Jasmin POV
"Good morning girls" bati ko sakanilang tatlo ng maka labas ako sa kotse.
"Good morning Jassy" sabay sabay nilang bati saakin habang nakangiti.
Ayos lang kaya ang mga babaeng to?Hindi ata pinainom ng mga gamot nila kawawa nanaman akong mag aalaga hayst.
"Bakit kayo nakangiti?" taas kilay kong tanong sabay sabay silang napatingin sa isa't isa at sumigaw ng "May kailangan kang iexplain saamin" pag kasabi nila nun agad agad akong hinila ni Aldea papunta sa isang upuan.
"Explain" Saad ni Monica na ikinataka ko.Ano nanamang pakulo ito.Napatampal ako ng noo ng wala sa oras."Anong ieexplain ko?" naguguluhang tanong ko.
"Explain mo saamin kung sino 'yong kausap mong lalaki ng wala kami" taas kilay na saad ni Maryline.
"Ah iyon ba?Transferee sya ng school and --- wait nga akala ko ba nameet n'yo 'yong transferee?" tanong ko ngunit pinitik lang ni Aldea ang noo ko.
"Gaga hindi sya iyon,Ibang Transferee ang tinutukoy namin" saad ni Maryline.Ha?Eh sino kaya yung transferee na iyon?ang gulo.
"Ah basta,tara na malalate na tayo sa klase" Sabi ko at sinimulang mag lakad.
"Jassy dali na,sabihin mo na kung sino yun" pangungulit saakin ni Maryline
"Transferee nga" simpleng sagot ko habang naglalakad.Nagmamaktol naman na parang bata si Maryline dahil sa naging sagot ko.Totoo naman ah na transferee ang si Janjan.
"What I mean anong name nya" saad ulit ni Maryline.Ang kulit talaga nya.
"Monica yang kambal mo patigilin mo nga" saad ko habang tumatawa.
"Bakit ba ayaw mong sabihin saamin ang pangalan nya Jassy" tanong ni Maryline na ikinatigil ko.Oo nga bakit ayaw kong sabihin?
"A-ah...Ano w-walang permiso yung tao? Oo tama tama walang permiso yung tao" saad ko bakit ako nauutal?Hayst
"Jassy ayusin mo na---" pinutol ko ang kaniyang sasabihin dahil nasa tapat na kami ng room namin."Pasok na kami,see you later" saad ko at pumasok na sa room.
"Bakit ba ayaw mong sabihin Jassy?" tanong ni Monica.Aba aba kailan pa naging interesado ang bruhang to.Hmmm?
"Crush mo siguro ano?" panunukso ko sakaniya habang kinikiliti sya,ay namumula ang bruha.
"H-hindi ah" namumula at nauutal na sagot nito.Ang weird minsan ng bruhang to buti nalang hindi ako weird,maganda lang.
Easy readers ako lang to,si Jassy na mahal na mahal ka,yieeee.Boom kilig.Back to the topic na baka pagalitan tayo ni mother kulisap.
"A pleasant morning everyone,Ako muna ang temporary professor nyo for 1 month dahil may importanteng inaasikaso si Prof. Jiang.So I'm Professor Bryan, Can we recall about your last topic with Professor jiang,anyone who can tell me?" Saad ni professor Bryan, magtataas na sana ako ng kamay ng biglang nag taas ng kamay si Pamela.
"What it is Miss Pamela?" tanong ni Professor.
Pamela cleared her throat before she speak."Our last topic is all about drugs,Sir" Pamela said to Professor Bryan."Okay you make take your seat now, A drug is any substance that causes a change in an organism's physiology or psychology when consumed. Drugs are typically distinguished from food and substances that provide nutritional support." pag didiscuss ni Professor Bryan.Nag patuloy lang s'ya sa pag didiscuss hanggang sa nag tanong na s'ya.
"Miss Libao can you please stand up and answer my question" Professor Bryan said, So I stood up and wait for his question."Miss Libao,If you're paying attention to my discussion awhile ago,what exactly is a drug?" that's the question of Professor Bryan. it's too easy erkey--."A drug is any substance (with the exception of food and water) which, when taken into the body, alters the body's function either physically and/or psychologically. Drugs may be legal (e.g. alcohol, caffeine and tobacco) or illegal (e.g. cannabis, ecstasy, cocaine and heroin)." I proudly say and bow."thank you Miss Libao,For the next question.Kindly stand up Mister Laksyamana" Professor Bryan said,when Mister Laksyamana stood up,all the class they're all laughing at Mister Laksyamana except me and Monica. They're all laughing because Mister Laksyamana is a nerd. what's wrong if he's nerd?
-------
Nag lalakad kami ngayon dito sa hallway papuntang canteen para mag recess.Nakakawalang gana ngayong araw hayst.
"Hey Jassy are you okay?" Aldea asked so I nodded as a response."Just take a sit and wait for us,what food do you want?" tanong ni Monica."wala" simpleng sagot ko at yumuko."Okay then, kami na ang bahala sa kakainin mo" saad ni Aldea kaya tumango ako ng marealize ko na papakainin nanaman ako ng gulay nila Aldea dali dali akong tumayo at tumakbo papuntang counter ngunit sa gitna ng pagtakbo ko may nabangga akong tao kaya tinignan ko kung sino ito,nanlaki ang mata ko ng makita kong si Janjan ito.
"Ang gulo mo Kasi Jassy" bulong ko sa sarili ko.
"Ahh..uhhmm...ahh. aish" dahil sa hindi ko alam ang gagawin ko at dahil sa center of attention na kami dali dali kong pinulot ang bubog na nagkalat sa sahig na nag mula sa platong hawak ni Janjan.
"Jasmin!" pipigilan sana ako ni Janjan ngunit huli na ang lahat at nasugatan na ako."Ouch!" saad ko ng hindi tinitignan ang kamay ko.I have a blood phobia.Umiyak nalamang ako para hindi ko matignan ang dugo sa kamay ko,ramdam kong may humawak nito "Stop crying Jasmin,shhh it's okay. Don't cry" pag papatahan saakin ni Janjan."excuse me, excuse me" rinig kong sabi ni Maryline."Omayghad Jassy!Look at me Jassy, just look at me okay?" Maryline said so I nodded and look at her."Put down your hands and stand up ,Just look at me" pag papaalala ni Maryline kaya dahan dahan akong tumayo ng hindi tinitignan ang kamay ko.
"Let's go to the clinic" Aldea said so we head to the clinic.
Janjan POV
"Tara sa canteen" Yaya saakin ni Ekko kaya tumango ako.Habang nag lalakad kami puro tawanan ang maririnig mula saaking mga kasama."Jan, Antahimik mo masyado ah.naninibago ka ba sa grupo?" tanong ni Ekko.Paano ako maninibago eh halos mukha nila lagi kong nakikita."Gago,ako? maninibago sa grupo?unggoy parin naman kayo" sagot ko at nauna ng pumasok sa canteen at pumila.
"1 spaghetti,1 large fries and Coke in can po" magalang na sabi ko sa counter,nang makuha ko ito nag paalam na ako sa tatlo na mag hahanap ng lamesa.Paghakbang ko ng tatlo may naka bangga saaking babae kaya nabasag ang plato na kinalalagyan ng spaghetti.Tinignan ko kung sino ito Si Jasmin lang pala,nang inangat nito ang kanyang ulo nanlaki ang mata nya naparabang nakakita ng multo.
"Ahh..uhhmm...ahh. aish" nagkanda utal utal na dahil sa hindi na n'ya alam ang kaniyang gagawin.Pupulutin ko sana ang mga bubog na kumalat sa lapag ng biglang umupo si Jasmin at dinampot ang bubog, "Jasmin!" Pipigilan ko sana ngunit huli na ang lahat at nasugatan na siya."Ouch!" saad nito ng hindi tinitignan ang kanyang kamay,Hindi ko namalayan na umiiyak na s'ya.Umupo ako sa tapat nya at hinawakan ang kanyang kamay "Stop crying Jasmin,shhh it's okay. Don't cry" pag papatahan ko sakanya.
"Excuse me, excuse me" rinig kong sabi ng isang babae.Kaibigan ata ito ni Jasmin.
Nang makalapit sa harap ang kaibigan ni Jasmin bigla bigla nalang sumigaw "Omayghad Jassy!Look at me Jassy,just look at me, okay?" rinig kong sabi ng kaibigan ni Jasmin kaya tumango naman si Jasmin.Naguguluhan ako why she need to look at her best friend? "Put down your hands and stand up,Just look at me" saad nung kaibigan nya, dahan dahan namang tumayo si Jasmin kaya inalalayan ko."Let's go to the clinic" saad pa ng isang babae at nag simula na silang mag lakad kaya sinundan ko sila.
Nang makapasok kami sa clinic at sinimulan ng gamutin si Jasmin hinigit ko ang isang kaibigan nya."Hey Mister,bakit ba nanghihigit ka nalang bigla bigla? What's your Problem with me?" pagalit na sabi ng kaibigan ni Jasmin.Ang ingay ingay ng kaibigan niyang ito."Hoy Mister kung tatalikod ka lang naman at walang sasabihin,huwag na huwa---" hindi na nya naituloy ang kaniyang sasabihin dahil humarap ako sakaniya at nanlaki ang kanyang mata.May saltik ata itong kaibigan ni Jasmin."Miss bunganga mo mapapasukan na ng langaw" saad ko na nag pabalik sa kanyang huwisyo."Ahmm..Ikaw yung transferee diba?" tanong nito kaya tumango ako ng akmang mag tatanong nanaman ito inunahan ko na s'ya."Can I ask?" tanong ko sa kaibigan ni Jasmin kaya tumango naman ito at nag pacute may saltik talaga ito."Bakit hindi pwedeng tignan ni Jasmin ang kanyang kamay habang dumudugo?" tanong ko sakaniya.
"Kasi may blood phobia si Jasmin" simpleng sagot nito.Paanong nag karoon si Jasmin ng blood phobia?Mag tatanong pa sana ako ng biglang may nag salita sa likuran namin."Maryline,Okay na si Jasmin.Kailangan nalang daw nyang mag pahinga" sulpot ng isang kaibigan ni Jasmin.
"Ako na ang mag hahatid kay Jasmin, Don't worry you can trust me" pag priprisinta ko."Kilala mo si Jassy?" takang tanong ng kaibigan ni Jasmin, ang hinhin."Yes" sagot ko."Okay,Ingatan mo 'yang si Jassy.Pag may nangyari sakaniyang masama ulit babaliin ko buto mo" pag babanta nung Maryline kaya tumango ako.
"Oh sya Jassy, pasok na kami.text mo kami pag nakauwi kana and magpahinga kana rin" saad ni Maryline."Thank you and sorry kasi hindi na kayo nakakain dahil saakin" malungkot na sabi ni Jasmin."Okay lang iyon Jassy ang importante Okay ka" sagot ni Maryline."Ingat kayo" saad nung mahinhin na kaibigan ni Jasmin.
"Let's go" tanong ko kay Jasmin at inalalayan s'yang mag lakad."By the way sorry pala kanina Janjan.Hindi ko sinasadiyang banggain ka" hinging paumanhin ni Jasmin."Don't worry Jasmin it's okay" sagot ko at nginitian siya.
------
"Baby Jas?" tawag ni kuya Harvy at sinabayan ng katok sa pinto ni Kuya.
"Come in" sagot ko kaya naman pumasok na si Kuya na may dala dalang tray na nag lalaman ng pagkain.
"Kumain ka muna bago ka matulog" saad ni kuya ng mailapag nya sa harap ko ang tray.
"Thank you po kuya" pag papasalamat ko at sinimulan ng kumain.
Ansarap talaga ng luto ni Manang Elvie,basta Chicken curry ang lulutuin nya walang makakapantay sa sarap nito.
"Dahan dahan lang baby jassy baka mabulunan ka" saad ni kuya Harvy at tumawa.Gutom na kaya ako.
Nang matapos akong kumain kinuha na ni kuya ang pinagkainan ko at lumabas na ng kwarto ko.
Ang swerte ko sa mga kapatid at kaibigan ko,kahit nagiging suplada ako minsan anjan parin sila para saakin.