaniyang pagkaka-ngiti.
"Sa tagal na panahon kong nakulong dito, ngayon ko lang ulit naramdaman ang maging masaya, ngayon lang din ulit ako ngumiti... That's because of you, Samara. Maraming salamat."
I felt the butterfly in my stomach, pakiramdam ko sing pula na ng kamatis ang aking buong mukha.
Matapos niya akong pagmasdan, bigla nalang siyang tumawa. "Kinikilig ka ba sa sinabi ko?" He asked mischievously.
Yumuko ako at kinagat ang aking ibabang labi. Required ba talgang itanong iyon? Gayong obvious naman na kinikilig nga ako. Ang kaninang nangangamatis na mukha, ngayon ay nagbubuga na iyon sa sobrang init.
"Kinikilig ka.." Dagdag pa niya, hindi na iyon patanong at talagang kinumpirma niya na kinikilig nga ako at tuwang tuwa pa siya.
"T-tumigil ka nga.." Nauutal kong suway sa kaniya. Imbes na tumigil ay mas lalo pa siyang tumawa, bahagya pang gumalaw ang Aparador sa sobrang lakas ng pagtawa niya.
Hinampas ko siya. "Hindi kaba talaga titigil!?" Kunwari napipikon kong tanong.
Tumigil naman siya ngunit natatawa pa rin. "Ang cute-cute mo pala kapag kinikilig."
Hindi ko na nakayanan ang pagkapahiya ko, agad na akong tumayo at tinalikuran siya. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili, naiinis ako! Hindi sa kaniya kundi sa aking sarili. Simple lang naman ang mga sinabi niya sa akin, hindi naman siya nagtapat ng kaniyang pagibig ngunit ganoon nalang ako kabilis kiligin.
He is the man who makes me like this. But that is not surprising because he is the only man who entered my life.... he is the only one I allowed...
"Ayos ka na ba, Samara? Can you look back here? Hindi na namumula ang pisngi mo?"
"Tumigil ka, Kael! Kung ayaw mong basagin kita!" Pagbabanta ko. Pero ang gago, hindi man lang natakot, mas lalo pang nangasar at sumipol sipol pa.
Bumuntong hininga ako at lakas loob akong lumingon ngunit hindi ko siya tiningnan, diretso lang akong umupo at sinimulang ayusin ang nagkalat na gamit. He kept teasing me but I just ignored him, minadali ko na iyong pagliligpit. Matapos iyon, nagpaalam na ako sa kaniya na lumabas upang tulungan ulit si Lola sa paghahanda ng hapunan.
Sinabayan ko na rin si Lola maghapunan. Kung hindi lang ako inaasar ng salaamin-kerong iyon, baka doon ulit ako kumain sa kwarto.
"Mukhang matamlay ka ata, may problema ba?" Tanong ni Lola habang kumakain.
"Wala naman po Lola. May iniisip lang po ako." Tahimik kong sagot.
Mabuti nalang at hindi na siya nagtanong pa, naguguillty tuloy ako, naglilihim kasi ako kay Lola. Di bale, maghihintay nalang ako ng tamang panahon para sabihin sa kaniya ang tungkol kay Kael... if she doesn't really know yet.
Pagkatapos kumain, naghugas muna ako ng plato bago umakyat sa aking kwarto. Pagpasok sa loob, hindi na ako nagabalang lingunin ang multo sa salamin at agad na nahiga sa aking kama.
"Matutulog na ako, Goodnight." Sambit ko at inabot ang kumot at tinabunan ang kalahati ng aking katawan.
"Goodnight, Samara. Sweet dream...m...on me.." Pinangikutan ko siya ng mata bago ako pumikit. Narinig ko pa siyang humagikhik ngunit hindi ko nalang siya pinansin at pinilit na patulugin ang aking sarili.
That's just our daily routine.
When I woke up in the morning, his sweet smiles ang unang bubungad sa akin. Buong araw kaming naguusap, kung anu anong kwento ang pinguusapan namin. He told me about his youth, I did the same and I also shared with him my experience when I was in college. Ayoko sanang buksan ang tungkol sa topic na iyon dahil alam kong malulungkot nanaman siya ngunit siya na mismo ang nagpumilit na magkwento ako kaya pinagbigyan ko siya.
I was happy that our conversation went well, he was not sad either but I could read with regret and curiosity in his eyes, ako tuloy ang nalulungkot.
Halos hindi na ako lumalabas ng bahay, buong araw nalang akong nakakulong sa kwarto kasama siya hanggang sa sumapit ang gabi. Hindi rin siya natutulog, pinagmamasadan niya lang ako buong gabi, bagay na gustong gusto ko. I feel like while he is doing that, I am safe at sobrang himbing din lagi ng tulog ko.
Unti unti na akong nasasanay sa kaniya.. at unti unti na rin akong nahuhulog sa kaniya.. Hibang man isipin pero iyon ang totoo, at masaya ako. Masaya ako dahil naranasan ko rin ang mahulog at magtiwala sa isang lalaki. Pero sa kabila ng sayang iyon, nalulungkot ako. Nalulungkot ako dahil mali 'to, maling mali ang mahulog sa kaniya.
Dahil hindi siya totoong tao... Para lang siyang fictional character sa mga librong nababsa ko, nageexist nga siya pero hindi naman siya normal na tao.
At hindi rin ako sigurado kung gusto niya rin ako... kung magugustuhan niya rin ako....
"Good Morning World! Magandang Buhay!"
"Good Morning, Samara! Mas maganda ka pa sa umaga."
Nilingon ko siya at ang kaniyang maberdeng mga mata ang una kong nasilayan, ayon nanaman ang paru parong nagliliparan sa aking tiyan. Matamis niya akong nginitian.
Magdamag nanaman siyang hindi natulog ngunit wala man lang pagbabago sa kaniyang itsura, nakapa-fresh at napaka-pogi pa rin. Salamantalang ako, kahit siguro matulog ako maghapon at magdamag, wala pa ring pagbabago sa aking itsura, haggard at pangit pa rin. pagdating sa katawan, confident ako dahil alam kong maganda ang hugis ko. Pero sa mukha? Importante mabait ako at wala akong inaapakang ibang tao.
"Get up there and get ready, I know how excited you are today!" He said.
Bumaba ako sa kama at inayos muna ang higaan. "Thank you Kael.. "
I smiled at him and went straight to the bathroom to take a bath.
Today is the first day of school. Magkahalong saya at kaba ang aking nararamdaman. Masaya dahil kay tagal ko ring hinintay ang araw na ito, sabik na sabik na akong makilala ang aking mga magiging istudyante at excited na rin akong turuan sila at iabot sa kanila ang mga pinamili kong regalo. Iniisip ko palang ang tuwa sa kanilang mga mukha habang tinatanggap ang mga regalo ko, ay nagdudulot na iyon ng sobrang saya sa aking dibdib.
On the other hand, I was nervous. It is not new to be nervous on the first day of class, even at work it is the same. But despite that, the fun still prevails.
"Ano sa tingin mo ang mas maganda eto, o eto." Sabay pakita ko sa mga damit na hawak hawak ko sa aking magkabilang kamay. On my left hand, long sleeve dress, dark blue top and floral skirt, up to half a thigh long and the collar bone is prominent. And on the right, is a black letter skirt, white tube top and a beige coat. First day palang naman at pwede pa akong mag-ordinary ng dalawang buwan.
"Ganyang talaga ang isusuot mo? Hindi pang disente." komento niya. Kinunotan ko siya ng noo. Ba't parang naiinis ang isang 'to?
"Anong hindi pang disente, e ganito nga 'yong isinusuot ng mga empleyado sa company. Isa pa, eto na ang uso ngayon."
"Tss.. " Ano nanaman ba ang problema nito?
"Ano bang ipinagpuputok ng butchi mo diyan? Sinasabi ko sa 'yo huwag mong sirain ang araw ko." Pagbabanta ko.
"Wear something else. It's showing too much skin, Samara." Bahagya pa niyang sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri, tila naiinis.
At siya pa talaga ang may ganang mainis! Gusto ko pa sana siyang singhalan pero hindi ko nalang siyang pinansin, hindi naman ako slow para hindi ko maintindihan ang pagmamaktol niya. Kinagat ko ng aking labi upang pigilan ang mapangiti.
"Eh ano bang gusto mong isuot ko? Sweater at Pajama? Paaralan ang pupuntahan ko, Kael hindi sa palayan." Kunwari, naiinis kong sabi.
His jaw tightened and his eyes darkened, tila nagbago pa ang kulay ng mga iyon dahil sa kaniyang galit.
Imbes na matakot, mas lalo pa tuloy akong natuwa. Kanina ko pa nararamdamn ang pangingiliti ng aking puso.
Biglang gumalaw ang Aparador at bumukas ang pinto nito, at sa muling pagsara nito, may nahulog na damit.
Napawang ang labi ko at dahan dahan ko iyon dinampot. Isa iyong black na seda at white collar shirt, pinaningkitan ko siya ng mata. Kahit na kinikilig ako sa kaniya, hindi ako makakapayag na suotin ito. Like, eww!! Napakabaduy!!
"Sa tingin mo susuotin ko ito? No way!"
"Yes way!"
"My body! My clothing rule! At isa pa, hindi naman kita boyfriend para diktahan mo ako kung ano ang susuotin ko."
"Hindi mo ako boyfriend pero tinanong mo ako kung ano ang magandang isuot."
"OO nga't tinanong kita, pero hindi naman ito kasama sa choices."
"Eh sa iyan ang choice ko." Aba't hindi talaga nagpapatalo ang multo na 'to!
"Kilala mo ba si Bili?"
"Sinong Bili?" he asked angrily.
"Bili ka ng kausap mo!" Singhal ko at tinalikuran siya. Kung hindi ko pa siya tatanatanan, baka tuluyang na akong magalit sa kaniya. 'Saka, baka malate pa ako. Hindi ako papayag na masira ang araw ko ngayon.
I chose to wear the long sleeve dress and paired with white heels, I was also able to fix my face and hair. I stood up and grabbed my bag and approached him.
Hindi pa rin maganda ang timpla ng mukha niya, alam kong galit pa rin siya sa akin. Bumuntong hininga siya at unti unting ngumiti na agad ko namng ginantihan.
"Good luck." He calmly said. Malalim at baritono ang kaniyang boses bagay na gustong gusto kong pakinggan habang siya'y nagsasalita, tila isa iyong musika na kay sarap pakinggan.
"Salamat, Kael." Unti unting nawala ang ngiti sa aking mga labi sa isping iiwan ko siya ritong mag-isa. Sumikip ang aking dibdib ng makitang maging siya ay malungkot din.
"Sige na, umalis ka na baka ma late kapa." Pilit na ngiti niyang sambit.
Labag man sa aking loob, tumango ako at unti unti siyang tinalikuran.
"Magiingat ka, Samara." Hindi ko na siya nilingon muli, baka pag ginawa ko iyon, makalimutan ko pa ang gagawin ko at piliing samahan siya rito. Malalim na buntong hininga ang pinakawaln ko upang ibsan ang bigat ng aking dibdib. Binuksan ko ang pinto at mabilis na lumabas at bumaba.
"Sobrang saya ko para sa iyo, Apo. Magiingat ka sa iyong biyahe." Ani lola habang inaalalayan akong pumasok ng tricycle, kahit hindi naman na iyon kailangan.
"Salamat po, Lola. Ingat ko rin po kayo habang wala ako." Hinalikan ko siya sa noo. Pinaandar na ni manong ang tricycle.
Before finally leaving, tinanaw ko muna ang aking kwarto at ngumiti.
"Hindi pa nga ako nakaalis, namimiss na kita agad."
_____________________________
The Old Cupboard