Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Moonville Universe: The Blockbuster Cupid

🇵🇭joanfrias
--
chs / week
--
NOT RATINGS
37k
Views
Synopsis
“Sa totoo lang, marami kayong tawag sa akin. Tadhana, Kapalaran, Fate; pero ang pinaka-popular sa lahat… ay Destiny.” Joshua could only stare at the woman in front of him. Destiny? Siya daw ang Kapalaran? And not only that. Gagawin daw siya nito na Human Cupid. It's like the most ridiculous thing he has ever heard. But then, ridiculous turned out to be reality as he really became the cupid she told him he would be.
VIEW MORE

Chapter 1 - . Carla

It was the usual boring graveyard shift for Dr. Carla Labao. It's one of those evenings where there are no vehicular accident or severely ill patient. Wala ring epidemya at hindi naman season ng kung anumang sakit. It is an easy-breezy night at the emergency room of 𝘛𝘢𝘳𝘭𝘢𝘤 𝘎𝘦𝘯𝘦𝘳𝘢𝘭 𝘏𝘰𝘴𝘱𝘪𝘵𝘢𝘭.

She's not the only resident doctor on duty, but she's the only one who's awake at the moment. Her colleagues are all on the on-call room adjacent to the ER. Kailangan lang na may isang doktor na nakahanda kung sakali mang may pasyente na darating. She is the sacrificial lamb tonight.

She takes a sip of her perfectly brewed espresso as Donna, the nurse-on-duty, yawns beside her. Nasa lounge room sila ngayon, sa may likuran ng reception area sa loob ng ER. May maliit din silang pantry at doon tumatambay ang mga staff kung wala silang pasyente.

"Nakakaantok…" ani Donna habang naghihikab at nagsi-stretch ng kamay pataas.

Carla smiled. "Tama na kasi ang kaka-Koreanovela."

Napasimangot naman si Donna. "Hindi pwede."

"O di magtiis kang puyat." Carla took a sip of her coffee once again.

"Ang gwapo ni Lee Min-ho, eh."

"Iyon lang," ang sabi na lamang ni Carla.

Noon pumasok sa lounge area si Lea, isa pang nurse-on-duty nang gabing iyon.

"May interview pala si Papa Joshy ngayon." Kinuha niya ang remote control at binuksan ang TV sa loob ng lounge area.

Carla looked at the TV set. Isang shampoo commercial ang kasalukuyang nakasalang sa telebisyon.

"Joven Pagala Live?" tanong ni Donna.

"Yup," ani Lea. "Kasama si Caitlyn."

"Ay oo! May movie nga pala sila, ano?" tanong ulit ni Donna.

"Yes, sa Valentine's day."

Hindi naman fan ng showbiz si Carla. She watches movies, yes, but she's not a fan of any actor. Local, at least. She's always been a fan of Leonardo DiCarpio ever since she watched the movie 𝘛𝘪𝘵𝘢𝘯𝘪𝘤 when she's in fourth grade. And then, Patrick Dempsey because of the series 𝘎𝘳𝘦𝘺'𝘴 𝘈𝘯𝘢𝘵𝘰𝘮𝘺.

Actually, it was one of the reasons why she wanted to become a doctor. Fourth year high school na siya ay hindi pa niya alam ang kursong kukunin sa kolehiyo. Probably business, or culinary arts? Their family owns some restaurants and she thought that that will also be her fate. It turns out McDreamy was bound to change her destiny.

"Ang tagal naman!" reklamo ni Lea nang magpatuloy ang mga commercial sa TV.

"Konting hintay lang daw at makikita mo na si Papa Joshy," ang sabi naman ni Donna.

Carla knows who Papa Joshy is. She's well aware na panatiko ang dalawang kasama ng artistang si Joshua Socorro. Si Donna at Lea ay dalawa lamang sa libo-libong tumatangkilik sa nasabing aktor na bumida sa napakaraming blockbuster movies at high-rating teleseryes. Pati nga mga commercial, siya din ang laman. He really is a certified matinée idol.

Natapos ang commercials at umere na ang talk show na hinihintay ng dalawang kasama. Na-excite naman sina Donna at Lea na magkatabing nanood ng nasabing palabas.

"We're back, and now, we have with us the phenomenal reel and real-life couple," panimula ng host na si Joven Pagala. "Please welcome Joshua Socorro and Caitlyn Soriano!"

Hindi pa man lumalabas sa stage sina Joshua at Caitlyn ay hindi na magkamayaw ang mga fans sa kakatili at kakasigaw. At lalo pang nagkagulo ang madla nang lumabas na ang magkahawak kamay na love team. Kumaway at ngumiti muna sa mga fans ang dalawa ng ilang sandali bago sila nagtungo sa naghihintay na host.

Nagbeso ang dalawa kay Joven bago naupo sa pang-tatluhang sofa sa may stage. Si Joven naman ay sa katapat na club chair nakaupo.

"Kumusta? Kumusta kayo?" tanong ni Joven sa dalawa.

"Great!" sagot ni Joshua sabay tingin kay Caitlyn. "It's always great to be here on your show," aniya habang binabalik ang tingin kay Joven.

Si Caitlyn naman ang sumagot kay Joven. "Yeah, ang saya-saya lang dito… Ahm..."

"We love you JoshLyn!"

Natawa ang tatlo sa biglang pagsigaw ng isang fan.

"We love you, too," ang sabi ni Caitlyn sabay ngiti.

Kinilig naman ang mga fans sa sinabi ng aktres.

"Oo, kung sino ka man," ang sabi naman ni Joshua.

Itinuro naman ng kapwa fans ang tumili kanina. Binati ni Joshua at Caitlyn ang fan at parang lalo itong na-excite.

"Actually, nagdadalawang isip na nga akong i-guest kayo dito kasi every time na nandito kayo, feeling ko magigiba na ang studio," ani Joven sa dalawa.

Natawa sina Joshua at Caitlyn sa biro ni Joven. Ang mga fans naman ay lalong nag-ingay.

"Iyong parang hindi ito live na late night show. Parang hapon ginawa kasi yung energy nung mga fans ninyo hindi pang late night," dagdag pa ni Joshua.

Pakitang gilas ulit ang mga fans.

"Hindi, pero ang totoo niyan, gustong-gusto kong gine-guest kayo dito kasi that is the only time that I get to see Joshua again," bawi naman ni Joven. At saka nito kinausap ang audience. "For those of you who do not know yet, Joshua is my high school classmate. And since then, sikat na iyan sa school. Pero parang next level na itong ngayon, ano?"

Joshua smiled. "I owe it all to the fans. Sila naman ang talagang dahilan why I'm here today."

Hiyawan ulit ang mga fans.

"Actually, na-miss din kita," ani Joshua kay Joven. Siya naman ang kumausap sa audience. "Si Joven po ang laging nagpapakopya sa akin noong high school."

"Na kinopya ko rin sa kaklase natin," ang sabi naman ni Joven.

Tawanan ang dalawa. Maging si Caitlyn ay nakitawa na rin sa kanila.

"Ano kayang klaseng classmate si Papa Joshy, ano?" tanong ni Lea kay Donna.

"Ang saya siguro noon, ano?" ang sabi naman ni Donna.

Carla took a sip of her espresso once again. If they only know how Joshua Socorro was during high school. Well, Joven said it right. High school pa lang sila ay sikat na si Joshua. Dancer kasi ito, at wala yatang school program na hindi sumasayaw ang grupo nilang Pure Act Dancers. Noon pa man, heartthrob in the making na ito.

But back then, his heart throbs only for someone.

As Joshua and Caitlyn talks about their upcoming movie, Carla can't help but reminisce their good old high school days. Joven has always been the reporter of the class. Lahat yata ng nangyayari sa buong school ay alam nito. Joshua has always been the celebrity. Together with his groupmates, he made a mark on their high school life's history. And then, she has always been the smart Carla who loves studying verging on nerdish and geeky.

But she's not really a nerd or a geek. Hindi naman siya socially inept and irrelevant. Active din kasi siya sa mga activities sa school, bukod pa sa natural na charm na taglay nito noon. She's one of the those 'perfect' students back then – maganda na, matalino pa. Kaya naman kahit puro aral siya noon ay hindi naman siya matatawag na unpopular. She actually managed to steal the heart of the high school heartthrob.

Nagpatuloy naman sa interview si Joven.

"So the premier night will be on the twelfth?" tanong ni Joven sa dalawang panauhin.

Tumango si Joshua. "The premier night is on the twelfth, and then on the thirteenth, simula na ang pagpapakilig ng isang kakaibang istorya ng pag-ibig."

Nagpatuloy na sina Joshua at Caitlyn sa pagpo-promote ng pelikula. Sinabi nila ang iba pang artistang gumanap sa pelikula, ang direktor at sumulat ng kwento pati na rin ang producer nito.

"Any upcoming shows?" tanong naman ni Joven.

"I have a show in Dubai," ani Caitlyn. "It's a Valentine's day concert…" Sinabi nito ang venue at araw ng pagtatanghal nito sa nasabing lugar.

"So hindi kayo magkasama sa Valentine's day?" tanong ni Joven.

"Actually, premier night pa lang," ani Caitlyn.

"Naku, paano iyan, Josh?" tanong ni Joven sa kaibigan.

"Napag-usapan na namin iyan, actually," ang sabi naman ni Joshua. "Pumayag naman siya, Joven, na magsama ako ng ibang date sa premier night. Iyon nga lang, hindi pa namin alam kung sino."

"What do you mean by that?" tanong ni Joven.

"We are actually looking for my date on the premier night of the movie," ani Joshua. "It is open to all female fans."

"Female lang?" tanong naman ni Joven.

Na ikinatawa nina Joshua at Caitlyn.

"Well, kung gustong sumali ng mga guys. Why not, di ba?" ang sabi ng natatawang si Joshua. "Hindi lang kasi siya premier night. Meron din siyang dinner na kasama before the film showing… Early dinner pala kasi seven yung start nung movie."

"OMG!" tili ni Lea sabay tingin kay Donna.

Na-excite din naman si Donna sa narinig. "Friend!"

"So paano makakasali diyan?" tanong ni Joven.

"Just send us the reason why we should pick you as my date sa premier night through email. The address will be shared on the official page of the movie. So iyong mase-select na may best reason or answer or whatever, will be my date on the premier night plus an early dinner before the film showing."

"Wow! That is the most awesome Valentine's day gift!" ang sabi ni Joven. Tumingin siya sa mga audience. "Kaya kung ako sa inyo, mag-construct na kayo ng magandang kuwento para kayo ang mapili na date ni Joshua." Saka siya muling tumingin sa kaibigan. "Ikaw ba ang pipili?"

"Ako ang pipili," ani Joshua.

"With your consent?" tanong ni Joven kay Caitlyn.

"Pwede rin," sagot ng aktres.

"O iyon! Mag-send na kayo ng entries at malay ninyo, kayo ang mapiling date ni Joshua Socorro sa February twelve," ang sabi pa ni Joven.

"Friend! Alam mo na!" ani Lea kay Donna.

"Sorry, pero mas maganda yung story ko," ang sabi naman ni Donna.

"Ay! Hindi ako pakakabog sa iyo, Friend," ang sabi naman ni Lea. "Gagandahan ko iyong kwento ko."

"Mas maganda iyong sa akin," muli'y pagbibida ni Donna.

Natawa na lamang si Carla sa pagkukulitan ng magkaibigan. She looked at the TV and at that moment, Joven is wrapping up the interview. He then introduced a local band to perform the theme song of the movie. Habang tumutugtog ang banda ay fino-focus si Joshua at Caitlyn sa screen.

Nagpatuloy naman sa pagkukulitan ang magkaibigang Donna at Lea.

"Di ba may date ka noon?" tanong ni Donna. "Sa Valentine's day?"

"Valentine's day naman iyon, Friend. February 12 pa naman iyong premier night."

"Eh hindi ba iyon din ang papanoorin ninyo sa date ninyo?"

"Iba naman iyong kasama mo si Papa Joshy," ani Lea.

"Kaya nga ibigay mo na siya sa akin kasi nga ako, wala akong date sa Valentine's day," ani Donna.

It seems nothing has changed. Girls still desire to have a chance to be with Joshua Socorro. It has been like that since high school, and Carla thinks the hype grew more now that he became a national celebrity. There's just one thing that changed, though. Carla once again saw Joshua on the TV, and this time, he was happily chatting with his girlfriend Caitlyn.

Back in high school, she is the girl that Joshua wanted to be with. That is the one thing that changed on him.

"Labas na ako," paalam niya sa dalawang nurse na patuloy pa rin sa pagtatalo kung sino ba ang dapat na maging ka-date ni Joshua Socorro.

Paglabas niya sa ER ay isang babaeng in labor ang nabungaran niya. She immediately attended the patient and gave her whatever help she needs from her.