Jasmin POV
"Okay kana ba Jassy?" tanong ni Aldea sa akin.
"Oo naman" sagot ko at ngumiti sa kanila.
Andito kami ngayon sa garden na nakaupo sa damuhan habang nag babasa, bakit kasi absent pa ako kahapon konting sugat lang naman iyon.
"Gutom na ako" bigla biglang saad ni Monica.
"Tara sa Coffee shop, Almusal muna tayo bago pumasok" saad ni Aldea kaya tumayo na kami para pumuntang coffee shop.
Habang nag lalakad kami bigla akong nabangga ng tumatakbong babae kaya nalaglag ang mga libro ko. Bakit ba ako nalang lagi? Hayst. Sisimulan ko na sanang mag lakad dahil napulot ko na ang aking mga libro ng hinigit ako nang naka bangga sa akin.
"Aalis ka nalang ba?Look, nang dahil sayo nalate tuloy ako sa appointment ko, Hindi ka man lang ba mag sosorry?" saad ng naka bangga sa akin, siya nga dapat ang mag sorry dahil s'ya ang naka bangga sa akin.
"Sino ba ang tangang tumatakbo? diba ikaw?" taas kilay kong sagot.
"At bakit kasi hindi ka umilag?" taas kilay din na sagot nito. Antanga, paano ako iilag kung hindi ko naman alam.
"Ininform mo ba ako na umilag Miss?" tanong ko at ngumisi.
"Akala mo kung si----" hindi na niya na ituloy ang kanyang sasabihin dahil may tumawag sa kanyang lalaki at ito ay tumatakbo. Wait familiar sa akin yung lalaki ah.
Clifford?
"Babe, Nag hihintay na sila doon" humahangos na saad ni Clifford.
"Sandali lang babe, May tangang babae na bumangga sa akin eh" saad nito kaya napataas ang tingin ni Clifford.
"Oh Jasmin, Ikaw pala" saad ni Clifford ng makita ako kaya ngumiti ako.
" Long time no see ah" sagot ko.
"Ang plastic mo Miss at mag kakilala kayo?" takang tanong ng Girlfriend ni Clifford.
"Yes may problema ka ba doon?" taas kilay kong tanong ng akmang mag sasalita s'ya inunahan na s'ya ni Clifford.
"Ah Jasmin, una na kami, pasensya sa abala, Let's go babe" saad ni Clifford kaya tumango ako.
"Sige ingat kayo" sagot ko at humarap na kila Monica.
Kinikilig pa ang mga bruha, don't tell me crush din nila si Clifford? hmm.
"Tara na nga,para kayong timang diyan" saad ko at sinimulan ng mag lakad.
"Close mo pala yun Jassy, siya yung tinutukoy namin na transferee ganda mo talaga Jassy" saad ni Aldea.
"Kapatid sya ni Ate Ellen" sagot ko kaya napatili sila. "For real/weh?" Sabay nilang saad kaya tumango ako.
"Ang Suplada nung shota nya,sarap supalpalan" saad ni Maryline. Napatawa nalang ako dahil sumasapi nanaman ang kaniyang katarayan.
"Cappuccino and Black mousse ang saakin" saad ko.
" Ako din" saad ni Aldea
"ako din" saad ni Monica
"sabi ko nga parepareho nalang tayo" saad ni Maryline kaya napatawa kaming tatlo sa inasta niya.
habang hinihintay namin si Maryline tumunog ang doorchime ng Café kaya napalingon ako sa pintuan, nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino 'yong pumasok, yumuko ako para hindi ako makita ni Kuya nang marealize kong kasama ko sina Aldea napatampal nalang ako sa noo ko.
"Wala ka ng kawala Jasmin" bulong ko sa sarili ko.
"Hoy Jassy, May masakit ba sayo?" tanong ni Aldea na may pagkalakas kaya pag angat ko ng ulo ko nag tama ang mata namin ni Kuya Von. Pinanlakihan ako nito ng mata kaya alam ko na kung anong ibig sabihin ni Kuya, Ako na ang nag iwas ng tingin.
"Ang Ingay mo Aldea" saad ko at napakamot sa ulo.
"ha? Bakit ba?" naguguluhang tanong nito.
"Si Kuya Von andito, malalagot nanaman ako" saad ko at napanguso.
"Pasensya na hindi ko naman alam eh" sagot nito.
"Jassy nakita ko si Kuya Von kanina, Nahuli ka ba niya?" tanong ni Maryline na dala dala yung tray na ang laman ay yung order namin.
"Ano pa nga ba" nakabusangot na sagot ko.
"Bakit kasi hindi ka nag tago?" tanong nito.
"nag tago kaya ako pero si Aldea kasi ang ingay" sagot ko at kinain yung cake.
"Hayst. Sabi sayo eh Kahit minsan man lang itape natin bunganga ni Aldea" natatawang saad ni Maryline.Bruha talaga ang babaeng ito.
"Note! Pag kasama si Aldea dapat sabihan mo na huwag mag ingay para hindi ka mabuko pag nag tatago ka" turan ni Monica with hand gesture kaya napatawa kami at si Aldea naman ay napanguso.
-----
Habang nag didiscuss si Professor Chi hindi ko maiwasang humikab.
"Inaantok na talaga ako" bulong ko sa aking sarili kaya naman para mawala ang antok ko ay kinurot ko nalamang ang pisngi ko para kahit papaano magising naman ang diwa ko.
Yuyuko na sana ako para umidlip ng biglang tinawag ang pangalan ko. "Miss Libao, May nag hahanap sayo" saad ni Professor Chi kaya tumayo agad ako.
"Okay po Prof, Salamat" saad ko at yumuko bago lumabas. Nang makarating ako sa pintuan ay isang SSG officer ang nadatnan kong nag hihintay sa akin.
"Hi? what can I do for you?" I asked.
"Headmistress was looking for you, Miss Libao" pormal na saad ng isang SSG officer bago yumuko, tumango naman ako bilang sagot.
"Bakit kaya ako pinatawag ni Mrs. Versosa" tanong ko sa sarili ko.
Oh no! Baka yung nangyari kahapon? Mayghad! Napalunok nalamang ako dahil sa kinakabahan ako.
Hindi ko namalayan na andito na kami sa harap ng Office. Kakatok sana ang SSG officer na sumundo sa akin ngunit pinigilan ko ito.
"Miss, Did you know why Mrs.Versosa calling me?" kinakabahan na tanong ko ngunit nabigo ako ng makitang ngumiwi ito
Pag kakatok niya ng tatlong beses, binuksan na nya ang pintuan ng Office.
"Good afternoon Mrs. Versosa" pormal na bati ko at yumuko ng bahagya.
"have a sit Miss Libao" saad ni Mrs.Versosa at ngumiti, umupo agad ako dahil baka bigla nalang ako matumba.
"Ipinatawag kita dahil gusto kong malaman mo na, you will ----" pinutol ko ang kanyang sasabihin kaya sinimulan ko ng mag salita.
"Mrs. Versosa , about yesterday sorry po.Huwag nyo po akong iexpelled,Maawa po kayo" pagmamakaawa ko ng hindi ako makakuha ng sagot itinaas ko ang aking tingin at kita ko na isang pag tataka ang rumehistro sa mukha ni Mrs.Versosa.
"What are you talking about Miss Libao?Who told that I'll expelled you?" saad ni Mrs.Versosa.
"Mayghad Jasmin kung ano ano kasi pumapasok sa isip mo" saad ko sa isip ko.
"Wala po Mrs.Versosa" sagot ko.
"Okay, Let's proceed. pinatawag kita dahil gusto kong malaman mo na pwede kana muling sumali sa SSG, tutal maayos naman ang pagpapatakbo mo nung nandito ka pa. May chance ka muling manalo ngunit base parin Ito sa mga mag boboto sayo. Next month na ang Searching for the SSG council. Kaya mag handa kana and Pasensya kana kung biglaan kitang pinatawag. Last week pa kasi naiannounce tungkol dito at alam ko namang kakalipat nyo nung isang araw kaya maghanda kana" mahabang Paliwanag ni Mrs.Versosa
Yes! Makakasali nanaman ako!
"May nabago po ba sa rules?" tanong ko.
"Meron and ipapaliwanag nalang next week sainyo." Saad nito kaya napatango ako.
"Sige po,Thank you Mrs.Versosa" pag papasalamat ko at yumuko.
------
"Bakit ka pala pinatawag kanina?" tanong ni Monica. Kumagat muna ako sa burger na kinakain ko bago ko siya sinagot.
"Inexplain lang sa akin yung about sa SSG ELECTION" may diin na saad ko.
"Sasali ka ulit?" tanong ni Aldea kaya tumango ako "yup, Sali ba kayo?" tanong ko sa kanila ngunit naka tunganga lang sila habang nakatingin sa likod ko kaya pag lingon ko kita kong may naka tayo,
kaya iniangat ko ang ulo ko para malaman ko kung sino ito.
"Hi Jassy" bati ni Clifford at syaka umupo sa tabi ko. Pumunta na nga kami dito sa garden para hindi makita ang asungot na ito. Baka mamaya sugurin nanaman ako ng bruha niyang shota.
"Oh bakit ka andito? Baka mamaya maging drakula nanaman yung shota mo" saad ko at ipinag patuloy ang pagkain sa burger na hawak ko.
"Grabe ka naman sa girlfriend ko, Mabait naman si Kristel" natatawang sagot nito kaya napa ngiwi ako.
"Mabait ba yun? Eh halos sampalin na nga nya si Jassy" singit naman ni Maryline. Lagot kang Bata ka.
"Naging ganun lang yun kasi mapapagalitan nanaman sya sa daddy nya, Late na kasi sya sa pina appointment ng daddy nya" sagot ni Clifford at kumuha sa fries na kinakain ko.
"Kasalanan ko pa bang mabagal kumilos yang girlfriend mo." Sagot ko at uminom sa coke.
"Yaan mo na nga iyon, Pasensya nalang" saad nito.
Saktong naubos ko ang kinakain ko, tumunog naman ang bell at hudyat na mag sisimula na ang pangatlong Klase.
"Tara na" saad ni Aldea kaya tumayo na kami at linisan ang inupuan namin.
Pag kalipas ng ilang minuto nakarating na kami sa harap ng classroom."Kitakits nalang mamaya" saad ko kaya tumango naman sila bilang sagot.
Nang makaupo kami ni Monica sa proper seat namin bigla nalang ito nag tanong.
"Jassy, Hindi ba uuwi si Ate Ellen sa Birthday mo?" tanong ni Monica.
"Hindi ko alam" malungkot na sagot ko.
Next month na pala birthday ko.
"Oo nga pala Jassy,
Nag announce si Professor Xia na may Field Trip daw tayo sa 19" saad ni Monica.I can't wait na mag field trip!
"Sama ka?" tanong nito kaya napangiti ako ng pag kalapad. "Count me In" masayang sagot ko kaya napatawa nalang siya.
"A pleasant morning everyone, May new Transferee tayo and she's from Beijing China. Come in Miss Mayer" saad ni Professor Xia na ikinagulat ko. Mayer?kaano ano ni Janjan?
"Jassy, tignan mo yung transferee dali" saad ni Monica. Tinignan ko ang babaeng nasa harapan, wait. Shota to ni Clifford ah."interesting" bulong ko.
"May sinasabi ka Jassy?" bulong na tanong ni Monica kaya ngumiwi ako.
Ngumiti ang shota ni Clifford bago nag salita. "I'm Kristel Apo Mayer, 17 years old.You can call me Kris" pagpapakilala nito at yumuko ng bahagya.
"You can seat in beside of Mr. Loran. 1st row,4 seat." saad ni Professor Xia. Kaya sinimulan ng mag lakad ni Kristel.
"Okay class,Wala kayong klase ngayon dahil may biglaang meeting but may homework kayo. Just take a look on our M Classroom.You may go home now" saad ni Professor Xia bago umalis.